Homepage/Captured Hearts/
SPECIAL CHAPTER 2
COMFORT
“Good morning, baby boss ko.”
Napangiti ako sa sinabi niya at hinarap siyang muli. Mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi dahilan para mas lumaki ang ngisi niya. “Bangon na.”
Nagpout lang siya at muling pumikit. Nanatili ako sa aking posisyon hanggang sa maramdaman kong gumalaw siya. Lalayo na sana ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin hanggang sa maramdaman kong nakapulupot na ang dalawa niyang braso sa akin.
Napatingin ako sa kaniyang mukha na nakaharap na sa akin. Nginitian niya ako at lumapit sa akin para halikan ako sa aking noo. “Why are you here?”
Sa halip na sagutin ko siya, ibinaba ko ang tingin ko papunta sa kaniyang... Seriously. Promise. Hindi ko sinasadya. Gosh. My innocent eyes.
Napapikit ako at napailing dahilan para marinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Why are you closing your eyes, baby?”
“Joaquin,” sabi ko habang nakapikit pa din.
“What?” painosente niyang tanong. Jusko, ang sarap niyang sapakin.
Bahagya akong lumayo para hindi rin matanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Tinignan ko siya sa kaniyang mukha at tinaasan siya ng kilay. “Naka-live ako.”
“Live?”
“Yeah.” Pinakita ko sa kaniya ang cellphone ko. Nang makita niya ito ay agad na napataas ang kilay niya. Natawa ako ng mahina dahil sa kaniyang reaksyon na maaring makita ng iba dahil sa kaniya nakaharap ang camera ng phone ko. “Naka-live ako sa Picstagram, Joaquin.”
Napapikit siya at mabilis na kinuha ang cellphone ko. “Shit. Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sinamaan ko ang tingin ko sa kaniya habang kinakalikot ang cellphone ko. Siguro ay para matigil na ang live sa Instagram namin. Psh. Expert talaga.
Lumayo ako sa kaniya nang ilapag niya ang cellphone ko sa bedside table niya. Nang tignan niya ako ay napataas ang kilay ko. “Bakit ang sama ng tingin mo?”
Natatawa siyang napailing dahil sa sinabi ko. “Hindi naman, ah. Come on, I want to hug you.”
“No.”
Natatawa siyang tinaasan ako ng kilay. “Bakit naman?”
“You’re topless.”
“So what?” tanong niya na parang nang-aasar pa.
Dahil sa mapang-asar niyang tingin at ngiti, hindi na ako nagdalawang isip pa na hampasin siya sa kanyang hita. Natawa siya ng malakas kaya hindi lang isang hampas ang nagawa ko. Ewan ko kung ilan, basta marami!
“Hey, stop!”
Masama pa rin ang tingin ko nang tumigil ako sa paghampas sa kanya. Natatawa siyang bumangon para mapantayan ang tingin ko. Bahagya niyang ginulo ang buhok niya bago muling tumingin sa akin. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at inabot ang magkabila kong pisngi.
“Stop,” saway ko nang pisil-pisilin niya ang pisngi ko.
Tumigil agad siya at sumandal sa headboard ng higaan niya. Tinignan niya ako bago kuhanin ang unan sa tabi niya at ang cellphone ko na nasa bedside table niya. Parang bata.
Tumayo ako dahilan para mapatingin siya sa akin. “Saan ka?”
“Ikukuha ko lang naman ng damit ang boyfriend ko na matigas ang ulo.” Tinaasan ko siya ng kilay bago ako maglakad papunta sa kaniyang cabinet kung saan ko nakita ang mga sando niya.
“Saan?”
Humarap akong muli sa kaniya. “Anong ’saan’ ang sinaasabi mo? Malamang sa cabinet mo.” Pigil ang tawa niya habang umiiling bago humarap muli sa cellphone ko. Napairap na lang ako bago buksan ang cabinet niya.
“Makapagsaway ka na topless ako pero ang suot mo naman ay ganiyan. Nice, Clea. Kaya mahal na mahal kita, eh.”
Pagkakuha ko sa kanyang sando ay sinarado ko ang cabinet niya. Napatingin ako sa suot ko. Off shoulder blouse tapos short shorts. Bakit ba? Ito ang gusto kong suotin, eh.
Nagkibit-balikat ako bago muling lumapit sa kaniya. Nang makarating ako sa harap niya ay inilahad ko ang dala kong sando para sa kaniya. Napatingin siya sa akin. “Para saan ’yan?”
“Suotin mo. You’re topless, remember?” nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Tinaasan niya din ako ng kilay. “Bakit? Pinagpapalit ba kita para pagsuotin mo ako?”
“Teka lang, ha.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kanyang baba na parang ini-inpeksiyon. “Ikaw ba talaga si Joaquin, ha?”
“Yeah? I’m Joaquin Villanueva. Ang taong mahal na mahal mo kaya naging boyfriend mo.”
Natawa ako ng mahina at inihampas sa kaniya ang hawak kong sando. Binitawan ko siya kaya mas natawa siya ng malakas. Iyon kasi lagi ang sinasabi niya sa tuwing tatanungin ko siya na kung siya ba talaga iyan o kaya kapag inuutusan niya ako at tatanungin ko siya na sino siya para utusan ako. Ang galing ’di ba?
“Suotin mo na ’to. Dami mo pang satsat,” natatawa kong sabi at inilahad kong muli ang sando sa kaniya.
“Isuot mo sa akin,” sabi niya na parang bata at sinamahan pa ng pag-pout. Shocks. Ang sarap kurutin ng boyfriend ko.
At para wala nang maraming satsat, lumuhod ako sa kaniyang kama para maharap siya ng maayos. Binukad ko ang sando para maisuot sa kaniya. Agad kong napansin ang malaki niyang ngisi bago itaas ang kaniyang kamay. Walang hiya, para akong naging baby sitter dito.
Isinuot ko sa kanyang braso ang sando papunta sa kanyang ulo hanggang sa masuot niya ito ng maayos. Muli niyang ginulo ang kaniyang buhok bago humarap sa akin. Hinawakan niya ako sa aking baywang at mas pinalapit pa sa kaniya.
“Tulog tayo,” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“Hindi ba’t kakatulog mo lang?”
“Iba iyon sa ngayon. Dahil ngayon, tutulog ako ng kasama ka.”
“Ang sabihin mo ay napuyat ka dahil sa ginawa natin kagabi,” natatawa kong sabi at tinabihan siya sa higaan. Inakbayan niya ako at kinumutan kasama niya.
Dahan-dahan kaming humiga sa kaniyang kama. Ginawa kong unan ang kaniyang braso at siya naman ay nakayakap sa akin. Nilagay ko naman ang isa kong kamay sa tagiliran niya. “Bakit? Ano bang ginawa natin kagabi?” tanong niya sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko.
“Hindi mo na agad maalala?”
“Iba kasi ang dating.”
“Anong iba?” tanong ko bago tumingin sa kaniya.
Natatawa siyang umiling at hinalikan muli ako sa aking noo. “You’re too innocent.”
“And you’re too random.”
“Kaya bagay tayo.”
“Baliw.”
Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Napangiti na lang ako at mas siniksik ko pa ang sarili ko sa dibdib niya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap kaya napapikit ako. Masaya na ako sa ganito naming posisyon. Hugging him is the best way to make me happy.
“You look sleepy, Clea. Anong oras ka nagising?” tanong niya habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.
“4 a.m..”
“Tapos pumunta ka dito ng...?”
“6 a.m..”
“What time is it now?”
“I think, its quarter to 8.”
“Atat na ata ka sigurong pumunta dito kaya nagising ka ng 4?”
Tinignan ko siya na nakatingin na din pala sa akin. Muli kong nilagay ang kamay ko sa tagiliran niya na kanina ay nasa likod. Napangiti siya nang marahan kong haplusin ang tagiliran niya. Hindi niya alam na...
“Oh fuck! Stop that!”
Natawa ako ng malakas ng lumayo siya sa akin habang ang mukha ay ngiwing-ngiwi. Mas lalo pa akong natawa nang haplusin niya ang tagiliran niya dahil sa sakit na naramdaman niya sa ginawa ko. Napabangon tuloy ako habang tawang-tawa pa din. Napapala ng makapal ang mukha.
“How dare you?” marahan niyang tanong habang nakangiwi pa din. Humina ang tawa ko nang mapansin kong tinalikuran niya ako. Nasa kabilang dulo na din siya ng kama.
“Aww... Paawa effect much, ha?” nang-aasar kong sabi sa kanya at muling natawa ng mahina.
“What? Paawa effect? Bakit kaya hindi ’yang sarili mo ang kurutin mo, ha? Tapos sabihin kong paawa effect? Ewan ko na lang sa ’yo. Baka umiyak ka pa dahil doon.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Teka. Ikaw ba talaga ’yan? Bakit ibang-iba ka ngayon, ha?”
“Ibang-iba? Hindi, ’no. Ganito lang talaga ako matuwa sa ginagawa ng girlfriend ko sa akin,” sarcastic niyang sabi sa akin habang nakatalikod pa din.
Napakamot ako sa aking ulo. Napasobra yata ako ng pagkurot sa kaniya. Teka, pang-ilan ko na bang kurot iyon sa kaniya? The guilt is killing me now. Bakit ba ako nanggigigil?.
Muli ko siyang tinignan. Nakatalikod pa din siya sa akin at parang wala nang planong lumingon pa. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Hahawakan ko na sana siya nang bigla niyang iiwas ang sarili niya.
“Wag mo akong hahawakan.”
“Joaquin, sorry na,” mahina kong sabi sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso. Marahan ko itong pinisil pero hindi niya pa rin ako nilingon. “Joaquin...”
“Ayoko. Tss. Lumabas ka na nga. Kumain ka na lang doon. Nandoon naman si Yaya Lina,” seryoso niyang sabi, making my eyes blurred.
“Joaquin naman,” naiiyak kong sabi sa kaniya at muling pinisil ang kanyang braso.
“Go there, Clea.”
“F-Fine. Baba ka d-din, ha?”
Pinahid ko ang mata ko at unti-unting lumayo sa kaniya. Napasinghot ako bago siya talikuran. Hindi ko naman sinasadya, eh. Natutuwa lang ako sa kaniya. Nanggigigil ako kasi ang cute niya. Hindi ko naman alam na masasaktan din siya sa pagkurot ko. Akala ko kasi okay lang sa kaniya.
Paalis na sana ako sa kanyang kama nang maramdaman kong parang umibo siya. Hindi ko na lang ito pinansin. Baka galit pa din siya, eh. Ang sama ko kasi.
Akmang ihahakbang ko na sana ang paa ko sa sahig nang maramdaman ko ang mabilis niyang paghila at pagyakap sa akin ng mahigpit. Napatakip ako sa aking mukha at tuluyan nang nag-unahan ang luha ko sa pagpatak. Napaluhod ako dahil sa panghihina.
“Ayy, shit. Patay ako kay Daddy nito,” narinig kong sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Hinahalikan niya din ang pisngi at noo ko na parang pinapatahan ako. “Hey, I’m just kidding.”
Umiling ako. “D-Don’t say that it was just a joke. What if nasaktan talaga kita? Ano? Hindi mo pa rin ako pagsasabihan?”
“Yeah.” Hinalikan niya akong muli sa aking pisngi ng matagal. “Hindi kita pagsasabihan dahil alam ko naman na ever since na sadista ka.”
Marahan akong lumayo sa kaniya at hinarap siya. Nginitian niya ako pero nanatili akong nakasimangot. “Nagpapatahan ka ba o nang-aasar pa?”
“Nagpapatahan. Come on, Clea.” Mas lumapit pa siya at muli akong niyakap ng mahigpit. “What I mean there is that, tanggap ko kung sino ka. Sadista ka man o mahinhin, tanggap pa rin kita. Liligawan ba kita kung may problema ako sa pagiging sadista mo?”
Mas lalo lang akong napaiyak dahil sa sinabi niya kaya mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. “Tumigil ka na sa pag-iyak. Hindi ko gustong umiiyak ka ’di ba?”
Tumango-tango ako bago muling lumayo sa kaniya. Pinunasan ako ang mukha ko habang nakatungo hanggang sa maramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko. Inangat ko ang tingin ko para makita siya. Nginitian niya ako at pinunasan ang mukha ko.
“Ang susunod mo na iyak ay sa altar na kasama ko, okay?”
“Napaka-advance mo talaga.”
Inayos niya din ang buhok ko at pinunasan ang aking noo. “Maniniwala ka ba pag sinabi kong nag-iipon na ako para sa kasal nating dalawa?”
“What?” I asked, surprisingly.
Nginitian niya ako at mas nilapitan ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Feeling ko ay nagkulay kamatis ang mukha ko nang makitang nakatingin ang mga mata niya sa akin.
Hindi naman nagtagal ang labi niya sa labi ko at lumayo din pero kahit na gano’n, parang sandaling nahinto ang paghinga ko sa ginawa niya. Samahan pa ng maganda niyang ngiti ngayon.
“A light kiss para sa bagong iyak na baby.”
Napailing ako sa sinabi niya at ako naman ang lumapit sa kaniya. Nakapikit akong niyakap siya hanggang sa mapahiga kaming dalawa. Umayos ako sa pagkakahiga sa tabi niya habang nakayakap pa din. I heard him chuckled making me smile again.
“I love you, Clea,” sabi niya at niyakap na din ako. Naramdaman ko na din ang kumot na bumalot sa aming dalawa.
“Kuwentuhan mo ako.”
“Eh? Walang ‘I love you too’?”
Iminulat ko ang mata ko at tinignan siya. “Later.”
“Ano bang gusto mong ikuwento ko sayo?”
“Anything.”
“Hmm... Wala akong maisip, boss.”
“Okay.”
“You look really sleepy,” sabi niya. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. “You can sleep here in my room. I’m just here.”
“Don’t leave me.”
“Never.”
Napahikab na nga ako dahilan para mas maramdaman ko ang antok ko. Mas siniksik ko ang sarili ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at tuluyan kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa antok.
***
“....mahal na mahal kita. You’re my forever love...”
“...I love you, too, Joaq—”
“Uyy! Kayo daw ang partners!”
Napatingin ako sa aking kaibigan dahil sa sinabi niya. Hindi na kasi ako nakikinig sa teacher namin. Abala ako sa cellphone ko.
“Sino?”
“Siya!” Mabilis niyang itinuro ang daliri niya sa harapan namin. Nang tignan ko kung saan siya nakaturo ay bigla na lamang nagwala ang puso ko.
“OMG!! Sailing!”
“Grabe ka naman!”
“Kakanood mo ’yan ng mga drama!”
Muli akong tumingin sa taong papalapit sa amin. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa dinaraanan niya habang napapakamot sa kaniyang batok. I can’t help myself to touch my cheeks. Bakit parang nahihiya na din ako?
Nang makarating siya sa harapan ko, mas lalong nag-ingay ang mga tao sa gym. Bakit ba sila ganito? Hindi ba nila nahahalata na... nahihiya na kaming dalawa?
“Kyaaahh!! Ang pogi mo talaga!”
“Gusto na kitang yakapin!”
“Sana ako na lang ang partner mo!”
“Hey, girls, stop that. Nandito tayo para sa project niyo this grading,” narinig kong saway ng aming teacher na nasa stage.
Napakagat ako sa aking labi at mabilis na tumayo. Humarap ako sa aking partner at hinawakan siya sa kanyang pulsuhan para hilahin sa kung saan kami pinapa-puwesto ng aming teacher.
Nang makatayo kami ng maayos ay muli ko siyang hinarap. Dahil sa pagkabigla, nanlaki ang mata niya at mabilis na iniiwas ang tingin. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na matawa ng mahina. Komportable ako kapag siya na ang nasa harap ko pero kapag may mga nang-aasar na kaibigan, ewan ko na lang.
“Okay! Start na!”
***
“Hmm....”
Naalimpungatan ako nang makarinig ng mahihinang tawa. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kung ano man ang hinahawakan ko ngayon. Muli akong nakarinig ng mahinang tawa.
“Woy, gising ka na?” tanong ng kung sino man na sobrang lapit sa akin ngayon. Napahikab akong muli saka ko siniksik ang sarili ko sa yakap-yakap ko. Ang bango naman.
“Sabi ko nga. ’Ge, sweet dreams baby boss ko.”
Humikab akong muli at marahan kong inibo ang bawat daliri ng kamay ko. Feeling ko ay ngalay na ngalay ang mga ito ngayon. Sunod kong ginawa ay ang pagkapa sa kung anong meron. May nakapa akong... matigas.
“Shit. Ano kayang napapaginipan nito? Ako kaya?” natatawang tanong ng kung sino man. I think, same person na nagsalita din kanina.
Napahawak ako sa aking ulo at marahan itong kinamot. Sunod kong ginawa ay ang pagkusot ko sa mga inaantok ko pang mga mata. Dahan-dahan akong umibo para makalayo sa kung ano mang matigas sa tabi ko. Bato ba ’to?
Humikab akong muli hanggang sa maisipan kong buksan na ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin faded yellow na kisame. Nang humarap ako sa kanan ay isang bedside table kung nasaan ang cellphone ko. And when I faced my right side, nakita ko si Joaquin na naka-hoodie na color blue with white shorts at nakatingin sa kanyang cellphone. Napansin ko din na nakaakbay siya sa akin.
Arghh. Naalala ko na. Nandito nga pala ako sa bahay nila at nakatulog ako sa kama niya.
“What time is it now?”
Mabilis siyang humarap sa akin with a bright smile. “It’s almost 12 now?” patanong niyang sabi at muling tumingin sa kaniyang cellphone.
Nasapo ko ang aking noo at dahan-dahang bumangon. “Bakit hindi mo ako ginising? Nakakahiya—”
“Kanino? Kina Mommy and Daddy?”
Humarap akong muli sa kaniya. Nilapitan ko siya at dahan-dahang humiga sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko kasabay ng mabilis na tibok ng puso niya na rinig na rinig ko. Ganito pala ang epekto ko sa kanya.
“Hindi kaya sila magalit na nakatulog ako dito?” tanong ko sa kanya bago ako tumingin sa mga kamay ko. Napataas ang kilay ko sa nakita ko.
“Hindi naman sila magagalit. Tuwang-tuwa pa nga sila, eh. At saka, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nakita mo na pala sina Mom and Dad kanina. Buti na lang mabait ka at hindi nagtataray kanina.”
Hindi ko na siya pinansin at tinanggal ang kumot na bumabalot sa akin. “Bakit ganito na ang suot ko?”
Why am I wearing a costume? Hindi naman ito ang suot ko kanina! As far as I remember, nakasuot lang ako ng blouse and shorts tapos may ganito nang kasama? OMG. Don’t tell me...
Mabilis akong humarap kay Joaquin na nakatingin lang sa akin. Maya-maya ay napangiti siya bago humarap muli sa kaniyang cellphone. Sinamaan ko ang tingin ko sa kanya at hinampas siya sa kaniyang tiyan.
Natatawa siyang humarap sa akin. “What?”
“Bakit ganito na ang suot ko? Don’t tell me... Arghh, Joaquin!”
Naiiling siyang bumangon bago itaas ang kanyang kamay. Napahawak na lang ako sa aking noo nang pitikin niya ito. “Don’t look at me like that na parang may ginawa ako sa ’yo.”
“Wala ba?” Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi ko. Shit. Bakit parang....
“Nanghihinayang?”
“No way!” mariin kong tanggi bago tumayo at umalis sa kaniyang kama.
Muli kong tinignan ang sarili ko. Cute naman yung costume. Bunny costume na may hood pa. Color white at may kulay pink sa bandang tiyan. Longsleeves at hanggang sa sakong ang haba. Sa likod, may nakabilog din na nagsisilbing buntot ng costume.
“You really looks so cute there, Clea.”
Napalingon ako kay Joaquin dahil sa sinabi niya. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo sa higaan at nakatapat ang cellphone niya sa akin. Napa-cross arms ako at tinaasan siya ng kilay.
“Sino’ng may sabing puwedeng mo kong kuhanan ng picture?”
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at tinaasan din ako ng kilay. “What? Kailangan ko pa bang magpaalam sa ’yo?”
Marahan akong umiling bago ituro ang cellphone na hawak niya. “Put it down.” Napasimangot siya sa sinabi ko pero sumunod pa din. Nice.
Napangiti ako bago siya talikuran. Naglakad ako papunta sa kaniyang cabinet para kuhanin ang bagay na kakakita ko lang kanina. This thing is memorable for me. Naaalala ko siya na hindi ako kayang tiisin at gagawin ang lahat para hindi na ako magalit pa.
Bumalik ako sa puwesto ko kanina, sa tabi ni Joaquin, na may pagtataka sa mukha habang nakatingin sa bagay na hawak ko. “Ano’ng gagawin mo diyan?”
Hinarap ko siya at hinawakan sa ulo para lumingon sa akin saka ko sinuot sa kaniya ang hawak kong bunny headband. Napahawak ako sa kaniyang pisngi at pinisil-pisil ito. “Ang cute mo na din.”
“Mga trip mo sa buhay, tigilan mo.”
Umayos ako ng pagkakaupo sa tabi niya. Kinuha ko ang phone niya at dumaretso sa camera. Tinutok ko kaagad ito sa amin. “Lahat naman ng trip ko kasama ka,” sabi ko at pinindot ang camera kahit na nakasimangot pa siya. Natawa tuloy ako.
“Delete it.”
Natatawa akong sinunod siya bago siya harapin. “Smile na kasi please?”
“How can I resist, my girl?” Naiilng niyang sabi at nilagay ang kamay sa hood ng costume ko. Natawa na lang ako ng isuot niya ito bago ako hawakan sa baywang. “Ready.”
Muli akong natawa bago humarap sa camera. “Smile!”
I took a lot of picture na parang mga addict kami sa selfies. Iba’t ibang shots. Ang iba ay nakapout kami, peace sign, naka-wink, and my favorite na hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi lang kami addict sa pictures, addict din kami sa isa’t isa.
Nakakahawa ang ka-corny-han ni Joaquin.
“Can I post this now in our account?” tanong ko sa kanya habang tinitignan ang mga picture namin.
Napasimangot na lang ako nang agawin niya ang kaniyang phone sa akin. “Later na lang. I’ll be the one to upload it.”
Nagkibit-balikat na lang ako bago humiga sa kaniyang dibdib dahilan para marinig kong muli ang mabilis na tibok ng puso niya. Napangiti na lang ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko at marahan itong hinahaplos. Medyo nakakakiliti.
Busy ako sa paglalaro sa tali ng kanyang hoodie nang may maalala ako. “Sino pala ang nagsuot nito sa akin?”
Napatingin ako sa kaniya nang hindi agad siya sumagot. Napataas ang kilay ko sa aking nakita. “What’s with that face? Are you sick?” Agad kong kinapa ang kaniyang batok pero hindi naman siya nilalagnat. Bakit siya namumula? “Hey, are you okay?”
Napakagat siya sa kaniyang labi at iniiwas ang tingin sa akin. “Y-Yes.”
“Okay? So sino ang nagsuot nito sa akin? Si Mommy Shine ba o si Yaya Lina?” tanong kong muli sa kaniya.
Napasimangot ako at humarap muli sa kaniya nang hindi niya pa rin ako sagutin. Napansin ko ang mas pagkagat niya sa kaniyang labi at may pagpikit pa. “Hey! Nagtatanong lang naman ako!”
“A-Ako.”
“Anong ikaw?”
“Ako ang nagsuot niyan sa ’yo.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bahagya akong lumayo sa kaniya dahilan para mas lalong makita ang kaniyang ekspresyon. “Ginawa mo ’yon ng mag-isa?”
Tumango-tango siya at nahihiyang napakamot sa kaniyang batok. “Galit ka ba? I just want you to wear it para hindi masyadong expose ang katawan mo kahit nandito—”
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi na labis niyang ikinagulat. “Thank you for taking care of me, Joaquin.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat