logo text

AMUSEMENT PARK Part 2

Napayakap ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang daming mga palaro dito sa loob ng amusement park. Marami ring stuff toys na puwede mong maging prize. Bukas pa din ang mga extreme rides pinipilahan pa din ng karamihan.
I want to ride in a roller coaster.
“If I’m just your boyfriend, ang dami ko nang nasabi tungkol sa suot mo ngayon.”
Lilingunin ko pa lang sana si Joaquin sa likod ko nang maramdaman kong may nilagay siya sa balikat ko. Kaya naka-long sleeves na lang siyang pumunta sa harap ko. “Sorry boss,” sabi ko.
Napailing na lang siya bago lumuhod sa harapan ko at hawakan ang isa kong paa. Nagtaka ako nang tagtagin niya ang heels ko habang sinusuot ko ang kaniyang coat. “What are you doing?”
Pinakita niya sa akin ang tsinelas na dala niya. “Mas maganda kung ito na lang ang suot mo.”
“Eh? Wearing your coat and a dress?”
Napangisi siya at pinakita sa akin ang kanyang paa. “I’m your partner right?” Natawa ako ng mahina nang makitang naka-tsinelas din siya. Nice. I’m not the only one.
Tuluyan niyang tinagtag ang heels ko at inilagay ito sa tabi ko. Siya na din ang nagsuot ng tsinelas sa akin bago tumayo. Tinaas ko naman ang braso ko kung saan nakalawit ang mahaba niyang coat.
“Pakitupi naman?” nakapout kong sabi dahilan para matawa siya. Sinunod niya ako without questioning me. Well, he just saw me pouting.
After niyang ayusin ang sleeves ng coat niya sa akin ay tumayo na din ako. Tinignan ko ang paa ko. Sakto sa akin ang tsinelas na dala niya. Paano niya kaya nalaman ang size ng paa ko?
“Are you ready?”
Tinignan ko siya at nginitian. “Ready na!”
“Where do you want to go first, boss?”
Kinuha ko ang heels ko bago lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at hinila siya papunta sa gusto kong puntahan kanina pa. I found something that really caught my interest.
“Uh, Clea?”
Napalingon ako kay Joaquin na biglang nagsalita. Nasa tapat na kami ng isang dart game. May mga balloons sa kabilang side ng stall at ang mga prizes ay nasa isang tabi. Ang nagma-manage naman ay nakasuot ng bunny suit at may headband pa. Ang cute lang.
“I want the hats over there, Joaquin!” excited kong sabi sa kanya as I start to pull his long sleeves. Once kasi na nakatatlo kang putok ng balloons using the darts, dalawa makukuha mo yung dalawang sombrero!
Hindi ko pinansin ang pagkakamot niya sa kaniyang ulo nang itulak ko siya papunta sa lalaking may bunny suit. Tapos na rin naman kasing maglaro ang mukhang mag-asawa kanina. Nakakuha sila ng teddy bear. OMO.
“He’ll be the one to play!” sabi ko nang tumapat kami sa lalaki. Humarap ako kay Joaquin. “Give him the payment!”
“Why are you so hyper?” naiiling na sabi ni Joaquin habang kinukuha ang wallet sa bulsa. Napangiti na lang ako at humarap sa mga nakahilerang balloons.
Napahawak ako sa aking baba at mariing tinignan ang mga lobo. “Hmm... Hit the red balloons, Joaquin.”
“What? Demanding ka? Puwede namang iba’t ibang kulay.”
Humarap ako kay Joaquin nang naka-cross arms at nakataas ang kilay. “Kanina ka pang kontrang-konta sa akin, ah. Tell me, kaya mo ba?”
Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang darts sa lalaking medyo natatawa na sa amin. Nang tignan ko siya ay agad siyang tumahimik at humarap sa mga lobo. Naku, Kuya. Badtrip ako sa kasama ko, wag ka nang sumama.
Tinaas ko ang kamay ko habang nakatingin sa kulay pulang lobo. Pero bago ko patamaan ito ay humarap ako kay Joaquin. Nanlaki ang mata niya at ibinaba ang kamay ko. “I’m not a balloon.”
Natawa ako ng mahina. “I’m not going to hit you. But let’s have a deal.”
“Deal?” tanong niya habang nakataas ang kilay.
“Yup,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “You’re going to treat me many foods later when I hit three balloons consecutively.”
“Wow. Consecutively?” nakangisi niyang sabi na parang hindi ko talaga magagawa.
“Deal na ba ’yan?”
“Ahuh? And what if hindi ka makatama or dumaplis ng isa?”
“Hm... I’m going to treat you a date once I’m back from Laguna.”
“I want more than a date, Clea.” Nilapit niya ang kaniyang mukha sa tenga ko. “I want a kiss every hour in our date.”
Tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala. “Wow. Every hour? Adik ka rin, ano?”
Nakangisi siyang nagkibit-balikat at humarap sa mga balloons. “Just hit the red balloons consecutively, Clea.”
Napangisi na din ako at agad na sinipat ang mga kulay pulang lobo. Muli kong tinaas ang kamay ko nang makita ko ang target ko. Ngumisi akong muli at mabilis na binato ang dart na hawak ko.
“What the hell?”
Natawa ako ng mahina nang marinig ang reaksyon ni Joaquin. Well, I just hit the red balloon na napapaligiran ng ibang kulay. Okay next target.
Muli kong pinatamaan ang red balloons na napapaligiran ng iba pang kulay. Napatalon ako sa tuwa ng matamaan ko ang lahat ng ito. OMO. Wala pa rin akong palya!
Humarap ako sa nakangangang si Joaquin na nakatingin sa mga lobong pinatamaan ko. Tinapik ko ng mahina ang kaniyang pisngi bago humarap sa lalaking nagbabantay ng dart game. Natatawa siya ng mahina.
“Nice one, ma’am. Ano’ng gusto niyong prize?”
“The hats over there, Kuya!!”
Natatawa namang lumapit si Kuya Bunny sa tinuturo ko bago bumalik sa tapat namin ni Joaquin. “Ito na ma’am. Congrats!”
“Thanks!”
Humarap ako muli kay Joaquin na nakasimangot na nakaharap sa akin. “How did you do that?”
“I don’t know.”
Natawa ako ng mahina at pinasuot sa kaniya ang hawak kong sombrero. Sinuot ko naman ang para sa akin. Medyo weird na outfit ko ngayon pero bahala na!
“Come on, Joaquin! Tara na sa food stalls!”
Kinuha ko ang kamay niya at hinila ito papunta sa favorite kong donuts pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sombrero sa ulo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magbayad sa lahat ng kakainin ko. Well, it’s a deal.
Nakasimangot man siya dahil hindi matutuloy ang gusto niya, nakikitaan ko pa rin ang mga mata niya ng saya at pagkamangha. He keep on staring me while I’m eating and talking. How adorable I am!
Pagkatapos naming kumain, nag-try pa kami ng iba pang laro. Halos natatalo ko siya sa ibang games kasi parang pinagbibigyan niya ako. Pero lamang siya sa akin sa basketball. Bukod sa volleyball, magaling din pala siya sa basketball.
Sumakay din kami sa iba’t ibang rides. Siyempre, halos siya ang nag-i-initiate dahil natatakot ako lalo na kapag naririnig ko ang sigawan ng ibang tao. Isinama pa niya ako sa horror house!
Wala na siyang nagawa kung hindi ang matawa nang matawa tapos ako naman ang nakasimangot. At dahil baka yayain naman niya ako sa drop tower ay inaya ko na lang siyang maglakad-lakad sa labas ng amusement park. Ngiting-ngiti pa din siya.
“Are you going now?” tanong niya sa akin habang inaalalayan ako sa paglalakad sa white lines.
Sandali ko siyang tinignan bago muling magtuon sa daan. “Maybe. Magpapahinga lang ako ng kaunti then we’ll go to school dahil ni Kuya Ryan.”
“Okay.”
Lumiko ako kami ng daan dahil doon papunta ang white lines. Then I found out na isang park ang napuntahan namin. Mas napangiti ako at binitawan ang kamay niya para mauna sa pag-upo sa bench. Natatawa siyang naupo sa tabi ko.
“Parang gusto kong iuwi ka sa bahay ngayon,” nakangiti niyang sabi habang titig na titig sa akin.
Hinampas ko siya sa kanyang braso dahilan para matawa siya ng mahina. “Hindi pa nga tayo tapos iuuwi mo na agad ako sa bahay niyo?”
“So? May chocolates naman doon. You want?”
“Puro ba toblerone?”
“Yup. So, tara na?” tanong niya at inilahad ang kamay sa akin.
Natatawa akong hinampas ang kamay niya. “Baliw ka ba? Hindi ka ba natatakot kay Papa at Kuya Shawn?”
“Hindi ka na mabiro.”
“Biro? Bakit parang seryoso ka?” nakangisi kong tanong sa kaniya.
Napangisi siya at mas dumikit sa akin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako. Pero nilagay niya ang isa niyang kamay sa aking likod at agad akong kinabig papalapit sa kaniya.
“I’m always been serious since I meet you.”
Napatitig ako sa mga mata niya. Para na naman akong hinihigop papalapit sa kaniya pero bago pa iyon mangyari ay hinampas ko siya kaagad sa kaniyang dibdib. Agad siyang lumayo.
“Not that close!”
“Ang damot!” singhal niya at sinamaan ang tingin sa akin habang naka-pout.
“Hindi ako madamot!”
“Madamot ka! Kanina ka pang nagdadamot!”
“Hindi sabi, eh!”
“Hindi ka madamot? Kiss mo nga ako dito!” sabi niya at tinuro ang kaniyang labi. Muli ko siyang hinampas.
“Kapal mo! Nanliligaw ka pa lang! Baliw ka!”
“Eh ’di, yakap na lang!” Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para mapairap siya. Parang bata. “See? Madamot ka!”
“Hindi nga sabi!” gigil ko pa ding sabi sa kaniya.
“Tsk.” Napa-cross arms siya at humarap na sa unahan. Magkasalubong ang kilay at naka-de-quatro pa. In fairness, ang lakas talaga ng dating ng lalaking ’to.
Tinitigan ko na lang siya, nagbabaka sakaling tignan niya akong muli. He seems uncomfortable because of my stare pero hindi pa rin niya ako tinignan. I poke him on his shoulder pero no afford. Nag-pout ako.
“Joaquin, ayaw mo na sa akin?”
“Hindi,” sagot niya, nakaharap pa din sa unahan.
“Tingin ka na sa akin,” sabi ko, poking him again in his shoulder.
“Ayaw.”
“Parang bata talaga.”
“Madamot ka.”
“Minsan lang.”
Natawa ako ng mahina nang irapan niya akong muli. Gosh. Nanggigigil na naman ako sa lalaking ito. Who can be so cute and handsome at the same time? It’s only him. Joaquin Villanueva.
Nang ma-sense kong hindi niya talaga ako papansinin, naglabas na kasi siya ng cellphone niya, ako naman ang lumapit sa kaniya. Natawa ako ng mahina nang hayaan niya akong ilagay ang mga braso ko sa pagitan ng mga braso niya. Niyakap ko siya mula sa kaniyang likod.
Nang isiksik ko naman ang ulo ko sa braso niya, para silipin ang kaniyang ginagawa sa kaniyang phone, ay hinayaan niya akong muli. Then I found out that a camera is waiting for me.
“Nice one, boss.”
Kinurot ko ang kanyang tagiliran. “Daming alam.”
“Siyempre, si Clea ang kasama ko, eh.”
Natawa na lang ako ng mahina at pinanood ang kanyang ginagawa sa phone niya. Minsan nakikialam ako pero hindi niya ako sinasaway. Subukan niya lang naman, uuwi siyang may pasa ngayong gabi.
Nakakapikit-pikit na ako habang nakayakap sa kaniya nang mapansin ko ang pag-open niya ng kanyang music. Sandali siyang nag-swipe doon at tumigil sa isang pamilyar na kanta. He reach my face and pinch my cheeks.
“Can I have this dance again, my Clea? Nabitin ako kanina.”
Natawa ako ng mahina bago humiwalay sa kaniya. Tumayo naman siya at kinuha ang kamay ko para hilahin patayo. He place his hands on my waist as I place my hand in his nape. He turned on the music sa cell phone na hawak niya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
He’s singing.
“You sing... really well. How did you learn that?” marahan kong tanong nang tumigil siya sa pagkanta.
Nagkibit-balikat siya. “Remember what I’ve said? I start and learn new things because of you.”
“Ganyang kagandang boses? Hindi ’yan bago, ha.”
Napangiti na lang siya at napailing as we dance together. Nginitian ko na din siya bago ako sumandal sa kaniyang dibdib. Ibinaba ko ang kamay ko at niyakap siya. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ang aking noo bago idikit ang kaniyang pisngi.
“Alam mo ba kung gaano ako kasaya nang makilala kita? No words can define how glad I am when I met you. Paulit-ulit man, hindi ako magsasawang sabihin sa ’yo na sobrang saya ko dahil nakilala kita. Hindi ako magsisisi na sa ’yo ako nahulog.”
“I don’t know how to explain what I feel for you. Every time na nakakasama kita, every time na nakikita ko ang mga ngiti mo, more on na naiisip kong angkinin at alagaan ka. I can’t promise you everything, but keep my words kapag sinabi kong kapag nalulungkot ka, kapag walang naniniwala sa ’yo, kapag gusto mo nang sumuko sa lahat ng bagay, nandito lang ako. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Clea Darleane Fernandez Sanchez, mahal na mahal kita. You’re my forever love.”
Naluluha akong tumungo at sandaling pinahid ang mga palabas na luha sa mata ko. Tumigil kami sa pagsasayaw kaya tinunghay ko na ang mukha ko para tignan siya. Nag-aalala naman siya hinawakan ang pisngi ko para punasan ito.
“W-Why are you crying?”
Umiling ako at dahan-dahang hinawakan ang mukha niya. “Can you say it again? The last two sentence, Joaquin.”
Nakita ko ang paglunok niya. Huminga siya ng malalim at sinalubong ang tingin ko. “Clea Darleane Fernandez Sanchez, mahal na mahal kita. You’re my forever love.”
Napangiti ako at tumingkayad para pantayan siya. “Aishiteru, Joaquin Villanueva.”
“W-What?”
Napangiti ako at dahan-dahang nilapitan ang kanyang mukha. Halatang nagulat siya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa baywang ko. “I said....” sabi ko at tinapatan ang kanyang labi. “I love you, Joaquin Villanueva.”
Napapikit ako matapos kong sabihin ang bagay na iyon. Alam kong nagulat siya pero kahit na ganoon ay hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ng puso ko.
Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na ang bagay na hinihintay ko. Mabagal na parang iniingatan niya ang bagay na ito. Napangiti ako at tinugunan ang halik na binibigay niya sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam ng salitang pagmamahal. Ang sarap sa pakiramdam na, sa wakas, nasabi ko na din ang mga salitang isinisigaw ng puso ko.
Hindi na ako mag-isa ngayon. Kasama ko na ang taong aalagaan at mamahalin ko. He may not be the perfect man in this world but he make me feel complete every time I spend every second of my life.
In this world full of different amusement park, here I am, loving my forever love.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata