CHERISH

Napanganga ako nang makitang may bitbit si Manang pagkapasok niya sa kuwarto ko. Isang malaking kahon na mukhang galing sa Ample dahil sa tatak at silver na paper bag na mukhang mamahalin.
Inilapag ito ni Manang sa higaan ko bago lumabas. Nakanganga pa din ako habang nakatingin sa mga dala ni Manang. Ang bilis din ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga ito. Mukhang mamahalin ang dalawang ito.
“Bakit hindi mo buksan ang mga iyan, Clea?” sabi ni Mama na nakatayo sa tabi ko. Tinignan ko siya bago tumango.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalapit ko ito sa silver na paper bag. Pinasok ko doon ang kamay ko at inilabas ang matigas na bagay na nakapa ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pares ng silver na sandals at may 3 inches na takong.
Hinawakan ko itong dalawa bago tumingin kay Mama. “What is this for?”
Natawa siya ng mahina at itinuro ang kahon na parihaba at sobrang laki. “Open the box. Siguro mas malilinawan ka.”
Muli akong tumango bago tumingin sa kahon. Binitawan ko ang sandals na hawak ko at hinawakan naman ang kahon na nakalapag sa higaan ko. When I take the lid of the box, my eyes widen. Mabilis akong napalingon kay Mama.
“Mama.” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Baka magkamali ako. Baka maling akala lang. Baka mapahiya lang ako dahil alam kong hindi puwede.
Natawa ng mahina si Mama at tinabihan ako sa aking higaan. Kinuha niya ang sandals na hawak ko kanina. “Kasya kaya ito sa ’yo? Kaya mo kaya ang ganito kataas? Sabi ko kasi sa Papa mo, 6 inches ang kuhanin, eh.”
“Mama naman.” naiiyak kong sabi sa kaniya, hindi dahil sa 6 inches na sinabi niya, kung hindi dahil sa pagpapaligoy ni Mama.
Sunod niyang hinawakan ang laman ng kahon. Nilabas niya ito dahilan para mas makita ko pa ito ng malinaw. Isang off shoulder cocktail dress. Kumikinang-kinang ito dahil sa disenyo nito. May ibang kulay din sa mismong palda ng dress, red and white. Napansin ko din na parang see through ang nasa tapat ng pusod nito paikot.
It makes my heart beat fast, really. I don’t know what is this for. Tanggap ko na, eh. Bakit may paganito? Pinapaasa yata ako ni Mama, eh. O baka si Papa din? Ang gulo.
Nilapag ni Mama ang dress sa kahon bago tumingin sa akin. “Nag-usap kami ng Papa mo tungkol dito. Actually, siya ang nag-initiate na mag-usap kami. He prepared a video habang nasa biyahe siya papunta sa Laguna.”
Inilabas ni Mama ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa bago ito ibigay sa akin. Agag kong ni-play ang video na nakalagay dito. Bumungad ang nakangiting mukha ni Papa sa video habang nakasakay sa kotse.
“Hi, anak. Siguro nakita mo na ang mga hinanda namin sa ’yo ng Mama mo. Naguguluhan ka siguro? Well, kami din naman, lalo na ang Mama mo.”
“No’ng una, yes, hindi kami pumayag. Pinapili ka namin. But nang maalala ko ang nangyari sa amin ng Mama mo, nakuwento na ba niya sa ’yo? Ang sweet ko, ano? Joke lang, ’nak.”
Natawa ako ng mahina, gano’n din si Mama, habang pinapanood namin ang video ni Papa. Kahit nga siguro ang pinakaseryosong tao ay marunong pa rin mag-joke o tumawa. I’m so lucky to have my Papa, and Mama too.
“Nang maalala ko iyon, naisip kita. Yung mga tanong namin kanina, para diyan talaga iyan. Nahalata mo ba? Red, white, black, crystal, high, and light. Yung iba hindi mo pa nakikita pero bahala na diyan ang Mama mo.”
“Sabi mo naman, kaya mo, hindi ba? You can handle yourself, right? Kaya hindi ka namin pipigilan. You’re maybe late, pero puwede pang humabol anak.”
“Mahal na mahal ka namin ng Mama mo kaya hindi namin ipagkakait ang mga bagay na magpapasaya sa ’yo. Hindi namin ipagkakait sa ’yo ang mga bagay na ipinagkait sa amin dati. We love you, anak. Mamaya mo na lang ako pasalamatan.”
Agad kong niyakap si Mama sa sobrang sayang naramdaman ko. Natawa naman ng mahina si Mama habang hinahaplos ang buhok ko. Kung nandito lang si Papa ay yayakapin ko din siya. Siguro nga, mamaya na lang kapag nasa Laguna na ako.
“Are you surprised and happy?”
Tinignan ko si Mama at tumango-tango. Pinahid ko ang takas na luha sa mata ko. “Sobra, Mama. I’m so much thankful, too. Thank you sa inyo ni Papa.”
“So bakit hindi ka pa maligo para masuot mo iyon? I promised to your Papa na dapat may picture akong isesend sa kaniya. Gusto ka niyang makita na nakagayak.”
Tumango-tango ako kay Mama at muli siyang niyakap. Hinalikan ko din siya sa kaniyang pisngi sa sobrang saya ko. Tumayo ako at dumaretso sa CR pero bago ako pumasok ay muli akong humarap kay Mama.
“Thank you ulit, Mama.” Nginitian niya ako at tinanguan kaya dumaretso na ako sa pagpasok sa CR.
Buong oras na nasa sa CR ako ay nakangiti ako. Napapakanta pa ako sobrang excite at saya. Iniisip ko na kung ano ang unang gagawin ko at una kong pupuntahan. Nandoon din kaya siya?
Pagkalabas ko ng CR ay nakita sina Mama at Manang na hinahanda ang mga gagamitin ko. Nandoon ang black, with red ang white color, off shoulder cocktail dress. Ang silver na sandals na pinag-iisipan ko kung kaya ko. May make up kit na din at may nakita pa akong panlagay sa buhok na may design na crystal. Ito na siguro ang sinasabi ni Papa.
“Oh, Clea. Are you ready?”
Tumango ako kay Mama kaya nilapitan na nila ako. Pinaupo nila ako sa isang upuan na katapat ng make up kit ni Mama at sinimulang ayusin ang buhok ko. Kinulot nila ang dulo ng buhok ko bago ilagay ang clip.
Sa make up, si Mama ang nag-asikaso sa akin. At tulad nga ng sinabi ko ay light lang ang pagkakalagay nito. Sunod nilang pinagawa sa akin ay ang pagsusuot ng dress. Inalalayan pa din nila ako hanggang sa pagsusuot ko ng sandals.
Sh*t. Ang tangkad ko na!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa whole body mirror sa kuwarto ko. Napanganga ako nang makita ang hitsura ko sa salamin. Nagpa-sway-sway pa ako.
Hindi ako makapaniwala. Parang nasanay ako sa sadist look ko sa school at hindi sa princess look na ito. Buti na lang wala akong muscles.
“Are you ready to go?”
Lumingon ako kay Mama at nginitian siya. “Picture muna for Papa.”
“Oh. I almost forgot.”
Nilabas ni Mama ang kaniyang cellphone at binigay ito kay Manang para kuhanan kami ng picture. Parehas kaming ngiting-ngiti habang nagpo-pose sa harap ng camera.
Humarap sa akin si Mama at marahang pinisil ang pisngi ko. “You’re so beautiful, anak. Manang-mana ka talaga sa Mama mo.”
“Pero kapag narinig ’yan ni Papa, sasabihin niyang sa kaniya ako nagmana.”
“Hayaan mo na lang siya.”
Natawa kaming dalawa ng mahina bago lumabas ng kuwarto. Thankful na lang na hindi ako natatapilok sa taas ng suot kong sandals. Mas sanay kasi ako sa flat lang, eh.
Pagkalabas namin ng bahay ay nakahanda na agad ang kotse na sasakyan ko. Siyempre, si Kuya Ryan ang driver ko na nakangiti din sa akin. “Ang ganda naman ng alaga namin.”
“Thank you, Kuya.”
Humarap ako kay Mama at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. “Shall I go?”
Tumango si Mama sa akin kaya lumapit na akong muli sa kotse. Pinagbuksan ako ni Kuya Ryan ng pinto bago ako pumasok. Sasaraduhan na sana ito ni Kuya Ryan nang pigilan siya ni Mama. Tumingin ako sa kaniya.
“Do you have your partner, anak?” tanong ni Mama sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko at piniling magkibit-balikat sa tanong ni Mama. “I’m not sure if he’s there, Mama.”
Nginitian ako ni Mama at may inilahad sa aking nakarolyo na tela, kakulay ng dress kong suot. May red and white stripes kasi ito sa dulo. “Bring this one. Baka nandoon ang partner mo.”
Tumango ako kay Mama at muli siyang hinalikan sa kaniyang pisngi. “Okay. Thank you ulit, Ma.”
Nginitian niya ako bago lumayo sa kotse. Sinaraduhan naman ito ni Kuya Ryan bago pumasok sa loob para paandarin ang kotse. Napatingin naman ako sa necktie na hawak ko bago ito ilagay sa purse ko. Sana nga, nando’n siya.
Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang papunta kami sa school. Tinatap ko ang mga daliri ko sa purse ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ko lang ito naramdaman kahit wala naman nakakakaba. Ang bilis lang talaga ng tibok ng puso ko.
Hanggang sa makita kong nakatapat na sa school ang kotseng sinasakyan ko. Dahan-dahang inayos ni Kuya Ryan ang pagkakapark sa kotse bago tumigil. May ilang napasok pa rin at mula dito ay naririnig na ang malakas na music.
Gosh.
“Clea, nag-text pala ang Mama mo.”
Humarap ako kay Kuya Ryan. “Ano po ’yon?”
“Hanggang 11 ka lang daw ng gabi. Ako din ang maghahatid sa inyo sa Laguna kaya hihintayin kita dito sa labas.”
“Ha? Ano ’to? Cinderella story?” Kaso 12 midnight naman ang kay Cinderella, eh.
“Iyon ang sabi ng Mama mo, eh. Para makapagpahinga ka pa rin daw.”
Tumango-tango na lang ako bago hawakan ang pinto ng kotse. Huminga ako ng malalim bago ito buksan. Muli akong humarap kay Kuya Ryan. “Thank you po sa paghatid sa akin dito.”
Nginitian niya lang ako kaya nagpatuloy na ako sa paglabas sa kotse. Woah. Parang nakikisabay ang beat ng music sa loob sa beat ng puso ko. Para tuloy akong timang na nakatayo dito.
“OMO, Clea. Please calm down,” bulong ko sa sarili ko. Huminga akong muli ng malalim at nagsimula nang humakbang papasok sa loob.
As I took my steps papasok sa loob ng school, nararamdaman ko ang mga titig ng nadadaanan ko. Napakagat na lang ako sa aking labi at hindi na lang sila pinansin. Shit. Ano ba’ng meron?
I don’t know where to go. I don’t know what to do. I don’t know why I’m here. Ang alam ko lang ay nakapasok na ako at mas marami pang mga mata ang nakatingin sa akin. Hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko!
Dapat ko na ba silang tawagan? Pero, paano naman nila maririnig ang kanilang mga cellphone kung ganito kalakas ang tugtugan? Kasalanan ’to ni Ian. Paano ko nasabi? Inagawan niya kasi ng puwesto ang hired DJ!
At dahil hindi ko na kaya ang mga paninitig ng karamihan ay pinili kong dumaretso sa CR. Para akong pusang magtatago dito! Puwede bang dito na lang ako?
Humarap ako sa salamin sa CR at tinignang muli ang sarili ko. Maayos pa naman ang make up sa mukha ko. Wala namang dumi sa dress ko. So, why are they staring at me?
Napatalon ako sa gulat nang magbukas ang isa sa mga cubicle dito. Humarap ang babaeng kakalabas lang sa cubicle, na nakasuot ng black dress, sa salamin dahilan para makita niya ako. Nanlaki ang mata niya.
Humarap ako sa kanita dahil sa pagkailang. “Hey, Cyril.”
“O..M...G,” sabi niya at dahan-dahang lumingon sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “I-Is that you?”
“Yeah? It’s me. One and only,” pagbibiro ko sa kanya.
Nakanganga siyang lumapit. Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ako sa aking braso na larang kinakapkapan ako. Muli siyang tumingin sa akin. “OMG. You’re real.”
“Bakit?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Akala ko ba hindi ka makakapunta?” tanong niya din sa akin. Muli akong nagulat nang yakapin niya ako. “Buti na lamang at nandito ka na! Balak kasi nilang ibigay sa akin lahat ng kanta, eh!”
Napailing na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Akala ko naman kung ano. Iyon lang pala naman iyon. Oh, well. Okay lang. Parang mas trip ko ngayong kumanta na lang.
“Bakit ka nga pala nandito? Kakarating mo lang ba?” tanong ni Cyril pagkahiwalay sa akin.
“Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaibigan ko.”
“Eh? Sa Music Club muna tayo! Matutuwa sila kapag nakita ka nila.”
Hinawakan niya ang kamay ko at sinimulang hilahin ako palabas ng CR. Sumunod na lang ako dahil baka mabali pa ang takong ng suot ko. Mukhang mamahalin pa naman.
Hinila niya ako sa isang mini stage kung saan nagmumula ang malakas na music. Nagkakagulo na din ang mga MC members at nagtuturuan kung sino ang susunod na kakanta.
“Hoy! Bakit kaya hindi naman ikaw?” turo ni Ian sa nakaupong si Ten.
“What? Hoy! Para sabihin ko sa ’yo, nakalima na ako! Ikaw, tatlo pa lang!”
Nasapo ko na lang ang noo ko. Ang gugulo ng MC kahit hindi halata sa maamo nilang mukha. Parang mga bata na nagtuturuan.
“You don’t have to worry who will be the next to sing for us!” anunsyo ni Cyril na katabi ko dahilan para maglingunan ang MC members sa aming dalawa. Agad kong napansin ang pagkamangha sa mukha nila nang makita ako.
“Shit, pre. Ang ganda. Ako muna ang mag-aaya sa pagsayaw sa kanya, ha?” Napataas ang kilay ko nang lumapit si Ian sa akin at inilahad ang kamay. “Ako pala si Ian, miss.”
Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay sinapok ko na lang siya. Agad akong nakarinig ng malakas na tawanan mula sa kaniyang likod. “Ang bulok mo, pre!”
Humarap si Ian sa likod. “Pa-hard to get lang ito!”
“Malamang! At saka, may partner ka na, Ian!” sabi ko sa kaniya dahilan para muli siyang humarap sa akin.
“Hala, kaboses mo si Clea.”
“Siya naman kasi si Clea, eh,” sabi ni Cyril na nakapout na sa tabi ko. Ayan, bahala ka na diyan, Ian.
“Eh?”
Muli kong hinampas si Ian. “Ako nga ’to. Si Clea.”
Napangiwi si Ian at hinawakan ang brasong hinampas ko. “Oo na. Naniniwala na.”
“Nice. Suyuin mo na partner mo,” sabi ko at itinuro si Cyril na aalis na sana sa tabi ko. Buti na lamang ay pinigilan siya ni Ian.
“Akala ko hindi ka makakapunta? What brought you here, little sister?”
Humarap ako kay Ten na kakalapit lang sa amin. Natawa ako ng mahina at nagkibit-balikat. “I don’t know?”
“Ahuh? Maybe, hinahanap ka na ng mic natin. Wanna sing for us?” Inilahad niya ang kamay niya na agad kong tinanggap. Natatawa akong lumapit pa sa ibang members ng club para batiin sila.
Pinakita sa akin ni Ten ang jar na may mga papel pagkalapit namin sa mini stage. “Bunot na. Minsan lang ’to.”
“Hindi mo naman siguro ako pakakantahin ng limang kanta?” tanong ko habang pinapasok ang kamay ko sa jar. Kumuha ako ng isang papel at binigay ito sa kaniya. Binigay niya ang jar sa isang member at binuksan ang papel.
“A request from your girl best friends.”
“Oh?”
Tumango siya at inilahad ang kamay sa akin. Kinuha niya ang purse ko bago ako umakyat sa mini stage. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang kabuuan ng venue bago ako maupo sa upuan ng mini stage. Nakita ko na din ang mga kaibigan ko na hindi makapaniwalang nakatingin na sa akin.
Tumikhim ako bago hawakan ang mic na nasa tapat ko. Mas inilibot ko ang tingin ko pero...
“A song request from my best friends.”
Hayssttt. Where is he?
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mic na hawak ko habang inililibot ko ang tingin ko. Nagsimula namang tumugtog ang background ng music kaya wala na akong nagawa kung hindi ang mag-focus na lang.
Fine. Siguro nakauwi na siya o hindi siya um-attend?
Napangiti ako nang magsimula akong kumanta, lalo na nang may magpuntahan sa gitna para isayaw ang mga partner nila. Nakita ko din si Hazel at Dariel na nakangiti sa isa’t isa. Si Dylan naman, nakasimangot habang kasayaw si Maxien. Ikaw ba namang kasing pilitin, eh.
Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid, nagbabakasakali na makita siya. Hanggang sa mapako ang tingin ko sa drink station ng party habang kinakanta ang chorus. May lalaking nakatayo doon at nagtitingin ng mga drinks. Bumilis ang tibok ng puso ko.
He’s there. I know, its him.
Likod pa lang niya ang nakikita ko pero ganito na agad ako. Nakangiti na parang baliw, mabilis ang tibok ng puso kahit hindi naman tumakbo. Gosh. Why like that. What are you doing, my heart?
Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang tumigil siya sa kanyang ginagawa at bahagyang lumingon kung nasaan ako. Pero agad din niya itong binawi dahilan para makaramdam ako ng lungkot.
Nakita niya kaya ako? Nakilala? I don’t know.
Matapos ang pagkanta ko ay agad na nag-sub si Ian para hindi masira ang atmosphere ng mga nagsasayaw sa gitna. Using his soft voice, hindi na napansin ng mga nagsasayaw na hindi na ako ang kumakanta. Focus na sila sa partner nila, eh.
Tinanggap ko ang kamay ni Ten habang nababa ako sa mini stage. Nginitian niya ako. “Great job. Puntahan mo na muna ang mga kaibigan natin. Nandoon na din ang purse mo.”
“Hindi na ba ako kailangan dito?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Bahala na. Baka ipaubaya ko na sa DJ ang music para makapagsaya ang iba.”
Natawa ako ng mahinaa sa kaniyang sinabi at hinampas siya sa kaniyang braso. “Ang sabihin mo ay para masayaw mo na si Bianca.”
“Maybe? Sa totoo lang, I don’t know how to initiate,” nahihiya niyang sabi sa akin habang nakatingin sa kung saan. Nang sundan ko ito ng tingin ay napangiti ako.
Muli akong humarap sa kaniya at tinapik siya sa kaniyang braso. “Ikaw ang lalaki, Ten. Hindi si Bianca ang magyayaya na magsayaw kayo.”
“Okay, fine.” Napabuntong-hininga siya at ako naman ang tinapik sa braso. “Wish me luck.”
Mas napangiti ako habang sinusundan siya ng tingin habang papalapit kay Bianca. Halata namang nagulat si Bianca kay Ten pero pumayag din ito. They’re both shy to each other.
Nang makitang nasa gitna na sila Ten at Bianca, ako naman ay lumapit na sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko. Ang dalawang couples lang ang nandito. I wonder kung nasaan ang iba.
“OMG! It’s really you, Clea!”
Natawa ako ng mahina nang sumigaw si Maxien nang makita ako. Tumayo silang dalawa ni Hazel at nilapitan ako para yakapin. Ang gaganda nila ngayon. Too inspired.
“Yeah. It’s really me. Bakit ba parang hindi kayo makapaniwala?” tanong ko bago maupo sa upuan. Bumalik naman sila sa tabi ng mga partners nila.
“You pulled out to much attention, Clea. You’re so beautiful,” komento ni Dylan habang nakatingin sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Thank you, Dylan.”
“Mas maganda pa sa akin, love?” naka-pout na tanong ni Maxien sa partner.
Natawa ng mahina si Dylan at nilapitan ang mukha nito para halikan sa pisngi. “You’re the goddess, my love.”
“Ka-corny-han niyong dalawa,” natatawang sabi ni Dariel na katabi ni Hazel. Napailing na lang si Dylan habang si Maxien ay tuwang-tuwa.
“By the way, akala namin hindi ka makakapunta? Did you cancel the quiz bee?”
Humarap ako kay Hazel at umiling sa kanya. “No. Pupunta pa rin ako sa Laguna later.”
“Gano’n? Huwag ka naman sana masobrahan sa pagod.”
“Oh? Nag-aalala ka ba talaga, Maxien?”
“Grabe ka. Minsan lang ’yon kaya sulitin mo na.”
Natawa ako ng mahina hanggang sa may maalala ako. “Nasaan ang iba? Bakit kayo lang at si Ten ang nakikita ko?”
“Si Shawn nandoon.” Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng venue na itinuro ni Maxien. Nakaupo si Kuya Shawn at katabi niya si Catherine. Parehas ding nahihiya sa isa’t isa.
“Si Zavion at Rachel naman, hindi na tinantanan ang pagkain doon.” Natatawa akong lumingon kung nasaan ang dalawang tinutukoy ni Hazel. Aba nga naman. Nagsusubuan pa, eh.
“What about Kyle? Akala ko ba nasa table lang siya dahil walang partner?” natatawa kong tanong pagkalingon ko ulit sa kanila.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin namin.” Nilunok muna ni Maxien ang isinubong cake bago muling magsalita. “Meron na siyang partner!”
“Seriously? Akala ko ba si Lannie lang ang gusto?”
“Perfect ka diyan, besh!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Hazel. “OMO. You mean...?”
“Lannie Martin, the supermodel, is here!”
“Wow! I’m so happy for him!” nakangiti kong sabi sa kanila. Well, it’s too unexpected. Yung pag-aaya palang iyon ni Kyle sa cellphone ay matutupad. Siguro naawa si Lannie sa kaniya.
“Hey. At the back!” bulong ni Hazel sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Sinasabi mo diyan?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
Tumuro siya sa aking likod kaya mas napataas ang kilay ko. Napansin ko na din ang nakangising mga mukha nina Maxien, Dylan at Dariel sa akin. Ano’ng ibig sabihin ng mga tingin nila na iyon?
Aasarin ko pa sana sila na nababaliw na sila pero agad kong napansin ang dalawang braso sa magkabila ko na nakahawak sa lamesa, ang isang kamay ay may hawak na wine glass at may kulay red na laman. Base sa suot niyang kulay itim na coat, paniguradong lalaki ang nasa likod ko.
I’m was about to face at him when something stopped me from doing it. Bago pa ko makalingon sa likod ko ay may naramdaman akong lumapat sa pisngi ko. A soft thing that makes my heart beat fast.
Unti-unti kong naramdaman ang paghiwalay nito sa pisngi ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ng malalim na paghinga sa tenga ko. Naamoy ko din ang paghinga niya na parang kakainom niya lang ng kung ano or yung something red sa baso niya.
“Aren’t you going to ask them where I am, baby?”

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata