Chapter 23 (Part II)

Dumulog na kami sa hapag at nagsimulang kumain.
"Your Kuya will be here in a minute." ani Kiel.
"Uuwi ako?"
Tumango siya. "Hindi siya pumayag na dito ka matulog." ako naman ang tumango.
"Possesive Kuya." dugtong niya.
"Possesive Monsters." pabulong ko naman na sinabi.
Saktong natapos ako sa pagkain ay tumunog ang door bell. Si Kiel na ang tumayo para tignan kung sino yun. Sumunod ako sa kanya.
"Let's go Mika." bungad sa akin ni Kuya.
"Magpapaalam lang ako kina Kyla." sabi ko at pumasok ulit sa loob para magpaalam nga sa dalawang naiwan sa dining area.
Kinuha ko ang bag ko sa sofa at lumabas.
"Bye Kiel." ngumiti ako sa kanya.
"Tss." lang ang sinagot niya. Hmp sungit! Anong problema nito? Napaka moody!
Nakangusong inirapan ko nga siya at mabilis na sumakay sa kotse ni Kuya. Nag-usap pa muna ang dalawa bago sumakay si Kuya at nagmaneho.
At ang lalaking yun hindi manlang talaga nagpaalam sa akin! Sabagay ano bang meron sa amin? Wala naman di ba? Kaya dapat nga siguro ay maging formal lang din ako sa kanya. Okay.
"Hindi mo alam kung anong meron bukas 'no?" tanong ni Kuya habang nagmamaneho.
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ano bang meron?" tanong ko.
"Hindi mo talaga alam?" tinignan ko siya ng masama.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?"
Tumawa si Kuya. "Grabe ikaw pa talaga ang hindi nakakaalam?" bakas na ang pang-iinis sa boses ni Kuya.
"Ano nga kasing meron bukas?"
"Alamin mo." nakangising ani kuya.
"Paano ko malalaman?" naiinis na ako.
"Ewan." tumawa si Kuya. Kahit talaga kailan walang kwenta kausap!
Nagkibit balikat na lang ako. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay at pagbuksan ni Manang ng gate ay wala akong kibo dahil iniisip ko kung ano bang meron bukas.
Nakakainis naman kasi hindi pa sabihin kung ano eh!
Pagpasok sa loob ay naabutan kong sinusuklayan ni Mama si Mia.
Lumapit ako at hinalikan sila. Aha! May alam kaya si Mia?
Umalis si Mama at naiwan kami ni Mia sa sala. Pagkakataon na para magtanong ako.
"Mia, anong meron bukas?" agad namang nag-angat sa akin ng tingin si bunso.
"Pupunta lang naman daw tayo sa bahay nila Kuya Nic eh." inosenteng sagot niya.
"Aano naman daw tayo dun?"
"Di ba po Birthday ni Kuya Nic?" nanlaki ang mata ko sa narinig. Birthday niya? Bakit hindi ko alam? Bakit sila alam nila? Hala naman ang daya!
Nawalan ako ng kibo at umakyat na sa kwarto ko. Binaba ko ang bag ko sa side table at binukas para kunin yung phone ko, pagkapa ko ay yung box ang nahawakan ko.
Now I know kung bakit maaga akong namili ng Christmas gift para sa'yo. At hindi ka na aabot sa pasko dahil bukas ibibigay na kita sa kanya.
Napangiti na lang ako sa naisip ko. Is it coincident o fate na bumili ako ng regalo para sa kanya?
Naligo ako at nagpalit ng pantulog. Hihintayin ko mag 12 para batiin siya.
TIKTOK
TIKTOK
TIKTOK
Hayys inaantok na ako, tumingin ako sa wall clock at pasado alas dies pa lang.
Nagpasya akong bumaba muna para uminom ng tubig. Papasok na ako ng kusina ng may marinig akong mga kaluskos sa na parang nanggagaling sa labas. Dahan-dahan akong sumilip doon at nakita ko ang isang anino na sumakay sa kotse, kung hindi ako nagkakamali ay si Papa yun pero aano siya ng ganitong oras? At bakit ganoon ang suot niya?
Nakalimutan ko na kung anong pakay ko, nagmamadaling umakyat ulit ako sa ikalawang palapag ng bahay at marahang pinihit ang seradura ng pinto sa Master's Bedroom. Walang tao roon, ibig sabihin wala si Mama, Papa o kahit si Mia. Pero nasaan sila? Agad akong lumabas at pumunta sa guest room kung saan natutulog si Manang. Sumilip ako at nakitang naroon si Mia, natutulog sa tabi ni Manang.
Kwarto naman ni Kuya Michael ang sunod kong pinuntahan, at katulad ng kwarto nila Papa ay wala din doon si Kuya. Pumihit ako patalikod at agad na pumasok sa Master's Bedroom.
Out of curiosity, nagtuloy ako sa walk in closet. Gumala ang mata ko roon at awtomatikong hinanap ang dating hagdan na nakita ko sa likod ng mga damit pero pader lang ang nakita ko, walang hagdan pababa.
Naghanap ang mata ko at nakita ko ang isang parang maliit na button na nasa ibaba ng painting, kataka taka lang kasi kung bakit may painting doon ganung natatakpan naman iyon ng mga damit.
Pinindot ko ang itim na button at napanganga ako ng unti-unting bumaliktad ang pader hanggang sa tuluyang bumukas at lumantad ang tagong hagdan pababa.
Dinunggol ng kaba ang dibdib ko at napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
Pigil hininga ng itapak ko ang paa ko sa unang baitang ng hagdan. Dalawa, tatlo, apat hanggang hindi ko na mabilang ang hakbang na ginawa ko bago ko narating ang dulong baitang.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang madilim na pasilyo. Ramdam ko na makipot iyon at parang nasusuffocate ako.
Pinapawisan na ako sa kapangahasang ginagawa ko. Naging maingat ang pagkilos ko hanggang sa wakas ay makaaninag ako ng liwanag.
Sandali pang nag adjust ang mata ko sa liwanag na tumambad.
At nang sa wakas ay nasanay ang paningin ko ay namangha ako sa aking nakita.
Billiard table, gaming machine, darts, iba't-ibang uri ng mamahaling alak. May pinto sa gilid, pinihit ko ang pinto niyon at tumambad sa akin ang malawak na parang training area, pero ang iba't-ibang uri ng armas ang nakaagaw sa atensiyon ko. Parang goma ang sahig. Napapalunok na sinarado ko ulit pinto.
Sa dulong bahagi ay may isa na namang pinto. Bakit may ganito sa bahay namin? Kaya ba ganito ang disenyo ng bahay namin dahil sa underground na ito?
Yung design kasi ng bahay namin ay yung mataas? I mean gate tapos may medyo malawak pang space bago hagdan, ilang steps pa yun bago yung main door namin. So meaning mataas yung sahig namin kasi may hagdan muna bago yung main door eh. Gets niyo ba? Elevated Design. Basta ganun haha.
Pero bakit nga kaya may ganito ang bahay namin? At bakit hindi ko alam?
Napatingin ako sa malaking painting na nakasabit sa pader. Family picture iyon. Si Lolo at Lola, si Papa, si Tito Melvin at ang isa pang lalaki na hindi ko kilala. May kapatid pa bang iba sila Papa? Lahat sila ay pawang mga kagalang-galang sa kanilang pormal na suot. Idagdag pa ang napakaseryoso nilang mukha. Ganoon yata talaga dati, hindi uso ang pagngiti kapag pictorial.
Wala sa sariling binukas ko ang pinto at dilim na naman ang bumungad sa akin. Sa kaba ay naisara ko na lang ulit iyon.

Komento sa Aklat (421)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata