Chapter 80 (Part III)

I don't want to be over acting but I have this feeling na kapag umalis siya.. Matatagalan ang pagbalik niya. O baka nga hindi na siya bumalik pa, kasi alam ko na ilang beses na din silang nag-away ng Daddy niya about them.. staying in the America, for good. Na ayon mismo sa kanya ay ilang beses niyang tinanggihan dahil mas gusto niya dito sa Pilipinas.
"I like it better here, narito ang buhay ko, ang lugar na ito na ang nakasanayan ko, I love the climate, nandito din ang mga kaibigan ko.. At syempre.. You're here, and that's the most important reason for me to stay."
Tandang-tanda ko pa na iyan ang sagot niya one time nasa bahay nila ako nang biglang mag long distance call ang Daddy niya, pagbalik niya sa garden kung saan niya ko iniwan para sagutin ang tawag sa telepono ay halatang wala na siya sa mood, hindi ako nagsalita, tinanong ko lang kung okay siya at hindi ko inaasahan na mag-oopen up siya sa 'kin about doon. Palagi kasi ay ayaw niyang pag-usapan ang kung ano mang misunderstanding na meron sila ni tito Kier. And I respect him, ayokong pilitin siya.
"Naalala ko lang yung sinabi ni lola tungkol sa 'yo." gusto kong tuktukan ang sarili dahil iyon ang naisip kong palusot.
"What about me?" nakataas ang dalawang kilay na tanong niya, mababakasan ng kaba ang itsura niya. Gusto kong matawa kasi sa mga oras na 'to alam kong kung anu-ano na ang naiisip niya.
"Wala naman, ang weird lang kasi parang kilala ka na niya noon pa." tinignan ko siya pero nagulat ako dahil pagharap ko ay..
*CLICK!*
*CLICK!*
*CLICK!*
Sunod-sunod na shutter sound ng camera ang sumalubong sakin. Ang nakakainis pa dun ay sunod-sunod na tawa naman niya ang pumalit. Nameywang ako at tinignan siya ng masama. Alam kong mukha akong tanga sa mga shots kaya siya tawa ng tawa.
"Kiel Dominic Fuentabella!" nagbabanta ang pagtawag ko sa kanya na sinagot lang niya ng tawa habang nagpipipindot sa camera.
Letse!
"Arrrg! Tumakbo ka na hangga't may lupa!" pagkasabi ko nun ay hinabol ko siya para agawin yung camera pero dahil matangkad siya kaya ang lalaki ng biyas niya. Yung takbo ko ilang hakbang lang niya, binilisan ko ang takbo kaya napatakbo na rin siya. . Ng paatras, nakaharap sa akin habang tumatawa.
"Go PB! Kapag nahabol mo ako may premyo ka!"
"Anong premyo? Iyong pabor na pabor sa iyo?!" natatawa din na tanong ko.
"Kuha mo!" tinuro niya pa ang daliri niyang nakaporma na parang baril sa akin, kasabay ng pagkindat ay tatlong beses niyang inasta na pinapaputok iyon pagkatapos ay hinipan pa ang dulo ng hintuturo.
Ang yabang!
Sa porma ng kamay at paraan niya ng pagtakbo paatras, alam na alam kong kinukuhanan niya ng video ang ginagawa namin.
Tignan lang natin..
Mas binilisan ko ang takbo dahilan para mataranta siya. At hindi nga ako nabigo, nahawakan ko ang dulo ng manggas ng damit niya pero kamalas-malasang na-out of balance siya at napahiga, ako naman tong si lampa ay nadala dahil sa bigat niya, napapikit ako sa takot na mangudngod sa lupa, pero sa gulat ko ay dumiretso ang mukha ko sa..
Lintik ano 'to?
Napapikit ako lalo. Matigas, dibdib ba' to?
Unti-unti kong pinakiramdaman ang bagay na iyon gamit ang pisngi ko. Matumbok!
*Lunok..*
Kinabahan ako, dahan-dahan kong minulat ang isang mata ko at..
"WAAAAAAAAAAAAAH!" agad akong napatayo!
*TUG DUG..*
*TUG DUG..*
*TUG DUG..*
*TUG DUG..*
*TUG DUG! *
*TUG DUG! *
Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit sa dami ng mangungud-nguran ko ay doon pa?!
"Ahhh! Shiiiit!" bubulong-bulong na sabi ni Kiel habang hindi malaman kung paanong hawak ang gagawin sa parte ng katawan niya na iyon. Halos gumulong siya sa damuhan. Hindi siya nakapag react agad kanina dahil siguro nagulat din siya sa nangyari at ngayon pa lang niya naramdaman ang sakit.
"S-sorry.. A-ano.. I-ikaw kasi, eh.." lumuhod ako sa harap niya at akmang hahawakan iyon pero bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko para pigilan.
"Don't." mariing aniya. Doon pa lang ako parang natauhan. Bakit ko hahawakan?! Arrrg bwisit! Nasanay yata ako na ganoon ang paraan ng pagcocomfort kapag may taong nasaktan ng pisikal. Nakalimutan ko tuloy na hindi pala tama na hawakan iyon.
"A-ano... Na--nabasag ba?" inosente kong tanong. Napatingin siya sakin at lalong namula ang mukha at tenga.
"Ayaw mo bang magkaanak sa 'kin?" parang natatawa nang tanong niya pero ako ay guilty pa rin. Paano ang lakas kaya nung impact! Syempre tumatakbo kami tapos bigla kaming natumba,' di ba?!
Napanguso ako, still feeling guilty. Naalala ko dati kung paanong namilipit si Kuya Michael at Kuya Vincent sa training room noong nasipa ko sila sa sensitibong parte na
'yon ng kanilang katawan. Nakita kong maluha-luha sila pareho, si kuya kinutusan ako at nagalit talaga sa akin, eh. Hindi ko naman sinasadya na masipa. Si Kuya Vincent naman ay nagpagulong-gulong sa sahig habang hawak 'yon pero hindi naman nagalit sa akin. Nagkatawanan pa nga kami sa huli.
"Sorry.. Ikaw naman kasi nagpapahabol ka pa. Sana binura mo na lang agad yung picture." ang haba na ng nguso ko.
"That was an accident, okay? I'm not blaming you. A-ano.." bigla siyang nautal bandang huli.
Tinignan ko siya, lalo siyang namula. "Ano?" tanong ko.
"May n-naramdaman ka ba?" parang nahihiya at kinakabahan na tanong niya. Pakiramdam ko din tuloy ay sobrang pula na ng mukha ko lalo na nung pumasok sa isip ko na kinuskos ko pa ang pisngi ko sa parteng iyon para lang hulaan kung saan ba sa parte ng katawan niya ako napasubsob.
"Alin? Yung matigas na parang matumbok? Ano ba yun? Teka?! May tinatago kang baril?!" bigla ay nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig, lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Bumaba ang tingin ko sa parteng iyon. Kaya siguro ganoon na lang kasakit ang dulot niyon sa kanya dahil may baril pa lang nakasuksok doon!
"Ano? May baril ka ba kakong dala?!" handa na akong magalit pero..
"BWAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE! AHHH! HAHAHAHAHAHAHAHAHA! BA--HAHAHAHAHA! BARIL?! HAHAHAHAHA! THE FVCK!" grabe ang saya saya niya. Bored akong tumingin sa kanya habang nakataas ang gilid ng nguso.
"Mukha ba kong nagpapatawa, ha? Fuentabella?!" nameywang ako sa harap niya ngunit sa halip na masindak ay lalo lamang siyang natawa.
"Seryoso ka sa tanong mo na yan?" tumatawa pa din na tanong niya.
"Look. Nakakulong na si Misael kaya hindi mo na kailangang magdala ng baril." nagpapaunawang tugon ko sa kanya. Seryoso maging ang tono ng pananalita ko, ngunit ng makapag-isip ay biglang nangunot ang noo ko. "Engot ka din naman kasi, di ba sa tagiliran sinusuksok 'yun? Pero teka, tawa ka ng tawa, eh. Baril nga ba kasi talaga yun? Hindi ka na sumagot diyan! Panay tawa!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo baril nga PB. Pero kakaibang baril." mas lalong nanlaki ang mata ko sa narinig. Anong klaseng baril naman 'yun?! "Kasi tong baril ko.. Kaya kang bigyan ng maraming anak." bulong niya sa tenga ko dahilan para kilabutan ako..
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng maunawaan ang sinabi niya.
Pero.. Bakit naman ganoon kalaki yun kung ganoon?
Napalunok ako sa naisip at sunod-sunod na umiling.
"Bastos!" pinaghahampas ko siya sa braso, talagang pumatong pa ako sa ibabaw niya para lang mahampas siya. Ang loko tawa pa ng tawa! Naglikot ako lalo para maabot ang ulo niya, gusto ko siyang sabunutan at kutusan!
"Hey stop.." tumatawa pa din na aniya pero hindi ko siya pinansin, kagat ang labi sa sobrang gigil na pilit kong inaabot ang buhok niya pero panay ang salag niya. Malilintikan ka talaga sakin Fuentabella! Makikita mo kung gaano ako kasadista sa mga manyak!
Ngunit napatigil ako ng bigla ay mahuli niya ang parehong kamay ko. Unti-unti ay tumingin ako sa mga mata niya para lamang mag-panic! Ang loko saan nakatingin to?! Sinundan ko kung saan nakatingin ang mata niya hanggang sa huminto iyon sa parteng iyon ng katawan ko, sa pagitan ng dalawang hita. Naka dress ako! At nakalilis na iyon kaya kitang-kita ang mga hita ko at halos sumilip na din kung ano mang naroon na hindi dapat makita.
"PB.." sunod-sunod ang naging paglunok niya.
"B-bitawan mo 'ko." nauutal, nahihiya at kabadong tugon ko.
"You don't have cycling or shorts inside that dress.." hindi iyon tanong kundi isang kompirmasyon. Malamang sa malamang ay nakita na niya na nakapanty lang ako. Hindi ko kasalanan! Hindi ko kasi makita ang mga cycling ko, masyado namang mahahaba ang mga shorts ko para ipangdoble sa dress na suot ko ngayon. Nagtama ang paningin namin ng mag-angat ako ng paningin. Ngunit nanlaki ang mata ko ng astang titingin ulit siya sa ibaba.

Komento sa Aklat (421)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata