Malaki ang ngiti ng mga kaklase, kaibigan at pamilya ko sa amin habang naglalakad kami sa gitna. Lahat ay kakilala ko maliban sa dalawang naiibang pahabang lamesa kung saan naroon ang pamilya ko, si Zachareus at Mommy niya at ang pamilya ni Kiel ngunit bukod sa kanila ay may ibang tao pa na naroon kasama nila pero hindi ko kilala, maganda din ang pagkakangiti nila sa amin at mukha silang kagalang-galang at may sinasabi sa buhay. Naging napakahaba sa pakiramdam ko ang ginawa naming paglalakad palapit sa stage, may dalawang kahoy na upuan sa pinaka gitna ng stage, pula ang mismong upuan at sandalan niyon, halatang inilaan ang upuan na iyon para sa akin at sa escort ko na nasisiguro kong si Kiel. Nagkalat ang waiter dala ang pabilog na aluminum tray kung saan nakalagay ang kopita ng wine, tubig o juice. Mahaba ang lamesa ng mga iba't-ibang putahe ng pagkain kung saan may mga taong nakabantay para mag-assist sa mga bisitang kukuha doon ng pagkain. Nagsimulang magsalita ng kung anu-ano si Pepper, nag-umpisa muna iyon sa isang maikling panalangin na sinundan ng pagtawag niya sa bawat miyembro ng pamilya ko para sa birthday dedication. Pigil luha ako sa makabagbag damdamin nilang speach. Panghuling tinawag si Donya Esmeralda, kasalukuyan ng tapos sa pagseserve ng pagkain ang mga waiters ng catering service na kinuha nila mama. At ngayon ay tumayo na nga si lola para magsalita. Sumigabo ang palakpakan, daig pa talaga ang debut pero naiintindihan ko na ginagawa nila ito hindi lang bilang pasasalamat dahil sa kaligtasan naming lahat kundi para makalimutan ko kahit papaano ang pangit na karanasan. Gusto nila akong pasayahin. "Good evening everyone, It's an honor to have you all here tonight. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong inilaan na oras para sa isang napaka importanteng okasyon na ito sa aming Pamilya. Dahil ngayong gabi ay hindi lamang kaarawan ng aming si Mikaella ang ipinagdiriwang kundi ang isang napaka halagang tradisyon na namana pa namin sa aming mga ninuno." tumingin sa akin si lola, alam kong may pagtataka nang mababasa sa mukha ko ngayon. Hindi ko alam ang sinasabi ni lola! "Tonight as the mother of Saavedra Enterprises, I am proudly present to you our pieces of gem." masayang anunsyo ni lola, naagaw ang pansin namin ng isang magandang babae tulak ang isang lamesang de gulong na kinalalagyan ng salaming kahon, may kulay pulang ilaw iyon dahilan para mahirapang makita ang kung ano mang nakalagay sa loob. "Thank you, Miss Kriza." sabi ni lola sa babaeng nagdala ng sinasabing pieces of gem. Yumuko ang babae bago umalis. Nakita kong nagsilapitan lahat ng pamilya ko. "But before that, nais kong ipakilala sa inyo ang bago ngunit lumang miyembro ng aming pamilya." sabi ni lola, ironic ang sinabi niyang iyon ngunit kung iintindihin ay mauunawaan ng sinomang makaririnig. "Ang isa sa mga apo ko na dahil sa isang pangyayari ay hindi namin agad nakilala bilang totoong pamilya. Nais kong kuhanin ang gabing ito upang iharap at ipakilala siya sa buong mundo, people, let us all welcome my grand son. . Mr. Zanderius Saavedra, son of my son Melvin Saavedra." Oo, anak nga siya ni Tito Melvin at tita Cynthia, buong akala nila ay si Misael ang nakabuntis dati kay tita Cynthia, unang nakilala ni Misael si tita, agad siyang nagkagusto sa babae at niligawan pero nang makilala ni tita si tito Melvin ay agad nahulog ang loob nila sa isa't-isa at hindi nagtagal ay lihim na nagpakasal, nang malaman ay lubos na nagalit si Misael at ginahasa niya si tita, hindi agad inamin ni tita sa lahat ang nangyari dahil ayaw niyang masira ang relasyon nila ng asawang si tito Melvin pero sa huli ay nalaman din nito at ipinagtapat dahil noong mga panahon na iyon ay buntis na si tita at si Misael ang pinaghihinalaan niyang ama. Bagama't masakit iyon para kay Tito Melvin ay tinanggap niya at tulad ng napagkasunduan ay ibinigay ang sanggol kay Misael matapos ipanganak. Hindi daw sila naghinala sapagka't kamukha ni Misael si Zander habang lumalaki ngunit nang magbinata ay nag-iba ang itsura at ngayon nga kuhang-kuha nito ang dugong Saavedra. Pati ako ay nakangiting pumalakpak habang naglalakad si Zan papunta sa mini stage. Nagyakapan sila na animo hindi magkakasama sa iisang lamesa kanina. Panay na naman ang flash ng camera, hindi na ako magtataka kung bukas makalawa nasa lahat ng pahayagan na ang aming mga pagmumukha. Kasunod niyon ay dinala ng unipormadong waiter ang two-tiered cake sa tapat ng stage. Kamangha-manghang katulad ng kulay at disenyo ng gown ko ang cake na iyon, pabilog at mukhang simple lang pero kakaiba ang dating. Inalalayan ako ni Kiel palapit sa cake at hindi na binitiwan pa ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero nagulat ako dahil titig na titig na pala siya sa akin. "Nasabi ko na ba kung gaano ka kaganda ngayong gabi?" seryoso ngunit may ningning sa mga mata niya iyon na sinabi sa akin. Hindi ko nagawang tumugon, pakiramdam ko ay kasing pula na ng gown ko ang mukha ko. "You are the most beautiful woman my eyes ever laid on. You look gorgeous tonight Ella." sinabi niya iyon na para bang puno ng damdamin at emosyon. "Thank you.." hindi ko alam ang sasabihin ko, nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko sa hiya. Mabuti na lamang at nagsalita ulit si Pepper sa mic kung kaya naagaw niya ang pansin ng lahat. Kinantahan nila ako ng birthday song at pinag-wish bago hipan ang nagiisang makintab at mahaba na gintong kandila na nakatusok sa gitna ng cake. 'I AM WISHING FOR EVERY ONE'S GOOD HEALTH AND PEACE.' Sinabi ko iyon sa sarili ko habang nakapikit, pagdilat ko ay hinipan ko ang kandila, naging mas masigabo ang palakpakan. "Again, Happy Birthday Miss Mikaella Saavedra." nakangiting baling sa akin ni Pepper sabay tingin sa hawak na papel bago muling nagsalita. "The time has come for this special event, tonight we are all gathered here to witness the tradition of this important Family in front of us and to lead this, let us all call again Donya Esmeralda for transferring of Saavedra's crown." hindi nawawala ang ngiti ni Pepper habang sinasabi iyon. *PALAKPAKAN!* *PALAKPAKAN!* *PALAKPAKAN!* "Once again people, I'm presenting here in front of you the Saavedra's pieces of gem. This crown, necklace, ring and a pair of earring and a broach are our family's pieces of gem. Mula pa ito sa aming mga ninuno na nagpasalin-salin magpahanggang ngayon. Ibinibigay ang pieces of gem na ito sa lahat ng panganay na babae ng aming pamilya. At ang panganay na babae ng aming angkan sa panahon na ito ay walang iba kung hindi ang aking apo na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Ang dahilan ng salu-salo na ito, halika dito apo ko, Mikaella Saavedra." mahabang ani Donya Esmeralda. Inalalayan ulit ako ni Kiel palapit kay lola. Hindi mawala ang ngiti sa labi ng lahat, napatayo pa ang mga tao para makita ng maayos ang sinasabing Pieces of Gem. Panay ang kislapan ng camera. At kahit ako ay nasasabik na masilayan sa malapitan ang mga iyon at labis akong namangha ng tuluyan na nga akong makalapit. "This pieces of gem symbolises beauty, uniqueness and purity. Kasalukuyan itong nasa pangalan at pangangalaga ko bilang panganay na babae ng aking henerasyon, ibinigay ito sa akin ng aking lola at binilinang ipasa sa tamang panahon ang mga ito sa magiging panganay kong anak na babae o apo ngunit puro lalaki ang naging anak namin ni Don Manuel, kung kaya ngayon buong puso ko itong ipinapasa sa aking panganay na apong babae na si Mikaella. Apo, ingatan mo sana ang napakahahalagang piraso na ito ng ating pamilya." sabi ni lola habang hawak ang napakagandang korona, silver iyon at puno ng maliliit na diamond, sa pinakataas na gitna naroon ang malaking tipak ng diamante, napakaganda ng koronang iyon na tila ba pagmamay-ari ng isang napakagandang prinsesa. Ipinatong iyon sa akin ni lola, bakas sa mukha ng lahat ang pagkamangha. "Bagay na bagay sa iyo apo." nakangiting ani lola, isa-isa kong tinignan ang mga mahal ko sa buhay, maging ang mga kaibigan ko, bakas din sa mukha nila ang kasiyahan para sa akin. "This one's the Saavedra's necklace." pumunta si lola sa likod ko at isinuot sa akin iyon matapos alisin ang kwintas na suot ko. "nakakamangha din ang itsura ng kwintas, pabilog at ginto iyon na halatang totoo dahil sa timbang ng tuluyan ng mailagay ni lola sa leeg ko. May nakaukit doon na crescent moon na may bituin sa loob, sa ibaba ay nakasulat sa kakaiba at magandang font ang aming apelyido. Sunod na ibinigay sa akin ay ang singsing, hikaw at broach. Nagpapicture lang ang buong pamilya habang suot ko iyon para sa compilation, bawat miyembro ng aming angkan na pinagpasahan ng pieces of gem ay may larawan na nakalagay sa makapal at humid proof na album, mayroong picture na kasama si Kiel, mayroong kaming dalawa lang at mayroon ding puro kami lang na buong pamilya. Matapos niyon ay pinahubad din agad sa akin ang mga iyon para itabi, ganoon kahalaga sa pamilya namin ang mga piraso na iyon. Hindi lang dahil sa bilyon niyong halaga kapag ibinenta kundi dahil pag-aari pa iyon ng mga ninuno namin. Hindi basta-basta iyong glass box na pinaglalagyan ng pieces of gem dahil kakaiba ang security niyon. Hindi basta-basta mabubuksan ang glass box dahil mag-aalarm iyon ng kakaiba at malakas na tunog kapag sapilitang binuksan, ganoon din kapag hindi maingat ang paghawak o pagbitbit sa mismong box, sensored kasi kaya kung sino man o mayroon mang magtangkang magnakaw ay tiyak na hindi magtatagumpay. Pumayag si lola sa ilang minutong interview sa kanila nila papa at tito pero hindi niya pinayagan ang maski isa sa kanyang mga apo para ma-interview. Ganoon niya kami iniingatan. Patungkol sa kidnapped case ang interview, kakatwang kidnap for ransom pala ang ipinaalam nila sa media, at nalaman ko din na hindi pumayag si lola na ilabas ang mga picture na kasama ang pieces of gem. Nagpatuloy ang kainan, maging kami ni Kiel ay nakiupo na rin sa table ng pamilya namin para kumain, siya ang nanguha ng pagkain para sa aming dalawa, habang kumakain ang lahat ay pumapailanlang ang magandang tugtugin. Hindi rin naman kami nakakain masyado ni Kiel dahil maya't-maya ang ikot ko para kumustahin ang mga bisita at palagi siyang nakaalalay sa akin. Halos lahat ay may regalo para sa akin, nakalagay iyon sa maliit na mesa sa gilid ng stage pero halos hindi ko na yun napansin dahil abala ako masyado sa mga naroon na bisita. Ngayon ay abala ako sa pakikipag kwentuhan sa mga kaklase ko. Napakaingay ng mahabang lamesa na iyon kung saan kami nagsilipat para magkasya lahat. Kanina kasi nakaupo sila ng hiwa-hiwalay, limang upuan lang kada isang round table kaya nagpasya akong palipatin sila sa isang bakanteng pahabang lamesa para magkasya ang lahat.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Jessica Malagad
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0
Christine Degamo
this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0
Bernadette Reychel Ildefonso
I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat