Homepage/Falling in love with a gangster/
Chapter 80 (Part II)
"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it does not proud. It does not dishonor others, it does not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. LOVE never fails." ilang segundong iginala ng Pastor ang kanyang paningin sa lahat ng mga taong nakaupo.
"Alam niyo ba kung ano ang pinaka mahirap ngunit mahalagang pag-ibig sa mundo?" tanong ng Pastor ngunit walang sumagot, lahat ay tahimik at naghihintay sa iba pa niyang sasabihin.
"Iyon ay ang pag-ibig sa kaaway. Napakahirap ibigin ang kaaway hindi ba? Iyong tipong nagawan ka na ng masama subalit para makasunod sa kalooban ng Diyos ay kailangan mo pa ring ibigin ang kaaway mo na iyon. Ngunit paano? Paano mo magagawang ibigin ang iyong kaaway kung nangingibabaw ang mga masasama o masasakit na bagay na nagawa niya sa iyo?"
" PAGPAPATAWAD. Pagpapatawad mga kapatid, kailangan muna nating magpatawad nang sa gayo'y magawa o matuto din tayong ibigin ang ating kaaway. May kwento akong nais ibahagi sa inyo." sandaling tumigil sa pagsasalita ang Pastor.
"May isang mayamang lalaki na mahilig sa mga antigong bagay, isang araw ay pumunta siya sa isang bilihan ng mga antigong kasangkapan kasama ang kanyang paslit na anak. Sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag-usap sa may-ari ng tindahang iyon ay biglang umiyak ang kanyang anak. Agad nilang nilapitan ang paslit at nakita nila kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito. Hindi pala niya matanggal ang kanyang kamay mula sa bibig ng isang malaking seramikong banga. May kakiputan ang bibig ng banga ngunit nagtataka sila kung paanong nalusot doon ang kamay ng paslit ngunit hindi maalis?
Sinubukan nilang hatakin ang kamay ng paslit ngunit mas lalo lamang itong umiyak na animo ay nasasaktan. Sa labis na pag-aalala ay nagpasya ang mayamang lalaki na basagin ang banga kahit gaano pa iyon kamahal. Ngunit ng mabasag ang banga ay nakita nilang nakakuyom pala ang kamay ng bata habang mahigpit nitong hawak ang barya sa palad."
Nakakamangha ang kwento pero hindi ko maunawaan kung may koneksyon ba iyon sa mga unang sinabi ng Pastor.
"Ang barya na hawak ng paslit ay sumisimbolo sa mga kasalanan, hinanakit, hatred, galit, poot, at pagkasuklam na nararamdaman natin sa ating kapwa. Kung hindi natin iyon bibitawan at patuloy na hahawakan ay hindi tayo matututong magpatawad hanggang sa patuloy iyong maipon, bumigat, magpatong-patong hanggang sa mapuno at umapaw. Maaari din naman na hindi kayanin ng tapayan ang bigat at sa huli ay mababasag ang pundasyon na kumokonekta sa pagmamahal. Sa kwento, hindi hamak na mas mahal ang presyo o halaga ng antigong banga kaysa sa barya na hawak ng bata, ngunit dahil ayaw niya iyong bitawan kung kaya kinailangan na basagin ang banga para maalis ang kanyang kamay. Sa buhay naman natin mga kapatid, tayo ang banga, kailangan tayong basagin, kailangan tayong saktan, kailangan nating makaranas ng failures, kailangan nating dumaan sa iba't-ibang pagsubok para tulad ng kamay ng bata sa kwento ay makalaya din tayo sa mga dinadala nating kasalanan at upang maging handa tayo sa parating na mga magagandang biyaya mula sa Itaas."
"Maraming salamat sa inyong pagdalo, brothers and sisters, sana ay makabalik kayo. "nakangiting anang Pastor sa amin matapos ang pagtuturo niya ng gospel.
Isa-isa niya kaming kinamayan at tinanong ang mga pangalan na animo'y matatandaan niya iyon isa-isa.
"Ang saya sa simbahan nila 'no?" tanong ko kay Kiel, kasalukuyan na kaming bumibiyahe papunta sa restaurant."
"Okay lang, hindi nakakainip, hindi din ako nakaramdam ng antok. Magaling magpreach yung Pastor." napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Nakangiting inalala ko ang ilan sa mga salitang sinabi ng Pastor na tumatak sa puso at isip ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na namin ang sinasabi nilang Hardin. Lugar iyon na parang mall sa unahan at open area naman sa bandang gitna at dulo, tirik ang araw bagama't presko ang hangin at malilim dahil sa screen na bubong na puno ng gumagapang na halaman at bulaklak. Ang lugar ay binubuo ng ilang magkakatabing food court, may mamahaling restaurant at coffee shop, photo booth, flower area, lake kung saan pwedeng mag kayak, pwede din daw mag hiking at horse back riding at ang panghuli ay iyon ngang pinagmamalaki nilang gaming hall.
Napakaganda ng lugar at nasisiguro kong napakalawak niyon, baka nga maghapon ang kailangan para malibot at matambayan ng ilang minuto ang lahat ng lugar doon.
"Let's eat first?" tanong niya na hinawakan pa ang kamay ko at pinisil-pisil iyon.
"Okay, saan tayo?" sinalubong ko ang paningin niya na halos hindi inaalis sa akin.
"Saan mo ba gusto?" balik tanong niya, patuloy na nakatingin sa akin at parang pinag-aaralan o sinasaulo bawat detalye at anggulo ng mukha ko.
"Tara magtingin tayo." hinila ko siya sa kamay at nagsimulang maglakad papunta sa hanay ng mga kainan.
Habang lumilinga sa kaliwa at kanan ay nakaramdam ako ng pagkailang ng maramdaman ko pa rin ang mga titig niyang hindi pa rin napuputol sa kabila ng mabilis namin na paglalakad. Pilit kong pinagsalubong ang mga kilay ko para pagtakpan ang nararamdaman, huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"May problema ba tayo dito Kiel? Kanina ka pa nakatingin sa akin, may dumi ba ko sa mukha?" naiinis kunwari na tanong ko.
"Nothing. I just don't wanna take off my eyes on you. I want to memorise every single detail of your face." nag-init ang mukha ko sa narinig at mas tumindi ang pagkailang.
"Hindi mo pa ba saulo? Matagal na tayong magkakilala, ah?" kunwari ay nagtatampong sabi ko habang nakanguso pa.
"Aalis ako PB." naramdaman ko ang unti-unting paglapat ng labi kong kanina lang ay nakanguso.
"S-saan ka p-pupunta?" maya-maya ay nagawa ko ring magsalita, gusto ko sanang sabihin na wag siyang magbiro pero hindi pa man ay nalulungkot na ako dahilan para mawalan ako ng lakas ng loob na sabihin iyon, seryoso siya at alam kong may seryosong dahilan din kung bakit siya aalis.
"That's why I don't want to take my eyes off of you, gusto ko malinaw kong maalala ang bawat detalye ng mukha mo kapag umalis na ako." sinabi niya iyon sa mas seryosong paraan habang hawak ng isang kamay ang pisngi ko.
"Kiel.." nagtubig ang mata ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobrang lungkot? Hindi pa man ay parang nasasaktan na ako.
Seryoso siya..
Bakit ngayon pa? Anong dahilan? Bakit kung kailan maayos na sana ang lahat?
"Kailangan naming pumunta sa America para sa heart transplant ni Kyla." medyo gumaan ang pakiramdam ko ng marinig iyon, pero hindi niyon natakpan o nabura ang sari-saring emosyon na ngayon ay nagpapagulo sa tibok ng puso ko.
"Gaano katagal?" nanghihina kong tanong pero pilit na pinasisigla ang boses.
"Anong gaano katagal?" naguguluhan niyang tanong.
"I mean.. Gaano katagal kang mawawala? Gaano katagal kayo mananatili sa America? At gaano katagal akong.." lumunok ako ng ilang ulit, pilit inaalis ang bikig sa lalamunan ko para wag pumiyok. "..maghihintay sa pagbalik mo?" sa wakas ay naidugtong ko iyon ng maayos.
"Ella.." niyakap niya ako pero pilit akong umalis sa pagkakayakap niya at hinarap siya ng may ngiti. Kung paano ko yun nagagawa sa kabila ng nararamdaman ko ay hindi ko rin alam.
"Answer me Kiel."
"I..don't know, maybe 4 to 6 months? I'm not sure, it took 4 months of stay the first time we went to America for Kyla's operation before the Doctors allowed us to come back here in the Philippines, but we stayed there for years and then just come back here during my junior high days."
"Bigyan mo ko ng kasiguraduhan Kiel. Kailan ang balik mo?" hindi ko alam kung tama pa ba ang mga tanong ko, alam kong mahirap din sa kanya ang gagawing pag-alis pero umiiral ang pagiging makasarili ko ngayon.
Parang kahapon lang nagmamakaawa kang balikan kita, pero ngayon parang kayang-kaya mo nang wala ako. Naalala ko yung mga araw na parang malamig ang pakikitungo niya sa akin at iniiwasan ako. Napapraning na yata ako para isipin na sinasanay na niya ang sarili na wala ako kaya hindi siya nakikipagkita sa akin at ngayon naman ay gusto niyang sulitin ang mga natitirang araw na pwede niya pa akong makasama.
Bakit pakiramdam ko aalis ka, iiwan ako at hindi na babalikan pa?
I shook my head in that selfish thoughts.
"Ella please understand, ayokong umalis pero kailangan, ako lang ang inaasahan. And to answer your question, hindi ko alam Ella, hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Heart operation lang iyong dati kaya ilang buwan lang ang itinagal, iba ang ngayon, mas seryoso. Heart transplant na 'yon."
"I understand. Promise naiintindihan ko, pero ang gusto ko lang naman ay bigyan mo ako ng kasiguraduhan na babalik ka pa."
"Babalik ako, para sa'yo. Pangako.." mabilis niya iyong isinagot. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago ako ngumiti.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo." nginitian ko ulit siya. Tinignan niya pa muna din ako kung totoo ang ngiti na iyon kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko dahilan para mapangiti din siya.
"Let's not ruin the day please? Can we just forget everything and just enjoy?" nakikiusap ang tono ng pananalita niya.
Sunod-sunod akong tumango habang nakangiti. "Okay."
Pinilit kong huwag ipakita sa kanya na sobrang apektado ako ng mga napag-usapan. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Nag-aalala din naman ako para sa kalagayan ni Kyla, syempre hindi naman mawawala iyon. Pero nag-aalala din ako sa magiging takbo ng relasyon namin kapag umalis na sila ng bansa.
Pinangako mo na babalik ka kaya maghihintay ako..
Sa food court ko siya inayang kumain, gusto kong subukan ang masasarap pero abot kayang halaga na pagkain, hindi naman kasi porke't marami kang pera ay hindi ka na pwedeng kumain sa mga ganoong kainan. Tao lang din tayo, isipin natin yung iba diyan na hirap na hirap sa buhay.
Pagkatapos kumain ay nagsimula na kami sa paglilibot, panay ang picture taking namin. Ayoko mang isipin na ginagawa namin iyon dahil magkakalayo kami ay hindi ko maiwasan.
"Boo!" literal na napatalon ako sa gulat. Paano ay naglalakad kami tapos bigla na lang siyang tumalon sa harap ko, nanggugulat talaga. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba nanggugulat ka diyan?" salubong ang kilay na tanong ko, nagsusungit kahit sa loob ko ay natatawa ako sa itsura niya ngayon na nakanguso habang bahagyang nakayuko ang ulo at nakatirik ang mata habang nakatingin sa 'kin.
"Because you're spacing out. Kanina pa ako salita ng salita, PB." animo nagtatampong bata na aniya pa.
"May naalala lang kasi ako." pagpapalusot ko, pero ang totoo ay kanina pa malalim ang iniisip ko, nakalimutan ko na nga na naglalakad pala kaming dalawa.
"Tell me your thoughts, pretty woman." naninibago ako sa ugali niya ngayon. Pakiramdam ko kasi pinipilit niyang maging masaya yung araw na 'to. Parang sinasadya niyang maging sweet. I don't know if I was just being paranoid but that is what I'm really feeling right now.
I wanted to ask him when is their scheduled flight. But I have no guts to ask or to hear the answer on my question rather. Baka kasi sampalin ako ng katotohanan na agad-agad pala kailangan makaalis na sila, I just wish na sana prepared ako sa oras na dumating yung oras na aalis na sila, siya. 'Yun ay kung magiging handa ako, ayoko mang aminin pero magiging sinungaling ako oras na itanggi ko, na hindi ako kailanman magiging handa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat