"You're so mean." nakasimangot niyang sinabi. I never thought na may ganitong side pala ang isang Fuentabella? Akala ko palagi lang siyang seryoso. "Pinag-alala mo naman ako kaya patas lang tayo." nakangiti ng sabi ko. "Bakit ka ba kasi nag back out?" tanong niya. Napasimangot na naman ako ng maalala yung waitress sa La Verde. Psh! "Nakakainis kasi. Bakit mo pa ko sinundan sa labas? Sana nakipag tawanan ka na lang dun sa maganda at sexy na waitress. Edi sana hindi ka napahamak." nakasimangot kong sinabi. Tumawa naman siya at hinatak ako sa braso gamit ang kanan na kamay, yung side na hindi apektado ng tama ng baril dahil hindi niya pa maigalaw yung kaliwa. "Ganyan ka pala magselos." nagpipigil ng ngiting sinabi niya sakin. "Hindi ako nagseselos." sabi ko. "Nagseselos ka." "Hindi nga." "Nagseselos." "Hindi." "Kahit maganda at sexy yung babae?" napa angat ang masamang tingin ko sa kanya. "Edi may gusto ka nga sa kanya, psh! Magsama kayong dalawa! Two timer!" sigaw ko sa kanya, akmang tatalikod na ako para lumabas ng habulin niya ang braso ko. Napaharap tuloy ulit ako sa kanya. "Bitawan mo ko." nagbabanta ang boses ko. "I don't want to." matigas niyang sinabi. "Take your hands off!" sigaw ko. "Bawiin mo muna yung sinabi mo." aniya. "No." Hinarap niya ko sa kanya at nagtama ang paningin naming dalawa. "I'm not two timer." seryoso niyang sinabi habang diretsong nakatingin sa akin. Alam ko naman yun pero kasi.. Nagseselos ako huhuhu! Hindi ako nakapagsalita dahil sa kaseryosohan niya. "I'm not like my Mom." mahina ang boses niyang sabi. "I know. It's just that.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "Sorry.. Alam ko naman na wala akong karapatan---" He cut my words. "You're like a jealous girlfriend." nakangiti naman siya ng sabihin iyon pero iba ang dating sa akin. Oo nga naman. I'm acting like a jealous girlfriend pero ang totoo ay hindi naman talaga. I'm not his girlfriend kaya wala akong karapatan. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Paulit-ulit ako na napabuntong hininga bago nakahanap ng salita. "I'm sorry, alam kong wala akong karapatan." nakayuko kong sinabi. "I will give you, then." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya? What exactly does it mean? Nangunot ang noo ko. "What do you mean?" tanong ko. "I'm gonna court you." nakangiti niyang sinabi. "Bakit nagpaalam ka ba sakin at sa pamilya ko?!" di makapaniwalang tanong ko. Dalagang Pilipina 'to uy! Magpaalam ka muna sa akin at sa magulang ko bago ka magdesisyon. Nawala ang ngiti sa labi niya. "Kailangan ba yun?" kumunot ang noo ko, di makapaniwala sa sinabi niya. Ah NGSB nga pala! "H-hindi ko pa nararanasan ang manligaw. Sorry."nakayuko ang ulo na sinabi niya, bahagya pang namula. Natawa naman ako."Kung seryoso ka sa sinasabi mo ay magpaalam ka muna sa magulang ko. Pero kung nantitrip ka lang eh tumigil ka na bago pa kita ipabugbog sa tito kong taekwondo instructor" "I'm dead serious." mukhang seryoso nga siya pati yung boses niya. "Okay, then. Goodluck, alam mo naman hindi pa ako pwedeng mag boyfriend." goodluck talaga hahaha! Sa strikto pa lang ni papa aatras ka na. "No problem." kinindatan niya ko. Mukhang bilib na bilib sa sarili na papayagan siya ng magulang ko. "Hindi ko alam kung seryoso ka talaga ng sabihin mo na gusto mo ako o sinabi mo lang yun para pagtripan ako ng malaman mo na may nararamdaman ako sa'yo." wala sa sariling sabi ko. Napahawak tuloy ako sa bibig ko ng magrehistro sa utak ko yung mga sinabi ko. Natawa naman siya sa ginawa ko, nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. "Wala sa bokabularyo ko ang mantrip ng babae at maglaro ng feelings. Seryoso ako ng sabihin kong gusto din kita." "Ikaw naman ang tatanungin ko kung anong nagustuhan mo sa isang kagaya ko?" parang nag-isip naman siya. "Kailangan ba meron? Basta gusto kita at walang dahilan, kung meron man ay hindi ko alam basta naramdaman ko na lang period." sabi niya, ang gulo naman nun pero oo nga, kahit ako ay hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa isang dating gangster, naninigarilyo, palaging nakikipag basag ulo, palagi akong hinahatak at kinakarga na parang sako ng bigas at magaling magpainit ng ulo na tulad niya. "Pero sabi mo isip bata ako." nakangusong sabi ko. "Sabi mo rin hindi ka magkakagusto sa tulad ko, na ano nga ulit yun? Bakla?" tanong niya. "Sabi ko lang yun pero ang totoo ay sinabi ko lang yun para hindi ako mahalata." "Mahalata na ano?" tanong niya. "Na.. may n-nararamdaman na a-ako sa'yo." nakayuko, nahihiya at nauutal kong sinabi. Kailangan ba talaga bulgaran? "Kailangan ba talaga yung ligaw? Di ba pwedeng tuloy kasal?" muntikan ko na siyang mahampas sa sinabi niya. "Kasal agad?!" "Joke lang ito naman! Ibig kong sabihin di ba pwedeng tayo na lang agad?" natatawang tanong niya. Sounds tempting right? Pero ang sagot ay HINDI. Dahil kahit ako ay nagugulat pa rin at masyadong nabibilisan sa mga nangyayari. Parang kahapon lang kami nagkaaminan ng nararamdaman sa isa't-isa at ano itong ngayon na nagawa na agad naming pag-usapan ang tungkol sa, ligaw, relasyon at higit sa lahat ay kasal. Para sa akin ay napakabilis ng mga pangyayari.. "Kung totoo ang nararamdaman mo paghirapan mo ang matamis kong oo." napatakip ako sa bibig ko ng maunawaan ang salitang sinabi ko. To be continued. . .
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Jessica Malagad
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0
Christine Degamo
this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0
Bernadette Reychel Ildefonso
I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat