Chapter 2

Camerron's Point of View
Pagkaraan ng anim na buwan
Nabigla ang aking katawan ng tila bumagsak ako sa isang tahimik na lugar. Namangha ako nang mapagmasdan ito, natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng isang napaka laking simbahan.
Walang ibang tao dito kundi ako at isang lalaking naka-upo sa pinaka unahan ng simbahan, pupuntahan ko sana siya ngunit napatigil ako nang bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
Ramdam ko na sa bawat hakbang niya, sa bawat hanging dumadampi sa kaniya ay kasabay ng mga ngiti niya. Subalit nakakapagtaka na hindi ko manlang makita ang mukha niya.
Nakarating siya sa kung saan ako nakatayo  at tumigil siya sa harap ko, ngayon ko lang na-realize na ang tangkad pala niya.
Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga sandaling hawakan niya ang aking mga kamay.
‘Tara na’
Tila isang musika sa aking tenga ang kanyang tinig. Nabingi ako sa pagkakataong 'yon at namutawi ang isang ngiti sa aking mga labi. Hindi na 'ko nagtanong kung saan kami pupunta dahil parang may nagsasabi sa aking sumama nalang ako sa kaniya.
Sabay kaming lumabas ng simbahan habang hawak niya ang kamay ko nang bigla kaming binalot ng liwanag sa paglabas namin ng pinto ng simbahan.
Mayamaya ay luminaw ulit ang paligid pero nagulat ako sa nakita ko, nasa gitna ako ng isang lugar na sobrang daming tao. Sobrang ganda ng paligid, manghang mangha ako nang mapagtanto kong nasa loob ako ng isang palasyo. Mula sa tila salamin na sahig sa sobrang kintab na halos nakikita ko na ang reflection ko hanggang sa mga dingding na punong puno ng mga decorations at malaking Chandelier sa pinakagitna ng ceiling.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa paligid pero mas namangha ako sa suot ko. Nakasuot ako ng isang gown katulad ng mga suot ng prinsesa sa mga fairytales, gawa sa mamahaling tela at palamuti. Tiningnan ko rin ang reflection ko sa sahig at nakita kong nakaayos rin ang buhok ko, pati mukha ko ay inayusan rin. Ito na ata ang pinaka magandang lugar at pagkakataon kung nasaan ako, parang napanood ko na 'to dati. Nasa isang Royal ball ako.
Tiningnan ko 'yong mga tao sa paligid, nakasuot rin sila ng mga magagandang damit at parang galing sila sa mga mayayamang angkan, lahat sila nakatingin sa akin habang nakangiti, hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak sa sobrang saya.
Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang paligid nang bigla nalang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko kasabay ng paglabas ng isang napakagwapong prinsipe sa isa sa mga pinto ng palasyo, papalapit siya sa'kin.
Tanging siya lang ang gumagalaw sa paningin ko, tila napapalibutan siya ng liwanag dahil kumikinang siya pati na rin lahat ng madadaanan niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya na tila isang prince charming sa isang Fairytale, kilala ko kung sino siya kahit na hindi ko makita ng maayos ang mukha niya, siya, siya yung lalaking kasama ko kanina.
‘May I have this dance?'
Nilahad nga niya ang isang kamay niya sakin, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon kaya sandali akong napatulala habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad pa rin.
‘Titingnan mo na lang ba ang kamay ko?’
Ang lambing pa rin ng boses niya, tell me how can I turn him down. Hindi na 'ko nag-isip pa at inabot ang kamay niyang kanina pa nakalahad.
Kasabay ng paglapat ng nga kamay namin ay ang muling paggalaw ng paligid at pag-play ng isang instrumental song. Dinala niya ko sa pinaka gitna, nilagay ang isang kamay ko sa balikat niya habang hinawakan naman niya yung isa at nilagay sa bewang ko yung kaliwang kamay niya. Hindi ko na inisip kung marunong ba ako sumayaw basta nakatitig lang ako sa malabo niyang mukha at tila kusang gumagalaw ang mga paa ko nang magsimula siyang gumalaw.
Parang kontrolado niya lahat pati ako, pinikit ko lang ang mga mata ko habang ninanamnam yung tugtog. Nawala lahat ng tao sa paligid, pakiramdam ko kami nalang ang tao na nandito, parang ayoko nang matapos yung tugtog na naka-play, ang gaan sa pakiramdam.
Mas nilapit niya ako sa kaniya habang malumanay na sumasayaw, tinanggal niya rin ang pagkakahawak niya sa bewang ko at nilipat niya sa likod ko para mas lalo akong lumapit sa kaniya, halos magkayakap na kami, hindi parin kami tumitigil sa pagsasayaw nang nilapit niya yung bibig nya sa tenga ko at bumulong.
‘This is the fairytale story that I don't want to come into an end, kahit walang happy ever after, basta wag lang matapos’
Automatic akong napangiti sa sinabi niya, I don't know pero ang alam ko lang ngayon ay masaya ako, masayang masaya ako.
--
Pagdilat ko ng mga mata ko ay ramdam ko pa rin yung ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko galing sa bintana. Six months na naman ang nakalipas, and again, I had this weird dream, weird dream na lalo pang nagiging weard kasabay ng isang strange feelings.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pakiramdam ko sa tuwing mapapanaginipan ko ang lalaking 'yon, parang totoo lahat ng pangyayari.
Napatulala ako sa puting kisame, kelan ko kaya makikita ang mukha niya. Kahit palaging malabo ang nakikita ko, sigurado akong napakagwapo niya. Kahit hindi ko naaamoy ang amoy niya, sigurado akong napakabango niya.
'Ahhhhh!' gumulong gulong ako sa kama.
Sa sobrang weird ng mga panaginip ko para na akong mababaliw.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    JovenDarl Nina

    Nice story!

    06/02/2024

      0
  • avatar
    Evangeline Zapico Raval Carandang

    😍😍😍👍👍👍

    19/07/2023

      0
  • avatar
    Cherry Dañoso Villa

    More

    19/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata