Nial's Point of View Paglipas ng anim na buwan 'Alam mo ba ang ibig sabihin ng panaginip?" Mahina ang kaniyang boses habang nakapatong ang kaniyang ulo sa aking balikat. Narito kami ngayon sa isang puno ng Narra sa isang mataas na bundok. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na dumadampi sa aming balat. ‘Ano?’ Mahinang sagot ko. ‘Sabi nila, ang mga panaginip raw ay mga pangyayari na gusto mong mangyari pero ayaw mong paniwalaan o hindi mo inaamin sa sarili mo na gusto mo 'to, kaya sa panaginip mo nalang nararanasan’ Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. ‘Ah, so ikaw pinipigilan mo yung sarili mong magmahal 'no?’ Inalis niya ang pagkakapatong ng kaniyang ulo sa balikat ko at humarap sa'kin. ‘Ha? Pano mo naman nasabi?’ ‘Wala, basta alam ko lang’ Binigyan ko siya ng matamis na ngiti saka tumingin sa malayo. ‘Bakit ikaw nagmahal ka na ba?’ Bahagya akong nagulat dahil sa sinabi niya na agad namang napalitan ng ngiti dahil alam ko na ang sagot sa tanong na binitawan niya. ‘Pano mo ba masasabi kung mahal mo na ang isang tao, o kahit hindi tao’ ‘Ano? Syempre hindi ka naman pwedeng magmahal ng hindi tao no!’ ‘Basta! Sagutin mo nalang yung tanong’ Bahagya siyang nag-isip bago sumagot. ‘Simple lang, pag yung tao na 'yun yung biglang naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso mo’ Humarap ako sa kaniya at hinawi ang buhok niya na tumatabon sa mukha niyang tila malabo at hindi makita ang itsura. ‘Ganun ba 'yun? Sa tingin ko oo. NAGMAMAHAL na nga siguro ako’ Hindi na s'ya sumagot pero halata pading naguguluhan s'ya sa mga sinabi ko, bigla nyang hinawakan yung dalawang balikat ko habang niyuyugyog yun na parang ginigising ako. Napatawa na lang ako dahil sa ginawa niya pati na rin sa cute niyang reaction. ‘Ano ba naman yan, pwede kabang sumagot nang maayos sakin?’ reklamo niya. ‘Aba, maayos naman yung sagot ko ah.’ Mas lalo lang akong natawa dahil sa patuloy na tantrums niya. Tinaasan lang niya ako ng kilay habang naka-crossed arms at seryosong nakatingin sakin. ‘Oh sige ikaw nalang ang tatanungin ko, nagmahal kana ba?’ Sumeryoso na rin ako at tumigil sa pagtawa. Sinabayan ko lang ang seryosong tingin niya, kahit hindi ko nakikita nang malinaw ang itsura niya pakiramdam ko ay nagtagpo ang mga mata namin. ‘Hmmm, hindi pa?’ Napaiwas siya ng tingin pagtapos sabihin 'yon. I smirked while still looking at her. Kelan ko kaya makikita ang itsura niya. ‘Parehas lang pala tayo eh, hindi pa sigurado.’ Tanging nasabi ko lang. Hindi na siya sumagot at mayamaya binalot na naman kami ng liwanag. -- Camerron's Point of View Pakiramdam ko nabubulok nako dito sa ospital. Halos 1 week narin akong nandito, lately napapadalas na ang pag-confine nila sakin dito, masyado naring napapatagal kung hindi 1 week o kaya 2 weeks naman akong nags-stay. Nakatingin lang ako sa puting ceiling ng ospital habang inaalala yung panaginip ko kagabi, that very weird dream, again. I've waited for another 6 months para lang mapanaginipan ko ulit siya at hindi naman ako nabigo, kahit papaano nakatakas na naman ako sa reyalidad. And speaking of reality, sabi ng doctor bawal na raw ako mapagod, kahit simpleng pagod lang dahil sobra nang mahina ang puso ko na baka raw isang araw tumigil na lang ito sa pag-function and lead me to my death. Mamamatay ako. Noong unang beses na narinig ko 'yan halos gumuho ang mundo ko, pati si mommy walang tigil sa pag-iyak pero sa paglipas ng panahon, parang isang normal na salita na lang siya sakin, ewan ko, pero isang araw na-realize ko na wala namang patutunguhan yung takot ko. I better accept the fact na sa bawat pagdaan ng araw ay siya namang pag-iksi ng buhay ko. Ngayon, iniisip ko na lang kung paano ko ma-e-enjoy ang mga nalalabing araw ng buhay ko, I should spend it wisely. Hmmm, what if kaya kung mag-grant ako ng mga wishes ng isang tao? Genie? Pero wala naman akong super powers eh. Kailangan maging makabuluhan ang mga nalalabing oras ko dito sa mundo, alam kong wala pa akong masyadong nagagawa sa buhay dahil bata pa ako. Nakakalungkot lang na kailangan ko na agad umalis sa mundo at mamaalam. Napahinga ako nang malalim. Kung alam ko lang, sana ginawa ko na lahat ng makakapag pasaya sakin dati. Biglang nagkaroon ako ng idea sa isip ko kaya agad akong kumuha ng notebook at ballpen sa desk ko. Sinulat ko dun yung dapat kong gawin para sa nalalabing araw ng buhay ko dito sa mundo. I'll be someone's genie by giving him/her a 10 wishes.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story!
06/02/2024
0😍😍😍👍👍👍
19/07/2023
0More
19/09/2022
0Tingnan Lahat