Chapter 22

Camerron's Point of View
Bumalik na ang lahat sa dati simula nang mangyari yung eksena sa classroom namin. Hindi ko na ulit iniwasan si Nial at ayoko na ring ulitin dahil kung anu anong nasasabi niya.
Every other day ako bumibisita sa ospital pagkatapos ng klase ko kaya kahit gusto akong ihatid ni Nial pauwi hindi ako napayag. Marami na ring nakakapansin ng pagbabago sa katawan ko at kahit ako nararamdaman ko din ang patuloy na panghihina ng katawan.
Sa tuwing nasa ospital ako lagi kong binibisita si Nathalie sa ward niya para makipag laro at makipag kwentuhan kapag pinapayagan ako ng mommy niya na ilabas ko siya sa garden ng ospital.
Nalaman kong meron siyang isang rare disease kung saan bigla bigla na lang siyang nakakatulog. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil sobrang bata pa niya pero kahit ganun makikita mo pa rin yung saya sa mga mata niya. Naisip ko tuloy na kung nasa edad lang niya ko nung lumala yung sakit ko baka hindi ako matatakot ngayon para sa mga taong maiiwan ko.
"Are you ok? May sakit kaba?"
Kinapa n'ya 'yong noo ko and give me a strange look. Nandito kami ngayon ni Nial sa school ground, nawalan kasi ng klase lahat dahil sa biglaang meeting ng mga teachers.
"Ok lang ako, bakit?" sagot ko sa kaniya.
"Namumutla ka kasi eh, 'tsaka parang ang tamlay ng mga mata mo. Are you sure you're ok?" Worried niyang tanong sakin.
"Oo naman master, mainit kasi yung panahon kaya ganun."
Yun nalang ang nasabi ko kahit hindi ko naman alam kung may connection yung init ng panahon sa pamumutla.
"Edi ihahatid na kita sainyo." Bigla niyang aya.
"Ayaw mo ba akong makasama master?" Biro ko sa kanya.
Biglang nagsalubong yung kilay niya. Natawa tuloy ako, ayan na naman, magsusungit na naman siya.
"Alam mo kung gaano kita kagustong makasama kaya nga hiniling ko na wag kanang lalayo sakin 'di ba? But I'm worried because you don't look fine." Seryoso at straight nyang sabi sakin.
Eto na naman, nagiging sensitive na naman yung puso ko sa tuwing sasahihin nya ‘yon, bigla bigla nalang bumibilis yung tibok. Lately kasi kung anu-ano na yung sinasabi niya isama na rin natin yung actions niya. Ayoko namang mag-assume but he's starting to be sweet.
"Nako master naman, ok nga lang ako."
Bigla akong may naisip kaya hinila ko agad siya papalabas ng gate ng school.
Tanong siya nang tanong kung saan kami pupunta pero hindi ko siya sinasagot. Puro siya daldal hanggang sa matanaw ko na sa wakas yung malaking puno ng narra.
"Alam mo, tinalo mo pa yung babae kung mag reklamo," patawa tawa kong sita sa kaniya.
"Teka, ano ba kasing ginagawa natin dito?"
"Basta sumunod ka nalang sakin."
Binitawan ko yung kamay niya sabay takbo pataas, sinundan naman niya ko habang sinisigaw yung pangalan ko.
Narating ko yung pinakataas at yung malaking puno ng narra. Mayamaya lang naramdaman ko na si Nial sa likod ko pero wala na siyang sinabi kahit ano kaya humarap ako sa kanya.
Nagulat ako sa reaction niya dahil nakatingin lang siya ngayon sa malaking puno habang sobrang seryoso ang mukha.
"Master?"
Nag-wave ako sa harap ng mukha n'ya kaya bigla siyang natauhan.
"S-sorry"
"May problema ba?"
Tumingin sya ulit sa puno bago ulit nagsalita.
"Parang pamilyar lang kasi yung lugar na ‘to pati yung malaking puno na ’yan."
Humarap din ako sa puno at tiningnan 'yon. Tama, sobrang pamilyar nga. Gusto ko din sanang sabihin na parehas kami ng naging reaction nang makita ko yung lugar na ’to pero ‘wag nalang.
"Tingnan mo master oh, kitang kita yung buong city."
Humarap ako sa view at nilanghap yung sariwang hangin. Sobrang mami-miss ko’ to kapag nawala na’ko.
"Bakit ba lagi mong pinapakita sakin yung mga ganitong bagay? Una sa ferries wheel, ngayon naman dito." Halatang nagtataka 'yong boses niya.
Humarap ako sa kanya habang nakangiti.
"Para makita mo kung gano kaganda ang mundo, para masabi mo sa sarili mo na ang swerte mo dahil nabuhay ka. Kasi may mga taong gustong masilayan yung mundo pero hindi nila magawa. May mga taong gustong maranasan mabuhay pero hindi pwede."
Nakatitig ako sa kanya habang sinasabi ‘yon. Naalala ko si Nathalie, ilang taon palang siya nabubuhay pero mawawala na agad siya. Pati ako, kahit gustuhin ko, hindi puwede at hindi ko kaya.
"Oh, bakit ka nakatitig sakin?" Nakangiti kasi siya habang nakatitig sakin.
"Tinitingnan ko lang kung gaano kaganda yung mundo. Tama ka nga, sobrang ganda."
"H-ha?" Nawala ako bigla sa katinuan do'n ah.
"Wala, halika maupo tayo do’n oh," aya niya.
Pumunta siya sa silong ng malaking puno at naupo. Sinundan ko siya at naupo rin sa tabi niya.
"Master, anong 8th wish mo?"
Nilingon niya ako at biglang ginulo yung buhok na parang nagpapa amo ng aso. Tss
"Bakit ba parang minamadali mo naman masyado na maubos yung wish ko? Para namang bigla ka nalang maglalaho," natatawang biro niya.
"Malay mo master bigla nga akong maglaho."
Sumeryoso yung mukha niya, teka ano na namang nasabi kong masama.
"Diba sabi ko, bawal kanang lumayo sakin ulit?"
"Ang OA mo ha." Tuluyan na akong natawa nang sobrang lakas.
Umiwas ako ng tingin, gosh! Feeling ko sasabog na talaga yung puso ko. Tumawa na lang ako para maitago ang kilig na nararamdaman ko.
Ilang oras kaming nanatili sa ilalim ng puno habang nagku-kuwentuhan ng kung anu-ano. Hindi pa kami umuwi dahil gusto daw niya panoorin yung sunset mula dito.
"Master! Ayan na! Malapit na lumubog yung araw!"
Tumayo ako para tingnan ng mabuti yung papalubog na araw. Naramdaman kong tumayo din siya dahil ilang saglit lang nakatayo na siya sa gilid ko.
"Wow! Sobrang ganda. Master, nakikita mo ba?" Para akong bata na masayang masaya.
"Oo nakikita ko, sobrang ganda." Simpleng sagot niya.
"Eto yung pinaka magandang sunset na nakita ko," patuloy niya.
"Eto talaga 'yong pinakamaganda."
Nilingon ko siya pero nagulat ako nang makitang nakatitig lang siya sakin.
"Master?"
"Naalala mo ba no'ng tinanong kita kung puwede kitang lubos na makilala?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Pwede ko bang ibahin 'yog tanong ngayon?"
Hindi ko na alam kung anong ire-react ko kaya hinintay ko nalang na magsalita ulit siya at tapusin ang sasabihin niya.
"Camerron. Pwede ba... Pwede ba kitang ligawan?"
Sa sobrang shock ko literal na wala akong nahagilap na salita para isagot sa kanya. Yung puso ko hindi na mapigilan sa pagwawala. Natulala ako dahil sa sinabi niya.
"Camerron..." tawag niya sa akin.
"Bakit?"
Tanging nasabi ko sa kanya pero na-realize ko na sinagot ko lang pala ng isa pang tanong yung tanong nya.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko dahilan para maramdaman kong matutunaw ako. Eto na naman, tumitigil na naman yung paligid.
"Dahil mahal kita."
Sa oras na sabihin niya yung tatlong salita na ’yon naging malinaw sakin lahat. Yung dahilan kung bakit tumitibok ng mabilis yung puso ko kapag nakikita at nakakasama ko siya, yung biglang pagtigil ng mundo ko sa tuwing tititigan niya ako at yung galit na nararamdaman ko sa tuwing may kasama siyang iba.
Lahat ‘yon isa lang yung ibig sabihin. Mahal ko siya, mahal din kita Nial.
Pero bakit, bakit kailangan mo akong mahalin? Biglang bumigat yung pakiramdam ko. Mahal ko siya pero hindi pwede, bakit ngayon pa.
Hinawakan niya yung dalawang balikat ko at nilapit niya ako sa kanya.
"Please, hayaan mo namang mahalin kita, ‘yon na yung 8th wish ko. I know it's selfish pero gusto ko lang iparamdam sayo yung pagmamahal ko." He sounds so sincere.
"Diba master sabi ko naman sayo hindi ako pwedeng tumupad ng wish na imposibleng mangyare?" Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko. Ayokong ipahalata sa kaniya na nahihirapan ako.
Dinudurog yung puso ko sa tuwing iisipin ko na hindi puwede. Na baka isang linggo o buwan nalang yung itatagal ko kaya paano, paano ko tutuparin yung hiling niya.
"Bakit? Bakit hindi pwede?" naguguluhang tanong niya.
"Dahil imposible, tsaka look, bago palang tayo magkakilala, 'di ba?"
I know it's not true. Ilang taon, ilang taon na nung una ko syang nakita at nakasama sa panaginip ko. Ngayon sigurado na akong s'ya ‘yon dahil yung nararamdaman ko sa reyalidad tuwing kasama ko sya parehas lang nung nakasama ko sya.
Pero paano? Paano ko sasabihing matagal ko na siyang kilala?
"Yung panahon ba ang magtatakda ng kung ano ang mararamdaman ng isang tao?" halata ang lungkot sa boses at mga mata niya. Kung alam mo lang Nial na gustong gusto na kitang yakapin ngayon, pero hindi ko magawa.
"Sorry, pero imposible talagang mangyare." Pinilit kong maging buo at masaya ang boses ko.
"Camerron sabihin mo sakin kung bakit imposible!"
Tama nga yung sinabi nila, traydor nga yung mga luha dahil sa isang iglap tuloy-tuloy na tumulo yung mga luha sa mga mata ko kasabay ng pag-apaw ng nararamdaman ko.
"M-may sakit ako Nial." Nasabi ko sa gitna ng paghikbi ko.
"Gagaling ka naman eh, hindi naman habang buhay yung sakit mo 'di ba?"
Umiling iling ako habang pinipigilan ang paglakas ng pag-iyak ko. Bakit sa ganitong paraan pa n'ya kailangang malaman. Bakit naging ganito kahirap lahat.
"Hindi mo naiintindihan..."
"Cams please..." Mas hinigpitan pa n'ya yung paghawak sa balikat ko.
"Mamamatay ako..."
Hindi s'ya nagsalita, nakatitig lang s'ya sakin na parang nagsabi ako ng isang napaka corny na joke at hindi s'ya makapag decide kung tatawa ba s'ya o hindi.
Nanatili kami sa ganong posisyon ng walang nagsasalita. Hindi ko na rin alam kung anong sasabihin ko. Parang may bigla nalang may bumara sa lalamunan ko habang patuloy pa ring tumutulo yung mga luha ko.
"Tell me you're lying"
Basag nya sa katahimikan. Tuluyan nang lumubog yung araw. Sana nga, sana nga nagsisinungaling nalang ako, sana nga hindi totoo. Sana isang panaginip nalang ‘to, yung puwede akong magising tapos iba na yung katotohanan.
MY MASTER'S WISH #8: I will let him love me.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    JovenDarl Nina

    Nice story!

    06/02/2024

      0
  • avatar
    Evangeline Zapico Raval Carandang

    😍😍😍👍👍👍

    19/07/2023

      0
  • avatar
    Cherry Dañoso Villa

    More

    19/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata