Chapter 3

Nial's Point of View
Paglipas ng anim na buwan
Pinagmasdan ko ang paligid nang mapunta ako sa isang park. Sobrang daming bata na naglalaro, naghahabulan, nag-aasaran at kung anu-ano pa. Sobrang ingay pero sobrang saya rin ng paligid. Napapangiti ako sa tuwing bahagya akong mabubunggo ng mga maliliit na batang nagtatakbuhan, malambing naman silang tumitingala at humihingi ng pasensiya sa'kin.
Sa isang dako ng park ay may pamilyar na pigura ng babae akong nakita na nasa isang swing at bahagyang dinuduyan ito.
Napangiti ako, siya na naman. Nagkita na naman kami.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa kabilang swing na katabi ng sa kaniya.
Nang maramdaman niya ang aking presensya ay napalingon siya sa'kin saka tinigil ang pagduyan.
‘Anong ginagawa mo dito?’ agad kong tanong sa kaniya nang makalapit ako.
‘Nagduduyan,’ maiksing sagot niya.
I chuckled, oo nga naman.
Nagsimula akong iduyan ang sarili ko.
Muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha na kahit ilang beses ko nang tiningnan ay hindi ko pa rin maaninag ang itsura, pero kahit malabo sa aking paningin, ramdam ko na matamis ang kanyang mga ngiti.
Nagsimula na ulit siyang magduyan at tahimik lang kami, walang nagsasalita, ninanamnam ang pagdampi ng hangin at masayang pinagmamasdan ang masasayang bata.
‘Ang saya nila ano?’
Out of nowhere na nasabi ko sa kaniya habang patuloy kaming nagduduyan.
‘Ang sarap maging bata lang lagi ano? laging masaya, walang problema.’
Nakatingin lang siya sa kawalan habang nagsasalita, pinagmasdan ko rin yung mga naglalarong bata, mayamaya biglang tumakbo sa'min yung mga grupo ng bata na naglalaro kanina. Napatigil ako sa pagduyan ng swing ko nang malapit na sila dahil baka matamaan ko sila. Nilingon ko siya sa kabilang duyan at ganun rin yung ginawa niya.
Halos maipit ako dahil dire-diretso sila sa'kin at sa babaeng katabi ko. Tuwang tuwa silang yumakap sa'min nang sabay sabay, dahil do'n ay napangiti ako.
‘Kuya! Ate! Tara laro tayo! Sali kayo samin masaya 'to!’ Malakas na pagkakasabi nila sa'min.
‘Kids kayo nalang ok na'ko dito,’ sabi no'ng babaeng katabi ko sa mga batang nasa harap niya kaya bigla silang sumimangot, yung iba pa nga ay halos malapit ng umiyak. Hinarap ko sila at nginitian bago nagsalita.
‘Oh sige, makikipag laro kami ni ate sainyo.’
‘YEHEY!’
Sabay sabay silang tumalon sa sobrang saya at patakbong bumalik sa playground, tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Hindi pa rin siya tumayo sa inuupuan niya kaya hinawakan ko na siya sa kamay at hinigit papalapit sa mga bata.
‘Oh sinong taya?’  Masigla kong tanong sa mga batang excited ng maglaro.
‘Ikaw kuya! Ikaw yung taya!’ Excited na sigaw ng batang pinakamaliit.
Bigla silang nagtakbuhan kaya wala na akong nagawa kundi habulin sila, tatakbo na sana ako sa direksyon ng isang bata nang bigla nalang may sumulpot na isang liwanag at binalot ako.
Tila lumutang pati ang isip ko kaya napapikit ako. Sa oras na dumilat ako ay nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad.
‘Anong pangalan mo?’ Tanong niya sa'kin habang sabay kaming naglalakad patungo sa isang lugar.
‘Ha? Ako? Wala akong pangalan,’ natatawa at naguguluhan kong sagot sa kaniya at saka naunang maglakad.
‘Ha? Teka! Pwede ba 'yon? Wala namang tao na walang pangalan!’ Habol niya sakin sabay hawak sa braso ko para pigilan akong maglakad.
Humarap ako sa kaniya at pinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
‘Merong tao na walang pangalan’
‘Ha? Eh sino?’
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya bago sumagot.
‘Ako’ mabilis kong sagot. I smirked habang pinagmamasdan ang reaksyon ng mukha niya.
Binigyan lang niya ako ng nagtatakang expression ng mukha niya, hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil sa itsura niya ngayon. Ginulo ko yung buhok niya pagkatapos ay kinuha ang kamay niya at nagsimula na ulit maglakad.
‘Teka, saan ba tayo pupunta?’
‘Ewan ko’
Seryoso ako nung sinabi kong hindi ko alam kung saan kami papunta, basta pag-alis ng liwanag na bumalot sa'min naglalakad na kami at hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko masaya ako ngayon, masayang masaya.
--
Bigla kong dinilat yung mata ko, saka kinusot kusot ang mga 'to, umaga na pala. Inalala ko ulit yung panaginip ko, as usual, napanaginipan ko na naman yung babaeng 'yon, yung babaeng hindi ko makita ang itsura.
Bumangon ako at tinanaw 'yong kalindaryo na nasa kwarto ko, July 12, 2017, 6 months na naman ang nakalipas. Bakit kaya tuwing ikaanim na buwan ko lang siya napapanaginipan? ang weird.
‘NIAL! GISING NA MALE-LATE KA NA NAMAN SA SCHOOL! NAKO KANG BATA KA!’
Narinig ko ang malakas na sigaw ni mama mula sa labas.
‘OPO MA! BABABA NA!’
Masyado yatang napasarap ang tulog ko ah.
--
‘Nial Alcantara’
Napatigil ako sa paglalakad sa corridor ng school nang may magsalita sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap at napakamot ako sa ulo ko nang makita na ang head teacher pala namin ang nasa harap ko, patay! lagot na naman ako nito.
‘You are late, AGAIN.’ Nakataas ang kilay niyang sita sa'kin.
‘Sorry ma'am’
Yan na lang ang nasabi ko habang tinitingnan ako ng masama ng teacher ko. Patay na naman ako nito, palagi na lang akong late dahil sa panaginip na 'yon.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    JovenDarl Nina

    Nice story!

    06/02/2024

      0
  • avatar
    Evangeline Zapico Raval Carandang

    😍😍😍👍👍👍

    19/07/2023

      0
  • avatar
    Cherry Dañoso Villa

    More

    19/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata