logo text

All souls day

Before I often get jealous when he's around those busty and pa-walk 'looking like' girls but as times goes by, nasanay na lang ako. Pinapagaan ko na lang ang loob ko dahil higit naman sa mga 'yon ay lamang ako ng ilang paligo.
He and dad continued to talk after their chess game. Mukhang talo si Daddy. Ano nanaman kayang favor ang tutuparin niya para kay Erato? They always do that. Mas mukha pang anak ni Daddy itong si Erato kaysa kay kuya Jax. Paano kasi, business and inaatupag. Dad wants someone who will take after his legacy. Being the Mayor of the City is not kuya Jax's thing. Masaya siyang lumagay sa tahimik at kapayapaan habang humihiga sa perang kinikita niya.
While his one and only unica hija is currently minding her own business. My business? It's my Erato, of course.
I stretched my hands out acting as if I'm getting a hold of him.
Ang isang taong katulad niya ay hindi mako-kontrol ng kahit sino, kahit pa ng sarili niyang pamilya. His parents are into business and they are the top in the elite business world. Pangalawa ang apelyido sa listahan ng pinaka mayaman sa buong Pilipinas.
Bunso, but still expected to be the successor. Hindi niya iyon pinahintulutan. Instead, he took up Pol. Sci. because that's what he wanted. How ironic, hindi nagpapa kontrol sa kahit sino pero linya ng batas ang kinuha. For me, ayos lang. Kahit maging presidente pa siya ng Pilipinas, I'll always be the first one to cheer him up.
Bata pa lang ako alam ko na ang mga tipo niya ang gusto ko. O baka nga hindi sa ganun nagsimula dahil siya lang ang nakikita ko. I set my standards too high and that standard is him. I've never looked into someone the way I looked at him. I never laid eyes on anyone, except him.
"I'll make you mine, Erato. If I need to be down on my knees, I'll gladly do so."
I said acting as if I'm touching him. My wicked eyes are locked on him when his head turned on my direction. Madali kong binaba ang kamay ko at umayos ng upo. His eyes are dangerously looking at me, hindi ko mabasa kung naiinis nanaman siya sa akin o curious lang siya sa pagtitig ko.
I smirked and tilted my head lightly. Hindi pa ako nakuntento dahil tumayo pa ako at humilig sa bandirilya, causing the cleavage of my boobs to form and flaunt on his sight.
Hindi ito kasing laki at kasing lula ng mga babae na ikinama mo pero anong pakialam ko?
Go on Erato, take a look at me. This will be your morning view once you marry me. I saw his jaw move in a dangerous way. Hinaplos ang kaniyang panga at iniwas ang lingon sa akin. I waited for him to look at me again and he did! But this time hindi tumatagal iyon, pabalik-balik ang tingin kay dad at sa akin.
Ngumuso ako at umayos ng tayo. Pinigilan ko ang mga ngiti at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Gusto ko na sanang isiping naaakit na siya sa'kin pero nagulat ako ng lumingon bigla si dad sa direksyon ko at mabilis akong umayos ng tayo at disenteng ngumiti na tila hindi makabasag pinggan.
Kinaway ko pa ang mga palad ko at kumindat. Nangiti si daddy at kumaway rin. After that, they proceed to talk again. Napairap ako sa ere. Sumbungero!
Padabog akong umalis sa terasa ko, stamping my feet loudly in the whole house because of embarrassment and frustration. Hindi ba siya nagagandahan sa'kin? Kahit kaunti lang? Kahit mag panggap na lang siya, hindi ba pwede 'yun?
Tumambay ako sa living area at nag utos sa maid na ikuha ako ng isang basong juice. I sat here because I'm able to see him in another angle with a great view. Tagos sa salaming pintuan ang tingin ko sa kaniya. He's wearing a simple loose black shirt and faded jeans. He can even wear a trash bag and still manage to look expensive. Pero mas gwapo siguro kapag wala, hmmm.
"Hey-hey, wait!"
Pinigilan ko yung maid na nagdala sa akin ng juice. I realized that she's that maid who brought the snacks to Erato. Iyong parang binudburan ng asin at halos tumirik ang mata habang kausap si Erato.
"Po, ma'am?"
Her sweet smile made me even more irritated. I'm always on good terms with people around me. I do have a lot of friends, maybe because of my father's reputation. Hindi ako pwedeng magkaroon ng kaaway dahil magre-reflect lahat iyon sa public figure ni daddy. And besides, I'm not a bad person in the first place.
I can be the nicest person in the room but I can also be the nicest person to leave you in the room kahit naghihingalo ka na.
"You're new here?"
"Opo ma'am."
Hindi muna ako sumagot at tinitigan lang siya. Hinayaan mong isipin niya kung anong iniisip ko sa kaniya. Hindi lang ata paligo ang lamang ko rito, tulog rin. 
"I see..."
She smiled and I reciprocated it with mine too. At the side of my eye I saw someone enter the main door of the house. Mabilis akong umayos.
"Sige na, umalis ka na."
"Hey," It's kuya Jax. Nilingon ko ng pabalik-balik ang katulong na pinaalis ko bago nilingon si kuya.
He's wearing a button down dress shirt. Pormal na pormal pa ang pormahan at mukhang galing nanaman sa mga business meeting niyang hindi nauubos.
I timidly smile and hugged him. Dinampian niya ng halik ang noo ko.
"Biyernes santo 'yang mukha mo?" His eyes narrowed at me, inirapan ko lang siya.
"Where's dad?"
Umupo lang ako sa sofa at tamad na nginuso ang direksyon nila dad.
"Kaya naman pala, pa all souls day 'yang mukha mo." He laughed and patted my head.

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Rowena Pawilan Navarro

    pa update author 😊

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Noeh Sameran

    thanks

    08/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata