"Ms. Fuentabella, now that we are already on our second day of this topic I assume that you have already understood this lesson." Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas makita ko ng klaro ang mukha niya. Bawat pagtapik ng mga daliri niya sa ibabaw ng lamesa at bawat pagkurap ng perpektong hugis ng kanyang mata ay hindi ko pinalampas. "Arithmetic is the simplest and most widely used measure of a mean, or average." He was all serious and quiet as he was playing this "bored" board game with my dad. Hindi ko maintindihan kung bakit ba giliw na giliw silang maglaro niyan. Games are supposed to be fun kaya nga laro, not to be boring. Nagsimula sa paglalaro ng PSP kasama si Kuya Jaxon, hanggang sa narealize niyang ayaw niya nang kalaro ang kuya kaya't si Daddy na ang mas gusto niyang kakumpetensya. Well, ayoko nang banggitin na naglaro rin sila ng babae, I'll just pretend I don't know about that thing. Dad admire him so much, mas madalas pa nga yata niyang purihin itong si Erato kumpara kay kuya Jaxon. You can't blame dad, kuya Jaxon is not interested into Law. Etong si Erato ang madalas na nagpapakita ng interes sa mga sinasabi ni Dad kaya't heto ako, admiring him more than dad admires him. "Ms. Fuentabella?" I can't help but to moist my lips when he touched his lips in full concentration when dad made his move. Pursigidong manalo sa laro na ito.
Some minimal tattoo in his knuckles was visible. Naalala ko noong pareho sila ni kuya Jaxon na nagpatatts. Pagtuntong na pagtuntong nila ng legal age ginawa agad nila iyon . Galit na galit si Olivia kay kuya Joxan. But me? I'm amazed and amused- kay Erato. Wala akong pake kay kuya. My optometrists gave me my eye prescription, yet ito lang yata ang pinaka malinaw sa mga mata ko. Danyos ang binabayad ni Daddy dun tapos mali-mali ang analysis? Tsk. His well built curves are visible through his clothing, admiring the thin plain gray long sleeve which was hugging his body. I can't help but to notice how well built he is. Hindi yung katulad ng mga lalaki na mapapanuod mo sa WWE na parang muscle na tinubuan ng tao. He was just perfect, not the cringey type of bulkiness, but looking at him I would definitely ask him to hurt me and I'll still thank him. How old was he? 21? May sense rin naman pala ang pag papagod nila sa Gym ni Kuya Jax kahit na babae lang naman talaga ang sadya nila roon. How did I know? Wag mo nang alamin. "Ms. Jade? Are you paying attention? " His almond eyes are on their own concentration while his thick eyebrows are in a flat line, ganito siya palagi, kahit na hindi naman talaga siya galit ay parang laging may ginawang masama sa kanya. Siya lang yata ang galit na gusto ko pang galitin. He's hot when he's mad. "Arithmetic means simply-" "-Simply involves taking the sum of a group of numbers, then dividing that sum by the count of the numbers used in the series." Wala sa sarili kong sinabi, without breaking my sight with my breathtaking view. Nakanguso ako sabay ng pagbuga ng hangin. Oof. Stop biting your lip Erato. Nawala ang atensyon ko kay Erato ng tumikhim ang homeschool teacher ko. She look amused and her mouth was half open while looking at me. "Why?" Takang tanong ko kay Ms. Jessica "G-good to know that you've been studying our lesson ahead of time." Alanganin niyang sabi at bumaling sa libro niya. I did not study about it though. I've read it somewhere. hmmm Ibinalik ko ang tingin ko kung saan naroroon si Daddy at Erato, mula rito sa terasa ng aking kwarto at ay tanaw ko ang paghalakhak niya at ang pagkadismaya ni Daddy. He's winning again. A maid on her uniform with a handful of snacks distracted their time for a second ngunit bumalik agad sa pinag uusapan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang malagkit na tingin ng maid habang nilalagay niya ang huling baso sa harapan ni Erato. "Is she new?" Gustong gusto ko ang ampalaya ngunit halos dumura ako sa pait ng pagkakasabi ko ng tatlong salitang yun. "What?" Nag tiim bagang ako ng makitang kiming nginitian ng maid si Erato at kung paanong balik niyang kinindatan ang babae na yun. Wow! Kung wala siguro si Daddy doon ay nangisay na siya sa kilig.
"What the-- fuck?" "What did you just say Ms. Fuentabella?" Ang halos mag apoy na mata ko ay nalipat kay Ms. Jessica. She look shocked. Natikhim ako dahil sa hindi maitagong pagkainis. "Can we just resume this tomorrow? I'm not feeling well." Nakita kong hindi niya alam kung papayag ba siya sa sinabi ko but she had no choice. Ayaw niya pa? Maaga siyang makakauwi and still get the same salary. Mabuti na lang at pumayag siya. Syempre, papayag siya. Ano pa bang ineexpect ko? Simula nang umalis si Ms. Jessica ay hindi ko na inalis ang pagtitig ko sa kanila ni Daddy. This guy is certified head turner, one look at him then you can easily make a judgement about him. Hindi uso ang 'looks can be deceiving' sa kaniya dahil kung anong makita mo sa kaniya ay 'yon na talaga siya. Gwapo... Gago. At least naman nag rhyme. Kami kaya kelan magra-rhyme? Nakapangalumbaba na lang ako sa barandilya ng terasa ko habang ina-appreciate ang mukha niyang palagi kong napapanaginipan. I'm very vocal about my feelings towards him. Alam ni dad, ni Olivia, ni Kuya Jax, ng mga babae nila at kung sino pa. Kulang nalang ay mag pakabit ako ng billboard para lang I-announce sa buong mundo na patay na patay ako sa lalaking hindi man lang ako magawang titigan. He's currently taking up Pol. Sci. Since I don't know a thing about that shit ay hindi ko alam kung anong taon ba siya matatapos mag aral dahil parang hindi naman sila natatapos talaga. He managed to study even after all of his affairs and hook ups. He's that good, kaya niyang makisabay sa dilubyo ng buhay niya habang nagpapa ungol ng babae. Gusto kong magalit pero pag maganda ka dapat kalma ka lang.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
pa update author 😊
06/07/2025
0thanks
08/04/2022
0Tingnan Lahat