logo text

Fvcking hearts day

Ng makarating akong muli roon ay hindi ko na natanaw ang mga anyo nila kung nasaan sila nagtatago. I saw the girl a while ago, now sitting on the edge of the pool. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala na akong makitang Erato. 
"Why are you here, kid?" 
My reflexes are fast. Tumalikod ako ng marinig ko ang kaniyang tinig upang maharap ko siya. His body flaunting in front of me. He's just 17 but his body look so matured and well built. Dahil na rin siguro sa lahi nila, halos pareho sila ni kuya Jaxon ngunit masasabi ko pa rin na walang wala siya kay Erato. 
"H-ha?"
He drank on the glass of cold water he's holding. Napalunok ako roon dahil sa kaba. This is my first time seeing him outside, iyong hindi sa kahit anong parte ng bahay namin o kung saan man.
"Anong ginagawa mo rito? It's almost midnight, nasaan ang bodyguard mo?"
"Uhm.." Napangiwi ako at umayos ng tayo. Humigpit ang hawak ko sa aking regalo sa kaba, hindi mahanap ang sasabihin. 
His body is destructive as well as his presence. I can't think straight. Normal lamang ang pinag uusapan namin ngunit tila wala na ako sa aking sarili. 
"May party raw kasi rito. Pinayagan ako ni Daddy." 
"What?" Patuya ang tawa niya. 
"Kaso i-ibang party pala yung ginagawa niyo."
Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kanyang daliri. Inilapag niya ang baso sa isang display table roon. His dangerous eyes are wicked and sarcastic. 
"Ibang party? Why? Wala bang parlor games?" 
Nawala ang katiting na pasensyang hinahawakan ko. Sa sinabi niyang iyon ay tila pang iinsulto lamang ang dating sa akin. 
Umayos ako sa pagkakatayo at matapang siyang hinarap. Halos tinitingala pa siya dahil sa tangkad niya.
"S-sino yung babaeng kasama mo kanina?"
Hindi siya sumagot. He just stared at me for God knows how long. Lalong nade-depina ang hugis ng kaniyang panga dahil sa madilim na paligid. 
His lips twitched before it formed to a smirk. 
"Monica's my friend."
"Friend?" Ang tono ko'y hindi tunog nagtatanong kundi tonong hindi makapaniwala sa kanyang sagot sa akin. 
His eyebrows furrowed. 
"Ganun mo bang ituring ang mga babae mong kaibigan?"
His face became darker. 
"Does your friendship include french kissing or making out?" 
Akala ko'y na-corner ko na siya sinabi kong iyon dahil sa tagal niyang hindi sumagot. Namumuo na ang luha sa aking mga mata dahil sa kabang nararamdaman at pagpipigil sa biglaang pagsabog. 
"Why are you even making a big deal out of it? Nasaan ba si Olivia at ituloy na lang ninyo ang paglalaro." 
"Ha!" I spat and combed my hair with my fingers. His sentence clicked the one last thing inside me. 
Yeah, right! Why am I making this a big deal? 
"I beg my dad just to be here and you'll ask me why am I making this a big deal? Here's the thing Erato." 
I stepped closer to him. He looked down on me. 
"I. Like. You. I came here to see you and give my gift that I made for weeks for this effin heart's day."
 
His eyes are mad and I can't read his emotions. Hindi ko na alintana ang kaba sa akin dahil nagpupuyos na lamang ako sa pagka inis. 
"I am Jade Fuentabella. It's not my responsibility to give up, I'm not alive for that purpose. Everyone can make their choice to step on my ego but I'll choose whom I'll feel the pain."
His lips parted. Binagsak ko sa dibdib niya ang paper bag na dala ko. 
"Happy Valentines Day." Galit kong sabi at iniwan siya roon. 
"Happy my ass." Bulong ko sa sarili at tumayo para simulan ang ibang routine. 
That night I cried my ass out and called my driver to send me home. I can't afford being in the same place with Erato. Hindi ko matanggap na totoo ang mga paninirang sinabi ni Olivia sa akin at hindi rin nakatulong ang mga masasakit na sinabi niya. Na tila ba napatunayan ko mismo sa sarili ko na isa akong tanga.
"Good morning!"
"Go to hell." I uttered nonchalantly and sipped into my frappe. 
Humagalpak si Olivia ng tawa ng umupo ako sa katabi niyang upuan. It's my first day in college, ang magandang umaga ni Aiden ay hindi sapat para tanggalin ang pagka badtrip ko. 
"Mukhang hindi lang ang college ang first day." Pang aasar  ni Olivia. 
"No need to order you to go to hell. For sure doon ang punta mo." Irap ko kay Olivia. She spat out another set of laughter. Ito ang nakakainis sa kaniya, hindi ko magawang gumanti sa mga pang aasar niya dahil never naman siyang naapektuhan. The guts. 
I saw Aiden finally able to move after my way of greeting him. 
"The heck Jade, it's the first time we've seen each other since you went out of the country!"
I know. I'm just not in the mood. And definitely not in the mood to explain myself. 
"Aiden, kulang lang yan sa lambing."
Kunwari wala akong narinig. Kinuha ko lang ang schedule ko sa bag at tinignan kung anong klase ba ang mayroon kami ngayon. 
"2 PM. Mall after this?" I asked Olivia.
"Jade naman..." Ungot ni Aiden sa gilid. 
Aiden is a son of a family friend. We've known each other for years now and he's my ex. 
Yes, I know. Everybody knows I'm head over heels with Erato. Hindi naman ako magsasabi ng totoo kung hindi ako dumaan sa puberty stage. It was just a bet around our circle of friends. And we tried it, ilang weeks lamang kami until I called it out. 
Hindi ko naman alam na totohanan na pala para kay Aiden. He fell so I'm out. 
"PMS Aiden, Sorry." I smiled trying not to be rude. 
"Sige, mall tayo. Dapat nga mag cut nalang tayo. Wala namang gagawin." Bored na bored na sambit ni Olivia. 

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Rowena Pawilan Navarro

    pa update author 😊

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Noeh Sameran

    thanks

    08/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata