Concern

 Tinignan ko ang numero at pangalan niyang nakaplaster sa screen ng cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot pa ako. Ano naman kung hindi niya rin sinabing miss niya ako? Noon naman ay kahit pagsulyap sa akin ay hindi niya magawa ngunit hindi naman ako nasasaktan roon. 
I scrolled through my phone while seated. Parang tinadhanang makita ko pa roon ang isang article patungkol kay Savannah Li. Sa sobrang pagka kuryoso ko ay hinanap ko ang pangalan niya sa search bar. 
Maling-mali na ginawa ko iyon dahil ang mga issue patungkol sa pagkakalink niya kay Erato lamang ang nakita ko. Pero hindi iyon ang biggest scoop ng mga artikulo.
Erato Asterial, the successor of Asterial Empire. 
I sighed heavily. I wonder how hard it is for him to turn his back on his family. That is a whole legacy of his family yet he chose the other way round. I love his recklessness yet I love his principles even more. And I'm proud to say that I loved a man like him. 
Natulala lamang tuloy ako sa kawalan. Mag-isa lamang ako rito sa kilalang coffee shop at nagpapalipas ng oras. Natanaw ko ang isang babaeng bata na palakad-lakad sa parking lot. Gaya nang nakagawian ay ginusto kong lapitan iyon. 
Bumili muna ako ng pagkain sa loob bago ako lumabas muli. Deretso na rin akong uuwi dahil wala na rin naman na akong gagawin. 
"Hi! Heto oh." Inabot ko sa bata ang supot at ngumiti lang ito sa akin dahil nahihiya ata. Umalis rin siya kahit na walang sinasabi. 
"Mahilig ka sa bata, Ms. Fuentabella?" 
My head turned to the voice immediately. It was my bodyguard. Medyo nailang ako pero hindi naman siguro masama kung makikipag-usap ng casual sa kaniya. 
I smiled and replied, "I don't know. More than that, I think I just grew up longing for a sibling. Mag-isa lang akong anak ni dad at mom." 
"Pero hindi ba't mayroon kang kapatid?" Tanong niyang muli. 
Mabilis na napako ang tingin ko sa kaniya. Nakipagtagisan siya ng tingin at sa huli ay ako na lamang ang sumuko dahil sa pagka ilang. 
"A-ah, oo." I laughed. "Pero magkaiba kami ng mommy ni Kuya." 
His mouth twitched as if he's about to say something pero naagaw ni Markus ang atensyon niya. Nilingon ko si Markus dahil hindi ko nagets and tinginan nilang dalawa. 
"Pinauuwi na ba ako ni Dad? Don't worry, I would love to go na rin." sagot ko. 
Markus blinked fast. "Ah hindi po, Ms. Fuentabella. Nagpasabi nga po ang daddy niyo na baka late na ulit siyang umuwi."
My brows furrowed. Naligo ng messages si daddy sa akin. Puro iyon pagtatanong kung bakit sinusubsob niya ang sarili niya sa trabaho gayong hindi pa siya nakaka recover. 
"Kuya have you talked to dad?" Kahit si Kuya Jax ay inistorbo ko na. 
"Not that much. Why?" 
Nag rant ako kay Kuya. Sinabihan ko siya sa kung ano ang pwede naming gawing pagkukumbinsi kay Dad para makinig siya. Nagkasundo naman kami sa mga gusto naming mangyari at sinabi niyang kakausapin niya rin daw si Dad. 
"Oh, wait Kuya," naghabol ako sa pagpatay niya ng tawag. "Yes?" he answered. 
"May nabanggit sa akin si Aiden regarding this matter between Dad and the Vice Governor. Have you heard of that? Mind to share something to me?" 
I can feel him contemplating. "I don't think I'm the right person to ask, Jade. Si Dad ang mas higit na nakakaalam nito and all we could do is trust him and his skills of handling this kind of matter. Afterall this is is what he loves to do. Kailan ba natin siya napigilan?" 
Nanguso ako. he has a point. Baka nga tipikal na political misunderstanding lamang ito. 
"For now, be good and don't do anything that will harm your safety. You know how dad can go berserk if something happens to you." 
Parang pangalawang tatay ay parehong mga lintaya lamang ang aking narinig mula sa kaniya. "Alright, take care as well. Bye." Medyo sarcastic at sincere kong sabi bago patayin ang tawag. 
"As if something will have the interest to harm and kill me or something." Bulong ko sa aking sarili. 
"Tama po ang kapatid niyo, Ms. Fuentabella. Maigi po ang mag-ingat kayo sa ngayon." 
Nahinto ako sa pagtitipa sa aking cellphone. Nasa kalagitnaan kami ng traffic at nag isip pa ako kung ako ba talaga nag kausap nitong Hunter, pero binaggit niya ang apelyido ko. So I guess he's really talking to me. But... why? 
I looked at him in the eye through the rearview mirror. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Normal bang makisawsaw ang mga baguhang security? Or was I the only one making it a big deal? 
"Hunter," I called him. Tumingin siya sa akin pabalik. He's the one driving while Markus is at the passenger seat. Si Mang Lando ay out of sight hindi ko alam kung nasaan siya. 
"Hunter right?" Pagkumpirma ko. He nodded and I saw how his jaw clenched. "Yes ma'am. Tama po kayo." 
"Hunter..." 
"Ramirez. Hunter Ramirez," he gave me what I wanted.
I pursed my lips while looking at him in the eyes through the rearview mirror still. Not to be disrespectful, but he's new and he's really making the situations uncomfortable for me. Buti sana kung katulad ni Mang Lando na matagal nang naninilbihan sa amin.
"Thank you for your concern, Mr. Hunter Ramirez. I appreciate that." 
Hindi siya sumagot. Markus cleared his throat silently. That was my hint to stop staring at this Hunter. 
I nodded before using my phone again. Tingin ko'y sapat na iyon para malaman niya ang pakiramdam na magtanong o manghimasok sa personal na buhay ng iba. 

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Rowena Pawilan Navarro

    pa update author 😊

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Noeh Sameran

    thanks

    08/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata