DASHA's POV Nang makarating ako sa classroom ay nanatili akong nakangiti, umupo ako sa aking upuan at ramdam ko ang titig sa akin ng aking mga kaibigan. Nilingon ko sila, "Bakit ganiyan kayo makatingin?" inosenteng tanong ko. Hinimas-himas ni Azriel ang kaniyang baba na animo'y nag-iisip, "I smell fishy" Tumango naman si Margeaux bilang sang-ayon, "Me too" "Psh!" usal ko sabay isinandal ko ang aking ulo sa bintana at ipinikit ang mata nang biglang--- hampasin ang braso ko kaya napabalikwas ako "Aray!" daing ko. "Kinakausap ka namin bruha" maarteng wika ni Azriel. "Makahampas naman ito! Masakit kaya" reklamo ko. "Ano ba ang naganap?" tanong ni Margeaux. "May nalalaman ka pa na pasunod-sunod kay Kynzlee sa CR... Ano iyon girl? Wattpad ang peg?" wika ni Azriel. "Psh! Bakit ba? Inggit ka?" mataray kong tanong. "Of course not, may Skye ako," wika ni Azriel at ngumiti na animo'y kinikilig. "Psh!" napailing na lang ako. "So, what happened Dasha?" usisa ni Margeaux. "Wala naman nangyari eh?! Binigyan ko lang sya ng gamot---" "Gamot?" putol ni Azriel sa sinasabi ko. "Oo... Kasi hinipo ko---" "GOSH" gulat na wika nilang dalawa kaya kumunot naman ang aking noo sa reaksyon nilang dalawa... "Hinipuan mo siya Dasha?" tanong ni Margeaux na nanlalaki ang mga mata. "Oo... Kasi nga---" "Oh my God" maarteng wika ni Azriel na animo'y hindi makapaniwala, "Nasarapan ba siya sa paghipo mo?" dugtong niya ngunit binatukan ko naman siya kaya napahawak siya kaagad sa kaniyang batok at hinimas ito, "Aray!" daing niya. "Anong nasarapan? Masyado ka ng dirty minded dahil sa pinapanood mong porn" inis kong saad. He pouted, "Hinipo ko ang noo niya, gets? Hindi kung ano-ano ang iniisip mo," inis kong saad sabay umakto na susuntukin siya kaya iniharang niya kaagad ang kaniyang dalawang kamay sa mukha niya. Tumatawa lang naman si Margeaux, "Kwento mo na, Dasha" wika nito. "Ayon nga! Hinipo ko ang noo niya kaya nalaman kong may lagnat siya at binigyan ko siya ng gamot" paliwanag ko. "Then?" sabay nilang tanong. "Umalis na ako" saad ko at biglang naging malungkot ang ekspresyon ng kanilang mukha na animo'y natalo sa lotto, "Anong reaksyon iyan?" nagtatakang tanong ko. "Sayang! Walang nangyari" wika ni Azriel na animo'y nanghihinayang. Tumango naman si Margeaux bilang sang-ayon sa sinabi ni Azriel kaya napailing na lang ako. We all stared at the door when it suddenly opened loudly as if kicked. Standing there was our classmate who was obviously running because he was out of breath, he put both his hands on his knees and chased his breath. "What happened to him?" nagtatakang tanong ni Margeaux. "Aba! Hindi namin alam, magkakasama tayo, hindi ba?!" pilosopong tugon ni Azriel. Kunot noo siyang tinitigan ni Margeaux kaya natawa naman ako. Muli kaming napatingin sa kaklase namin na nakatayo sa pinto, lahat kami ay nakatingin sa kaniya sabay tumayo siya ng maayos habang nakatingin sa aming lahat, "May rambol sa labas" wika niya. Sumandal ako sa upuan, "Psh! Lagi naman may away dito sa school" bulong ko. "Sino ang nag-aaway?" tanong ng kaklase kong babae. "Si Kynzlee at Mia" Awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang pangalan ni Kynzlee sabay nilingon ko ang dalawang kaibigan ko, "Tara na, Dasha" wika ni Margeaux at hinila ako palabas ng classroom. Tumatakbo kaming lahat ng kaklase ko pero huminto ako at tumingin sa kaklase kong nagbigay ng balita sa amin, "Teka--- Saan ba ang rambulan? Kanina pa tayo tumatakbo" inis kong saad. Itinuro niya ang gawi sa kaliwa, "Doon sa Gymnasium" tugon nito. Muli naman kaming tumakbo... Nang malapit na kami ay puro estudyante ang nakapalibot kaya hindi namin nakita kaagad ang nangyayari ngunit sinubukan kong sumingit, "Excuse me," wika ko habang sumisingit sa mga nanonood ng away. Habang papalapit ako sa unahan ay naririnig ko na ang boses ni Mia na nagsasalita, "What? Will you still insist on your reason? Ha! Kung dati ay mapapaniwala mo ako, ngayon hindi na" sarkastikong wika nito. Biglang tumili ang ibang babae... Nagmadali akong sumingit at nang makarating ako sa harapan ay bumungad sa akin ang dalawa na parehong may dugo ang bibig, "Kynzlee" bulong ko sa aking sarili. Naramdaman kong nasa tabi ko na ang lahat ng kaklase ko at kasama na doon ang dalawang kaibigan ko. Puro sugat si Kynzlee! Pasa Putok ang labi May dugo sa bandang noo Nanghihina Pero pinilit niyang tumayo at nanatiling nakatingin kay Mia sabay idinura ni Kynzlee ang dugo na galing sa kaniyang bibig, "What you found out is not true" seryosong wika nito. "Ha! SINUNGALING KA," sigaw ni Mia at akmang hahampasin si Kynzlee ng hawak niyang upuan ay biglang--- "ENOUGH" sigaw ko. Napatingin silang dalawa sa gawi namin, "Dasha" sabay nilang sambit. I quickly approached Kynzlee simultaneously holding both of her cheeks while staring into her eyes, "Are you okay?" I asked worriedly. Nakahawak ang right hand niya sa kaniyang kaliwang braso, tinanggal ko ang kamay niya doon at bumungad sa akin ang sugat niya na patuloy sa pag-agos ang dugo. Muli akong tumingin sa kaniya, "D-Dadalhin kita sa c-clinic" natatarantang wika ko. Napatingin naman ako sa dalawang babae na palapit sa amin, "Tol, what happened?" nag-aalalang tanong ni Skye. Tumingin si Reese kay Mia at akmang susugurin niya ito ay bigla siyang hinawakan ni Kynzlee sa braso, napatingin siya kay Kynzlee sabay umiling ito sa kaniya, "Tara, dadalhin ka namin sa hospital" wika ni Reese. Inalalayan ni Reese sa kaliwang gilid si Kynzlee at ako naman sa kanan. Si Skye ay kasama si Azriel at Margeaux na nakasunod sa amin. Nang makasakay sa kotse ay nagmaneho kaagad si Reese, nakaupo naman kami sa back seat ni Kynzlee. Nakasandal ang kaniyang ulo sa upuan habang nakatakip ang panyong hawak ko sa kaniyang sugat sa kaliwang braso niya. I could feel my tears dripping as I stared at her. Iminulat niya ang kaniyang mata sabay tumitig sa akin, pinilit kong pigilan ang aking luha sa pagpatak at nakitang kong ngumiti siya, "I'm fine, Dasha" "Anong fine? Look at yourself" saad ko kaya tumingin naman siya sa katawan niya, "Ang dami mong sugat" muli siyang tumingin sa akin, "Why didn't you fight?" dugtong ko ngunit muling pumatak ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala, "Bakit ba kasi kayo nag-away ni Mia at umabot pa sa sakitan?" She wiped the tear from my cheek with her finger, "We just don’t understand each other" "Bakit nga?" kunot noong tanong ko. "We're here" rinig kong wika ni Reese. Tumingin naman ako sa labas, "Nandito na tayo" sambit ko sabay muli akong tumingin kay Kynzlee, "Tara na!" Biglang bumukas ang pinto sa gilid namin at bumungad sa amin si Reese, "Tara na, tol" saad niya. Inalalayan namin si Kynzlee dahil wala siyang lakas maglakad mag-isa. Pagpasok sa hospital ay inasikaso siya kaagad ng mga nurse at dinala sa isang kwarto. Umupo kami ni Reese sa upuan hindi kalayuan sa kwartong pinasukan ni Kynzlee. "Dasha" usal ni Reese. Nilingon ko siya, "B-Bakit?" Tinapik niya ako sa balikat, "Don't worry, Kynzlee will be okay" saad niya pero yumuko ako, "Hindi naman ganoon kalala ang natamo niyang sugat" dugtong nito ngunit tumango lang ako, "Bibili lang ako ng maiinom, babalik ako agad. Huwag kang aalis dito" wika niya. Mayamaya lang ay naramdaman ko na lang na tumayo siya at naglakad na palayo sa akin. Bumuntong hininga ako, isinubsob ko ang aking mukha sa palad ko at itinukod ang aking siko sa mga binti ko. Minuto rin ang lumipas nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko, "DASHA" sigaw nito. Kaagad kong iniangat ang aking ulo sabay tumingin sa gawi nila, patakbo naman silang lumapit sa akin, umupo ang aking dalawang kaibigan sa magkabilang gilid ko at si Skye ay umupo sa tabi ni Azriel. "How is Kynzlee?" Margeaux asked. I leaned back in the chair "Still inside" Bumuntong hininga si Azriel at nilingon si Skye na katabi niya, "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito. Tumingin naman si Skye sa kaniya, "I don't know, nauna kayong dumating doon, right?!" sarkastikong sagot nito. "Tse! Ang sungit mo," mataray na wika ni Azriel at muling humarap sa pwesto namin ni Margeaux. Mayamaya lang ay bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ni Kynzlee, napatayo ako kaagad at naglakad patungo sa Doctor, "Family po ba kayo ni Ms. Kynzlee?" tanong ng Doctor ngunit hindi ako nakasagot sa tanong ng Doctor kaya tumingin ako sa kanila. "Yes Doc" tugon ni Skye sabay tumaas lang ang kaniyang kilay at muling tumingin sa doktora. "Hindi naman ganoon kalalim ang sugat niya sa braso pero kailangan niyang i-xray dahil iniinda niya ang kaniyang spinal cord" paliwanag ng doktora, "Marahil ay tinamaan iyon ng matigas na bagay" saad niya ngunit nanatili kaming nakikinig, "Pwede niyo na siyang puntahan sa kwarto" dugtong ng doktora. "Salamat Doc" pasasalamat ni Skye. Tumango lang ito at naglakad na palayo sa amin at napansin ko naman na tumingin sa akin si Skye, "Mauna ka ng pumasok" wika nito. I no longer answered, I hurried inside and headed to the hospital bed where Kynzlee was lying. I watched her from head to toe. I also looked at her wound on her left arm with this bandage on. Naramdaman kong mayroong lumapit sa akin kaya nilingon ko siya, "Maupo ka, Dasha" wika ni Skye na mayroong dalang plastic chair. She laid down the chair next to Kynzlee's bed so I sat down. I took Kynzlee's hand and remained staring at her. "Bakit ba kasi nag-away sila Kynzlee at Mia?" tanong ni Margeaux. "We don't know" tugon ni Skye. "Dahil kay Dasha" Napalingon ako sa aking likuran, nakatayo doon si Reese na mayroong dalang dalawang paper bag, "Bakit naman?" tanong ni Azriel. Naglakad si Reese palapit sa table na katapat ng kinauupuan nila Skye, nang nailapag niya ang dala niyang pagkain ay umupo siya sa tabi ni Margeaux sabay tumingin sa akin. Tumawa naman si Reese kaya kumunot ang aking noo, "I'm just kidding" wika nito. Tumayo ako kaya itinago niya ang kaniyang mukha sa likod ni Margeaux ngunit napansin ko ang pamumula nang mukha ng kaibigan ko, "W-What are you doing?" nagtatakang tanong ni Margeaux. "Baka sapakin ako ni Dasha" tugon naman ni Reese. "Psh!" muli akong umupo at sumandal sa aking kinauupuan sabay nagcross arms ako. "Kumain muna kayo, bumili ako ng foods and drinks" wika ni Reese. Kaagad naman hinalungkat ng dalawang kaibigan ko ang paper bag sabay iniangat ni Margeaux ang hawak niyang drinks na galing sa paper bag, "Dasha" tawag niya sa akin. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin at iniabot niya sa akin ang hawak niyang soya milk, "Alam kong favorite mo iyan!" dugtong niya. Napangiti ako at tinanggap ang soya, "Thanks!" pasasalamat ko. Muli naman siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina at sinimulan kainin ang burger at siomai. Binuksan ko ang hawak kong soya at tinungga ito, "Paano niyo nalaman na nakipag-away si Kynzlee?" tanong ni Skye. "Sinabi ng classmate namin at nang marinig ni Dasha ang pangalan ni Kynzlee ay napatayo siya kaagad sa---" Naibuga ko ang aking iniinom kaya hindi natapos ni Margeaux ang sinasabi niya at umubo naman ako. Tumayo si Reese sabay inabutan ako ng tissue, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako bilang tugon, nang mahimasmasan ako ay muli akong umupo ng maayos. Tinitigan ko si Margeaux na animo'y tatagos ang titig ko sa mga mata niya kaya apalunok siya nang maintindihan niya ang ibig kong ipahiwatig sa mga titig ko... "Gusto mo si Kynzlee?" tanong ni Reese ngunit tila uminit ang aking pisngi dahil sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot sa halip ay tinungga ko ang soya na hawak ko. "Alam na ba ni Kynzlee?" tanong ni Skye pero makikita sa mga mata niya na nang-aasar lang siya. No one answered their question, I looked at my friends who were staring at me. Naku! Huwag na huwag kayong sasagot, sasapakin ko talaga kayo, "May burger pa?" pag-iiba ko sa topic at kaagad naman tumango si Margeaux bilang tugon, "Pwede ba akong humingi?" muli kong tanong. Kumuha si Skye ng burger sa paper bag at fries sabay tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nang makalapit siya ay iniabot niya sa akin ang kaniyang hawak, "Kumain ka, mapapagalitan kami ni Kynzlee kapag ginutom ka namin" wika nito sabay ngumiti. "Ha?" She walked back to the sofa and sat down again, What does he mean? Confused though I was I just opened the burger and took a big bite. Nabalot ng katahimikan ang paligid, walang may balak magsalita... Patuloy lang ako sa pagnguya ng kinakain kong burger at muli akong kumagat ng malaki sa burger nang biglang may nagsalita, "Dasha" mahinang tawag niya sa pangalan ko. Nilingon ko ang katabi kong nakahiga at--- nakatitig siya sa akin. "Hskdhdhdidj" Natawa naman siya ng bahagya, "Ubusin mo muna ang laman ng bibig mo" saad niya. Matapos niyang sabihin iyon ay nagsalita si Skye, "Tol?" Tumayo sila kaagad at lumapit kay Kynzlee, "Gising ka na" tuwang tuwa na saad nito. "How are you feeling?" tanong ni Reese. Naramdaman kong tumayo sa aking likuran ang dalawang kaibigan ko. Nakikinig lang ako sa kanila habang sila ay nag-uusap at ako naman ay nguya lang ng nguya. "Ano ba ang nangyari?" Reese asked. "Ano na naman ang pinag-awayan niyo ni Mia?" Skye asked. Kumunot ng bahagya ang aking noo dahil sa pagtataka, Na naman? They mean, hindi lang ito ang unang beses na nag-away sila? "Jsyevdjkd" muli kong usal pero dahil puno ang bibig ko ay wala silang naintindihan. Napatingin sila sa akin at nilingon ako ni Kynzlee, muli siyang natawa sabay ginulo ng bahagya ang buhok ko, "Ubusin mo na ang kinakain mo, kumain ka ng marami" saad niya. Tumango na lang ako at muli siyang tumingin sa dalawa pero hindi nagsalita kaya nagtaka ako. "Lalabas muna kami, tol" wika ni Skye. Naglakad siya palapit sa dalawang kaibigan ko at hinawakan niya sa pulsuhan si Margeaux. Ganoon rin ang ginawa ni Reese kay Azriel. "Teka---" putol na wika ni Margeaux. Hinila na sila palabas ng dalawang tukmol na kaibigan ni Kynzlee, nang makalabas sila ay tumingin ako sa aking katabi. "Saan sila pupunta?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat lang siya kaya kumunot ang aking noo. Muli akong kumagat sa burger na hawak ko... Ano kaya ang rason ng pag-aaway nila? Kumagat pa ako ulit sa burger sabay ngumuya ngunit nakayuko lang ako ng bahagya na animo'y nag-iisip. "Paborito mo pa rin pala ang burger" wika niya. Napatingin ako sa kaniya na nakatitig pala sa akin, napalunok naman ako at tila uminit ang aking pisngi dahil nakatitig siya sa akin, "Oo, m-masarap kasi ang egg burger" Ngumiti naman siya, "Talaga ba?" Tumango naman ako bilang tugon, "Gustong gusto ko iyong egg na malasado lalo na kapag egg burger with hot sauce... Ang sarap!" nakangiti kong salaysay. Muli siyang ngumiti, "Hmpp! Alam mo bang paborito ko rin iyan!" "Oo naman, alam ko iyon! Gagawa nga sana ako ng egg burger para sayo---" naputol ang aking sinasabi nang mapagtanto ko kung ano ang aking sinabi. Nanlaki ang aking mata sabay napatakip sa aking bibig at nanlalaki ang mata na tumingin kay Kynzlee ngunit nakangiti lang naman siya ng nakakaloko. Muli akong napalunok, "I mean---" "Why didn't you make me an egg burger?" she asked. "Ha? B-Bukas ko pa sana b-balak gumawa" tugon ko sabay napakamot sa aking ulo. Ang daldal mo talaga, Dasha! "Ihatid mo bukas sa classroom ang egg burger, okay?" wika niya. Napatingin naman ako sa kaniya, "Pero--- kailangan mo pa magpahinga" "I'm fine! Hindi naman malalim ang mga sugat ko, kailangan kong pumasok" "Okay! Dadalhin ko na lang bukas sa iyo ang egg burger" Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi, "Salamat!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
mantap
25/01/2025
0hhmmmffff
15/08/2024
0gawa ka po ng story na gl (girl love)
19/07/2024
0Tingnan Lahat