DASHA's POV Narito na kami sa mall, nasa loob na kami ng sinehan habang hinihintay na magsimula ang movie. Nasa right side ko ay si Kynzlee, sa left side ko ay si Skye at Reese. Nilingon ko si Kynzlee na nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan, nakapikit ang mata at nakacross arms. Pinagsawa ko ang aking mata na titigan siya, magkatabi na naman kami. Napangiti ako sa aking iniisip, titig na titig lang ako sa kaniya na animo'y walang pakialam sa mga taong nasa paligid namin. At bigla siyang dumilat sabay nilingon ako kaya nanlaki ang aking mata kasabay ng aking paglunok. Shete! Umiwas ako kaagad ng tingin, umupo ako ng maayos at tumingin sa malaking screen na nasa harapan namin ngayon. Nahuli niya ako, bwisit ka Dasha! Masyado ka ng obvious. Mayamaya lang ay nagsimula na ang movie. Sinimulan ko na kainin ang pop corn na kanina ko pa hawak habang nakatingin sa big screen. I felt someone staring at me but I ignored that. I just kept on munching on food while busy watching. Nang nasa kalagitnaan na kami ng panonood, walang nagsasalita sa aming apat dahil nakatutok lang kami sa big screen. Napatingin ako sa babaeng katabi ni Kynzlee, tumayo ito dahil dadaan para lumabas. Nakasuot siya ng short na kulang na lang ay makita ang gubat at croptop na damit. "Excuse me," usal ng babae at dahan-dahan na dumaan sa harapan namin. Nang nasa tapat ko na siya banda ay nahulog ang hawak niya pero hindi ko alam kung ano iyon dahil madilim at liwanag lamang sa big screen ang nagsisilbing ilaw namin. Yumuko siya upang damputin ang gamit niyang nahulog pero napansin kong nasa tapat ni Kynzlee ang kaniyang pwet, ito naman haliparot na babae sa harapan ko ay iniangat niya pa ng bahagya ang kaniyang pwet na animo'y ipinapakita kay Kynzlee na malaki ang pwet niya. Aba! Malandi pala ang butiki na ito. Kaagad akong napatingin kay Kynzlee na---- nakatitig sa pwet ng babae at biglang tumingin sa akin kasabay ng kaniyang paglunok. Kumunot naman ang aking noo... Tinakpan ko ang kaniyang mata ngunit hindi naman siya nagreklamo dahil hinayaan niya lang ako at nilingon ko ang babae na nakatuwad pa rin... "Miss, hindi mo pa rin ba nakukuha ang gamit mo?" inis kong tanong. Nilingon niya ako sabay tumaas ang isang kilay. Dahan-dahan siyang tumayo at--- nilingon si Kynzlee. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya at muling tumingin sa akin ang babae, "Ang ganda ng girlfriend mo," saad niya at tuluyan ng umalis sa harapan namin. Nang makaalis na ang babae ay dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa mata ni Kynzlee at--- nakita kong nakapikit siya, "Kynzlee" tawag ko sa kaniya. Iminulat niya ang kaniyang mata at tumitig siya sa mga mata ko. Ang mga titig niya ay parang familiar, pakiramdam ko ay tumatagos ang titig niya dahil ang seryoso ng kaniyang mukha, "K-Kynzlee" nauutal kong saad ngunit hindi siya nagsalita, "Manood na ulit tayo!" nahihiyang anyaya ko. Muli akong tumingin sa big screen, sumubo ako ng popcorn nang biglang--- mayroong sumandal sa aking balikat. Nanlaki ang aking mata dahil sa gulat, dahan-dahan akong lumingon sa gawing kanan upang makita ang mukha niya, bumungad naman sa akin ang mukha ni Kynzlee na nakapikit. Napalunok ako... Binalewala ko na lang iyon at muli akong nanood. Naubos ko na ang popcorn at sakto naman natapos na ang palabas. Bumukas na ang ilaw kaya napakaliwanag ng paligid at tumatayo na ang mga tao para lumabas ng kwartong ito... Nilingon ko naman si Kynzlee at tinapik-tapik ng mahina sa pisngi upang magising, "Kynzlee" mahinang sambit ko. "Uhmpp?" "Tapos na ang movie, lalabas na tayo!" "5 minutes," saad niya at humalukipkip sa braso ko. Natigilan ako sa ginawa niya, "A-Anong gingawa mo, Kynzlee?" nagtatakang tanong ko ngunit hindi siya sumagot kaya nilingon ko sila Skye na nakatingin pala sa amin, "Mauna na kayo lumabas, susunod na kami" Tumango lang sila bilang tugon at naglakad palayo sa amin, muli kong sinilip ang mukha ni Kynzlee na bahagyang nakasiksik sa bandang leeg ko, "Kynzlee, gumising ka na" "Ayaw ko" Kumunot ang aking noo, "Tumayo ka na, kailangan na natin lumabas" Umupo naman siya ng maayos pero nakatitig sa akin kaya tumayo na ako at inilahad ang aking kamay, "Let's go?" patanong kong saad. Tumayo siya pero hindi tinanggap ang kamay ko, nauna siyang naglakad sa akin at nasa likuran niya lang ako. Napayuko na lang ako at hindi na nagsalita. Aray ha?! Hindi man lang talaga tinanggap ang kamay ko, Oo na! Mas malaki talaga ang pwet ng babae kanina. Galit ba siya sa akin dahil tinakpan ko ang mata niya? Ha! Edi wow! Pagbuhulin ko pa sila ng babaeng iyon! "Tsk!" mahinang usal ko. Patuloy lang kami sa paglalakad habang nakayuko pa rin ako. Bakit ba naiinis ako? Eh, kasi naman porket malaki ang pwet ng butiking babaeng iyon ay nagustuhan siya ni Kynzlee kaysa sa akin. Psh! Don't tell me na kailangan kong magsuot ng pekpek short para lang mapansin ako ni Kynzlee?! Ha! Kung ayaw niya sa akin, PAKIALAM KO! Psh! Akala mo naman ikinaganda niya ang--- Naputol ako sa pag-iisip nang biglang nabangga ako sa isang bagay na medyo matigas kaya napahawak ako kaagad sa aking noo, "Aray!" daing ko sabay dahan-dahan akong tumingala at bumungad sa akin ang mukha ni Kynzlee na nakatitig sa akin, tumingin ako sa nabunggo ko at--- napalunok ako. Iyong abs niya ang nabunggo ko? Matigas ba talaga ang abs? Muli naman akong tumingin kay Kynzlee. "Bakit ka ba naglalakad ng nakayuko? May problema ba?" kunot noong tanong niya. Kumunot ang aking noo at naunang lumabas ng kwartong iyon. Mabilis akong naglakad, hindi ko na siya hinintay dahil naiinis ako sa kaniya. Nasalubong ko pa sila Skye na nagtatakang nakatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin at nilampasan ko lang. Dumiretso ako sa comfort room... Pagpasok ko doon ay kaunti lang ang tao, mayroong couple na naghaharutan at may pumasok na dalawang babae sa isang cubicle. Anong gagawin nila doon? Inilibot ko ang aking paningin at--- puro babaeng couple ang nakikita ko. Teka--- tamang banyo ba ang pinasok ko? Muli akong lumabas at tumingala sa pinto ng banyo... For Bisexual girls only? May ganitong banyo na pala sa mall? Hindi ako updated! Muli akong pumasok sa loob at nanlaki pa ang aking mata dahil sa nakita kong may naghahalikan sa bandang dulo ng sink. Lumihis ako ng tingin, itinuon ko ang aking paningin sa salamin. Bumuntong hininga naman ako, ipinagdikit ko ang aking dalawang kamay para saluhin ang tubig at inihilamos sa aking mukha. Nang matapos ay dahan-dahan akong tumingin sa salamin at--- "Ay palaka" gulat kong saad. Halos mapatalon ako sa gulat dahil katabi ko na si Kynzlee na nakatitig sa akin at may hawak na towel at napansin ko naman na nagpipigil siya ng tawa, "Pfft" Kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong. Iniabot niya sa akin ang towel, "Sinundan ka" "Psh! Hindi mo na dapat ako sinundan" inis kong saad ngunit hindi siya nagsalita kaya kinuha ko na lang ang towel at ipinunas sa mukha ko. °°°°° KYNZLEE's POV Nang pumasok si Dasha sa loob ng banyo ay tumayo lang ako hindi kalayuan sa pinto. Nakita ko naman na lumabas si Dasha ng banyo at tumingala sa pinto nito sabay muling pumasok sa loob. Sumunod ako sa loob, pagpasok ko ay bumungad sa akin ang magkasintahan na naghahalikan sa dulo ng sink, napailing na lang ako. Lumingon ako sa kanan at nakita ko doon si Dasha na naghihilamos, kinuha ko ang towel sa bag na dala ko at lumipat sa kaniya. Nang muli siyang tumingin sa salamin ay halos mapatalon siya sa gulat nang makita niya ako. "Ay palaka" gulat niyang saad. "Pfft," gusto kong tumawa dahil sa expression ng mukha niya pero pinipigilan ko. Mahirap na! Baka magalit sa akin. Kumunot ang kaniyang noo, "Anong ginagawa mo dito?" inis niyang tanong. Iniabot ko sa kaniya ang towel na hawak ko, "Sinundan ka" "Psh! Hindi mo na dapat ako sinundan" Hindi ako nagsalita kaya kinuha niya na ang towel at ipinunas sa kaniyang mukha. Nakatingin lang ako sa kaniya habang abala siya sa kaniyang ginagawa nang biglang--- may narinig kaming umungol kaya sabay kaming napalingon sa gawi ng magkasintahan na kanina pa naghahalikan sa kabilang dulo nitong sink. Nakita namin ni Dasha na ang kamay ng babaeng nakatayo ay nasa palda ng babaeng kahalikan niya na nakaupo sa sink, tinakpan ko ang mata ni Dasha at iniharang ang aking sarili sa harap niya upang hindi niya makita, "Let's go!" saad ko. Niyakap ko si Dasha habang palabas kami ng banyo, palapit pa lang kami sa pinto nang muli naming narinig ang ungol. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin si Dasha na nakasubsob ang mukha sa aking katawan, "Hey! Pwede ba sa cubicle niyo gawin iyan?!" inis kong wika. Tumigil sa pag-ungol ang isang babae kaya alam kong tumingin sila sa amin pero nanatili akong nakatalikod sa kanila. "Wala naman ibang papasok dito maliban sa ating mga bisexual and lesbians, don't act like an innocent puppet. Tsk!" sarkastikong wika niya. Pakiramdam ko ay dumaloy sa mukha ko ang lahat ng dugo sa aking katawan sa sobrang inis, binitiwan ko si Dasha upang lumapit sa dalawang higad nang biglang--- mas humigpit ang pagkakahawak ni Dasha sa leather jacket na suot ko, nakayakap siya sa akin kaya sa likod ng jacket ko siya nakahawak. Yumuko ako upang tingnan ang mukha niya at nakatitig pala siya sa akin, "Huwag mo na patulan" malambing niyang saad. "But---" "Please" Bumuntong hininga na lang ako, muli ko siyang niyakap gamit ang isang braso ko at ang isang kamay ko ay nakalagay sa aking pants. Ngunit unang hakbang pa lang ay muling nagsalita ang dalawa sa likuran namin, "Don't tell me na hindi mo pa naranasan makipagsex?" sarkastikong tanong nito. Muli akong huminto sa paglalakad, ramdam ko ang mga titig sa akin ni Dasha kaya nanatili sa pinto ang aking paningin, "Tara na, Kynzlee," wika ni Dasha at hinihila ako palabas ng pinto pero hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. "OMG! Is it true? Hindi ka pa nakipagsex?" manghang tanong ng babae, "Unbelievable" dugtong nito. Nilingon ko sila at pareho na silang nakatayo, ang isang babae ay astig kung tingnan dahil sa mga tattoo sa kaniyang braso at ang isa ay mukhang chicks tingnan pero--- mas gusto ko si Dasha! "Kynzlee, halika na!" wika ni Dasha na nakayakap sa beywang ko at hinihila ng bahagya ang dulo ng jacket ko. "Virgin ka pa?" tanong ng chicks na babae at dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin pero nakatitig lang ako sa mga mata nito. "Anong gagawin niya?" nagtatakang tanong ni Dasha ngunit hindi ako nagsalita hanggang sa huminto sa tapat namin ang babae . "Ang ganda mo sa malapitan" wika niya sabay tiningnan ako simula ulo hanggang paa, "Halatang banat ka sa gym huh?!" mapang-akit niyang wika. Humakbang ang babae palapit sa akin at naramdaman ko naman ang kamay ni Dasha sa aking kamay, humawak siya ng mahigpit sa kamay ko. Tila uminit ang aking pisngi dahil sa ginawa niya at tumingin naman ang babae kay Dasha, "Oh?! Girlfriend mo ito?" tanong ng babae kasabay nang paglipat ng tingin niya sa akin, muli siyang humakbang palapit sa akin ngunit humarang sa harapan ko si Dasha. Nagtataka akong tumingin kay Dasha, "Huwag kang lalapit sa kaniya" wika ni Dasha. Ngumisi naman ang babae, "Why? Hindi naman kayo magshota" saad nito. "At sino naman ang nagsabi sa iyo? Aber?" panghahamon na tanong ni Dasha. Pasimple akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Hinawi niya si Dasha sa harap ko at lumapit siya sa akin sabay inilagay niya sa aking batok ang kaniyang dalawang kamay. Nakatitig lang ako sa mata ng babae nang biglang--- hinila ni Dasha ang babae palayo sa akin at sinuntok niya ito kaya napaupo ang babae sa sahig. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa gulat, "Dasha" usal ko at kaagad na lumapit sa kaniya sabay hinawakan ko siya sa kaniyang dalawang braso at iniharap sa akin, "Calm down" dugtong ko. Nakatitig siya sa mga mata ko at bakas sa mukha niya ang inis, "At ikaw naman--- hinayaan mo lang siya na akitin ka" galit niyang wika. "N-Nagulat ako kaya hindi---" hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil mayroong kamao na dumapo sa aking pisngi at kaagad akong napahawak sa aking ilong nang naramdaman kong mayroong likidong dumaloy doon "Kynzlee," nag-aalalang tawag sa akin ni Dasha kaya nagmadali siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilaan kong pisngi at iniharap sa kaniya, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. "I'm fine" tugon ko. Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kaming lahat doon, iniluwal nito si Reese at Skye. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita kami ni Dasha... Lumapit naman silang dalawa sa amin, "Tol, anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Skye. Napansin kong tumayo si Reese at lalapit sa dalawang babae kaya kaagad kong hinawakan ang kaniyang pulsuhan para pigilan siya sabay nilingon niya naman ako, "Bitiwan mo ako tol" inis niyang wika. "Enough, Reese" saad ko, "Aksidente ang nangyari" pagsisinungaling ko. Nakinig naman sa akin si Reese kahit alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko at inalalayan ako ni Dasha tumayo. Nang makarating sa parking ay sasakay na sana ako sa driver seat nang biglang nagsalita si Skye, "Ako na ang magmamaneho tol, sa backseat na kayo umupo ni Dasha" Tumango na lang ako at kaagad na umupo sa backseat, si Reese naman ay nakaupo sa passenger seat kaya kaming dalawa ni Dasha ang nakaupo rito sa backseat. Sumandal ako sa headrest ng upuan at ipinikit ang mata... "Reese, may tissue ka ba? Nakalimutan ko ang tissue ko sa CR kanina" wika ni Dasha ngunit hindi sumagot si Reese at lumipas ang segundo ay muling nagsalita si Dasha, "Kynzlee, gagamutin ko ang pisngi mo" Iniurong ko ang aking ulo palapit sa gawi niya pero nanatiling nakaunan sa headrest, alam kong malapit ang mukha ko sa kaniya dahil ramdam ko ang kaniyang hininga. Matagal bago ko naramdaman ang kaniyang kamay na hinawakan ang aking pisngi hanggang sa maramdaman kong mayroong malamig na dumampi sa aking pisngi, "Aray!" daing ko nang naramdaman ko ang hapdi. "Ay, hala sorry!" bakas sa boses niya na nataranta siya. Iminulat ko ang aking mata at isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin, nakatitig siya sa mga mata ko at ganoon rin ako, "Dahan-dahan kasi masakit eh?!" mahinang saad ko. Bakas sa mukha niya ang pagkailang, muli niyang dinampian ng bulak na mayroong likido ang pisngi ko, dahan-dahan niya itong dinadampi na animo'y ingat na ingat. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang siya ay abala sa kaniyang ginagawa... Bumaba ang aking tingin sa kaniyang ilong... at labi... Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang nakita kong lumunok rin siya kasabay ng paglunok ko, dahan-dahan kong hinapit ang kaniyang beywang palapit sa akin kaya nanlaki ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. "K-Kynzlee" "Hmm?" "What are you doing?" tanong niya ngunit hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong inilalapit sa kaniya ang aking mukha kaya sunod-sunod na paglunok naman ang ginawa ni Dasha at hindi ko napigilan na mapangiti dahil sa ginawa niya, "Bakit ka ngumigiti diyan?" inis niyang tanong. "Huwag kang kabahan, wala akong ginagawa sa iyo" wika ko na mayroong bahid ng pang-aasar. Kumunot naman ang kaniyang noo, "Anong wala?" pilit siyang kumakawala sa bisig ko pero hindi niya magawa, "Ano ba?! Bitiwan mo ako, Kynzlee" saad niya na mayroong bahid ng pagbabanta. "Pakakawalan kita kung--" pinutol ko ang aking sinasabi. "Ano?" iritang tanong niya. Inilapit ko sa kaniya ang aking mukha, 1 inch na lang ang pagitan ng labi namin kaya muli siyang napalunok. Dahan-dahan akong pumikit kasabay ng paglapit ng aking labi sa kaniyang labi nang biglang--- bumusina si Skye ng napakalakas. Napadiin ang aking pagpikit dahil sa inis at kaagad na tumingin sa dalawa sabay nakita kong nakahinto na ang sasakyan namin, "Ano ba?! Disturbo talaga kayo" inis kong saad. Nilingon nila kami ngunit nanatili pa rin kami ni Dasha sa ganoong posisyon. Sumipol si Reese na mayroong bahid ng pang-aasar at si Skye naman ay nagsalita, "Ay! Sorry na! Sige ituloy niyo na iyan!" sabay ngumiti ng nakakaloko. Dinampot ko ang maliit na unan sa aking gilid sabay ibinato kay Skye ngunit tumawa lang naman ang dalawang unggoy.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
mantap
25/01/2025
0hhmmmffff
15/08/2024
0gawa ka po ng story na gl (girl love)
19/07/2024
0Tingnan Lahat