DASHA's POV Nakahilata lang ako dito sa aking kama habang nakatitig sa kisame at bumuntong hininga ako, "Mababaliw ako sa kaiisip kung ano ang dapat kong maalala" usal ko sa aking sarili. Kinapa ko naman ang aking cellphone sa tabi ko at tinawagan si Margeaux. Sinagot rin niya kaagad, "[Hello]" panimula niya. "Where are you?" "[Nasa bahay, bakit?]" "Can we talk?" "[About what?]" "Mamaya ko na sasabihin, magkita na lang tayo sa Dunkin Donut" "[Copy]" saad niya at pinatay ang tawag. Nang makarating ako sa Dunkin Donut ay hinihintay ko na lang si Margeaux ng ilang minuto. Umorder ako kaagad ng foods pagdating niya. Kumagat naman ako sa pagkain na hawak ko nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ang tawag, "Yes?" Panimula ko. "[Where are you?]" she asked. "Nasa mall" "[Pupuntahan kita diyan]" "Huwag na!" "[Why?]" nagtatakang tanong niya. Napatingin naman ako sa babaeng umupo sa aking harapan, "Hintayin mo na lang ako sa bahay" "[Okay!]" Matapos niyang sabihin iyan ay pinatay ko ang tawag. "Sinong kausap mo?" tanong ni Margeaux. "Si Kynzlee" Tumango-tango naman siya na animo'y kumbinsido, "Anyway! Bakit ba gusto mo akong kausapin?" nagtatakang tanong niya. Bumuntong hininga naman ako, "May gusto lang akong malaman" Kumagat naman siya ng donut na hawak niya, "Go ahead" "May amnesia ba ako?" direktang tanong ko. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mata, "Why did you ask?" "Just answer my question," seryosong saad ko ngunit natahimik siya at wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya, "Margeaux" tawag ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya, "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyo ang katotohanan?" tanong niya. Bakit bigla akong kinabahan? Tumango naman ako, "Maniniwala ako" tugon ko. "Y-Yes, may amnesia ka Dasha" wika niya na direktang nakatitig sa aking mga mata. At nakatitig lang ako sa kaniya, "H-How?" "Wala ka pa rin bang maalala?" Umiling naman ako, "Sasabihin ko sa iyo kung ano ang nangyari" seryosong wika niya. *FLASHBACK* Palabas na ako ng classroom namin dahil katatapos lang ng klase nang biglang tumunog ang aking cellphone, kinapa ko ito sa bulsa ng aking palda at sinagot kaagad ang tawag, "Yes?" "[Dasha]" wika niya na bakas sa tono ng boses ang pag-aalala. "What's wrong?" tanong ko ngunit segundo na ang lumipas pero wala akong narinig na tugon mula sa kabilang linya kaya kumunot ang aking noo, "Margeaux" "[H-Ha?]" tanong niya. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? May problema ba?" sunod-sunod kong tanong. "[Ang d-dad mo]" garalgal niyang tugon. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, "Where are you?" nag-aalala kong tanong. "[Cardaño Company]" tugon niya. Pinatay ko ang tawag at nagmadaling lumabas ng eskuwelahan. At nang makarating ako sa building ng Cardaño Company ay tumakbo ako papasok sa loob, sumakay ako sa elevator dahil sa 10th floor ang opisina ni Mr. Cardaño. While I was in the elevator I was restless, I just stared at the number I saw on the monitor. When the door opened I immediately got out of the elevator and I ran towards the door of Mr.’s office. Cardaño. Hindi na ako kumatok dahil binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Margeaux at Azriel na nakatayo malapit sa akin pero nakatingin sa kanilang unahan kaya tumingin ako sa tinitingnan nila... I saw Kynzlee standing, she was holding a knife with blood on the blade and even her hand had blood on it. I looked at the person lying in front of Kynzlee and my tears immediately flowed. Dad was lying on the floor with blood on his chest. I let go of the bag I was holding and slowly walked closer to dad as my tears continued to flow. When I got closer I knelt in front of dad, I looked at his wound on the chest and looked him in the face again. Pakiramdam ko ay pinipiga ang aking puso, naninikip ang aking dibdib, walang tigil sa pagpatak ang aking luha at gulong gulo ang isipan. Hinawakan ko ang mukha niya, "D-Dad" sambit ko, "T-Tumawag kayo ng a-ambulansya," dugtong ko pero walang kumilos sa kanila para tumawag ng ambulansya kaya kumunot ang aking noo, "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA" sigaw ko. Humagulhol na ako ng iyak kasabay ng pagyakap ko sa malamig na bangkay ni Dad. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pinatay! May kasalanan ba siya? Ganoon ba kabigat ang kasalanan niya? Patuloy lang naman sa pagpatak ang aking luha. "D-Dasha" tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil patuloy lang ako sa pag-iyak, "Dad, bakit mo po ako iniwan?" garalgal na tanong ko sa kaniya kahit alam kong wala na akong makukuhang sagot, "Ang sabi mo ay ikaw ang magsasabit sa akin ng medalya?!" dugtong ko. Hinayaan lang nila akong umiyak nang umiyak, halos kalahating oras na akong umiiyak dito nang may narinig akong nagsalita, "Dasha, I'm sorry!" Wika niya. Feeling all my blood rush towards my face, I slowly laid dad down and stared sharply at the man standing in front of me. Tumayo ako at walang alinlangan na sinampal siya. Alam kong nagulat ang lahat sa aking ginawa pero wala akong pakialam sa kanila, "Why did you kill dad?" kunot noong tanong ko. Muli siyang tumingin sa akin, "I'm sorry!" garalgal niyang wika. Lumingon ako sa mga kasama namin dito sa kwartong ito, sila Margeaux, Azriel, Skye, Reese, at Mia. Muli naman akong tumingin kay Kynzlee, "Bakit mo ginawa iyon kay dad?" tanong ko kasabay sa pagpatak nang aking luha ngunit umakto siyang lalapit sa akin pero kaagad kong iniharang ang aking kamay, "Huwag kang lalapit" pigil ko sa kaniya. "Hindi ko pinatay ang daddy mo" depensa niya. "Hindi? Hindi mo siya pinatay?" "Oo! Hindi ako---" "Bullshit" singhal ko. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin, "Look at yourself," wika ko sabay itinuro siya simula ulo hanggang paa, "Hawak mo ang patalim pero tumatanggi ka pa" dugtong ko. Tumingin siya sa hawak niyang kutsilyo at kaagad itong binitawan na animo'y gulat na gulat sabay muling tumingin sa akin, "Dasha," usal niya kasabay ng paghakbang nang kaniyang paa. "HUWAG KA NGA LALAPIT" muling sigaw ko na bakas sa tono ng boses ang galit. Nakita kong umagos ang luha sa kaniyang pisngi pero mas nangingibabaw sa akin ang galit, kaagad kong kinuha ang kutsilyo sa kaniyang bandang paa at--- walang alinlangan na itinarak ito sa kaniyang dibdib at muling nanlaki ang kaniyang mata dahil sa aking ginawa, "Dasha" gulat na tawag nilang lahat sa pangalan ko. "D-Dasha" sambit ni Kynzlee. Mas idiniin ko pa ang patalim sa kaniyang dibdib kaya bigla naman siyang sumuka ng dugo kasabay ng pag-atras ko palayo sa kaniya. Natumba siya pero nakatitig lang ako sa kaniya kaya lumapit kay Kynzlee sila Skye na nag-aalala, "Kynzlee" tawag nila. Ramdam ko ang pagpatak ng aking luha sa pisngi ko, nakatitig sa akin si Kynzlee habang siya ay nakahiga sa braso ni Reese at si Skye naman ay inaalalayan ang kaniyang ulo, "Simula ngayon ay kalimutan na natin ang isa't isa" maawtoridad kong saad. May mga ambulansya na dumating, dinala nila Margeaux at Azriel si dad sa hospital at ako naman ay nagmamaneho ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong mapag-isa, patuloy lang ako sa pag-iyak habang nagmamaneho ng kotse. Lumalabo na ang aking paningin dahil sa luha pero binalewala ko iyon. Halos 20 minutes na rin akong nagmamaneho at hindi ko na makita ang aking dinadaanan. Pinunasan ko ang luha sa aking mata gamit ang aking kamay nang biglang may narinig akong bumusina na track ngunit hindi ko natapakan ang preno dahil sa gulat kaya bumunggo ako sa harapan ng track na nasalubong ko. Hanggang sa namalayan kong nakayuko na ako sa manibela at ramdam ko ang likidong dumadaloy sa aking mukha na nagmula sa aking ulo, "Dad, magkikita na po tayo" wika ko sa aking sarili. *END OF FLASHBACK* Pakiramdam ko ay nanikip ang aking dibdib sa nalaman ko, habang nagku-kuwento si Margeaux ay bumalik sa aking alaala ang pangyayari. Naramdaman ko na lang ang aking luha na pumatak sa aking pisngi... "Dasha" nag-aalalang tawag sa akin ni Margeaux. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, "B-Bakit hindi niyo s-sinabi sa akin?" tanong ko, "At--- iyong aksidente na nangyari sa akin ay ang rason kung bakit wala akong maalala?" dugtong ko. Tumango naman siya bilang tugon, "Oo" ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa akin, "Hindi namin alam kung paniniwalaan mo kami o hindi kaya mas minabuti na lang namin na manahimik" paliwanag niya. Binigyan niya ako ng tissue kaya tinanggap ko iyon, "Gaano na katagal simula noong nangyari ang aksidenteng iyon?" tanong ko habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Humigop siya ng juice bago nagsalita, "6 months" tugon niya. "Pero--- bakit hindi nakulong si Kynzlee?" nagtatakang tanong ko. "Mas mabuti kung kayo na lang ni Kynzlee ang mag-usap" Yumuko ako na animo'y nag-iisip at minuto rin ang itinagal bago ko naisipan tumayo ngunit nagtatakang tumingin sa akin si Margeaux, "Where are you going?" "Pupuntahan ko si Kynzlee," tugon ko na hindi man lang siya nilingon. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil naglakad na ako palabas, tulala lang ako habang naglalakad hanggang sa nakarating ako sa parking lot. Sumakay ako sa aking kotse at kaagad na nagmaneho pauwi sa bahay. Bakit mo ginawa iyon mylabs? Totoo ba talagang ikaw ang may kasalanan? Gulong gulo ang aking isipan, ayaw kong maniwala sa aking nalaman ngunit iyon ang nasa aking ala-ala at muling umagos ang aking mga luha... Nang makarating ako sa bahay ay kaagad akong pumasok sa loob, tumungo ako sa sala at bumungad sa akin si Kynzlee na masayang nakikipag-usap kanila Mommy at Ate. Nilingon naman nila ako, "Oh! Narito ka na pala, anak" nakangiting wika ni Mom. "Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka ba?" nagtatakang tanong ni Ate. Hindi ko sila pinansin dahil nakatitig lang ako kay Kynzlee na nakatitig rin sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka at pag-aalala. Tumayo naman siya upang lumapit sa akin ngunit nang nasa tapat ko na siya ay kaagad kong iniharang ang aking isang kamay, "Diyan ka lang!" pigil ko sa kaniya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka at animo'y naguguluhan pero mas pinili niyang magtanong, "Are you okay?" Ramdam kong umagos ang aking luha, napansin kong napatayo sila Mom at si Kynzlee naman ay akmang lalapit pero muli kong pinigilan, "Huwag ka nga lalapit" "What's wrong?" nag-aalalang tanong niya. "May gusto ka bang ipagtapat sa akin?" seryosong tanong ko. "Ha?" Natawa ako ng bahagya, "Huwag na tayong maglokohan, Kynzlee" "What do you mean?" Bumuntong hininga ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi, "Why did you kill my father?" Sarkastikong tanong ko. Nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat at halatang hindi niya inaasahan ang aking tanong ngunit hindi siya nagsalita at nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko, "Nakakagulat ba?" napalunok naman siya kaya tumingin ako kanila Mom na nangingilid ang luha, "Bakit hindi mo siya pinakulong, Mom?" tanong ko na nangingilid ang luha sa aking mata. Lumapit sa akin si Mom at Ate, si Kynzlee naman ay umatras ng bahagya sabay tumingin ako kay Ate na nakatayo sa likod ni Mommy, "Ate, bakit hinayaan ninyong pagala-gala ang kriminal na katulad niya?" inis kong tanong kasabay nang pagpatak ng aking luha. "Walang ebidensya na----" "May testigo" wika ko na pilit pinapakalma ang aking sarili. "Walang silbi ang testigo kung walang ebidensya" depensa ni Ate. Napasabunot ako sa aking sarili habang hinahayaan ang aking luha na nag-uunahan sa pagpatak. Naramdaman ko naman na mayroong yumakap sa akin kaya nilingon ko siya--- at kaagad na itinulak. Napaupo siya sa lakas ng aking pagtulak, "Huwag na huwag mo akong hahawakan" singhal ko at nakita kong mayroong pumatak na luha sa kaniyang pisngi sabay tumingin siya sa akin, "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin" "I-I'm sorry!" usal niya. "Sorry?" tanong ko, "Ha!" "Hindi ako---" "Tama na ang kasinungalingan, Kynzlee" singhal ko, "Please... Tama na!" garalgal kong saad. Humagulhol na ako ng iyak kaya lumapit naman sa akin sila Mom at niyakap ako. Hinayaan lang nila akong umiyak ng umiyak ngunit muli akong tumayo ng maayos at humiwalay sa pagkakayakap nila Mom, si ate naman ay niyakap niya si Mom dahil umiiyak na rin ito. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at pilit pinakalma ang sarili, "Nawalan ka na ba ng magulang?" galit kong tanong ngunit yumuko si Kynzlee na patuloy sa pagpatak ang kaniyang luha pero nakatitig lang ako sa kaniya, "Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang" wika ko na mayroong diin ngunit hindi siya nagsasalita, "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa ako, dapat namatay na lang rin ako dahil sa paraan na iyon ay makakasama ko si Dad" singhal ko. "Anak" tawag sa akin ni Mom. Hindi ko sila pinansin dahil nanatili akong nakatitig kay Kynzlee na dahan-dahang iniangat ang ulo hanggang sa magtama ang paningin namin dalawa, "Sumuko ka sa police" maawtoridad kong saad. "Anak" usal ni Mom. "Dasha" usal ni Ate. Nilingon ko sila Mom, "What? Pipigilan niyo na naman ako? Sino ba talaga ang anak niyo?" singhal ko. "DASHA" galit na sigaw ni Ate kaya natahimik ako pero patuloy sa pagpatak ang aking luha, "Pinakinggan mo na ba ang side ni Kynzlee?" tanong niya na pilit pinapakalma ang kaniyang sarili. "Hindi ko na kailangan pakinggan ang opinyon niya ate dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na pinatay niya si Dad" inis kong saad kasabay ng pagturo kay Kynzlee. Muli kong nilingon si Kynzlee, "Susuko ka sa police? Or--- ako mismo ang magdadala sa iyo sa police station?" maangas kong tanong. Tumayo siya sabay pinunasan ang kaniyang luha pero nanatiling nakatitig sa aking mga mata, "Don't worry, susuko ako sa police" saad niya. Naglakad siya palapit sa amin at nilampasan niya lang ako, hindi ko siya nilingon pero narinig ko ang pagsara ng pintuan. At muli akong humagulhol ng iyak. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Mom at Ate. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pinatay si Dad?! Pero--- kahit ano pa ang kaniyang rason ay mali pa rin ang ginawa niya. Kailangan niyang mabulok sa kulungan. Ang taong hinangaan ko, pinantasya ko at minahal ko ay isang kriminal? Psh! At wala man lang nagpaalala sa akin na masamang tao pala ang minamahal ko. Pakiramdam ko ay doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon! Ang buong akala ko ay mabuti siyang tao, pero lahat ng akala ay nagkakamali. Niyakap ko naman pabalik si Ate at Mom, "Tahan na!" sambit ni Mommy. Si Ate naman ay hinihimas ang aking likod upang pakalmahin ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
mantap
25/01/2025
0hhmmmffff
15/08/2024
0gawa ka po ng story na gl (girl love)
19/07/2024
0Tingnan Lahat