Hustisya

"Oh my, ginawa niya talaga 'yon?!"
Tila gulat na gulat tanong ni Merlyn.
"You mean talaga????" Si Alma naman.
"Paano nangyari 'yon??" Si Thelma.
"Anong ginawa mo??" Si Hanna.
Ganyan ang binungad nila sa akin matapos kong i-kuwento ang mga nangyari nang gabing 'yon.
"Anong ginawa mo nga?" Pangungulit ni Merlyn.
Ano nga ba matapos ang pangyayari hindi ko na alam basta lumabas kaagad ako ng kuwarto.
Nagulat, natulala, nawala sa katinuan.
Malay ko ba na gagawin niya sa akin 'yon! Ghad!
"Uy, ano na? Wala ka naman ba i-ku-kuwento sa amin? Ano ba ginawa mo matapos niyang gawin 'yon?" Pamimilit ni Thelma.
Tumikhim muna ako,"Wala."
"Wala?? Anong wala ??? I-kwento mo ang buong-buo !" Tila excited si Hanna.
"Umalis kaagad ako sa kuwarto nang gawin niya 'yon kaya di na kami nakapag usap dahil kinabukasan umalis siya ng maaga."
"So you mean hindi pa kayo nakakapag-usap simula nang gabing 'yon? Eh paano kanina? Hindi ba at magkatabi pa kayo sa upuan?" Si Alma
"Hindi pumasok, eh."Nag isip ako, "Uhm sabi nasa meeting daw kaya maghapong wala rito sa University."
"Mukhang ngayon ka lang nagkamali." sabi ni Thelma habang naka nguso patungo sa likuran ko.
Dali-dali akong tumayo ng makita si Jeron papalapit sa puwesto namin.
"Hi girls." Bati nito. Simpleng sulyap ginawa ko at dahil doon pansin ko maaliwalas ang mukha niya. Nang tumingin sa akin kaagad akong tumalikod kasi NAGHUHUREMENTADO na naman ang puso ko.
"Bye girls, na padaan lang ako hindi pa kasi tapos meeting namin."
Wahhh, Thank you Lord!
Humarap kaagad ako sa apat na tila pinagmamasdan ang aking mukha.
"What?" Usisa ko.
"Naiilang ka sa kanya, ano?" Si Alma.
"Hindi ah!"
"Eh bakit tumalikod ka nang nandito siya? Ayiiiieeeee...huwag mo sabihing tinamaan ka sa isang halik na 'yon." Pang aalaska ni Merlyn.
"Of course not!"
"Ows? Eh bakit halata riyan sa pagmumukha mo na guilty ka? Ayieee, talagang tinamaan nga siya."
"Merlyn, tumigil ka nga hindi mali yang iniisip mo, o ninyong lahat."
"Amin-amin din kasi kapag may time Ms. Kelly mahirap itinatago ang totoong nararamdaman."
"Sus."
"Sa tingin mo bakit niya ginawa 'yon?" Pamimilit ni Thelma.
"Dahil naka inom siya puno ng alcohol ang utak niya."
"Dahil lang ba 'don? Hindi ba kapag naka inom ang isang tao doon lang din lumalakas ang loob kapag may gusto silang sabihin o gawin?" Ulit ni Thelma
"Pero iba naman yung sa amin saka malabong magustuhan ako ni Jeron, may special someone na 'yon."
"Sino?" Si Hanna
"Ewan, at nakaka siguro akong wala sa atin 'yon."
"Hahaha! Pustahan tayo gusto niyo??" Hamon ni Merlyn sa tatlo.
"Pupusta akong may gusto talaga si Jeron kay Kelly."
"Hahaha! sino ka pustahan mo?"  Nangiti ako sa tanong ni Hanna.
"Eh pare-pareho tayong yan ang ipupusta."
Bluff ! Ayos !
Lahat sila tumingin sa akin, "Ganito na lang kapag totoo ang hinala namin kasama kami sa debut mo." Ani Alma.
"Kahit mag pustahan tayo o wala kasama talaga kayo roon." Siwalat ko.
"Ah basta pustahan natin yan saka noon pa di ba umamin na siya sa iyo ito na siguro ang pagkakataon para mapatunayan na nagsasabi siya ng totoo kaysa nagbibiro." Pamimilit ni Merlyn.
"Bahala kayo..." Tila ako na lang ang sumuko sa kakulitan ng apat.
Ayoko rin naman kasi mag assume. Oo, hinalikan niya ko pero hindi naman 'yon dahilan para isipin kong gusto niya ko. Kung dati nga sinabi niya sa aking gusto niya ako pero binawi rin niya, how about this? Duh?
"Hey may chika ako." Ani Thelma.
"What?" Mahinhin na tanong ni Alma. Lahat kami nakatingin sa kanya.
"Si Iris,"
"Oh anong nangyari sa kapatid mo?" Usisa ko.
"Narinig ko kagabi may kausap siya sa cellphone alam niyo ba na tawa siya nang tawa at panay sabi ng I love you sa totoo lang ayoko mag-isip kung sino 'yon."
Lahat sila ay nagtangkang tumingin sa akin na tila gusto nilang sabihing si Ferd ang tinutukoy ni Thelma.
"Hindi siya 'yon maniwala kayo." Depensa ko.
"Eh kung ganoon sino, saka kung hindi nga si Ferd ej di mabuti wala na kayong problema." Ani Hanna.
"Tama." Si Merlyn.
"Basta hindi siya 'yon." Muli kong wika.
"Eh alam mo naman na si Ferd palagi ang kasama nito di ba? Wala siyang dinadalang ibang lalaki sa bahay bukod kay Ferd." Siwalat ni Thelma
"You mean, sinasabi mo ba niloloko na naman ako ni Ferd ganoon?" Paniniguro ko.
Parang natatakot itong tiningnan ako sa mata.
"Tama na nga 'yan," awat ni Merlyn, "Ako nang bahala riyan malalaman ko ang totoo."
Tahimik kaming nakatambay dito sa field. Ayoko na rin mag open nang kung ano dahil naiinis lang ako kung patuloy namin pag-usapan about Ferd and Iris. I have no idea talaga dahil feeling ko naman nagbago na siya at talagang iniiwasan si Iris kaya itaga man niya sa bato ...hindi si Ferd 'yon.
"Pasok na ako." Inayos ko kaagad ang bag bago tumayo.
"Oh teka? 15 minutes pa naman ang klase niyo." Alma.
"Parang sumama ang tiyan ko eh mauna na ako."
"May cr diyan." Naka ngiting wika ni Hanna.
"Haha, ayos hindi ako ma-C-Cr kdot! Babush MATH!" naglakad ako palayo kahit nakakaramdam ako ng 'di maganda sa aking tiyan.
Hindi pa nag-uumpisa ang klase at talagang maaga pa kaya nag decide akong mag drawing na lang. Kaya lang parang lalo sumasakit ang tiyan ko. Hindi hilab eh parang pinipiga. Ugh ! I can't believe this feeling ko mawawalan ako ng ulirat dito dahil sa sakit.
"Okey ka lang ba Kelly?" Hahaha, mukha ba akong okey sa ginagawa ko? Patawa ka masyado Ivan! Gigil mo si ako!
Narinig ko may binulong si Denise rito ngunit hindi ko pinansin dahil una ayokong pag aksayahan sila ng oras at pangalawa dumating na si Ms. De dios pero ang tingin ko tuloy kay ma'am ay doble ay hindi triple! Ugh, ano ba ito!
"Ma'am...."
"Yes, Ms. Pascual?"
Nakadiin ang aking kamay sa tiyan at tiniti gnan siya.
"Ma---maaam . . . ." namimilipit kong tawag muli.
"Are you alright Ms Pascual? What happened to you?" Tumayo ito upang lapitan ako.
"I'm sorry m-maaam, may- - I'm sorry po talaga." Pilit akong tumayo upang lumabas dahil hindi ko na talaga kaya.
Tagaktak na nga ang pawis ko sa buong mukha hanggang sa tuluyan nawalan ng ulirat
🌼🌼 a f t e r  o n e  h o u r 🌼🌼
Sa pagdilat ng aking mga mata ay may isang lalaki akong natanaw.
"Okey ka na??" Tinatama ko lamang ang kung TAMA nga ba na si Jeron ang nakikita ko.
"Babe, tawagin ko ang nurse, masakit pa ba tiyan mo?" Bluff, si Ferd pala.
"Hindi okay ako babe." Bumangon ako, "Okey na ..Uhm ...tapos na ba meeting niyo??" Tanong ko habang ipinupusod ang aking kulot na buhok.
"Hindi pa napasugod lang ako rito ng magtext si Claire na dinala ka nga raw sa clinic, okay lang ba talaga ang tiyan mo??"
"Wow..." Tinitigan ko siya sa mata sabay pisil ang pisngi, "Ang sweet ng boyfriend ko."
"Tss, kahit sino mag-aalala ano ba kinain mo at bakit sumakit tiyan mo?"
"Uhm, madami, eh, ano nga pala sabi ng nurse?"
"Sinabing na impatcho ka kaya naisip kong madami ka na naman kinain maghapon, tsk, ang takaw."
Bahagya ako ngumiti, "Kasama ko ang MATH kanina nagkuwentuhan sa field tapos food trip hindi ko alam na ganito pala kahihinatnan, oo nga pala, himala yata at sinabi sa iyo ni Claire?"
"Ah 'yon ba? Nagtanong kasi ako kung ano ginagawa mo kasi po hindi ka nagrereply sa mga text ko kaya alam mo na."
"Okay. " akala ko sinaniban ng anghel itong si Claire.
Alam niyo na mga readers ugali ni Claire sala sa init, sala sa lamig.
"Ihatid na kita sa unit mo." Inalalayan niya ako tumayo.
"Paalala ko sana na sa susunod bawas-bawasan mo ang pagkain ng marami..."
"Opo,"
"Tandaan mo 'yan,"
"Opo..."
"Babantayan ko ang bawat kilos mo."
"Ayos,"
"Bakit?" Huminto sa harap ko, "Nag-aalala ako, paano pala kung sa susunod di na kita mapuntahan, o kaya mabantayan?"
Kapwa kami natahimik.
"Hindi mo naman gagawin sa akin 'yon di ba?"
"Hindi," Sumeryoso ang mukha.
"Hindi ko gagawin ang bagay na ikalulungkot mo."
"Talaga? Sana nga, sana hindi mo ako iwan muli."
Niyakap niya ako ng mahigpit, "Yeah never!"
"Ehem!" Bumaklas kami sa pagkakayakap.
"K-kuya??"
"Bakit?" Tila nahihiya niyang tanong sa akin, "Ah dinadalaw lang kita..." Ngayon naman hindi makatingin ng diretso.
Tumingin sa relo itong boyfriend ko.
"Babe tutal nandito si Kuya Benjie babalik ako sa meeting." Tumungo siya kay kuya, "Mauna na ako kuya."
"K, ingat."  kaagad lumayo sa amin si Ferd saka ako inakbayan ng kuya ko.
"Saan tayo?" Tanong niya habang naglalakad.
"Sa kung saan may pagkain at mauupuan."
"Ikaw, akala mo ba hindi ko alam ang nangyari sa iyo kaya ako napa sugod, eh."
"Paano mo nalaman?"
"Kahit hindi mo ako nakakasama araw-araw may mga mata naman akong nakatuon lang sa iyo. Bawas-bawasan mo na lang ang paglamon!" Hindi ko alam kung paalala ba 'yon o pang-iinsulto.
"Opo, sige dito na lang tayo." Naupo kami sa bakanteng upuan.
"Kung ganon kuya sino naman 'yon?"
"Anong sino?"
"Ang mga mata mo rito para lang bantayan ako? Alam ko na...isa sa mga tao na nandito, ano?" Pinagtuturo ko ang mga estudyante na dumaraan sa harapan namin.
"Tss, itigil mo 'yan baka manuno ka." Tinapik kamay ko.
"Eh sino nga?"
"Kapag sinabi ko malalaman mo."
"Malamang ...sinabi mo kaya malalaman ko."
"De bale na lang."
"Daya."
"Nakuha mo na ba ang pinadala ko?"
"Ang alin?"
"Ang isusuot mo sa debut."
"Ha?? Bakit mo naman pinadala pa rito? Puwede naman sa bahay na lang dahil doon naman ako manggagaling."
"Hahahahaha..."
"Anong tawa yan?"
"Hahahaha..."
"Kuya."
"Hahahaha..."
"Kuya, tumigil ka na nga ang kulit mo!"
"Ikaw naman masyadong funny! Hahahaha."
"Ah okay kaya ba tumatawa ka?"
"Hindi, hahaha funny-walain! Haha!"
Sa sobrang inis ko binatukan ko nga!
"Ganyan ka naman eh palagi mo ako pinagtatawanan." Naka nguso kong sambit.
Natahimik na siya ng makitang nakasimangot ako. Alam kasi niyang hindi ako nakikipagbiruan.
"Nagkabalikan na pala kayo ni Ferd." Nawala ang tawa at na palitan ng seryosong pagmumukha.
"Ah sorry saka sinabi ko naman noong reunion na boyfriend ko siya nagtaka ka pa."
"Bakit ka naman nag-so-sorry?"
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung masaya ba ako sa pagbabalikan namin feeling ko kasi may kulang parang hindi na ako masaya tulad noong una."
"May gumugulo ba riyan sa puso mo?"
"Hindi ko alam, basta ko na lang naramdaman na hindi masaya sa feeling niya. Oo, tumatawa ako, oo, kinikilig ako pero panandalian lang."
"May gumugulo ba riyan sa puso mo?" Ulit nito, "Baka may iba na riyan?"
"Sino? I mean, sino naman?"
"Umamin ka, gusto mo na ba si Jeron?"
"Ha?!" Pinaupo kaagad ako nang mapatayo, "Walang kinalaman dito si Jeron." Depensa ko.
"Okay wala na akong sinabi kaya huwag masyadong over acting."
"Matanong ko lang kuya," tumingin sa akin, "Bakit nga pala kayo nagkahiwalay ng ex-girlfriend mo?"
"Sino?"
"Naks, parang ang dami naging girlfriend kahit yata marami nagkagusto sa iyo isa lang naman naging ex mo."
"Baliw."
"Ano nga pala pangalan niya.?"
"Eliza,"
"Ah, tama!"
"Nakalimutan mo?
"Kahit ang mukha saka hindi naman ako namalagi rito sa Pinas, maybe dalawa o tatlong beses ko pa lang siya nakikita."
"Ah tama tinatarayan mo pa nga siya noon, eh."
"Talaga??"
"Minsan mo na nga sinabi sa akin na 'Ayoko maging asawa mo si Eliza dahil I hate her!"
"Sinabi ko talaga 'yon?"
"Oo kaya,"
"Oh my!"
"OKAY LANG."
"Bakit nga ba naghiwalay kayo kasi nang bumalik kami ni mommy sa states at pagbalik ko wala na kayo tapos si Ate Sydney na bago mong girlfriend."
"Mahabang kuwento saka hayaan mo na past is past."
"Ang pagkakaalam ko noon kaya kayo naghiwalay dahil mas mahal mo si Ate Sydney."
"Hindi." Mariin niyang buwelta habang nakatingin sa malayo.
"Hindi?"
"Oo dahil si Ate Eliza mo talaga ang gusto ko noon pa."
"Oh? Bakit naghiwalay kayo kung siya naman pala ang gusto mo? Huwag mo sabihin nag-cheat siya?"
"Never nangyari sa amin 'yon."
"Then what happened??"
"Dahil sa daddy niya pinaghiwalay kami."
"Really?? Akala ko sa TV ko lang napapanuod ang ganoon at sa mga books nababasa pero nangyayari rin pala sa totoong buhay."
"Ganoon talaga."
"Eh bakit pinaghiwalay kayo?"
"Kasi ang daddy niya at si mommy may past."
Halos manlaki ang aking ang mga mata ko.
"Totoo?!"
"Oo nga kaya pilit nila kaming pinaglayo ah, hindi pala ang daddy lang niya ang kontrabida sa pagmamahalan namin, kina mommy okay lang naman 'yon."
"Ay feeling ko may ugali ang daddy niya."
"Medyo, matapang."
"Sad to say kaya hindi kayo nagkatuluyan ni Ate Eliza dahil may past pala silang gustong kalimutan. Well, okay na rin 'yon kasi kung si Ate Eliza pala nakatuluyan mo baka palagi pinasasama ng lalaking yon ang loob mo. Ang swerte mo kay Ate Sydney dahil ang babait ng mga magulang niya."
"Totoo yan, mas napabuti pa nga ang pangungulit sa akin ni Ate Sydney mo noon, eh. Alam mo ba hate na hate ko siya noon nahulog na lang talaga ang puso ko sa pagiging makulit niya."
"May natutunan tuloy ako na kapag mahal mo ipaglaban mo dahil balang araw kusang titibok ang puso mo sa taong mahal na mahal ka."
"Kaya nga huwag ka na magpabebe pa sis kung gusto mo naman pala si Jeron bakit di mo bitawan si Ferd?"
"Kuya....."
"Sus, kapatid kita Kelly alam ko kung kailan ka in love o hindi."
"Walang kinalaman dito si Jeron."
"Huwag mo nga niloloko ang iyong sarili bahala ka balang araw mismong sarili mo ang kaaway mo."
Napa-isip ako sa sinabi nito.
"Kung gusto mo siya then tell him malay mo naman gusto ka rin niya. Sis, believe me In love ka hindi kay Ferd kundi kay Jeron." Napatapik siya sa balikat ko bago ito umalis.
Naguguluhan ang puso ko, pahamak si kuya nilalason isip ko eh ano kung hindi na ganoon nararamdaman ko kay Ferd senyales na ba itong iba na mahal ko? Pero gusto ko nga ba talaga si Jeron?
NAG TEXT sa akin si Ferd na magkita raw kami sa oval kaya naman after mag shower at maghapunan pumunta ako. Sa paglalakad hindi ko naiwasan mag-isip sa tunay kong nararamdaman hindi ba dapat excited akong makita siya pero bakit parang may kulang, bakit parang may mali?
"Babe, nandiyan ka na pala." Tumigil ako sa paglalakad muntik pa akong lumagpas.
"Oo,"
"Nag dinner ka na?"
"Tapos na, ikaw?"
"Nagpakain si coach busog na busog ako."
"Mabuti," naupo ako sa bleachers.
"May problema?"
"Wala."
"Masakit pa ba tiyan mo baka naman dinamihan mo pa ang kain?"
"Okay na tiyan ko at iniwasan kong huwag kumain ng madami lalo ngayong gabi."
"Aba, dapat lang gusto mo yata makapasok ka na naman sa clinic, aba, suking-suki ka na roon ha?
"Hindi naman," pinilit kong ngumiti.
"Mabuti iniiwasan ako ni Iris nagiging panatag na nga kalooban ko. Alam mo ang sarap sa pakiramdam, no hard feelings."
"Mabuti, mabuti naman kung ganoon."
Hinawakan niya ko sa kamay, "Baka naman na kokonsensya ka na,"
"Saan?"
"Alam mo na 'yon, hindi pa rin alam ni Jeron ang totoo at iniiwasan kong huwag niyang malaman, at sana lang tikom ang bibig ni Iris."
"Kung si Iris mismo ang magsisiwalat parang sarili na rin niya ang pinahamak niya alam naman natin na siya ang may kasalanan sa lahat."
"Kaya lang tanong ko kung nakokonsensya ka ba?"
"Madalas."
"Pasensya na kung pati ikaw nahihirapan sa nangyayari."
"Babe wala ka naman dapat isipin at hingin ng sorry."
"Kasalanan ko o kasalanan ni Iris dawit pa rin ang pangalan ko roon sana kung magkaalaman man ayokong madamay ka rito."
Ilang minuto kami na tahimik at nag-isip.
"Ang importante nananatiling lihim ang lahat walang puwedeng makaalam ng totoo, ikaw, si Iris, at ako lang ang maaaring magtago sa katotohanan. Wala rin akong balak sabihin kay Jeron ang totoo na Imikaw ang dahilan nang pagkamatay ng kapatid niya."
Masakit man mula sa akin ang salitang iyan ay nakapag desisyon ako. Wala na kong balak na umamin kay Jeron para na rin sa ikakatahimk ng lahat, at kung puwede lang na si Iris na lang ang magdusa ng di na madamay si Ferd gagawin ko.
"Anong sabi mo Kelly? May kinalaman si Ferd sa pagkawala ng kapatid ko?"
Mabilis kumalabog ang puso ko parang feeling ko unti-onting sasabog at mawawala sa katinuan. Narinig niya ang lahat, paano na.
Hinarangan ako ni Ferd ng tumayo ako, "Pre, mali ka ng narinig."
"Huwag mo ako tinatawag na pre, at isa pa huwag mo akong gawing bingi narinig ko ang lahat ng usapan ninyo. Ngayon, masasabi mo pa rin ba na bibingi pa rin ako?"
"Babe, umalis ka na ako nang bahala rito."
"Pero baka magkasakitan kayo." Angal ko.
"Umalis ka na hayaan mo at hindi ko hahayaang mangyari 'yon."
Paalis na sana ako ng magsalita si Jeron.
"Totoo ba may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid ko ha?!" Galit na galit nitong bulyaw.
"Mali nga, mali yang narinig mo." Parang natatakot na wika ni Ferd.
"Damn you, alam mong ako ang pinaka matalino sa klase kaya huwag ako ang lokohin mo Ferd magsabi ka lang ng totoo!"
"Kung ano man yang mga narinig mo huwag mo na intindihin dahil siguradong hindi mo 'yon magugustuhan!" Nakataas na rin ang boses nito.
"Ano?? Anong sabi mo?! Huwag kong intindihin !? Bakit ? Sino ba ang pinag-uusapan natin di ba kapatid ko? Na minsan mo na ring minahal tapos sasabihin mong huwag kong intindihin?!anong klaseng tao ka, Ferd!"
"I'm warning you sinabi kong huwag mo nang intindihin 'yon." Hinila ako ni Ferd para bumaba sa bleacher. Nakababa kami at binilisan ang paglalakad sa gitna ng oval.
"Feeeeeeeeeerddddd !!!!!!!!!!!!!!" Umalingawngaw ang boses ni Jeron sa kabuuan ng oval.
Tumatakbong papalapit si Jeron hanggang sa masapak ang mukha ni Ferd tumilapon sa 'di kalayuan pero kaagad din hinabol ng sapak. Kitang-kita ko nag-aalab sa galit ang mga mata ni Jeron kung titingnan ayaw lumaban ng boyfriend ko dahil alam niyang siya ang mali.
"AKALA KO PA NAMAN NAKITA MO LANG ANG BUONG PANGYAYARI IYON PALA MAY KINALAMAN KA DOON! HAYOP KA FERDINAND. BAKIT MO GINAWA IYON SA KAPATID KO?! NGAYON PA LANG RAMDAM NA RAMDAM KO ANG HIRAP NG KAPATID KO SA MGA KAMAY MO!!!!!!!!!!!"
"TIGILAN MO AKO JERON ! HINDI LANG NAMAN AKO ANG MAY KASALANAN DITO HUWAG MO ISISI SA AKIN ANG LAHAT DAHIL MAHIRAP DIN PARA SA AKIN ANG MGA NANGYARI MAHAL NA MAHAL KO SI CHLOE !"
"MAHA !? ANONG KLASENG PAGMAMAHAL HA?! PINATAY SA PAGMAMAHAL HA!? HAYOOOOPPP KA FERD!!!!!"
"OO, OO NA ! PINATAY KO SIYA! PINATAY KO ANG KAPATID MO SA MISMONG MGA KAMAY KO!"
Natigilan sa pagsapak si Jeron sa mga isiniwalat ni Ferd.
"PINATAY KO SIYA, PINATAY KO SI CHLOE." tila nang hihinang patuloy na siwalat nito.
Imbis sa mukha ni Ferd patamaan ang malalakas na suntok ay sa semento niya ito ginawa parang wala lang sa kanya kung kumalat ang dugo na nanggagaling sa kaniyang kamao dahil ang mahalaga para sa kaniya ay mabawasan ang galit sa puso nito.
"Na duwag ako hindi ko na isip ipaglaban ang kapatid mo kina Harvey at Iris." Tumatangis na simulang wika ni Ferd.
"Imbis na gawin ko ang lahat para huwag siyang mapahamak pero ako, ako pa ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Naiintindihan mo ba Jeron!! AKO ! AKO ! AKO ! AKO ! AKO !" gigil na gigil na sambit nito.
"AKO ANG SUMAKAL SA KANYA SINAKAL KO SIYA ANG HIRAP, TATLONG TAON KO KINIKIM ANG SAKIT, TATLONG TAON PINAPATAY AKO NG KONSENSYA KO." Lalo lumakas ang tangis.
"Pinatay mo siya pinatay mo ang kapatid ko! Bakit Feeeeerrrddd ....BAAAAAKIT!!!!"
Tumayo si Ferd, "Dahil tinakot nila ako tinakot nilang papatayin nila ako at hindi makakasali sa competition ginamit nila 'yon para hindi sila masisi sa krimen at para mas marahirapan ang mga pulisya na matugis ang may kasalanan at dahil makapangyarihan si Harvey, ang panggagahasa lang ang siniwalat nila para hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Chloe, at para gumanti siya sa buong pamilya mo. Naiintindihan mo na ba, ginawa nila yon para pabagsakin ang pamilya mo. Matagal ng may alitan ang magulang mo at magulang ni Harvey pero wala silang makitang paraan kaya pinuntirya nila si Chloe, ginawa nila ang lahat para mapalabas na si Harvey ang may sala ng pagkamatay at panggagahasa sa kapatid mo para mas lalong mainis ang angkan mo para wala kayong magawa at manahimik na lang! Wala naman talaga sa plano ang panggagahasa, eh ginawa lang 'yon ni Harvey para inisin ka. Malaki ang galit sa iyo ni Harvey, sobrang laki at parang hindi siya nauubusan ng dahilan para magalit sa iyo!"
Dinig na dinig ang pagpalahaw ng iyak nang dalawa. Ngayon, alam ko na ang lahat-lahat. Ibig sabihin, biktima rin si Ferd ni Harvey ginamit niya ito para hindi mabahiran ng marumi ang kamay nito. Ngayon alam ko na ang lahat malinaw na sa akin na si Harvey at ang pamilya niya ang may kasalanan.
Pagkatapos nito, ano na ang susunod na mangyayari mabibigyan na nga ba ng hustisya ang pagkamatay ni Chloe, at sino, sino ang sasalo sa lahat ng kasalanan?

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata