logo text

Chapter 19 Page 1 Sanctuary

Forever's not enough
19-sanctuary
Sobra ang kaba na nararamdaman ni jillian habang palapit sila ng palapit sa east wood kung saan andoon ang mismong tirahan nila ian.
Mahigpit ang kapit niya sa baywang nito habang naka angkas sa likuran ng motor ni ian mula tagaytay pauwi ng east wood.
Madaling araw pa sila umalis at ngayon nga ay maliwanag na natatanaw na niya ang bungad ng eastwood village, isa yong exclusive village ngayon palang niya makikita at makikilala ang totoong estado sa buhay ni ian.
Ngayon palang niya lubusang makikita ang buong pamilya nito ang lahat tungkol dito na ngayon ay alam niyang malayo sa mga nakikita niya.
Eto na ang realidad na kailangan niyang harapin, ang tanong makakaya ba niya, kung makakaya niya ang tanong ay hanggang kailan?
Naramdaman niya ang paghinto ng sinasakyan nila. Tiningnan niya ang tapat ng gate, malawak at may guwardiya dirediretso sila hanggang huminto sa tapat ng isang kulay maroon na gate.
Bumaba si ian at hinawakan ang kamay ni jillian saka nito binuksan ang gate, dirediretsong pumasok sa loob ng bahay.
"Sir ian!"salubong ng isang halos may edad ng babae sa kanya ito nakatingin habang ang mga mata ni ian ay lingap sa paligid.
"Si madam po ba? At ang papa niyo?! Nasa kwarto pa po nila hindi pa nalabas masyado pa pong maaga sir gigisingin ko na po ba?" Aligagang tanong ng babae
"Huwag na po nay minda, pahinga na po kayo!" Hinila na siya sa kamay ni ian palampas
"Sige po!" Kahit paano ay paalam niya sa babaeng nay minda pala ang pangalan.
Dirediretso sila papunta sa kusina at binuksan ni ian ang pintuang nasa gilid ng maibukas iyon ay inaya siyang pumasok a loob.
Dala dala ang back pack niya at ang sling bag, ganuon din ang back pack ni ian, na basta nalang ipinatong sa kama, napa tunga nga siya ng makapasok.
Maliit lang ang silid na iyon, may sofa din na single lang at sa pintuang pinasukan ni ian ay ang kwarto, ang tulugan sumunod siya sa loob saka napatakip ng mga mata.
"Bakit?!"ani ian na humarap sa nakatakip ang mga matang si jillian.
Hinawakan ni ian ang dalawang kamay niyang nakatakip sa mga mata at inalis ang pagtatakip niya doon.
"Anong problema at tinatakpan mo yang mga mata mo, magmulat ka nga!"ani ian
"Ayoko, baka makita ko ang katawan mong payatot!" Napabungisngis si ian
"Payatot..grabe ka ha, iniismol mo ko ha panget ka ha, halika dito!" Napairit siya ng buhatin siya ni ian na bridal style.
Napakapit tuloy siya sa leeg nito saka siya sinenyasan na tumahimik.
Napatango nalang siya.
"Marahan siya nitong inihiga sa kama na kulay dagat ang kobre kama at ramdam niya mula sa likuran ang malambot na higaan na iyon, saka ito naka dapa paharap sa kanya na nakatuon ang dalawang kamay sa kama, saka sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni ian.
Saka ito sumobsob sa leeg niya na padapa sa kanya at saka ito yumakap sa baywang niya.
"Nakakapagod mag drive, tulog pa tayo ang aga pa, hmmm..!"masuyo nitong sabi sa kanya, hinaplos naman niya ang likod nito saka tumango.
Mas lalo lang itong sumobsob sa leeg niya.
Marahil sa pagod ay hindi na niya namalayan na iginupo na din siya ng antok at nakatulog.
***
"Minda..!" Agad namang lumapit katulong kay madam evi
"Yes madam may kailangan po ba kayo?!"
"Tama bang nakikita ko motor ba ni ian ang nasa labas?!"curious na tanong ni evita sa katulong habang nakatanaw sa labas ng bintana.
"Opo madam, kanina po siya dumating!"ani minda nakangiti namang bumaling si evita kay minda at sa asawang si hector na kakalabas lang ng silid para pumasok sa trabaho.
"Ang lawak ng ngiti mo evi, anong meron?!"usisa ni hector
"Umuwi na si ian!"masaya nitong sabi
"Sabi ko naman sayo hindi noon kaya na walang pera kaya uuwi at uuwi yun dito!"sabi ni hector na lumakad na papunta sa kusina para mag umagahan.
"Opo madam, sir, kaya lang po!"napahinto pagsasalita si minda dahil hindi alam paano sasabihin.
"Kaya lang? Ay anu minda?"dagling nawala ang ngiti sa labi ni evita na pupunta na sana sa silid ni ian para gisingin ang anak at isabay sa almusal nila.
"May may kasama po kase si sir ian, babae po!"napakunot ang noo ni evita maging ni hector.
"Babae? Hindi ba si leanna?!"ani hector saka umiling si minda
"Hindi po si mam leanna sir!" Napa tiim bagang si hector pagkarinig sa bagay na iyon
"Palabasin mo ang damuhong iyan ngayon din mismo dito minda, naghahanap talaga yan ng sakit ng katawan!" Dali dali namang lumakad si minda papunta sa pintuan ng kwarto ni ian, kinatok iyon.
"Sir ian, sir ian!"panay ang katok ni minda sa pintuan si evita naman ay naupo sa sofa hindi siya makapaniwalang isinama pa talaga ni ian sa bahay nila ang babaeng iyon.
Naalimpungatan si jillian dahil sa pagkatok sa pintuan.
Babangon na sana siya ng daganan siya ng mga braso ni ian.
"Hayaan mo sya, dito ka lang!"ani ian saka ito nagmulat ng mga mata at kahit magulo ang buhok mula sa pagkakatulog ay bumangon na, saka dinampot ang long sleeve na itim na suot kanina.
"Ian..!"
"Shhh..!its ok!"iniaya pa ni ian ang mga kamay nito sa kanya para abutin niya  kinakabahan siya sa totoo lang marinig palang niya ang intense na katok ni minda sa pintuan ay hindi na siya makakilos.
"Huwag kang kabahan!"alo ni ian sa kanya na malamang ramdam ang kabang nararamdaman niya, marahan siyang bumaba ng kama at lumakad kasabay ni ian.
Humigpit ang kapit niya sa kamay ni ian habang palabas sila ng pintuan.
Paglabas nila ng kusina ay sumalubong sa kanila ang dalawang galit na hitsura ng mommy nito at ng malamang ay ama nito.
Hindi pa man sila nakakalapit ay sinalubong na sila ng masamang tingin ng ama ni ian, huminto si ian sa paglakad ng marating nila ang sala, hindi siya makatingin sa mga mata ng mommy nito.
"Ian, talaga bang ganito ang gusto mo? Sinasalungat mo talaga kami gusto mo talagang masira lang ang buhay mo?!"sabi ng mommy nito
Nakatungo lang siya, ano pa kayang sasabihin nito kung malamang anak siya ng babaeng kinamumuhian nito sa hindi niya alam na dahilan.
Nagulat nalang naman siya ng halos matumba si ian, bumalanse lang dahil sa kaniya.
Saka hinawakan ang putok na labi.
Nakuyom ang kanang kamay pero nanatiling nakatayo, saka kinuwelyuhan ni hector si ian at isinandal sa pader.
Susuntukin pa sana ulit ni hector si ian pero pinigilan iyon ni jillian, hinawakan niya ang kamay ni hector.
Napatakip naman ng bibig si evita at si minda.
Napatingin si hector kay jillian na nakahawak sa kamay nito.
"Tama na po, pakiusap po!"aniya
"Bitawan mo ang kamay ko usapan naming mag ama to kaya huwag kang maki alam!"singhal ni hector ngunit hindi bumibitaw si jillian
Pilit namang inalis ni ian ang pagkakahawak ng ama niya sa kanyang kwelyo.
"Bitawan mo siya jillian, mag uusap kami ni papa ng masinsinan!"ani ian na nakikipagtagisan ng tingin sa ama.
Binitawan ni jillian ang kamay ni hector, ngunit sa pagbitiw sa kanya ay may naalala ito.
"Pasaway kang bata ka, ano bang kalokohan ang ginawa mo na naman!"ani hector kay ian na nakatingin lang sa ama samantalang si leanna ay umiiyak sa gilid.
"Sumagot ka anong ginawa mo kay leanna?!" Nang hindi pa din nagsalita ay inundayan na ni hector ng palo ng yantok si ian pero pinigilan iyon ng umiiyak na si leanna.
"Tama na po, pakiusap po!"pakiusap ng batang si leanna
"Leanna kung hahayaan natin si ian na palagi kang inaaway mamimihasa yan kaya dapat lang na turuan yan ng leksyon!"ani hector pero hindi pa din bitiwan ni leanna ang yantok sa halip ay mapatid ito at natumba, nagulat naman si ian at nilapitan si leanna.
"O..ok ka lang ang lampa mo naman e kaya ka nabubully..!"ani ian na ikinagulat ni hector saka palang ngumite si leanna
"Ikaw lang naman ang nambubully sakin e! "
Hindi maalis ni hector ang tingin kay jillian.
"Sabihin mo wala ka na bang gagawing matino christian?!"singhal ng ama niya.
"Mahal ko si jillian pa, sya ang gusto ko, pumayag man kayo o hindi sya ang pakakasalan ko, at dito siya titira kasama ko..!" Isang suntok pa ang natanggap ni ian mula sa papa niya hindi ito lumalaban.
"Hector tama na yan!"sigaw ni evita sa nag aalala para sa anak niya.
"Sige lang pa, sige lang! Ipakita mong tama si mommy pag dating kay leanna nagiging mabangis ka, kahit sa akin sabihin mo ang totoo anong meron kay leanna na hindi ko alam!"singhal ni ian sa ama, nanginginig naman ang kamay ni hector sa pinagsasabi ni ian dahilan para unduyan pa ulit siya nito ng suntok.
Nakatakip lang sa bibig ang mga kamay ni jillian, hindi niya kayang manuod.

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    MalayoMalayo

    The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!

    04/08/2022

      1
  • avatar
    Mary Joy B. Bofill

    very nice

    18/07/2024

      0
  • avatar
    LogronioRey

    oklng

    22/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata