logo text

Chapter 20 Page 1

Forever's not enough
20-michael is back
"So gising kana pala kumusta ang tulog mo?!"nagulat pa nga si michael ng unang masilayan ay si morris nakadekwatro sa katapatang sofa at nakahalukipkip halatang hinihintay siyang magising.
"A..anong oras kapa andito?!tsk..!" Buntong hininga nito saka naupo sa sofa, habang hawak ang sentido, masakit ang ulo niya dahil sa tama ng alak.
"Kagabi, hanggang kailan ka ganito?!" Tumayo na si morris at tumingin kay michael
"Anong ibig mong sabihin? Kuya morris?!" Napabuntong hininga nalang si morris at napa face palm sa inaasal ng kapatid niya.
"Michael, wag mo akong gawing tanga huh, unang una sa issue niyo ni jillian binawi mo ang kasal ng hindi sinasabi sa amin ang dahilan but look at you now, it seems your not happy for what you've done? Now tell me anong nangyari? May problema ba kay jillian may iba ba siya?!" Seryoso ang mukha ni morris kaya naman alam na ni michael na hindi na siya makakapagtago pa sa kapatid niya.
"Yeah! I regret everthing i did! I was a fool, kuya!"saka ginulo ang buhok at hindi na napigilan ang pag iyak lalo na ng ikwento niya ang totoong dahilan ng pag iwan niya kay jillian, his brother morris clenched his teeth when he heard his explanations.
"Yeah your a big fool, you deserve to live like you do! Michael paano mong nagawa yun kay jillian at sa lahat pa ng tao si johanna pa talaga? Your crazy man..!" Gusto niyang suntukin si michael dahil sa kalokohan nito pero sa nakikita niyang hitsura ng kapatid ay hindi na niya ginawa.
"That is a lesson you must learn, michael, so anong plano mo maging ganan habang buhay? Ayusin mo ang gusot na ginawa mo at huwag mong taguan narinig mo?!" Saka niya hinila sa damit ang kapatid
"Paano ko aayusin to? Kapag iniwan ko si johanna baka mag suicide siya para namang hindi mo siya kilala kuya, kapag bumalik ako kay jillian tatanggapin pa ba niya ako kapag sinabi ko ang totoo?!" Laglag ang balikat na sabi ni michael sa kapatid na lumuwag na ang hawak sa damit nito.
"Kung hindi mo kayang iwanan si johanna edi harapin mo siya at pakasalan mo!"
"Kuya! Hindi ko mahal si johanna!" Pinitsaran na ni morris si michael
"Naglalaro ka ba michael? Kung ganan ang gusto mo wag mong idamay kaming pamilya mo sa mga kalokohan mo, hindi na kita pagtatakpan pa kina mommy sasabihin kona ito! Tama na michael..!"asik nito sa kapatid,
Saka nito binitawan patulak sa sofa at lumakad palabas, pero huminto at muling humarap sa kapatid na nakasubsob sa mga palad ang mukha.
"One more thing, sa tingin ko kahit humingi ka ng tawad kay jillian i dont think na babalikan ka pa niya!" Sabi ni morris na humakbang ulit pabalik para sabihin iyon kay michael
"Sandali kuya, anong ibig mong sabihin?!"gulat na gulat si michael sa sinabi ng kuya niya
"Wala na sa manila si jillian, hindi ko alam kung nasaan siya pero ang alam ko may boyfriend na siya ngayon, kinalimutan kana niya kaya ayusin mona ang sarili mo at tanggapin ang naging bunga ng kalokohan mo!"sabi pa ni morris na may halong banta ang badya ng mga kamay saka tuluyang lumabas ng apartment.
Napa luhod naman si michael sa sahig sa sinabi ng kuya niya.
"Hindi, kinalimutan na nga niya ako, jillian..!" Kuyom ang mga palad habang inaaway nag sarili sa silid niya.
***
"Ano ba itong nararamdaman kong ito?!"napahawak si evita sa dibdib niya dahil sa nakikitang pagbabago ni ian, habang tinatanaw niya ang pag alis ng anak niya at paghalik nito sa pisngi ng dalaga, ang mga ngiti nito at kislap sa mga mata ng anak niya iyon ay dahil kay jillian.
Napasinghap naman si jillian ng mapagtantong nasa unahan niya ang mommy ni ian.
"Ma..madam cha, magandang umaga po?!"nauutal niyang sabi
"Kumusta ang anak ko?!" Naguluhan si jillian sa tanong ba iyon ng mommy ni ian paanong kumusta nakikita naman nito na maayos ang anak nito.
"Ahmm..sa tingin ko po maayos naman ang trabaho niya, masayahin na po siya at hindi na palaging galit sa paligid niya!"paliwanag niya
"And, the reason is?"napamaang siya sa tanong na iyon
"The reason po? Ah..sa tingin ko po, iyon ay dahil sa-
"Dahil ba sayo?!"namilog ang mga mata niya anong gustong sabihin ng mommy ni ian
"Ahh..hi..hindi naman po dahil sa akin yun-
"Makinig ka jillian, hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganan si ian, pero nagpapasalamat ako at malaki ang ipinagbago niya, mas gusto ko ang ganan siya pero hindi ibig sabihin noon na tanggap na kita!" May kung anong ngiti ang nais kumawala sa labi ni jillian.
"Madam cha, gusto ko rin po na ganan siya mas masarap po mabuhay kapag walang galit sa puso at masayang kasama ang pamilya, alam ko pong ayaw niyo po sa akin madam pero mahal ko po ang anak ninyo kaya po sana maging maluwag sa loob nyo na matanggap po ako kung hindi man po ngayon maghihintay po ako madam, hanggang magustuhan nyo po ako!"aniya, kahit kinakabahan.
Napakunot naman ang noo ni madam.
"Parang narinig kona ang ganuon hiling dati?!"
Aniya sa sarili saka tumalikod na kay jillian.
"Narinig kona ang mga salitang iyon dati!"
Sinundan nalang ni jillian ng tingin ang paalis na si madam cha saka siya pumasok muli sa kwarto nila ni ian.
Iniayos niya ang mga gamit nito at tiniklop ang mga damit saka inilagay sa cabinet maya maya pa nga ay pumasok si madam cha kasunod ang katulong saka inilapag sa kama ang mga damit ni ian, at kinuha ang mga labahan nila.
"Sa..sandali lang po, ah ako na po ang mag lalaba ng mga yan! Ako po dapat ang gumagawa naan!"
"Hindi na hayaan mona si minda ang gumawa ng mga yan, isa pa ayokong makitang naglalaba si ian, kinikilabutan ako maliwanag..!"ani evita saka tumalilis palabas nagkatinginan nalang si minda at jillian.
Napangiti si minda.
"Sa tingin ko nagugustuhan kana ni madam, kaya lang ma pride alam mona, tiyaga lang! Hmm fight!"pabulong na sabi ni minda kay jillian may sign pa nga ng fight bago lumabas ng silid ng dalaga saka dali dali ng tumawag si evita, lihim namang napangiti si jillian.
Nakita niyang umiilaw at nagriring ang phone niya kaya kinuha niya iyon at napangiti siya ng makitang si ian iyon.
"Napatawag ka nasa trabaho ka na ba?!"agad niyang usisa
"Yeah! Ok ka lang ba dyan?!"
"Ok na ok, sa tingin ko nagugustuhan na ako ng mommy mo?!" Napangiti ng malawak si ian
"Talaga, ang galing mo talaga pagdating sa mga ganitong bagay!"
"Bolero wala naman akong ginawa hindi ba, ikaw ang maraming ginawa iyon ang dahilan kung bakit nagugustuhan nila ako dahil sa pagbabago mo!" masaya sya dahil sa bagay na iyon.
"Hindi ako nagbago jill, iyon ay dahil ito talaga ako..dahil iyon sayo jill..oh siya tatawag nalang ulit ako mamaya..i love you!" Napangiti naman si jillian
"I love you, more! Don't forget your lunch..!"
"Hmm..ok!" Ibinaba na ni ian ang phone ng may ngiti sa mga labi, hindi alintana ang pagod sa bago niyang trabaho.
"Ikaw ang dahilan ng pagbabago na ito, hindi ibinalik mo lang ang talagang ako jillian..!"na Bago siya umalis ng bahay ay nakita pa niya ang katulong nila at si jillian na magkatulong sa pag sasampay ng mga damit nila.
"Madam cha, lalabhan ko lang po ang mga ito!"tumango lang si evita sa katulong nila
"Napapalambot na nga ba ng babaeng iyon ang puso ko, pero kung ganuon nga kailangan kong malaman kung anong klaseng pamilya meron siya..kung talagang dahil sa kanya ay babalik sa pagiging masayahin ang anak ko..!"
"Jillian!"agad namang napalingon ang dalaga
"Come with me..!"agad namang sumunod ang dalaga sa madam pabalik sa loob ng bahay.
"Yung suot mo kay ian yan hindi ba?!"napatingin pa nga si jillian sa suot na polo shirt ni ian, malaki iyon para sa kanya kaya naman maginhawang isuot bukod pa doon ay kailangan nalang niyang mag shorts at ok na.
"Opo!"matipid niyang sagot
"Sa nakikita ko kasal nalang ang kulang sa inyong dalawa! Alam ba ng mga magulang mong natutulog ka kasama ng boyfriend mo?!" direktang tanong nito sa kanya, straight forwarded ang magiging biyenan niya.
"O..opo, ang totoo po nag pa alam na po kaming magpapakasal ni ian, ibinigay na po nila ang basbas nila sa amin!"aniya
"Kung ganuon sa amin nalang ang kulang ganuon ba?!"tumango siya muli.
"I see!" Napahigpit ang hawak ni jillian sa laylayan ng suot na polo shirt, kinakabahan siya sobra sa susunod na sasabihin ni madam.
"I want to meet your family, i want to know your family background, everything about you before i decide to bless my son to marry you, young lady..!"

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    MalayoMalayo

    The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!

    04/08/2022

      1
  • avatar
    Mary Joy B. Bofill

    very nice

    18/07/2024

      0
  • avatar
    LogronioRey

    oklng

    22/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata