*** Habang nasa market sila jill at ian ay pinagmamasdan lang ni jill ang fiancee niya sa pangunguha ng mga groceries. "Ano bang pinagkukuha mo, yung kailangan lang sayang kung kukuha tayo ng wala sa listahan!"aniya saka inalis sa kamay ni ian ang tuppeware ng ice cream. "Grabe ka talaga iyon na nga lang eh! Cheese pa naman yun!"nakasimangot na sabi ni ian saka lumakad palayo at kumuha ng ibang nasa listahan nila natatawa tuloy siya she can see his child side kaya naman bago lumabas ng market ay napaiwan siya sa loob samantalang si ian ay naunanna dahil sa mga pinamili nila ay inilagay sa compartment ng motor niya yung iba naman ay hawak pa nito. "Eto po mr. Ian cha!"nagulat pa nga ito ng ibigay ni jill ang isang cone ng ice cream cheese flavor. "Anu to?!"painosente pang tanong "Ice cream mo po baka kase iyakan mo ko, ngayon ko lang nakita ang cute mo pala!"sabay kurot nito sa pisngi niya "Tigilan mo nga yan, nakakahiya!" Sumimangot tuloy ito "Nakakahiya! Tsk..di wag ! Arte mo !" Sabi nito sa kanya kata naman kinain nya ang ice cream nito kaya naman nagulat ito at tinakpan iyon. "Ang takaw mo naman meron kang sayo ahh!" "Madamot ka, titikman ko lang e!" "Ayoko!" "Patikim..!" "Ayaw ko!"sabi pa nito kaya naman hinuli niya ito sa baywang at binuhat napatili naman ito. He can see her smile, a smile that he wanted to see each and everday he wakes up. Those smile that make him melt and love her even more. *** Tamang tama naman nang gabing iyon ay tumawag si saphire at sinabi ang magandang balita. Hindi na siya nag aalala tungkol sa hotel at sa mama ni ian, sa ngayon oo maiilihim niya ngunit hanggang kailangan nga kaya? Hanggang kailan? Ngayon pang alam na alam niyang ayaw sa kanya ng mommy nito, nakakatakot ang mommy ni ian, nay kung anobg takot siyang nararamdaman para dito. Dapat ba niyang hayaan pa na mas lumalim ang relasyon nila sa kabila ng problemang alam na niya ngayon, maayos pa kaya iyon kung ano aman puno't dulo ng lahat. Paano kung hindi na maayos at malunod sya ng sobra sa nararamdaman niya para kay ian. Samo't saring isipin ang pumapasok sa isipan niya habang pinapanuod ang pamilya niya at kasama si ian at ang mga kaibigan nito na nagkakasiyahan sa gilid ng lawa di kalayuan sa villa. Ang daming tanong na kinakatakutan niya ang maaring sagot, kung magpapatuloy sila ni ian marami silang masasaktan isa na doon ang mama niya kilala na niya ang mommy ni ian, alam niya ang impluwensya na meron ito kumpara sa mama niya. Nilulukob siya ng takot at panghihina ng loob, ngunit gusto niya lumaban at humanap ng kahit kaunting pag asa man lang. "Hindi pa ba luto yan?!" Nagulat siya sa tanong ni ian nakalimutan niyang nag iihaw nga pala siya ng tingnan nila pareho ang inihaw ay sunog na ito, napakagat siya sa labi dahil doon. "Uling na ito ahh, ano ba kaseng iniisip mo dyan? Akina at ako! Gutom na kami ikaw ba hindi nagugutom?!"ani ian sa kanya, pinilit nalang niyang ngumite isa pa ngayon lang nagkasama sama ulit sasayangin pa ba niya. Kakalimutan muna nya ang problema. Kinuha niya ang nasunog na isda na halos matupok na nga sa baga, "Kawawa naman ang isdang ito uling na nga, di ba panget!" Sabay lingon naman ni ian kay jillian paglingon nito ay saktong nakaturo ang daliri ni jillian na tumama sa pisngi ni ian, iniiwas pa ni ian ang pisngi dahilan para kumalat sa pisngi nito ang uling muli sa inihaw na isda. "Ang kulit mo talaga kahit kailan, humanda ka sa akin mamaya!"pabulong nitong sabi saka niya kinurot sa tagiliran pandi daing naman si ian sa sakit. At nang mapahawak sa pisngi ay saka palang naramdaman ang uling na nasa mukha niya. "Kaya pala tawa ka tawa dyan, akala mo ha!" Pan di irit namna si jillian ng habulin siya ni ian para lagyan din ng uling sa mukha. Natatawa lang sila carol habang pinapanuod ang dalawa, ganuon din sila mariana at ang papa niya. "Nakakatuwa naman kayong tatlo, sobrang close nyo sa isa't isa, salamat at naging kaibigan nyo itong dalawang anak namin!"ani santi ang tatay nila jill "Naku wala po yun para na kase kaming magkakapatid palibhasa wala na akong kapatid!"saad ni kane "Tama po, kuya ko silang dalawa! Ang kapatid ko kase babae mas matanda sa akin naku napa ka sungit po!"kwento ni xian "Talaga, dapat lang naman kung kagaya mo kakulit ang kapatid!"singit ni carol "Hindo ako makulit noh!"angal ni xian "Kapag tulog malamang!"sagot ng ayaw patalong si carol "Oo na oo na, wait parang masarap pa manguha ng isda mama pwede po ba kami manguha ni carol?!"pamamaalam ni xian "Bakit marunong ka ba?!"basag na naman nito kay xian "Oo naman! Papakita ko sayo!"sabay kuha sa sima nilang dala "Oh siya wag kayong lalayo ha, xian at carol!"paalaala ni mariana Saka palang parang mga batang tumakbo ang dalawa dala ang fish rod. "Ikaw kane may girlfriend ka ba?!"usisa ni santi "Naku wala pa po sa ngayon, alam nyo na po ang gusto ng mga babae mayaman, at gwapo e tayo kase gwapo lang!"saka sila nagkatawanan. "Jill, halika na!"aya ni ian sa dalaga na puro uling ang pisngi ganuon din si ian. Ngunit bago sila lumapit sa kinauupuan ng tatlo ay nagpunas muna sila ng mga hitsura nila dala ang inihaw na isda. Nagsimula silang mag hayin ng pananghalian sa damuhan, naglatag lang sila ng malaking tela at duon sila kumain ng naka kamay, umuqi ding walang dala sila carol at xian, pero wala na ginawa kundi mag asaran. "Makukuha kona kung hindi mo lang binitawan!"ani xian "Ang sabihin mo hindi mo kaya kapag wala ang tulong ko noh!" "Ehemm!"tikhim ng papa nila kaya tumahimik na si carol pero panay pa din ang irap kay xian, napapataas naman ang kilay ni xian kapag nakikita ang dalagita na kinikilig kina jilla at ian. "Mama, papa may sasabihin po sana ako!"basag ni ian sa katahimikan nila napahinto naman sila sa pag kain at naghihintay ng sasabihin nito. Natigilan din si jillian, nakalimutan niya ngayon nga daw pala sila magpapaalam para magpakasal. "Anu yun?!"tanong ni santi "Hihingin ko po sana ang pahintulot ninyo para pakasalan ang anak nyo, gusto na po namin magpakasal ni jillian!" Napa nganga si xian maging si carol, bahagya namang nagulat ang mga magulang ni jill. "Talaga bang gusto nyo na pakasal? Jillian nakahanda kana ba?!"tanong ng papa niya paano ba niya sasagutin iyon. Nakahanda naman siya oo pero paano? Ay bahala na "O..opo papa, nakapag usap na po kami!"aniya "Kung saan ka masaya anak, masaya kami para sayo..!"masayang abi ng mama niya "Talaga po? Salamat po papa, mama!"tuwang tuwang sabi ni ian napasigaw pa nga ito na parang ewan. "Basta siguraduhin mong hindi iiyak ang anak ko kagaya ng nangyari sa kanila ni michael!"ani santi "Opo papa makakaasa po kayo sa bagay na yan, mahal na mahal ko po si jillian kaya hindi ko po yun gagawin!"seryosong sabi ni ian sa harapan ng mga magulang ni jillian. "Kung ganuon kailan namin makikilala ang mga magulang mo ian, nang sa ganuon ay mapag usapan ng maayos ang kasal nyo!" Paniniguro ni mariana "Ipapaalam ko po agad sa inyo kapag nakahanda na kaming pumunta sa bahay ninyo, ma pa!" Kinakabahang sabi ni ian. "Kung ganuon tanggapin ninyo ang aking basbas para sa balak ninyong pagsasama mga anak" ani santi na kinurusan sa noo ang dalawa. Halik naman sa noo ang ibinigay ni mariana sa dalawa, kasunod ng kanilang pagmamano. Saka sila nagpalakpakan. "Sing sing nalang ang kulang para na din kayong ikinasal ngayon!"sigaw ni xian Napangiti lang si ian at dumukot sa bulsa saka inilabas ang isang maliit na box na kulay itim, ibinukas iyon saka lumuhod sa harapan ni jill. Napanganga naman sila sa ginawa ni ian, "Will you be my wife jillian ramirez!" Maluha luha namang sumagot si jillian nauna na nag pagtango bago ang sagot dahil sa pag iyak niya. "Oo naman!"aniya hindi na niya ginaqang banggitin pa ang buong pangalan ni ian dahil baka makagulo iyon at makilala ito ng mama niya, kaya naman buong higpit niyang niyakap si ian matapos isuot sa daliri niya ang sing sing. Oo kailangan niyang maglihim sa nagyon sa pamilya niya, kailangan muna niya malaman kung may paraan pa para maging maayos ang lahat. At kahit anong paraan ay gagaqin niya maging maayos lang ang pamilya nila at hindi sila magkahiwalay ni ian. Dahil alam niyang wala man sinasabi ang kasintahan ay ganuon din ang ginagawa nito para sa kanilang dalawa. Kaya naman hanggang may pag asa siyang nakikita ay hindi niya iyon bibitawan. Sa villa na nagpalipas ng gabi ang pamilya ni jill kasama ang tatlong kolokoy. *** "Kumusta na si jillian?!"usisa ni edna kay kier ng maihatid ito sa bahay "Kalimutan mo na ang babaeng iyon, isa pa maari bang huwag kana ulit magpapakita sa maynila dinala kana nga dito napunta kapa din doon!"galit na sabi ni kier "Naiintindihan ko pasensya na!" Hindi na umimik si kier sa halip ay lumakad na ito palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. *** Nagpaalam na siya ng kasal sa mga magulan ni jillian pumayag na ang mga ito kung ganuon ang problema lang talaga ay nasa parte niya. Kailangang ipakilala na niya ng pormal si jillian sa mga magulang niya sa ayaw man ng mga ito o gusto dahil siya nag magdedesisiyon sa buhay niya. Buo na ang desisyon niya, isasama na niya si jillian sa mansyon sa maynila. Hindi niya itatago si jillian dahil wala silang ginagawang masama, mahal niya ito at ipaglalaban niya kahit kanino. "Anong sinasabi mo ian?!" Gulat na tanong ni jill "Tama ang narinig mo gusto kong makilala ka nila ng maayos, kaya uuwi tayo sa manila..!" ***
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
MalayoMalayo
The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!
The title and blurb is giving me emotional vibes... this story is so amazing that I really feel the emotions depicted by the author. Goodluck with your writing journey po!
04/08/2022
1very nice
18/07/2024
0oklng
22/05/2024
0Tingnan Lahat