logo text

32 : CHAPTER 32

CHAPTER THIRTY TWO
Kung kailan naman nag i-enjoy na ako sa kaniyang ginagawa ay saka naman siya hihinto. Gusto ko na lang sumimangot dahil sa ginawa niyang iyon. Pero pinigilan ko rin ang sarili ko at baka maisipan pa niyang iuwi na ako sa amin. Gusto ko pa siyang makasama dahil alam kong anumang araw ay muli siyang babalik sa Maynila para sa nalalapit nilang bar exam at sa katunayang hindi pa tapos ang kanilang pag rereview.
Sadyang nakahahanap lang talaga siya ng oras para makauwi rito.
"Let's stop this... now."
May pinalidad niyang ani saka ako binaba. Kahit iyon ang sinabi niya parang ayaw ko namang paniwalaan lalo pa at nakikita ko sa kaniyang mga mata na para bang salungat ang sinabi niya sa gusto niyang gawin. Sa huli, sinang ayunan ko pa rin siya.
"Alright! Let's just do it again... some other time."
Sinamaan niya ako ng tingin nang mapunang may naglalarong mapagbirong ngiti sa aking labi.
"Lia!"
"Okay, fine! Titigil na nga, eh. High blood ka na naman d'yan."
Hindi naman siya nag salita at kalaunan pumikit lang at huminga ng malalim. Lumakad siya palapit sa kaniyang kama at do'n umupo sa dulo. Lumapit din naman ako saka siya tinabihan. Lumingon ako sa gawi niya. Marahan naman niyang hinawi iyong hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng aking tainga.
"Have you try to play a staring contest? If you... haven't tried it, yet. You're already losing in the middle of a game, Alrik."
"Bakit?" salubong ang mga kilay na aniya.
"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, sa tuwing tititigan mo ako tapos gano'n din ang gagawin ko sa'yo ikaw agad ang unang umiiwas. Ako itong naunang magkagusto sa'yo pero... mukha yatang ikaw ang mas hulog na hulog sa ating dalawa!"
Sinabayan ko pa ng pagtawa ang huling sinabi ko. Siya naman tumaas lang ang kanang kilay. Mayamaya ay marahang umiling at hindi na lang pinatulan ang mga sinabi ko. Napansin ko pang napangiti siya sa kabila ng pagyuko. Ayaw sigurong aminin na tama ako.
"Uy, nakangiti siya! Tayo na kasi!" do'n pa lang siya lumingon.
"Ayan, ipipilit mo na naman 'yan, Lia. We already talk about that, right?" 
"Sabi ko nga," nakangusong sabi ko na lang. Hindi talaga siya mabola!
Sana kahit minsan, baliin niya rin ang mga salitang binibitawan niya ng slight... nga lang, mukhang hindi iyon mangyayari. May isang salita ang Alrik na ito kaya malabong mangyari ang iniisip ko.
Dahil wala na akong masabi ay hinayaan ko na lang ang sariling pabagsak na humiga sa kaniyang malambot at kumportableng higaan. Agad naman niya akong nilingon. Muling hinawi ang nagkalat na mga hibla ng buhok ko para hindi matakpan ang aking mukha.
"Kung gusto mong matulog, ayusin mo 'yang higa mo. Do'n ka sa may mga unan hindi rito at mangangalay ka niyan." tukoy niya sa mga paa kong nakalaylay sa paanan ng kama.
Umusod naman ako at sinunod ang sinabi niya. Tumayo naman siya at mayamaya ay lumapit. Kinuha ang makapal na kumot at tahimik akong kinumutan.
"Hindi mo 'ko tatabihan rito?"
"Hindi. Matulog ka na lang d'yan. Mamaya pag gising mo ihahatid na kita sa inyo." masungit na aniya.
Tapos na akong mamili ng mga kakailanganin ko sa pasukan. Naghihintay na lang akong matapos ang nasa unahan ko para makapagbayad sa cashier. Hindi rin naman iyon nag tagal dahil matapos ang halos dalawang minuto ay nakapagbayad na rin siya. Medyo may karamihan ang laman ng cart dahil mas pinili kong isahang bilihan na lang para hindi pabalik balik.
Hindi ko pa man nailalabas ang card ko sa dalang sling bag ay agad nang naiabot ni Alrik ang kaniyang card sa cashier. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Those are my stuffs, I should be the one paying it. Hindi siya umiimik at nagpasalamat lang no'ng ibinalik sa kaniya ng cashier ang card pagkatapos kinuha na ang apat na malalaking supot na may lamang school supplies.
"You don't have to do that..." agad kong sinabi nang makalabas kami sa bookstore.
"May pera ako hindi mo na kailangan gawin 'yon." nakasimangot na dahil hindi naman siya sumasagot.
"It's okay. Let's just eat," mahinang aniya. Umirap naman ako.
"I'll pay for our brunch, then." iritang ani ko.
Seryoso naman siyang tumingin sa akin na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Umiling siya at tinuloy ang paglalakad.
"Ano ba, Alrik! Ako nga magbabayad sa kakainin natin. Ikaw naman nagbayad para sa mga school supplies ko 'di ba? I should repay what you did earlier." habol ko sa kaniya.
"Hindi na kailangan. Kagustuhan ko 'yon, Lia." pag papaintindi niya pa.
"Kagustuhan ko ring magbayad para sa kakainin natin at hindi ka na puwedeng humindi. Tapos ang usapan."
Sa huli, ako rin ang nasunod sa aming dalawa. Wala na siyang nagawa no'ng ako ang nag abot sa waitress ng bill kanina. Halata pa nga kay Alrik na ayaw niya paring pumayag pero hindi na lang nag komento pa nang samaan ko siya ng tingin. Naka busangot pa rin ang mukha niya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall.
"Masama pa rin ba ang loob mo?"
"Hindi." tipid niyang sagot. Tumikwas naman ang kilay ko paitaas.
"Ows! Busangot ang mukha, magkakasalubong ang mga kilay at kunot ang noo—"
"Wag mo nang ituloy. Ayos lang ako. Iuuwi na kita,"
Natawa na ako nang bumaling siya sa akin ng tingin. Wala na 'yung mga binanggit ko na nakarehistro sa kaniyang gwapong mukha. I knew it! Hindi niya talaga ako matiis. Malapad ang ngiting pumasok na ako sa loob ng kaniyang itim na SUV. Sumunod rin naman siya kaagad at mabilis na nag suot ng seltbelt. Walang imik na ring binuhay ang makina ng sasakyan at agad iyong minaniubra ng mabagal upang tuluyang makalabas sa parking lot.
"Babalik ka na sa Maynila?" mayamaya ay tanong ko rito.
"Yeah,"
"Kailan ka ulit babalik niyan?" nakatingin nang sabi ko.
"Hindi ko pa alam. Titingnan ko pa kung makakauwi ulit ako rito."
"Baka naman sobra kang magpa-miss niyan, ha!" nakarinig lang ako ng mahinang pagtawa.
Nakasimangot ko siya ulit na nilingon. Nakuha pa talaga niya akong pagtawanan.
"Wag kang tumawa, seryoso ako!" nakairap na dahil patuloy pa rin siyang tumatawa ng mahina.
"Calm down. Babalik naman ako pag may pagkakataon, Lia."
Marahang aniya kasabay nang paglapat ng kanang kamay niya sa kaliwang hita ko na naging dahilan naman nang unti-unti kong pagtango para sumang-ayon. Naiintindihan ko naman dahil ipinaliwanag na rin niyang sa mga susunod na linggo ay mas magiging abala na sila. Pagkatapos kasi nilang mag review ay agad rin silang magpapalista para sa darating na bar exam. Alam ko rin namang maipapasa nila iyon.
***
It's been two weeks since the school year has started. Naging maayos naman ang unang araw ng pasukan no'n. Kaklase ko pa rin sina Bliss, Haria, Hazon at Rimuel. Kami lang ding lima ang napunta sa Strand ng HUMMS. Ang iba naman naming mga kaklase no'n ay lumipat sa ibang school. Ang iba naman ay nagtungo pa sa Maynila para do'n makipag sapalaran. Ayon rin sa kanila mas magaganda raw ang mga University ro'n at maraming kursong maaaring pagpilian. Ang iba naman ay dahil kinuna na ng mga magulang para do'n ituloy ang pag aaral dahil naroon ang trabaho nila.
"Hintayin ko na lang kayo sa mansyon bukas, ha." paalala ko kila Bliss bago kami maghiwahiwalay pauwi.
"Sure, Analia! Pero ando'n ba ang Kuya mo?" nag niningning ang mga matang tanong pa ni Bliss.
"Saturday palang bukas, sa linggo pa 'yon makakauwi."
Tila naman bumagsak ang pader ng kaligayahan matapos niyang marinig ang sinabi ko. Bagsak pa ang mga balikat at nang hahaba ang ngusong nakatingin sa akin. Ba't parang kasalan ko pa?
"Sunday na lang kaya tayo gumawa!" asa ka naman! Pahinga ko na lang ang sunday, no!
"Bukas na."
Wala naman na siyang nagawa at sumang-ayon na lang. Mukha siyang malungkot dahil hindi niya masisilayan ang crush niya. Lihim na lang akong natawa. Kawawang Bliss. Minsan na lang makakasilay naging bato pa.
•••

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Kate Lyn

    i like the story

    20/07/2024

      0
  • avatar
    Rosalyn Trillana

    very very very god

    13/01/2024

      0
  • avatar
    GhatJumang

    nice

    03/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata