Homepage/A Young's Heart/
45 : CHAPTER 45
CHAPTER FOURTY-FIVE
When the bell rang. Patiently, I waited till the instructor walked herself out of the room. I'm actually excited to see Alrik again. Kaya hanggang sa matapos ang pang umagang klase ay nag-iisip na ako kung ano nga ba ang gagawin namin mamaya? Kapag sinabi niyang mag mall na lang kami... siyempre, hindi ako papayag. Mas gugustuhin ko pang pumunta na lang kami sa kanila. Maganda pa ang tanawin doon dahil sa dagat. Pasimple pa nga akong kumuha ng ekstrang panloob kaninang umaga ng bumalik ako sa kwarto ko.
"Oy, hindi ka ba talaga sasama?" muling tanong ni Bliss sa tabi ko.
Umiling ako. "Hindi muna. Magkikita kami ngayon ni Alrik, e."
Napairap pa siya. "Sus, nagka-boyfriend lang hindi na nakikipag bonding sa amin."
"Grabe ka naman. Magkasama lang tayong anim no'ng isang linggo." minsan talaga may pagka overreacting din talaga 'tong si Bliss.
"Oo nga! kahapon nga lang nasa mall tayo dahil sinamahan ka namin d'yan sa shopping galore mo, e." sabi naman ni Haria na nakasukbit na sa balikat ang shoulder bag nito. Handa na siyang umalis.
"Kulang na nga lang magkapalit na kayo nang mga mukha dahil parati na lang kayong magkakasama, e." si Rimuel iyon at prenteng nakaupo sa armchair.
"Totoo 'yon. At nakakasawa na rin mga mukha niyo—" natawa ako dahil hindi na naman natuloy ni Hazon ang sinasabi niya dahil tumama na kaagad ang kamao ni Bliss sa kanyang braso.
Nagtawanan na lang kami ng bumusangot ang mukha niya dahil sa nasaktang braso. Tinatapunan pa nga nito ng masasamang tingin si Bliss. Pero hindi naman siya nito pinapansin. Sa huli, nanahimik na rin siya dahil napagod na raw ang bibig niya kakasalita.
Nang nasa parking area na ay nagpaalam na ako sa kanila. Iisa lang ang van na gagamitin nila dahil nga pupunta daw sila sa La Ingrid. Friday ngayon kaya malalakas ang loob gumala sa malayo dahil kinabukasan walang pasok. Kung hindi umuwi si Alrik kahapon galing sa Manila ay kasama din ako pa-La Ingrid. Eh, andito siya. Saka ngayon na lang ulit kami magkikita dahil naging abala siya no'ng mga nakaraang linggo. Sa lunes, babalik na naman sila sa Manila kaya susulitin ko na habang nandito pa siya.
Nakalabas na ako sa may entrance ng gate. Kaunti na lang din ang mga estudyanteng palakad lakad. Siguro ang iba ay nasa cafeteria na at iyong iba naman ay nakauwi na. Natanaw ko na ang pamilyar na itim na SUV sa 'di kalayuan. Nasa labas din siya at prenteng nakahilig at nakahalukipkip sa hood ng sasakyan. Nakatali ang buhok, nakasalamin din, itim din ang suot na shirt at pants. Ganoon din sa leather boots niya. Lahat na itim! Para siyang badboy sa tabi ng kalsada pero expensive ang datingan!
Napailing na lang ako. Tumayo na din siya ng tuwid nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Napangiwi pa ako habang pinagmamasdan siya, mukha akong anghel na walang gagawin na masama dahil sa puting-puti kong suot na bistida.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan, pumasok din naman ako kaagad. Mabilis din siyang nakaikot at nakapasok sa loob ng sasakyan niya.
"Kanina ka pa ba rito?"
Umiling naman siya. Pinaandar na din niya ang makina at maingat iyon na niliko.
"Where do you want to eat, Lia?"
"Sa inyo, puwede?" agad siyang napalingon pero binalik din naman ang tingin sa harapan.
Kumunot pa ang noo. "Alright. What do you want to eat?" seryoso niyang tanong.
"You'll cook it for me?" ngiting ngiti na ako. Tumango lang naman siya.
"I want to try the Italian pasta. By the way, I also want to swim. Don't worry I had brought an extra undergarments with me."
"Did you really have to say those?" Oh,
"Yes. At baka sabihin mo na naman wala akong pamalit kaya inunahan na kita. Para hindi ka na makaangal, congratulate me because I came prepared, Alrik." proud na ako sa sarili ko niyan.
Natawa siya at napailing na lang. "Nagdala ka din sana ng pamalit mong damit, Lia."
"No need. Just lend me your shirt later,"
"Out of stock..." aniya pa habang napapangiti.
"Eh, 'di wag na lang mag damit—"
Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ng bigla siyang mag preno. Sa lakas no'n ay siguradong susubsob ang mukha ko sa harapan. Mabuti na lang may suot akong seatbelt. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero mas masama pa pala ang tingin niya sa akin. Matapang ako kaya inirapan ko siya.
"Ano ba, Alrik! Pabigla bigla ka naman. Mabuti na lang walang ibang sasakyan dito!"
"Bibig mo, Lia. Ano'ng wag nang mag damit?!" seryoso talaga siya. Kunot na ang noo, guwapo pa din!
"Oh, ano'ng masama sa sinabi ko? 'Di naman ako no'n nakahubad..." gagamit din naman ako ng bathrobe no'n kung wala talaga.
Huminga siya ng malalim. "Iuuwi kita sa inyo—"
"Wag na sayang ang gasolina, nakalampas na tayo sa bahay namin. Saka wala namang mali sa sinabi ko, ah? Hindi naman din ako magpapalakad lakad doon sa labas kaya ayos lang—"
"Shut up." tinakpan na niya ang bibig ko. Ang sama niya!
Tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at asar iyon na kinagat. Hindi ko pinansin ang pagdaing niya. Pero sinilip ko pa din 'yung mukha niya, nakakagat sa ibabang labi, diretso lang ang tingin sa labas. Sinulyapan ko ulit 'yung kamay niya na kinagat ko. Namumula 'yon. Naguilty agad ako kaya pasimple ko na lang hinipan. Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti lang ako. Umiling lang naman siya, muling pinagpatuloy ang pagmamaneho. Nangingiti pa nga!
***
Natapos kaming magtanghalian. Ako na sana ang maghuhugas ng mga platong ginamit namin pero tumanggi siya. Siya na lang daw ang maghuhugas at maupo na lang ako. Hinintay ko siyang matapos para sabay na lang din kaming pupunta sa likod ng mansyon.
Nagpupunas na siya nang mga kamay niya bago ako hinarap.
"Hintayin mo ako rito. Magbibihis lang ako," aniya.
Tumango lang ako. Sinabayan ko din siya sa paglalakad. Naupo ako sa may sofa. Kinuha naman niya ang bag ko para iakyat sa taas. Mayamaya pa ay nakita ko na siyang pababa sa hagdan. May nakasampay na puting tuwalya sa kaliwang balikat niya at meron ding nakatuping isa pa. Tumayo na ako at nauna ng lumakad palabas sa mansyon. Sa likod na rin kami dumaan para mas madaling makapunta doon.
"Hmm... where is your parents, Alrik?" sa tagal na naming magkasama ay ngayon ko lang naisipan iyon na itanong. seriously, Analia?!
Kinailangan ko pang lumingon dahil nasa likuran ko siya. Komportableng nakasandal ang buong likod ko sa kanya. Hindi rin naman niya alintana ang buong bigat ko, dahil malaya akong nayayakap ng mga bisig niya. Kanina pa kami sa ganitong posisyon at para bang wala siyang balak pakawalan ako at hayaang lumusong sa dagat.
"They were living in Madrid with my brother," mahinang aniya.
"Eh, bakit nandito ka? Ayaw ka ba nilang isama?" sinamaan niya ako ng tingin. Kumunot lang ang noo ko. Nagtatanong lang naman, e.
"I decided to live here instead. Umuuwi din naman sila rito." tumango na lamang ako at tinuon ang pansin sa kamay naming magkahawak. Ang mga daliri ko ay marahan niyang minamasahe. Baka kaunting haplos pa ay mag apoy na ‘yon dahil kanina niya pa ‘yon ginagawa. Sa tagal ay parang namanhid na lang ang kamay ko.
“Let go. I’ll swim,” humigpit pa ang yakap niya bago pa ako bitawan.
Smiling widely, I removed my white dress and gave it to Alrik. Wala naman siyang nagawa, kinuha niya din ‘yon at tiniklop. Tumakbo na ako patungo sa dalampasigan. Nakangiti pa rin ako kahit naabot na ng mga paa ko ang malamig na tubig. The waves was serene. Even the sound from it... it’s like inviting me to go deeper and embrace the current. Umahon ako para muling sumagap ng hangin. Babalik na naman sana ako ulit sa pagsisid sa ilalim ngunit hindi na natuloy dahil naramdaman kong may mga kamay na humawak sa bewang ko.
Behind me was Alrik. Still, caging me with his arms. Tuluyan akong humarap rito. Nagtama ang aming mga mata.
His eyes were intensely looking at me. I gulped when his gaze stayed on my lips. I smiled, “Just kiss me if you want...”
“What?” he seriously said.
Rolling my eyes. “You have my consent.”
Hindi na siya umimik pero napansin kong medyo lumapit siya sa akin. Humigpit din ang kapit niya sa bewang ko. Akala ko hahalikan na niya ako pero napapikit ako ng may panggigigil niyang kagatin ang gilid ng leeg ko.
•••I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i like the story
20/07/2024
0very very very god
13/01/2024
0nice
03/04/2023
0Tingnan Lahat