Homepage/A Young's Heart/
46: CHAPTER 46
CHAPTER FOURTY-SIX
If I wouldn't stopped him from biting the side of my neck... surely, minutes from now, red marks will be visible. But I don't even mind, he has the right to do it. He's my boyfriend, after all. Kahit ilang beses niya pang gawin iyon, I am more than willing to lend him my neck and let him do his thing. Seeing him this close made me even grinned for no reason, earning him a frowned that actually looks illegal. Oh, is that even possible if he's already frowning and yet, he's still good-looking?!
Well, if God has a favorite, no doubt this man in front of me is such a blessing... to let His time create this kind of masterpiece. But truth to be told, nobody's perfect. Everyone has its flaws...
"Stop staring, Lia." he really knows how to end my endless thoughts, huh.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Isang masungit na tingin lang naman ang nakuha ko pabalik. Nakanguso kong pinagaspas ang mga paa ko sa ilalim ng tubig. Naramdaman niya iyon dahil hindi pa naman niya binibitawan ang bewang ko, mahigpit pa rin na nakakapit doon. Habang kunot noo pang nakatitig sa akin. Inis kong hinila ang may kahabaan niyang buhok habang nakakapit pa ako sa kanyang batok.
"Nakakainis ka talaga! You're always ruining the mood, Alrik! Kulang ka yata nang sugar sa katawan, akina na nga ipu-full tank ko na lang at baka ma-hypo ka pa!" napapikit pa siya talaga at napahinga ng malalim.
"Kulang talaga sa filter 'yang bibig mo, Lia." aniya pa pagkatapos pitikin ng marahan ang noo ko.
Inirapan ko lang, "Baka kulang sa lambing..." iiling iling lang naman siya.
"Let's go—"
"Lalambingin mo na ba ko niyan?" hindi siya sumagot. Sa halip ay binitawan lang ako at nauna nang umahon. Hindi na rin ako nilingon pero huminto naman sa batuhan para kunin ang puting tuwalya na nakapatong doon.
Dahil wala akong napala, nakabusangot na ang mukha ko ng sinundan siya. Hindi pa ako masyadong nakakalapit sa kanya ay iniangat na niya ang kamay na may hawak na tuwalya sa harapan ko. Masama ang loob na kinuha ko iyon.
"Lia," mahina ngunit mahihimigan ang may pagbabanta ng aniya nang mapansin ang bahagyang nakanguso kong bibig.
"Isang lambing lang naman... ayaw pang ibigay!" pairap na lang na sabi ko at nilagpasan siya. Pag ganitong kami lang dalawa ang nasa paligid dapat maging sweet siya! Daig pa yata ang bato sa tigas, e!
Nang malapit na akong makapasok sa main door nila ay mabilis din akong napihit pabalik dahil sa marahang paghila ng nasa likuran ko. Sa isang iglap ay mabilis lang akong nabuhat ni Alrik paharap sa kanya. Ang puting tuwalyang nakasampay lang sa mga balikat ko ay nalaglag na lang ng kusa. Gulat at walang imik akong napakapit sa kanyang batok. Siya naman ay seryoso lang ang mga matang nakatitig sa akin habang ang kaliwang kamay ay nakakapit sa bewang ko at ang kanan naman ay mariin na nakakapit sa aking hita.
He doesn't say anything. Nagtitigan lang kaming dalawa, I also don't want to talk because I have this feeling that he's already serious. Ilang minuto pa kaming gano'n hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay na buhat-buhat pa rin ako.
Gusto kong mapangiwi dahil sa kalagayan ko. For goodness sake! I am just wearing these thin fabrics! Pinilit kong magpaka-stable habang hindi niya pa rin ako binababa. Dahil sa kahihiyan, isiniksik ko na lamang ang mukha ko sa kaliwang balikat niya para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Paakyat na siya sa hagdanan kaya mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa kanya. Hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata. Hindi rin ako nagtangkang gumalaw man lang at baka ma-out of balance siya, parehas pa kaming malaglag sa hagdan. And yes! I'm already thinking of the worst scenario dahil hindi pa rin siya umiimik hanggang ngayon.
Nang maramdaman ko ang patag na nilalakaran ni Alrik ay doon lamang ako nagmulat nang mga mata. Walang imik pa rin siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng kanyang silid. Nag dire-diretso patungo sa isa pang pinto at marahan iyon na binuksan. Nang makapasok ay maingat akong ibinaba sa sink. Siya na rin ang nagtanggal nang mga kamay kong nakakapit sa kanyang batok.
“Stay here.” aniya na hindi man lang hinintay ang magiging sagot ko. Napairap na lamang ako.
Pakainin ko kaya siya ng isang kilong asukal?!
Ilang minuto lang ay nakabalik na rin siya. Gaya din ng sinabi niya kanina na, manatili ako rito ay siya ring ginawa ko. I'm being obidient here, Alrik... deserve ko namang suyuin!
“Take a quick shower first then get in the tub for few more minutes. Ang tagal mong nakababad sa dagat, Lia.” aniya at maingat akong binuhat para dalhin sa shower area na katabi lamang ng may kalakihan nitong bathtub.
Mabilis lang akong nag shower at agad din na nilublob ang sarili sa bathtub na inihanda pa ni Alrik. It was warm, that made me close my eyes for a couple of minute. Hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon dahil nung bago pa lamang ako mag shower ay lumabas na din siya kaagad.
Napairap ako at muling pumikit. Bakit hindi pa siya sumabay sa akin para maligo? Nakatipid sana sila sa tubig. Kalaunan, natawa na rin ako sa sarili ko... naghihirap ba sila para tipirin ang tubig nila rito?!
Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng pinto. Nakita ko rin kung paano iyon nagbukas ng dahan-dahan.
“You don't have to knock. This is yours, you have the privilage to open it when ever you wanted, Alrik.”
Masamang tingin lang naman ang sinalubong niya sa akin. Nakaligo na rin siya at nakapagpalit na ng shirt at cargo short. Nakalugay rin ang medyo basa pang buhok. Oh, my man was really handsome. Bugnutin lang.
“That's enough, Lia. Your lips is already pale. You might catch a cold.”
Tumaas ang kilay ko. “Oh, I already did... and that cold was standing in front of me.” natatawa ko pang ani.
Muntik pa akong mapasigaw nang walang imik niya akong maingat na inahon sa tubig. Hindi ko alam kung hahawak ba ako sa kanya o hindi na lang dahil mababasa na naman siya. Sa huli, napilitan na lang akong humawak sa kanyang mga braso nang tuluyan akong makatayo.
“Tama ka na, Lia. Tignan mo 'yang mga mata mo, inaantok ka na.” aniya matapos akong titigan at pangunutan ng kanyang noo.
Napangiwi ako. Tama naman siya, inaantok na nga ako. Pinipilit ko lang wag makatulog para kung sakaling lambingin niya man ako ay... madagdagan ang energy ko. Pero sa huli, hindi na rin ako umasa. Sinuot ko na lang ang iniaabot niyang bathrobe.
•••I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i like the story
20/07/2024
0very very very god
13/01/2024
0nice
03/04/2023
0Tingnan Lahat