Homepage/Nag-iisang Ikaw/
Epilogue
Jennie
Lumipas na ang halos 3 taon, graduating na rin kami ni Lisa.
Going strong pa rin ang relationship namin. Tanda ko pa noon nung magsabi kami sa parents namin na kami na ni Lisa ay halos mag pa party pa sila sa sobrang tuwa.
Sabi pa nga nila gumana raw yung plano nila sa amin na pagsamahin kami sa iisang bubong. Yun na lang raw kasi ang kanilang last resources para maging kami ni Lisa.
Kung alam lang nga raw nila na gagana ang ganun ay noon pa raw nila ginawa ng di na raw masyado pang napahirapan si Lisa.
Papunta na ako ngayon sa isang restaurant na text sa akin ni Lisa.
Gusto niya kasi na mag date naman kami kasi nga miss na niya ako.. Medyo busy kasi kami pareho nitong mga nakaraang Linggo at madaming ginagawang projects.
Hinala ko nga ay nag usap usap yata tong mga Professor na ito para pahirapan kami. Mga kulang talaga sa aruga. Di maganda ka bonding.
Paalis na ako sa bahay ng mag text si Lisa na nandoon na raw siya sa restaurant at wait niya na lang ako doon.
Nang makarating na ako sa restaurant ay napansin ko na halos kaunti lang ang tao.
Pumasok na kaagad ako, at nakita ko sila Tito ang parents ni Lisa pati na rin sila Dad at Mom. Nagtatakang tinignan ko ang mga ito.
"Mom ano pong ginagawa nyo dito? Akala ko po ba ay asa office pa kayo nila dad nung tumawag ako sa inyo kanina." Hindi naman sinagot ni Mom ang tanong ko at ngumiti lang ito sa akin.
Sa pagkabigla ko kila Dad ay hindi ko napansin ang ayos ng restaurant.
Napansin ko na lang na biglang pumailanlang ang favorite song namin ni Lisa.
Nakita ko na lang na kumakanta ito habang palapit sa akin.
Nag tatakang tinignan ko naman siya.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sana naman tama ang hinala ko. Kasi makukurot ko talaga itong si Lisa kung paasa lang siya.
Nakangiti ito habang kumakanta, Maya lang natapos na rin ito.
Lumapit ito agad sa akin habang hawak ang mike at nagsalita.
"Hon alam ko na mabibigla ka sa gagawin ko ngayon, pero kasi kailangan ko ng masigurado na sa akin ka na talaga."
"Alam ko na marami na tayong pinag daanan na pagsubok sa relationship natin. Nandyan na husgahan tayo ng mga tao, kahit wala naman silang contribution sa pagpapalaki sa atin."
"Minahal mo ako kahit ganito lang ako. Ako pa rin ang pinili mo, kahit na madami kang choices na mas better sa akin at higit sa lahat lalaki pa sila."
"Sabagay hindi naman kita masisisi kung talagang na inlove ka sa akin. Sa gandang pogi ko ba namang ito." Ang nakangiting dugtong niya pa habang naluluha na.
Hindi ko rin mapigilan na maluha habang nakatingin lang sa kanya.
Nagpatuloy naman ito sa pag sasalita.
"Hon alam mo na di ako madamot diba?"
Tumango naman ako sa tanong nito sa akin.
"At dahil masyado akong giver, gusto kong malaman mo na handa kong ipagamit sa iyo ang aking apelyedo." Ang sabi nito sa seryosong tuno.
"Ms. Jennie Kim, will you be my wife? Will you marry me? Please." Ang naluluha tanong nito sa akin. Sabay luhod ng isang tuhod at kuha ng singsing sa kanyang bulsa.
Nakatingin lang ako dito habang hindi mapigilang lumuha.
Na surprised talaga ako sa proposal niya ngayon. Nakita ko sila Mommy,Daddy, parents ni Lisa at mga kaibigan namin. Kahit nga si Rose nandito rin na wala manlang nabanggit sa akin kanina sa school.
Nakangiti sila sa akin at parang sinasabi ng kanilang mga mata na tanggapin ko na ang proposal ni Lisa.
Agad naman akong tumango kay Lisa at ngumiti." Yes hon I wanted to be your wife."
Tumayo agad ito matapos kong mag yes sa kanya at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Salamat hon, naluluha paring sabi nito na nakangiti. Promise ko sa iyo na hindi ka mag sisisi na ako ang pinili mo. I love you so much, Mahal na Mahal kita Asawa ko. Wala akong ibang gustong makasama habang buhay kundi ikaw lang at ang magiging mga anak natin."
Naluluhang niyakap ko rin siya. Nang maghiwalay kami ng yakap ay kinuha niya ang kamay ko at sinuot sa akin ang aming engagement ring. Sabay halik sa akin ng mariin na agad ko namang tinugon.
Wala akong pakialam sa mga audience namin. Narinig na lang namin ang kanilang palakpakan, at kapagdaka ay naghiwalay na rin ang aming mga labi.
"Mahal na Mahal din kita Lisa Manoban. " Ang nakangiting sabi ko sa kanya.
Hawak kamay naman na kaming lumapit sa aming mga magulang na todo ang ngiti sa aming dalawa.
"Masaya kami para sa inyo mga anak. Alam nyo naman na boto kami sa pagmamahalan ninyong dalawa. Kaya napagkasunduan namin na kami na ang bahala sa kasal nyo. Ang gagawin nyo na lang ay dumalo." Ang sabi pa nila sa amin ni Lisa.
Napakamot na lang kami at di na tumanggi pa. Mukhang mas excited pa sila kaysa sa amin na ikakasal.
"Sa wakas matatali na rin kayong dalawa." Ang nakangiting sabi ng mga kaibigan namin ng sila naman ang lapitan namin.
"Pero Lisa, sigurado ka na ba talaga na si Jennie na ang papakasalan mo? Pinag isipan mo ba yang mabuti?" Pang asar na sabi dito ni Jisso.
"Oo naman mag po proposed ba ako kung di ako sure." Agad ko naman binalingan ng tingin si Jisso at sinamaan ng tingin.
Sabi ko nga eh pinag isipan mo nga. hehehehe ang medyo takot nitong sabi.
EndI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (83)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
if you want a unique story then it is the best story for you.
12/07/2022
0This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️
12/07/2022
0ang ganda
01/07/2024
0Tingnan Lahat