Chapter 31

Jennie
Kalat na sa buong campus na girlfriend ko na si Lisa. Maraming nagtaas ng kilay na kala mo naman ay naiambag sa buhay namin ni Lisa.
Wala naman akong pakialam sa kanila. Di ko naman ikakayaman kung papakialaman ko pa sila.
Maraming nang hinayang na ang ganda ganda ko raw pero maganda din pala ang hanap ko.
Pero mas marami ang natuwa na kami na ni Lisa. May mga fans club pa nga kami eh. Na siyang tinawanan na lang namin ni Lisa.
Medyo bumait na rin ako, sabi nga nila dapat noon ko pa raw sinagot si Lisa para noon pa raw ay nabago na ang ugali ko. Na tinaasan ko lang ng kilay.
Nandito ako ngayon sa gym at nanonood sa laban nila Lisa ng volleyball.
Kahit wala akong hilig sa mga ganito ay need ko suportahan ang girlfriend ko. Tsaka para mabantayan na rin. Dami kasi nagkalat na malalandi. Alam na ngang taken na yung tao, Kung landiin nila kala mo mga single. Sarap ingudngud ang mga pagmumukha.
Mahigpit ang labanan ng bawat kupunan. Championship na kasi kaya walang may gustong magpatalo.
Kita ko na medyo pagod na si Lisa. Ikaw ba naman ang naka 4 set na walang labasan. Tapos ikaw pa ang ace ng team nyo. Sayo talaga sila aasa.
Tinignan ko si Lisa at sininyasan siya na lumapit sa akin ng humingi ng timeout si coach Ally.
"Hon!" Tawag ko dito. Agad naman ito lumapit sa akin na nag tatanong ang tingin.
"Bakit hon? May kailangan ka ba? Pwede mamaya na lang after ng game namin?" Medyo may pakiusap sa tuno ng boses nito. Kala niya siguro ay may gusto akong ipagawa sa kanya.
Although may ipapagawa nga ako pero di naman kailangan na umalis siya. "Lapit ka pa sa akin ng kunti hon." Sabi ko dito.
Lumapit naman ito agad at naamoy ko naman dito ang pinaghalong pawis at pabango nito. Isama mo pa ang natural scents nito na sobra kong kinakaadikan sa kanya.
Agad ko naman hinila ang batok nito sabay halik sa kanyang labi. Nabigla naman ito sa ginawa ko kaya hindi nakapag respond agad sa halik ko.
Nang maramdaman ko na gaganti na siya ng halik ay agad ko ng binawi at ngumiti dito ng matamis.
"Dalian nyo ng tapusin yang game hon," ang sabi ko dito saka bulong ng "ituloy na lang natin maya ha. Sige balik kana doon at tinatawag kana ni coach."
Ninakawan pa ako nito ng halik at tumakbo na agad pabalik sa kanilang bleachers.
Start na ang fifth set at mainit talaga ang laban. Halos nagpapalitan na lang ng score. Walang gustong magpatalo, determinado ang bawat kupunan na makapag uwe sa kanilang school nang championship title.
Napaka ingay na rin dito sa stadium, halos lumabas na ang letid ng mga estudyante para eh Cheer ang kanilang team. Nag salimbayan din ang mga banner ng kani kanilang mga idol na players.
Rinig ko pa ang mga sigaw ng mga malalandi na cheni cheer nila si Lisa ko. Sinasamaan ko na lang sila ng tingin. Pero kasi sa dami nila eh di ko maisa isang tignan silang lahat ng masama.
Kaya yung iba ay napapalagpas ko na lang. Basta siguraduhin lang nila na di nila lalapitan si Lisa kundi manghihiram talaga sila ng mukha sa aso.
Kaya nga todo bantay ko sa isang iyon eh. Masyado kasing halaman at mabait. Pini flirt na pala siya ng di niya pa alam. Basta ang alam lang nito ay sobrang friendly lang nung tao na madalas ay napagsisimulan ng away namin, lalo na kung pinagtatanggol niya pa sa akin.
Naalala ko pa noon na muntikan na talaga kaming nag break ni Lisa dahil doon sa haliparot na si Nancy.
Akalain mo ba naman na ito pala ang naging first kiss niya. Sobrang selos ko talaga noon. Imagine may ibang nakahalik sa kanya. At naka una pa talaga ha.
Pinag sasampal ko nga noon nung pinagyabang pa sa akin ng Nancy na iyon na nahalikan niya nga raw si Lisa. Kala niya naman papalampasin ko na lang siya ng ganun ganun na lang.
Kung nalaman ko nga lang agad na ninakaw nya lang pala ito dito eh di sana hindi lang iyon ang napala nito. Baka binugbog ko na ng tuluyan yung haliparot na yon. Buti na nga lang at hindi na nagpakita pa hanggang ngayon. Natakot yata sa pag babanta ko eh.
Nagising na lang ang aking diwa sa pag babalik tanaw ko ng marinig ko ang lakas ng sigawan.
Nakita ko na lang na nagyayakapan na ang team nila Lisa.
Sila na yata ang nanalo, kasi pansin ko lang na parang maiiyak na ang kalaban nila Lisa.
Pagkaalam ko kasi sila ang depending champion  at mag ga grandslam na sana kung hindi sila natalo nila Lisa.
Nakakaiyak nga naman at nakakapanghinayang pag ganun. Magiging history pa sana sila ng school kaya lang nga ay natalo.
Agad na lumapit sa akin si Lisa at niyakap ako. Pinapapunta pa nga ako niya sa kanilang bleachers para mag picture daw kami na agad ko namang pinaunlakan.
Pag bigyan na kasi last season nya nang mag lalaro ito. Kasi nga yun ang promise niya sa akin.
Natapos na ang awarding at nakuha nito ang pagiging finals mvp. Hinayaan ko na rin na maki celebrate ito sa mga ka team niya at sinasama pa nga ako pero agad ko ng tinanggihan.
Sinabi ko na lang sa kanya na mag se celebrate din kami. Pero kami na lang dalawa.
"Hatid mo na lang ako sa bahay hon ah. Saka ka na lang sumunod sa kanila kung saan man kayo mag se celebrate. Basta behave ka lang doon ha. May mga mata ako sa paligid kaya alam ko kung may ginawa kang milagro." Pagbabanta ko pa sa kanya.
"Hon alam mo naman na sa iyo lang ako kakalampag diba. Ilang beses mo na yung napatunayan diba." Pa cute pa nitong sabi sa akin.
"Oo na, Basta yung bilin ko ha. Sige paalam na tayo kay coach ng maka alis na tayo at maka pahinga ka muna bago ka sumunod sa kanila."

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata