CHAPTER 4

"PAANO NYO PO NALAMAN NAY?" tanong ng nabiglang si Roha sa ina.
Ngumiti si Rosa at tinapik ang espasyo sa tabi nito. Kaagad syang tumabi sa inang nakaupo sa mahabang bangko ng lamesang kainan.
Mahimbing nang natutulog ang kambal. Mga isang oras na rin nakakaraan mula nang magsiuwian na ang mga kaibigan nya.
Nabigla siya nang sabihin ng ina na gusto nito ang ugali ng boyfriend niya.
"Pagpasok nyo palang ng bahay, may kutob na ako. Sa paraan ng pag alalay niya sayo. Sa palitan nyo ng tinginan, alam kong may unawaan kayo anak.." paliwanag ng ni Rosa sa anak.
Kaagad na nahagulhol ng iyak si Roha.
"Sorry po, Nanay!" aniyang puno ng guilt.
"Abay ang bata ere oh.. Shhh..." kaagad syang niyakap ng ina at inalo na dahilan para lalo siyang makaramdam ng guilt kaya halos yumugyug na ang balikat niya sa pag-iyak.
"Ok, lang po kung papagalitan ninyo ko Nay.. M..maiintin..dih...an ko po.." aniyang patuloy na humihikbi.
"Hindi naman nagagalit ang Nanay anak.. Hindi mo naman kasalanan kung maagang dumating pag-ibig sa buhay mo." pinunasan nito ang mga luha sa mukha niya ng suot nitong daster.
"Alam mo kasi anak.. ang pag-ibig ay isang bagay na hindi kontrolado ng tao. Dumarating yan kung kailan kaloob ng Diyos. Kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo hane.." patuloy na paliwanag ni Rosa.
"Alam mo ba kung ano ang kailangan gawin anak?" tanong nito sa kanya.
"Ano po Nay..?" aniyang umayos ng upo at humarap sa ina habang patuloy sa pagpunas ng luhaang mata.
"Dapat alam mo ang limitasyon mo. Ninyo ni Lex. Kung tutuusin nga anak.. mas bata kami ng itay mo nung maramdaman namin yan. Oo masaya.. Masarap sa pakiramdam na parang lagi ka lang masaya. Yung bang ang sarap mag aral lalo na kung kasama yung taong mahal mo. Pero lam mo na anak.. Ang tukso malapit sa inyong kabataan yan. Natural lang kasi sa pagiging bata ang maging curious sa lahat ng bagay. Kya nga maaga kaming nasabak sa pagpapamilya ng tatay mo dahil masyado kaming naging mapusok. Hindi muna namin naisip kung saan kami dadalhin ng kapusukan na iyon. Hindi namin pinagsisihan na dumating ka sa buhay namin ng tatay mo anak kaya natigil kami sa aming pag-aaral. Pero kung bibigyan kami ng Diyos ng pagkakataon gusto namin isaayos ang lahat.. Di sana nakatapos kami ng pag-aaral.. Sana natuloy ang pangarap kong maging stewardess at hindi labandera.. Sana naging Enginer ang tatay mo at hindi constraction worker... Di sana naitira namin kayo sa maayos na bahay.. Napapakain ng mga pagkaing gusto ninyong tikman na hindi inaalala ang budget.. Di sana sa magandang eskwelahan namin kayo mapag aral.. Pero nangyari na ang nangyari hindi na namin pwedeng ibalik pa ang nakaraan. Ang maari lang naming magawa ay gabayan kayo sa sarili ninyong buhay anak. Nang sa ganun hindi ninyo maging regrets ang mga niregrets namin ng tatay mo. Ang tanging gusto lang naman mga magulang ay makatapos kayo para kung sakaling gusto nyo nang magkapamilya handa na kayo.. Ayaw lang ng mga magulang na masayang lahat ng pinaghirapan ninyo at pagsisikap sa eskwela. Anak.. Masarap sa pakiramdam yung pagkatapos mo nang pag-aaral matatanggap mo yung diploma mo na simbolo ng pagod, puyat, at pagsusunog mo ng kilay sa gabi. Pero alam mo bang wala nang sasarap pa sa pakiramdam ng isang magulang na nakikita niyang umaakyat ng entablado ang anak niya at tumatanggap ng diploma. Isa yung pakiramdam na kaluwagan sa dibdib naming mga magulang. Na kung sakaling mawawala na kami kampante kaming maiiwan namin ang mga anak namin may maayos at matatag na kinabukasan.." pagtatapos ni Rosa.
Pagkatapos marinig lahat ni Roha ang mga sinabi ng ina niyakap nya ito ng mahigpit.
"Salamat po Nay sa lahat lahat huh Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay.." aniyang muling napahagulhul.
"Naku.. Ang batang ito'y napakaiyakin.." tumawa si Rosa ngunit nangilid din ang luha sa mata.
"Maari ko bang makausap bukas si Lex, anak? Gusto ko pareho ko kayong makausap." ani Rosa.
"Opo. Sasabihin ko po Nay.." aniya.
"Pinagkakatiwalaan kita anak.. Pero sana huwag ninyong sasayangin yung tiwala na yun.." seryusong sabi ng nanay nya sinagot nya ng pagtango at mahigpit na yakap.
LUMAKAS ANG TIBOK NG PUSO ng dalaga ng bumungad sa pintuan ng bahay ang kasintahang naka puting tshirt at maong na pantalon. Simple lang pero napakagwapo ng kanyang si Lex.
Natigil pansamantala ang kanyang pagwawalis sa sala.
" Lex, halina sa loob kanina ka pa hinihintay ni Nanay." aniyang itinabi muna ang hawak na tambo.
Naabisuhan na nya eto na gusto makausap ng kanyang Nanay dahil sa ipinagtapat ng dalaga. Kaagad namang sumang-ayon ang kasintahan nang sa ganun ay wala silang itatago sa Nanay Rosa.
" Where's Nanay? " anang binata na humalik sa ulo nya sabay abot ng pasalubong niyang meryenda.
" Nasa kwarto namin ." ani Roha na biglang napatingin sa pintuan ng kuwarto pagkat lumabas doon ang kanyang ina.
" Oh iho, mabuti at dumating ka!" ani Rosa sa binatang kaagad namang nagmano ng makita siya.
" Kaawaan ka ng Panginoon anak! " aniya.
" Maupo ka muna nang makapagkwentuhan na tayo. " sabay turo sa mahabang banko.
"Roha, anak halina rito at tumabi ka sa kasintahan mo." ani Rosa na kaagad namang sumunod.
" Siguro naman ay nasabi na ng anak ko sayo na naipagtapat na niya na kayo ay may relasyon na." ani Rosa kay Lex.
" Ghustow koh poh huminghi ng pashensha Nanay kasi hindhi namin kaagahd sinabhi that we were having a relationship poh.. " puno ng sensiredad na sa wika ng binata na bagamat nabubulol sa pagtatagalog ay magalang itong nakipag-usap sa nanay ng kasintahan.
" Tinatanggap ko ang paghingi mo ng pasensya iho. Gusto ko lamang payuhan kayo na huwag muna kayo maging mapusok sa buhay. Sikapin ninyo ng anak kong si Roha na umiwas sa tukso hangga't maari nang sa ganun ay wala kayong pagsisisihan. At pareho kayong magkaroon ng maayos na buhay. " aniya sa malumanay na boses.
" Bukas ang aming tahanan para sayo Lex anak. Ingatan mo sana lagi ang aking anak huh mahal na mahal namin yan. " ani Rosa na nangilid ang luha.
" Huwag kayong mag-alala Nay, magkasama po kami ni Lex na magsisikap para sa future namin. Mahal na mahal ko din kayo Nay." ani Roha na bumagsak na rin ang luha sabay tayo at yumakap sa ina.
" I will take care of Roha, Nanay. And the whole family." ani Lex na niyakap silang dalawa ng Nanay niya.
HINANAP NIYA si Lex sa loob ng bahay nila. Saglit kasi syang lumabas upang bumili ng mailuluto nya para sa hapunan. Kanina'y kinausap na sila ng nanay nya. Nangako si Lex sa nanay nya at sa kanya. Iniwan nya itong nakikipagkwentuhan sa mga kapatid nya habang naglalaro ng mga pasalubong nitong laruan.
"Asan na si Kuya Lex nyo? Saka si Nanay?" kaagad nyang tanong sa kambal.
"Sinamahan po ni Kuya Lex si Nanay ihatid yung mga labada." ani Rona.
"Ang lakas lakas nga ni Kuya Lex eh.. Binuhat nya yung dalawang supot na malaki!" ani Roda na pinalaki pa ang mata at inaaksyon pa ang nakitang pagbuhat na kinatawa naman ni Rona na sinundan naman ng bungisngis ni Roda.
Kaagad naman siyang nag ayos ng mga pinamili. Nakapagsaing na ang inay niya kaya ulam na lamang ang kailangan niyang lutuin. Nang maihanda ang mga rekado ng lulutuing sinigang na bangus nagparikit na siya ng apoy.
Paluto na ang ulam ng bumalik ang Nanay niya at si Lex.
Narinig pa niyang nagkakatawanan pa ang mga ito.
Nakita nyang inalalayan ni Lex ang kanyang ina papasok ng pintuan.
Patakbong sumalubong ng mano at halik ang kambal sa ina. Kaagad din siyang lumapit at nagmano rin.
"Nay, tamang tama po pakulo na ang sinigang ihahanda ko na po ang lamesa." aniya sa ina na kaagad dumeretso sa tokador ng kabinet at inilagay ang pitakang nakaipit sa kilikili.
"Mabuti pa nga anak, siguradong gutom na iiyang si Lex." anitong nagpalit naman ng tsenelas ang suot na plastic na sandal.
"Hi, baby! Im sorry dey na kamey nakaphagpeelem ney Nanay.." ani Lex na medyo pawisan na at halata ang pamumula ng balat pero mukha paring mabango.
Kaagad siyang kumuha ng labakara sa kanyang lagayan ng damit at ibinigay yun sa lalake.
"Ngano ngay ikaw ang magpunas sa likod ni Lex. Baka matuyuan yan ng pawis at magkasakit. " sabi ng nanay niya na dahilan para kumindat sa kanya ang lalake.
Pasimple niya itong kinurot sa bewang ng pino na kinaaray ng lalake na wala namang boses.
Pinunasan niya ang likod ni Lex.
"May baon ka bang damit? Basang basa ka oh.." aniya kunwari nadidiri pero kinikilig naman ang dalaga.
"I dont have baby.. Can I barrow yours? Pls..." ani Lex.
Bago pa siya nakasagot inabot ng Nanay niya ang puting damit na laging suot niya sa pagtulog.
" Thank you po Nanay!" narinig niyang sinabi nito.
Kaagad namang yung isinuot ng lalake na lalong ikinagwapo nito. Bagay talaga dito ang puti. Parang kay bango-bango laging tingnan.
Pilit niyang inililigaw sa isip ang isiping suot ng lalake ang damit niya kaya pumunta siya sa harap ng nilulutong ulam sa kalang de kahoy.
Akmang titikman na sana niya ang inihipang sabaw sa sandok nang maramdamang nasa likod niya ang lalake at gustong tikman ang luto niya. Kaagad itong yumuko at hinigop ang sabaw sa sandok na hawak niya. Napatitig sya sa mukha ng lalake.
Napa 'WOW!' ito nang matikman yun, sabay kindat at titig sa mga mata niya. Kaagad namang nagblush ang pisngi ng dalaga.
Maganang kumain doon ang lalake na nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan pa sa nanay niya. Pinagkaguluhan daw kasi ng mga babaeng suki ng nanay niya si Lex kya sila natagalan. Nabilib daw ang nanay niya sa pagiging maginoo ni Lex.
" Yung anak nga ni Mrs. Choi na may pagkasuplada at hindi pala labas ng bahay, ay sus nang makita etong nobyo mo kaagad bumati. Noong malamang kasintahan mo ay parang binagsakan ng langit at lupa!" kwento ng nanay ni Roha na nakangiting napapailing.
Maghahating gabi na ring nakauwi ang lalake na pilit na pinapatulog na lamang ng ina niya sa bahay nila pero tumanggi ang lalake at sinabing hindi raw magandang tingnan na matutulog siya doon. Ayaw daw nitong mahusgahan siya at ang kanyang ina ng mga tao sa lugar nila.
Alam ni Roha na kahit hindi sabihin ng ina humahanga ito sa ugali ng lalaki na matured na mag isip at magdisisyon.
Dahilan para lalo niyang mahalin ang lalake.

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    TerbLiw Ozutab

    nice

    13/10/2024

      0
  • avatar
    Jhohana Afdal

    maganda

    20/05/2024

      0
  • avatar
    Roel Gacutno

    nice story

    02/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata