CHAPTER 3

KUMALABOG kaagad ang dibdib ni Rohaima nang ang unang kilalang taong nabungaran nya ay ang nakangiting si Lex, katabi ang pinsan nitong si Rehal.
Naglalakad si Roha sa harapan ng gate. Kakababa lamang niya sa sinakyang jeepney.
"Hi, Baby! Good morning!" ani Lex na ikinablush nya nang marinig ang bati nito sa kanya.
"H..Hello.. L..Lex!" ang medyo nahihiyang bati din nya dito.
Wala sa loob na hinaplos nya ang may kahabaang buhok na medyo basa pa. Nag aalala syang baka mukha syang bruha dahil siguradong wagwag ang mga hibla nun gawa ng malakas na hangin sa jeep.
"Magandang umaga din sayo!" bati ng pinsan ni Lex na nasa likod nito at kumaway pa sa kanya.
"Gandang umaga din sa inyo! May kailangan ba k..kayo?" ani Rohaima.
"Gowstwo lang keytah eyhatid to your room!" anaman ni Lex na nagpipilit magtagalog.
Natutuwa syang panuurin ang pamumula ng mukha nito at pagkamot sa likod ng ulo.
"Can I carry your bag Baby!" ani Lex na hindi na hinintay na sumagot sya bagkus ay kinuha nito nakasukbit nyang knapsack sa balikat.
Ayaw naman nyang maoffend ito kaya hinayaan na nya.
"By the way baby, meet Rehal my cousin." ani Lex.
"Couz, she's my beautiful baby, Rohaima!" pakilala naman sa kanya ni Lex na lalong ikinapula ng pisngi nya dahil sa laging pag aadress nito sa kanyang 'baby'.
" Nice to meet you Roha! Tama si Insan maganda ka at mabait." ani Rehal na lalong nagpapula ng pisngi nya.
NAKITA NIYANG nanduon na sa harapan ng room nakatambay sila Sindy at Shenan nanang makita sila'y parang nakakita ng favorite nitong loveteam sa kilig.
"Hi, pretty girls!" bati kaagad ni Lex sa dalawa mukha namang ikinatuwa lalo ni Sindy na umaasta pang inihampas sa hangin ang imaginary hair na dahilan para batukan ito ni Shenan.
Natawa naman sila ni Lex at Rehal.
"Salamat huh" aniya kay Lex pagkatapos nyang abutin dito ang kanyang bag.
"Its ok baby, bhastah ekaaw!" ani Lex na halatang pursigidong matutong magsalita ng tagalog.
"Baby, ako din aalis na rin baby! Its so nakakalungkot nmn baby!" ani Shenan kay Sindy.
"Dont worry baby, magkikita pa naman tayo baby sa vacant baby!" ani Sindy kay Shenan sa boses lalake.
Natatawang hinila nya ang maikling buhok ni Sindy na ikinatili nito.
"Ne my hair OMG baka magka poknat aketch!" malakas na tili ni Sindy na ikinatawa nilang apat.
Maya-maya pa'y sabay sabay nang umalis sina Lex, Rehal, Shenan, papunta sa room ng mga ito.
Sila naman ni Sindy ay pumasok na ng kanilang room.
PAPUNTA na sila ni Sindy ng Canteen ng marinig nilang tinawag sila ni Shenan.
Paglingon nila ni Sindy, kasama rin pala nito sina Lex at Rehal.
Nandun nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ni Rohaima pero hindi sya nagpahalata.
"Hi, baby!" kaagad na bati sa kanya ni Lex na tumabi sa kanya sa paglalakad.
Pinamumulahan sya lalo ng pisngi kapag inaalalayan sya nito sa tuwing may daraanan silang hagdan. Pakiramdam tuloy niya isa siyang prinsesa at ito ang kanyang prinsipe.
Nang magkasagi ang kamay nila ay kinabigla nya ang pagkulong ng mga palad nito sa mga palad nya. Naramdaman nya ang mainit na palad nito sa nanlalamig nyang kamay.
Kaagad syang lumingon sa mga kasama na abala naman sa pagkwekwentuhan tanging sila lang ni Lex ang parang may sariling mundo.
Sa takot na baka may ibang makakitang estudyante o teacher kaagad nyang hinila ang sariling kamay.
Napansin nyang natahimik ang lalake. Pero patuloy pa rin syang inalalayan.
Nauna sila sa pila ni Lex kya sila ang humanap ng pwesto ng kanilang grupo.
"Sorry baby if I offended you.. Pls dont get mad at me.." ani Lex habang hinihintay nila ang mga kasama.
"Im not angry Lex.. Ayaw ko lang kasi na may ibang makakita sa ating student or teacher. Saka.. dont get offended kung pagbabawalan kitang tawagin akong baby.. Err... Ano kasi hindi naman tayo magkarelasyon diba saka mga bata pa tayo.." seryuso nyang sabi sa lalake.
"If thats a problem then lets be into a relationship! Be my girl! I like you.. I love you!" anito na ikinatulig nya at ikinakilig ng traidor na puso nya.
Sandali syang natigilan. Pero bago pa sya makapagsalita nagsidatingan na ang mga kasama nila.
Maingay silang nagsisikain pero kapag napapasulyap siyang tumingin kay Lex, nakikita niyang seryuso itong nakatitig sa kanya. Nakita nyang nakikiusap ang mga mata nitong parang biglang naging malungkot.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng kunting guilt ng manatili itong walang kibo.
TAHIMIK LANG at nag-iisip si Lex nang maihatid sila sa room. Parang gustong magsisi ni Rohaima pero sabi nang utak tama lang na pinaprangka niya si Lex. Mga bata pa sila at priority niya kanyang pamilya. Ayaw nyang biguin ang Ina.
Kaagad syang tumabi sa nilalakarang kalsada patungo sa sakayan ng jeep nang may bumusinang sasakyan sa likuran nya at narinig nya ang pamilyar na boses nila Sindy at Shenan na tinatawag ang pangalan nya.
Napakunot noo sya sa pagtataka dahil nakasakay ang mga ito sa kotseng nakikita nyang naghahatid sundo kay Lex.
"Roha, sumakay ka na! Hatid ka na raw namin nila Lex!" ani Shenan pagkahinto ng malaking sasakyan sa harap nya.
"Sige na girl! Taraaa!" anaman ng nakabungisngis na si Sindy.
"Naku, hindi na.. Malapit nanaman yung sakayan eh.." nahihiya nyang tanggi.
"Sige na iha.. Marami nang sasakyan sa likod!" sigaw ng driver ni Lex sa kanya kaya napilitan na rin syang sumakay.
Pinaupo sya nila Sindy, Shenan at Rehal sa likuran. Yun naman palay naroon si Lex na kaagad umalalay sa kanyang umupo.
"Salamat Lex huh!" aniya sa binatang tumango lang at tumanaw na lang sa labas ng bintana.
Nagpatugtog si Rehal na nasa tabi ng driver dahil mukhang matratrapik sila. Masaya namang umindak indak sa pagkakaupo sila Shenan at Sindy.
Inilabas ni Roha ang isang notebook at ballpen. Sandali syang nagsulat dun.
GALIT KA BA SAKIN LEX? sulat nya na pinasa naman nya sa lalake.
Kaagad naman yung binasa ni Lex. Pagkatapos ay kinuha ang nakasukbit na ballpen sa bulsa ng uniporme.
TAMPO LANG.. tapos ay may nakadrawing pang sad face.
Natawa sya..
PARA KANG BATA! tapos nagdraw pa sya ng nakadilang smiley.
AGE DOESN'T MATTER WHEN IT COMES TO LOVE.. YES WERE BOTH YOUNG BUT I LOVE YOU!!! sulat ni Lex.
MARAMI PA AKONG DREAM LEX! ani Roha.
PROBLEMA BA YUN? E DI MAGKASAMA NATING TUPARIN MGA PANGARAP MO.. IM WILLING TO BE WITH YOU THE REST OF MY LIFE BABY.. basa nya sa sulat nito.
SUS! BOLA! ani Roha...
IM SERIOUS!!! THE VERY FIRST TIME I SAW YOU I KNOW YOURE THE ONE I WILL GOING TO MARRY.. YOU WILL BE THE MOTHER OF MY CHILDREN.. GROWING OLD WITH ME.. ILOVE YOU! I LOVE YOU! I LOVE YOU! GUSTO MO BA SIGAW KO PA?! ani Lex kya pinanlakihan nya ito ng mata.
Matiim naman itong tumitig sa kanya whispering 'I love you baby..'
NAKAKAINIS KA LAM MO BA YUN? sulat ni Rohaima.
I KNOW THE FEELING IS THE SAME.. I SAW IT IN YOUR EYES! PLS. DONT DENY IT BABY... DONT WORRY I WONT BE STRESS YOU MAGIGING MABAIT AKONG BOYFRIEND.. SO TAYO NA HUH WAG KA NANG TUMANGGI KUNDI EKISS KITA DITO! ani Lex na kumindat pa sa kanya..
HALA, WALA KAYA AKONG SINABI!!! ani Rohaima na kinahalakhak ni Lex.
SO YOU WANT MY KISS??? OK I WILL GIVE YOU KISS... ani Lex na ngumiti pa na may halong kapilyuhan.
IKISKISS MO SA PADER!!! pasuplada nyang sulat pero natatawa na rin sya.
Isang malutong na halakhak ang itinawa ni Lex na ikinagulat ng mga kasama. Mabilis itinago ni Rohaima ang notebook sa knapsack na nakabukas pa ang zipper sa kanyang kandungan.
"Hoy, hoy anu yan??!" ani Sindy sa kanilang dalawa parang mga batang nahuling nagnanakaw ng candy.
Pareho pa silang mukhang gulat na gulat ng binata.
"So tama kami.. may LQ kayo kanina noh.. Ayiiii!!!" ani Shenan sa kanila ni Lex na may hawak na camera.
Maloko namang nagpatugtog ng kantang 'Alipin' si Rehal na sinasabayan pa nito at ng driver na si Kuya Polly.
Maya maya pa'y parang naubusan na ata ng energy ang mga kasama nila kya nagsipagtulog muna habang sila ni Lex ayun at magkaholding hands habang tulog ang mga kasama maliban sa driver.
Wala na naman syang magagawa eh.. Tatanggi pa ba sya? Halatado na pala sya ng lalake.
" Promise that I will try my best to stay loyal and respect you baby. Please trust me. " bukal sa pusong sabi ni Lex sa dalaga.
" I will Lex. Pero sana kasama kita sa pagtupad ng mga pangarap natin. Marami akong pangarap Lex lalo na sa pamilya ko. "sabi ni Roha sa binata.
" We will reach for that dream for our success baby. We will make our relationship our inspiration." anitong dinampian siya ng halik sa noo.
" If ever I forgot and I'll become intimate to you kuhrothin moh lahng akow." sabi nito na kinangiti niya.
"I love you baby.." bulong ni Lex habang magkadikit ang ulo nila.
"I love you too baby.." ani Rohaima na parang inilulutang sa saya habang gumaganti ng pisil sa kamay ni Lex.
Kinuha ni Roha ang notebook at isinulat ang petsa at oras. Nagulat siya nang bilugan naman yun ni Lex ng hugis puso gamit ang pulang ballpen nito.
ROHA LOVE LEX dagdag na sulat ng dalaga.
LEX LOVE ROHA sulat din ng binata.
I LOVE YOU LEX si Roha pagkatapos may pahabol na MUWAHHH!!! sabay bungisngis.
I LOVE YOU ROHA si Lex sabay habol-sulat ng TSUP! TSUP! pero humarap kay Roha na nakatulis ang nguso na hinarang ni Roha ng kamao. Natigilan si Lex pero natatawa na lang na tinaas ang dalawang magkabilang kamay. Tanda ng pagsuko.
NAGPUNAS KAAGAD ng kamay ang naglalabang si Rosa nang magsipag mano ang anak at mga kaibigan nito.
"Manong hindi ka man lang nagpasabing dadalaw pala ang mga kaibigan mo anak. Ni hindi man lang tayo nakapag ayos ng bahay at nakapag luto ng masarap na handa." anang nahihiyang nanay ni Roha.
"Mommy, okey lang po yun.. Inihatid lang po namin itong si Roha saka para makipagkilala na rin po sa inyo.." magiliw na sabi ni Sindy.
"Ay, kaganda mong bakla eneng! At ke bait pa!" ani Rosa na kinabungisngis ni Shenan at Rehal.
"Aray ko Mommy, talagang madiin yung 'bakla' huh! Pero ok lang bawing bawi naman kayo sa 'maganda' at 'mabait'" ani Sindy.
"Naku pagpasensyahan mo na ako't may katabilan lang talaga ang dila ko kung minsan.." anang natatawang nanay ni Rohaima.
"Upo! Upo!"utos nito sa mga kasama ng anak sabay pagpag sa mahabang bangko sa tabi ng kanilang lamesa.
"This are your's Nanay!" ani Lex sabay abot ng maraming supot ng pagkain.
"Aba'y kabait naman nitong batang ito! Artista ka ba iho? At english speaking pa ay!" ani Rosa na manghang-mahang napatitig kay Lex.
"Abay pwede bang ikaw na lang ang mapangasawa nitong anak ko? Siguradong kigaganda't kigwagwapo ng mga apo ko! Ay, bagay kayo ow!" sabay humalakhak ang nanay nya habang amazed na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Kinapula naman yun ng pisngi ni Rohaima.
"Pweyde po bhang umhakyat na lighaw nanay!" seryusong sabi naman ni Lex.
Mataman naman itong tinitigan ng nanay nya. Hindi naman umiwas ng tingin si Lex.
"Pwede! Pero gusto ko dito sa bahay at hindi sa kalye!" anang nanay nyang kahit nagulat at naroon ang tuwa.
"Nay nagbibiro lang po si Lex!" ani Rohaima na kinabahan.
"No! Im serious!"sabi ni Lex sa kanya at kaagad nagbalik ng tingin kay Nanay Rosa. "Yes Nanay I will court your daughter here at your home." seryusong deklara ni Lex.
"Dont worry Nanay, we will finish first our studies. Thats a promise Nay!" dagdag pa nito na ikinatango ng nanay nya.
"O., sya sige sentensyahan na natin tong dala nyo! Rohaima kunan mo ng plato ang mga kaibigan mo!" utos ng nanay ni Roha.
Maya-maya pa'y dumating na ang dalawang kapatid nyang nagsipagnood ng tv sa kapitbahay.
Para silang isang masayang pamilyang nagsikain. Napapangiti ang nanay nya sa tuwing nakikita siyang inaasikaso ni Lex sa pagkain. Hindi niya maiwasang mailang dahil baka may mapansing kakaiba sa kanila ang nanay nya.
Hindi naman nya masisi si Lex dahil baka talagang nasa culture talaga na kinagisnan nito ang sabihin ang gustong sabihin.

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    TerbLiw Ozutab

    nice

    13/10/2024

      0
  • avatar
    Jhohana Afdal

    maganda

    20/05/2024

      0
  • avatar
    Roel Gacutno

    nice story

    02/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata