CHAPTER 5

PALINGALINGA si Rohaima sa harapan ng gate pero kakaiba ang umagang yun sa kanyang pagpasok sa eskwelahan.
Wala kasi ang nobyong palagiang sumasalubong sa kanya.
Nasa kahabaan na siya ng pasilyo ng kanilang building. May iilang mga estudyante pang nakatayo sa labas.
Nakaramdam siya ng pag-aalala at pagtataka. Ngayon lang kasi pumalya ng salubong ang nobyo. Ngayon niya pinagsisihan ang hindi pagtanggap sa cellphone na binibigay sa kanya nito. Palibhasa'y nang minsan mamasyal sila sa mall ay may nakita itong couples cellphones bibilhin na sana iyon ng lalake pero ng makita nya ang presyo umayaw sya. Sabihin pang malaki ang discount nun dahil bagong labas ayaw parin nyang bilhin yun ng lalake para sa kanya.
Pang dalawang sakong bigas din yun ah!
Naalala nyang naisaloob nya. Tutal ok lang naman sa kanya na walang cellphone. Balibhasa'y hindi naman siya sinanay ng magulang sa anumang luho dahil ang laging bukang bibig ng tatay nya nung nabubuhay pa..
"Ibibili ko na lamang ng pagkain.. Busog pa ang pamilya ko!"
Kaya nga nung nakaraang araw iniabot sa kanya ni Lex ang pinaglumaang cellphone. Pero tinanggihan parin niya dahil sigurado siyang kapag tinanggap niya yun ito ang laging magloload nun. Gagastos pa rin ang lalake. Nagtampo pa nga ang lalake pero ng yumakap siya dito.
"Hindi naman kita binoyfriend para lang magkaroon ng mga materyal na bagay na wala ako.. Binoyfriend kita kasi mahal kita.."
Hindi na siya kinulit ng lalake tungkol sa issue na yun.
"Ay!" bigla niyang tili ng may humila sa kanya.
Isinandal siya sa pader sa ilalim ng hagdan.
Kaagad naman tinakpan ng may ari ng kamay na yun ang bibig niya.
Nanlaki ang mata niya sa takot. Pero nang mapagsino ito'y kinurot niya ng pino sa bewang.
"Aaahhw!" mahinang ungol ni Lex.
"Nakakainis ka! Tinakot mo ako!" aniyang salubong ang kilay.
"Sorry na baby.." ani Lex sa kanya.
Hindi na ito gaanong bulol dahil dahil matyaga nyang tinuruang magtagalog.
"Happy Monthsary baby!" anitong may inabot na regalo. Nakalagay iyon sa paper nang isang sikat na brand ng damit.
Nawalang parang bula ang inis nya dito.
"Ano to?" tanong nya.
"Gift!" sagot ni Lex.
"Di ba sabi ko wag mo na ko bibilhan lalo na kung mamahalin.." aniyang nagsisimula nanamang mainis.
"Oppsss! Wait! Bago ka tumalak baby buksan mo muna.." anitong putol sa sasabihin niya at kumindat pa sa kanya.
Maingat niyang binuksan ang balot na mukhang mamahalin.
Nakita nya ang makapal na note book na may picture nilang dalawa sa gitna na in heartshape at may mga ginupit na letter na mukhang galing sa magazines.
'ALWAYS MY BABY' ang nakalagay.
"Ang ganda!!!" bulalas ni Roha.
"I knew it! Magustuhan mo sya eh!" ani Lex na todo ngiti.
Nanood pa siya sa YouTube ng mga DIY projects mabuo lamang ang scrapbook nila.
"Pero para saan to..?" aniya sa nobyo.
"Eh.. Ayaw ninyo po kasi mg cellphone kaya naisip ko, mas enjoy naman natin yung sulatan sa notebook kaya ayan... Gumawa na lang ako ng scrapnotebook natin."
Ngumiti siya sa nobyo ng pagkatamis tamis.
Luminga linga si Rohaima. Nang masigurong walang tao. Hinalikan niya sa pisngi si Lex.
Nabigla ang lalake pero ngumiti ng may kapilyuhan sa kanya.
"Bakit sa pisngi lang.. Hindi sa lips?!" anitong inilalapit pa sa kanya ang mukha.
Pinamulahan tuloy siya ng pisngi.
Muli itong nakatikim ng kurot niya sa bewang.
"Baby, naman it's just a joke!!!" anitong hinimas ang bahaging nakurot.
"Aww.. Marami-rami na akong peklat diyan baby.. " bulalas ni Lex.
"Sorry... Ikaw kasi eh.. Lakas mo kasing mang asar.." aniyang nakatulis ang nguso.
Napatitig sa kanya si Lex.
"I love you baby..." anito.
Naglakbay din ang mata niya sa buong mukha nito.
"I love you too baby..." mahina nyang sabi.
Napatitig si Lex sa labi niya ng matagal pero ipinilig nito ang ulo at tinapik na lamang ng hintuturo nito ang dulo ng ilong niya.
"Hatid na kita sa room mo! Umiinit na dito eh.." anitong humugot ng malalim na buntong hininga.
"Im sorry Lex... Alam ko nahihirapan ka sa..." tukoy ni Roha sa kagustuhan nitong mahalikan siya.
"Shhhh... I respect you because I love you! I love you thats why I respect you! Period! So come on baka pareho tayo malate.." anitong hinila na sya pagkatapos isukbit ang bag nya sa balikat nito.
"Oh, thank you po Diyos ko ay ibinigay mo sakin si Lex.." dasal nya sa loob.
ANG TAHIMIK!
sulat ni Lex sa scrapnotebook nila.
Natawa sya ng mahina.
SIMPRE NASA LIBRARY TAYO!
sulat ni Rohaima w/ smiley.
BORING!
TAPOS ANG GF KO KANINA PA KO DI PINAPANSIN KAHIT PANAY NA PA CUTE KO..
ani Lex na ginaya pa ang mukha ng smiley na dinorowing.
Bigla tuloy nyang tinakpan ang bibig dahil muntik na kumawala ang malakas sa tawa.
ADIK!!!
sulat nya.
YES IM AN ADDICT!!! ADDICTED TO YOUR LOVE!!!
ani Lex.
SUS! HINDI KA ADDICT! BASKETBALL PLAYER KA.. MAGALING KA KASING MAG... BOLA!!!
ani Rohaima.
HINDI KAYA BOLA YUN! GALING YUN SA PUSO KUNG PATAY NA PATAY SAYO! si Lex.
O., SYA SIGE PATAY NA KUNG PATAY.. MAGSEARCH KA NA DYAN BAKA IKAW NAMAN ANG PATAY KAPAG HINDI NATIN NAGAWA ANG PROJECT MO! ani Rohaima na dinilatan pa ng mata si Lex.
SIGE PERO BAGO MUNA YUN FLYING KISS MUNA... YUNG MARAMING MARAMING MARAMING MARAMI...
anang lalake na pinadikit pa ang dalawang palad. Nagmamakaawa..
Lumingon muna si Rohaima sa paligid bago sunod sunod na nagfying kiss kay Lex.
Para namang loko-loko ang nobyong sinalo lahat ng flying kiss niya na parang humahabol ng bubbles sa ere. Sabay niyang nasapo ang tiyan at bibig. Sumasakit na kasi ang tiyan niya kakatawa. Pero kaagad nagkunwaring may hinahanap na libro ng makitang dumating na ang librarian.
Naitago ni Rohaima ang mukha sa binabasang libro upang hindi makita ng masungit na teacher ang pagbungisngis niya.
MUNTIK NA KO BABY..
ani Lex nang muling makaupo.
ADIK KA KASI! MAY NALALAMAN KA PA KASING PAGSALO NG GANUN.. HAHAHA...
aniya sa nobyo.
AT LEAST I MAKE YOU SMILE! AND IT MAKES ME FEEL HAPPIER LOOKING AT YOU MY BEAUTIFUL BABY... I LOVE YOU...
sulat nito na ikinakilig ng dalaga.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL DIN KITA FOREVER AND EVER! MUWAAHHH... ani Rohaima na naglagay pa muna ng pulang lipbalm at kiniss ang isang part ng papel.
Nang mabasa naman ito ni Lex nabigla siya ng kiniss din nito ang parte ng lips mark niya.
YES SA WAKAS NAHALIKAN NA KITA SA LIPS! AKIN NA MUNA TONG NOTEBOOK HUH IUWI KO. ITABI KO SA PAGTULOG! YAHOOO!!!!!! AKO NA ANG FIRST KISS MO HUH KAPAG SINAGOT MO YUNG SLAMNOTE NI SINDY 'WHO IS YOU 1ST KISS AKO ISULAT MO HUH..' anitong kuntodo pang ngimiti sa kanya.
BALIW! aniya dito
TALAGA! BALIW AKO SAYO!
anito na iseenyas pa ang daliring paikot sa ulo tpos itinuro sa kanya sabay pokpok sa dibdib nito ng malakas na kinaubo nito kya natawa sya.
"SILENCE STUDENTS!!! " narinig nilang sigaw ng librarian nila. Mabilis pa sa alas kwatrong bumalik sa pagkakaupo si Lex. Habang si Roha napatakip ng panyo habang tuloy ang bungisngis.
MATULING LUMIPAS ang mga araw. Nakatapos sila ng first year. Naging magkaklase sila sa Second year. Hanggang 3rd year. Naging masyadong busy na sila nang tumuntong ng 4th year pero parang wala pa ring nagbago sa kanilang dalawa. Lagi kasi nilang sinusunod ang pangaral ng inay nya kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintintihan ni Lex.
NAPATIGIL SA PAGBABASA SI ROHA ng huminto sa tapat niya si Lex na kaagad tumabi ng upo sa kinauupuan niyang bench sa tagong bahagi ng hardin ng kanilang eskwelahan.
" Nahilo na ko kakahanap sayo nandito ka lang pala." anitong nagpunas ng pawis sa noo.
" Bigla ka nawala sa tabi ko habang kausap ko mga kaklase nating babae. " ani Lex.
" Mukhang sayo lang naman sila interesado kaya umalis na lang ako." baliwalang sabi ni Roha na naglipat ng pahina ng binabasa.
" Ayooonnn.. Nagseselos nanaman ang baby loves ko ah.. " malambing na sabi ni Lex sabay pindot sa tungki ng ilong ni Roha.
Kunot-noong bumusangot si Roha at iniiwas ang ilong sa nobyo. Tahimik siyang umirap dito. Natatawang napakamot ng ulo si Lex.
Nagpakunot naman ang noo ang binata ng makita ang isang box ng donut sa tabi ng dalaga. May ribbon etong pula at korteng puso na card.
" Sino nanamang suitor nagbigay niyan sayo." kaagad nitong tanong sa nobya.
" Yung lalake sa kabilang section." ani Roha na tinitingnan ang reaksyon ng nobyo.
Napapangiti siya sa pagbusangot ng mukha nito. " Um, loko mo di ikaw naman magselos ngayon! " saloob-loob ng dalaga.
Kung marami kasing nagpapansin kay Lex, ganun din sa dalaga pero eto ang unang beses na nakita niyang mukhang nagselos eto.
" Yung bagong tranferee ba yun? Sinabi mo ba na may boyfriend ka na at hindi ka nagpapaligaw?" anitong parang bata na itsurang inaagawan ng paboritong laruan.
" Sinabi ko na, pero ok lang daw." aniya na lihim na napapangiti.
Totoong sinabi iyon ng lalake pero nakiusap siyang huwag na siyang ligawan at bigyan ng kung ano-ano dahil may respeto siya sa boyfriend niya. Maluwag namang tinanggap nito ang pakiusap niya pero nakiusap etong tanggapin na lamang nito ang binili nitong donut. At nangakong yun na ang una at huli.
Nagulat si Roha nang kinuha yun ni Lex at nagsimulang kainin yun.
" Hoy, bakit mo kinain?! " anang nabiglang dalaga.
" Mamaya dyan may gayuma to, magayuma ka pa! " anitong inubos ang kinain at muling kumuha ng isa.
Natatawang hinampas ni Roha sa balikat ang nobyo na punong-puno ang bibig sa kinakaing donut.
" Bweset! Baliw ka talaga! " maluha-luhang tawa ni Roha.
" Simpre pagdating talaga sayo baliw ako! " si Lex na hindi na halos makapagsalita.
Lagi silang ganun kapag nagkakatampuhan. Nauuwi sa Tawanan hanggang makalimutan na lang nilang dalawa kung paano at ano dahilan ng mga away nila. Ganun siguro kapag mahal ninyo ang isa't-isa there is always a reason para maging masaya at okey.
MALAPIT NA ANG kanilang graduation at excited silang pareho na naroon sa harap ng bulletin board ng kanilang campus.
" Baby nandito ang name mo oh! " anang hanggang tenga na ngiti ni Lex kay Roha.
" Sayo din insan! " ani Rehal na lalong nagpasaya sa dalawa.
Napayakap naman ni Sindy kay Sheena nang makitang maging sila ay nakasama sa top 10 .
Nagtatalon sa tuwa ang limang magkakaibigan.
" NAKAUSAP KO pala si Mommy. Balak niyang umuwi bago dumating ang araw ng graduation natin. Excited na siyang makilala ka.." balita sa kanya ni Lex habang nasa canteen sila at sabay kumakain ng ipinabaong dinuguan ng Nanay ni Roha.
" Seryuso ka ba? " kaagad na sabi ni Roha.
" Yes my baby. But don't worry makakasundo mo si Mommy, sigurado yun. " pampalakas loob na sabi ni Lex sa kasintahan.
" Paano yung Daddy mo? Pupunta din ba?" kagya't na tanong ng dalaga.
" Im not sure pero parang sabi ni Mommy, baka raw dumaan sa bahay si Dad." turan nito na lalo niyang kinabahala.
Kaya sobrang kaba ang naramdaman niya.

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    TerbLiw Ozutab

    nice

    13/10/2024

      0
  • avatar
    Jhohana Afdal

    maganda

    20/05/2024

      0
  • avatar
    Roel Gacutno

    nice story

    02/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata