logo text

Ang Magandang Bakasyonista (Chapter 1)

Linggo iyon, excited si Carl na magtungo sa simbahan para dumalo ng misa. Dali-dali niyang tinapos ang pagbibihis saka lumabas ng kaniyang silid. Nasalubong niya ang kaniyang ina ng palabas na siya ng bahay. Mukhang kagagaling lang nito sa labas at mukhang nagtapon ata ng basura. Ngumiti siya rito saka kinuha ang kanang kamay para magmano.
"Aalis na po ako, 'nay," pamamaalam niya rito.
"Mag-iingat ka. Dito ka ba mana-nanghalian?" tanong ng kaniyang ina. Umiling siya.
"Baka doon na po ako mananghalian, 'nay. May nakapagsabi na magkakaroon ng kaonting salo-salo dahil darating po ang pamangkin ni Padre Darwin," pagbibigay-alam niya sa ina.
Tumango-tango naman ang kaniyang ina. Lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kaniyang motor na naka-park sa harapan ng kanilang bahay. Nang makasakay, pinasibad na niya ang sasakyan. Habang daan ay hindi niya maiwasang isipin ang pamangkin ni Padre Darwin. Babae kasi iyon. Ganoon kasi sila kapag may bagong salta o dating ay i-pinaghahanda nila ito parang pang-welcome sa kanila.
Nang makarating sa simbahan ay madami ng taong pumapasok sa loob. I-pinark niya ang motor sa tabi saka bumaba. Nagtungo na siya sa loob. Sa pangalawang bangko siya naupo. Napatingin siya sa babaeng katabi niya. Napakakinis ng balat nito at kahit side view lamang ito ay maganda ito. Bigla itong bumaling sa kaniya at ngumiti. Kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin. Napangiti tuloy siya.
"Bago ka lamang rito?" hindi niya napigilang itanong. Tumango-tango ito.
"Oo, actually—" Nabitin ang sasabihin niya ng ilahad niya ang kamay rito.
"Carl pala," pagpapakilala niya sa sarili. Natawa ng mahina ang dalaga saka tinanggap ang pakikipagkamay niya.
"Angelie pala," pagpapakilala ng dalaga sa sarili.
Napatitig siya sa maamo nitong mukha. Kung mas maganda ito sa side view, mas lalo itong maganda kapag nakaharap. Ibang-iba ang ganda nito. Para itong anghel na bumaba sa lupa.
"Bagay sa'yo ang pangalan mo. Mukha kang anghel," mahina niyang sambit. Inilapit ng dalaga ang taenga nito sa kaniya.
"Ano kamo?" pang-uulit nito sa sinabi niya.
"Ah, ano--" Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at nagsimula na ang misa kaya doon na natuon ang atensiyon ni Angelie. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Hindi kasi napigilan ni Carl ang sarili kaya nasabi niya iyon. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa harapan. At hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa araw na ito ay nakakilala siya ng dalaga na sobrang bait. Sana, maka-close niya ito.
Katatapos ng misa ng mga sandaling iyon at hindi na nakita ni Carl ang dalaga. Bigla siyang nahiya na lapitan ito kanina ng may sumunod rito na nakasakay sa isang kotse. Bigla siyang nanliit sa sarili dahil hindi niya maisasakay ang babae sa ganoong sasakyan. Ang kaniyang ama ay isang ofw sa Dubai at sakto lamang ang kinikita nito para sa pangangailangan. Isa siyang guro sa isang pampublikong paaralan. Kahit papaano ay nakakapag-tabi naman na siya. Huminga siya ng malalim at iwinaksi ang mga bagay na iyon sa kaniyang isipan. Naniniwala siya na kapag mahal mo ang isang tao ay tatanggapin mo kung ano at sino siya.
"Carl, halika na! Nakahanda na ang tanghalian natin! Mamaya na iyan. Masyado mong dinidibdib ang paglilinis," anyaya at biro sa kaniya ni Ruby na isa sa mga choir ng simbahan. Natawa siya sa sinabi nito.
"Oh sige. Papunta na!" aniya na natatawa pa rin saka itinabi ang walis-tambo sa tabi at sabay silang nagtungo ni Ruby sa likod ng simbahan dahil doon nila gaganapin ang kaonting salo-salo. Siya kasi ang naglilinis ng simbahan kapag ganitong pagkatapos ng misa. Habang naglalakad ay nag-uusap sila ni Ruby.
"Kamusta naman ang trabaho bilang guro?" tanong sa kaniya ni Ruby. Ngumiti siya. Palabas na sila ng back door non.
"Ayos lang naman. Mahirap pero kapag mahal mo ang ginagawa mo, makakaya mo," tugon niya.
Nang makalabas na sila ng back door, nilakad na nila ang mesang nasa gitna. May maluwang kasing compound doon na na-lililiman ng malaking punong mangga. Hindi maiwasang mapakunot-noo ni Carl ng makita ang isang dalaga na pamilyar sa kaniya.
Biglang kumabog ang dibdib niya ng mapagsino kung sino iyon. Si Angelie! Hindi kaya ito ang pamangkin ni Padre Darwin? Napalingon ito sa gawi nila at kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha ng makita siya. Napalingon sa kanila si Padre Darwin.
"Oh hayan na pala sila!" bulalas ni Padre Darwin.
"Pasensiya na po, napatagal po ang paglilinis ko," hinging-paumanhin niya. Natawa ang ibang naroon at ganoon din si Angelie. Napatingin siya rito. Napaka-cute nito kapag tumatawa. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ni Angelie ng tumabi sa kaniya si Carl. Katatapos lang siya ipakilala ng kaniyang Tiyo Darwin sa mga naroon at malugod niyang tinanggap ang paki-kipag-kamay ng mga ito. Hindi na nila sinabi na magkakilala na sila ni Carl. Hindi niya alam pero kanina ng tingnan niya ay pakiramdam niya ay na-love at first sight siya sa binata. Kanina ng makita niya itong kasama ni Ruby —alam ni Angelie ang pangalan nito dahil narinig niya na itong tinawag na Ruby ni Tiyo Darwin para tawagin si Carl— hindi niya maiwasang makaramdam ng selos. Hindi naman pwede na magprisinta siya dahil hindi pa naman sila lubos na magkakilala ng binata.
"Hanggang ilang linggo kayo rito, Angelie?" tanong sa kaniya ng Tiyo Darwin niya. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang Tiyuhin.
"Baka dalawang linggo po, tiyo," sabi niya.
"Bakit dalawang linggo lamang siya rito, padre?" tanong ni Carl. Hindi niya maiwasang mapakagat-labi dahil katunayan lang niyon na interesado sa kaniya ang binata. Kinilig siya dahil roon.
"Babalik na kasi sila sa Maynila niyan dahil naroon ang trabaho ng ina ni Angelie at naroon din ang trabaho ni Angelie bilang Manager sa isang kompanya," sagot ni Padre Darwin.
Napatango-tango na lamang si Carl. Agad nilang tinapos ang tanghalian at nagprisinta ang ibang kababaihan na magligpit ng pinagkainan. Nagpaalam naman si Carl na itutuloy ang ginagawa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay sinundan niya si Carl sa loob ng simbahan. Nakita niya itong nagpupunas ng bangko. Mukhang naramdaman nito ang presensiya niya kaya lumingon ito sa kaniya.
"Ange--lie," nagkandautal nitong sabi. Bakit? Dahil ba sa may epekto siya sa binata? Ayaw niyang umasa kaya inisip na lamang niya na baka nagulat lamang ito. Nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi nito.
"Ang sipag mo naman," biro niya na ikinatawa nito.
"Kailangan eh," Nahimigan ni Angelie ang lungkot sa boses nito.
"Bakit parang malungkot ka?" usisa niya. Tumigil ito sa ginagawa at umupo sa tabi niya.
"Dahil hindi ka naman pala magtatagal rito. Syempre, mahirap din naman para sa'min na aalis ka rin lalo at napapamahal na kami sa'yo," sabi ni Carl at tumingin sa kaniya. Ayun na naman ang titig nito na nakakahalina. Ngumiti siya.
"May dalawang linggo pa naman ako rito kaya sulitin na natin ang dalawang linggong iyon di ba?" masigla niyang sabi pero sa totoo lang, sa loob-loob niya ay nasasaktan siya dahil aalis rin siya sa lugar na ito. Ngumiti si Carl.
"Mabuti pa nga kung ganoon. Gusto mo bang ipasyal kita sa'min? May malawak kaming bukirin at may buro roon na pwedeng tambayan," paanyaya ni Carl na ikinatuwa niya. Gusto niya iyon lalo at panay matataas na gusali lamang ang nakikita niya sa Maynila. Tumango-tango siya.
"Sige, gusto ko iyan!" masigla niyang sagot. Hanggang sa maisip niyang yayain ang binata sa kanilang bahay. Gusto niyang ipakilala ang binata sa kaniyang ina. Itinutuloy na ni Carl n-ang ginagawa ng mga sandaling iyon.
"Carl, pwede ba kitang yayain na maghapunan sa bahay mamaya? Gusto lang kita ipakilala kay Mom," sabi niya. Natigilan ito.
"Hindi kaya magalit ang mom m dahil kaibigan mo ako? I mean kakikilala lang natin 'di ba?" nag-aalangang tanong ng binata. Ngumiti siya. Kilala niya ang kaniyang ina. Hindi ito maarte at may tiwala sa kaniya dahil alam niya kung paano mamili ng lalaki at babaeng pakikisamahan.
"Hindi iyan! Mabait ang Mom ko. Tiyak na magkakasundo kayo," pagpapagaan niya ng loob ni Carl. Ngumiti ng matamis ang binata.
"Sige, asahan mo ako mamayang gabi. 6;30 naroon na ako," paniniguro nito. Bigla siyang na-excite.
Sisiguraduhin niya na magiging maganda siya ng gabing iyon. Aasikasuhin niya ito. Susulitin niya ang araw na natitira para makasama ang binata.

Book Comment (154)

  • avatar
    BanuelosReane

    Excited

    22/04

      0
  • avatar
    يوسف العلي

    للبيع

    02/03

      0
  • avatar
    Lionel Andres Niemes

    it's good 👍👍

    31/05/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters