"Ako na naman ang mali!" sigaw ni Aubrey sa kasintahang si Rain ng nasa bahay niya ito. Katatapos lang din ng taping ng dalaga kani-kanina lang at hinintay siya nito kahit na alam naman nitong hindi niya ito masusundo. Huminga si Rain ng malalim. Matigas kasi ang ulo nito. Gusto kasi nito ng gusto lagi ang nasusunod. Sinabi na nga niya na hindi niya ito masusundo pero hinintay pa rin siya!Mabuti na lang at hinihatid ito ni Riza, isa mga producer ng pelikula. "Aubrey, 'di ba sinabi ko naman sa'yo na hindi kita masusundo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka nagdala ng sarili mong sasakyan at hinintay mo na daanan ka ni Lou," pagpapaliwanag niya rito. Ayaw niyang magalit dito dahil baka iyon pa ang maging dahilan para mag-away sila. Ayaw niyang humantong sa hiwalayan ang lahat. Matagal na niyang kasintahan si Aubrey. Tatlong taon na sila at nagpaplano na rin siya na alukin ito ng kasal. Ganito naman ito eh. Tinotoyo pero mamaya ay ayos na. Tinitiis lang niya ang ugali nito. Pagod rin kasi siya sa trabaho. "Lagi mo na lang ako tinitiis. Lagi na lang iyang trabaho mo ang mahalaga sa'yo. Paano naman ako?" pagmamaktol nito. Huminga siya ng malalim dahil konting-konti na lang masasagad na ang pasensiya niya. "Alam mo naman kung gaano ka-importante sa'kin ang negosyo namin, Aubrey. At kapag ikinasal tayo, hindi na kita papayagang mag-artista. Mas gugustuhin ko na lang na maging plain housewife ka na lamang," tugon niya. Nagseselos kasi siya sa mga ka-loveteam nito. Ngayon kasi, magkasintahan sila kaya hinahayaan niya na gawin nito ang mga gustong gawin sa buhay. Tinitigan siya ni Aubrey. "Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang isakripisyo ang negosyo mo kahit sandali para sa'kin. Iyon pa kayang isasakripisyo ko ang career ko para sa'yo? Hindi mangyayari iyon, Rain," matigas na sabi ni Aubrey kay Rain. Nanigas sa kinatatayuan ang binata sa narinig. Hindi inaasahan na sasabihin iyon ng kasintahan. Hindi niya akalain na makikipaghiwalay ito sa kaniya na kanina lang ang iniisip niyang ayaw niyang mangyari. Umiling-iling siya. "Hindi mo pwedeng gawin ito sa'kin Aubrey. Hindi tayo pwede maghiwalay," nagmamakaawa niyang sabi. Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Kaya ko! Umalis ka na, Rain. Pagod na ako manatili sa ganitong relasyon," pinal na sabi ni Aubrey saka tumalikod sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. Kung iyon ang desisyon ni Aubrey ay susundin niya. Ayaw niyang ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kaniya. Tumalikod siya at lumabas ng bahay nito saka pumasok sa loob ng kotse at pinaharurot iyon patungo sa condo ng kaibigang si James. "Alam mo Rain mas maganda na mag-unwind ka muna. Hindi iyong puro trabaho na lang inaatupag mo. Ibig kong sabihin, kung gusto mo makalimot pumunta ka sa lugar na may dagat. Tiyak na mare-refresh ang utak mo at mabubura ang pagmamahal mo para kay Aubrey. Malay mo doon mo makakatagpo ang babaeng tanggap ka kung sino ka," mahabang paliwanag ni James habang nasa bar sila ng oras na iyon. Dito nila naisipang pumunta para mag-inuman. Napatango-tango siya. "Magandang ideya nga iyan. Bukas na bukas din ay pupunta na ako doon sa Krizz Resort," Buo na ang desisyon niya na maka-pagmoveon. Kung talagang mahal siya ni Aubrey ay magagalit at magtatampo lamang ito sa kaniya at hindi siya hihiwalayan. Pero nagkamali siya. Ang resort na tinutukoy niya ay may dalawang oras na biyahe patungo roon. Pag-aari iyon ng asawa ng kaibigan nilang si Gian. "Good decision, pare! Malay mo magkita kayo doon ni Gian 'di ba at libre ang hotel na tutuluyan mo," pagbibiro ni James na ikinatawa lamang ni Rain. May pagka-kuripot ang kaibigan nilang iyon kaya hindi nakapagtataka na mayaman ito. Pero, minsan galante naman ito. Tinungga niya ang alak na nasa wine glass niya. Excited siya na magbakasyon. Sa wakas! Alas syete ng gabi ng makarating si Rain sa Krizz Resort. May nag-assist sa kaniyang bellboy patungo sa kaniyang hotel room. Nang makapasok ay nagbihis siya. Kanina ng i-park niya ang sasakyan sa parking area ay may narinig siyang tugtog di-kalayuan. Sa isang bar roon. Na-curious siya kaya iyon ang pupuntahan niya. Nang makapagbihis ng simpleng polo shirt, six pocket navy blue short at rubber shoes at lumabas na siya ng silid at nagtungo sa bar na may narinig siyang tugtog. Marahil, may banda roon. Hilig pa man din niyang manood ng mga banda dahil nakakaaliw iyon. Nang makarating, naupo siya sa harap na mesa kung saan may pan-dalawahang upuan. Nagsisimula na rin ang isang awitin na kinakanta ng isang lalaki na pang rakista ang suot. May lumapit na waiter at kinuha ang order niya. Napatingin siya sa babae na nasa tabi ng vocalist. May hawak itong gitara at sa bawat galaw ng gitara ay talagang makikitang bihasa ito. Maganda ang babae at maputi. Napapalakpak siya ng matapos ang awitin. "Ang galing!" naibulalas niya habang nakatitig sa babae. Hanggang sa tumingin ito sa direksiyon niya at nagtama ang kanilang mga mata.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Excited
22/04
0للبيع
02/03
0it's good 👍👍
31/05/2025
0View All