logo text

Noon Hanggang Ngayon (Last Chapter)

Nagising si Layzel na masakit ang katawan. Nagmulat siya ng mga mata at nakitang titig na titig sa kaniya si Alexis. Nagbaba siya ng tingin, hindi niya kayang salubungin ang titig nito.
"Pasensiya ka na, huwag kang mag-alala hindi kita pananagutin sa nangyari sa'tin. Kasalanan ko rin naman dahil naging marupok ako," aniya. Alam niyang isang pagkakamali ang nangyari sa kanila. Ang mga sinabi nito kagabi ay dala lamang ng kalasingan.
"At sino ang nagsabi na hindi ko pananagutan ang nangyari sa'tin?" tanong ni Alexis na may bahid ng inis ang tono ng boses. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig nito.
"Huwag mo akong panagutan dahil lamang sa may nangyari sa'tin. Kung magbubunga man ang nangyari, ayos lang," aniya at ngumiti rito. Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito.
"Pananagutan kita, Liezel dahil sa mahal kita. Noon pa man ay may pagtingin na ako sa iyo wala lang akong lakas ng loob na umamin dahil wala pa akong maipagmamalaki sa iyo. Gusto ko kung magtatapat ako sa iyo, iyong may matibay na akong trabaho at may maipagmamalaki na," wika ng binata na naging dahil para maluha siya. Ramdam niya sa mga katagang sinambit ni Alexis ang sinseridad.
"Dont cry. Mahal kita noon at hanggang ngayon. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik na makita at makasama kang muli. Sobrang na-miss kita, Layzel," madamdaming pahayag ng binata.
Napakagat-labi siya para pigilin ang kilig na nararamdaman. Nang mga sandaling iyon ay gumaan ang pakiramdam niya dahil mahal din siya ni Alexis. Pinakatitigan niya ang binata ng buong pagmamahal.
"Mahal na mahal din kita, Alexis. Noon hanggang ngayon. Akala ko nawala na ang pagmamahal ko pero nagkamali ako. Nandito lang siya sa puso at kailanman ay hindi nawala. Ibinaon ko man sa limot pero nanatili pa ring nakatatak na malalim sa aking puso dahil ikaw lang ang laman nito," madamdamin niyang sabi at tinuro ang dibdib. Bumaba ang mukha ni Alexis at muli siyang hinalikan. Ng mga sandaling iyon ay panatag na ang loob niya. Ngayon lang niya naramdaman ang maging kontento. Si Alexis lang pala ang kulang sa kaniyang pagkatao.
Sabay bumaba sina Alexis at Layzel patungo sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihanda ni Helen na masarap na pananghalian. Magkahawak-kamay nilang tinungo ang dining area. Laking gulat niya ng madatnan ang kaniyang Tiyahing si Patricia at Tiyuhing si Carl. Agad niyang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Alexis pero hindi iyon binitawan ng binata. Nagbaba siya ng tingin. Tiyak na magagalit ang kaniyang tiyahin.
"Mukhang nagtagumpay tayo, mahal," ani Patricia kay Carl. Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan. Nagtaas siya ng tingin at tiningnan ang tiyahin.
"Ano pong ibig niyong sabihin, tita?" naguguluhan niyang tanong. Lumawak ang pagkakangiti ni Patricia. Tumayo ito at lumapit kay Layzel.
"Anak, matagal ng may gusto sa iyo si Alexis. Ngayon lang siya naglakas-loob na sabihin sa iyo ang nararamdaman niya. Kaya, nagplano na kami. Umalis muna kami pansamantala para mapag-isa kayo. Kagabi lang sinabi ni Alexis na nakuha niya na ang puso mo. Kaya bumalik na kami. Mukhang okay na kayo kaya wala na kaming problema," nakangiting wika ni Patricia kay Layzel. Napabaling siya kay Alexis na namumula ang mukha dahil sa hiyang nararamdaman pero nanatiling magkahawak ang kanilang kamay. Ngumiti siya sa kaniyang tiyahin.
"Opo, nagtapat na po siya sa'kin at handa ko na pong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Na sa nakalipas na apat na taon wala akong ibang minahal kung hindi siya lamang," aniya saka muling sinulyupan si Alexis na nahuli niyang nakatitig sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita, Layzel," anito habang titig na titig sa kaniyang mga mata.
Damang-dama niya ang pagmamahal sa kung paano siya nito tinitigan. Nagkatitigan sila na para bang ang mga mata nila ang nag-uusap ng mga sandaling iyon hanggang sa tumikhim si Carl. Namumula ang pisngi na bumaling siya sa tiyuhin.
"Kain na tayo. Lalamig na ang pagkain. Mamaya na kayo magtitigan," biro nito na ikinatawa nilang lahat.
Sa buong panahon ng pananghalian ay nakaantabay si Alexis sa kaniya. Pinagsilbihan siya nito na parang reyna. Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang mahihiling pa.
Nagising si Layzel ng umagang iyon na punong-puno ng pag-asa at kasiyahan ang kaniyang puso. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa kusina subalit wala siyang nakitang tao roon. Aalis na sana siya ng makitang may papel sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon saka binasa.
Go to my room, baby. Iyon ang nakasulat sa papel. Hindi niya maiwasang kiligin sa endearment na ginamit ng kasintahan. Nagmamadaling nagtungo siya sa kwarto ni Alexis. Pagbukas niya ng pintuan, may narinig siyang tumutunog. Hinanap niya kung saan galing iyon. Dumako ang paningin niya sa cellphone na nasa bedside table. Dinampot niya iyon at sinagot.
"Hello," tanong niya sa nasa kabilang linya. Unregistered number kasi iyon.
"Baby, nakikita mo ba ang kahon sa ibabaw ng kama?" swabeng tanong ni Alexis dahilan para itikom niya ang bibig para pigilin ang tiling nais kumawala sa kaniyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang balak ni Alexis.
"Okay," sagot niya saka tinungo ang kama at binuksan kahon. Napangiti siya ng makita ang napakaraming papel. Binuksan niya isang papel at binasa iyon.
"Ano itong mga ito?" tanong niya. Kinagat niya ang ibabang-labi ng mapagtanto na love letters ang mga iyon. Tumikhim si Alexis.
"Nariyan lahat ang mga gusto kong sabihin sa iyo na hindi ko masabi-sabi noong mga panahong nakatingin lamang ako sa iyo ng palihim," pagtatapat ni Alexis.
"So reminiscing the past tayo?" tudyo niyang tanong. Natawa si Alexis.
"Yes, because you are my past that I will never forget and now you are my future, Layzel," madamdaming pahayag ng kasintahan. Ramdam niya ang sinseridad sa mga sinabi ng kasintahan.
"Me too, Alexis Alcantara," aniya.
"Magtungo ka rito sa balcony baby," sabi ni Alexis.
"Okay," aniya.
Sa pagtayo niya ay pumailanlang ang malamyos na musika ni Jim Brickman na Destiny. Napatakip siya sa bibig dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Naglakad na siya palabas ng kwarto na nag-uugnay sa balkonahe. Nabigla si Layzel ng paglabas niya ng kwarto ay nakitang nakaluhod si Alexis habang matiim na nakatitg sa kaniya. Hindi niya kasi nakikita ang balkonahe mula sa kwarto ni Alexis dahil may kurtinang humaharang.
"Oh my god!" bulalas niya kasabay ng panlalaki ng mga mata at ang pag-atras dahil sa pagkabigla.
"Will you marry me, Layzel Saura?" tanong nito. Agad niyang nilapitan ang kasintahan at inilahad ang kaliwang kamay rito.
"Yes, Alexis Alcantara. I will marry you!" tugon niya. Isinuot na ni Alexis ang singsing sa kaniyang palasingsingan saka tumayo.
"Thank you," ani Alexis habang titig na titig sa kaniya. May luhang dumaosdos sa pisngi nito dahil sa labis na kagalakan.
"Kiss, kiss!" sigaw ng mga naroon. Napabaling si Layzel sa kaliwang bahagi ng balkonahe. Naroon si Tiya Patricia, Tiyo Carl at si Helen. May mesa rin roon at may mga pagkain na nakahanda.
"Naghanda ka talaga?" tudyong tanong niya sa fiance. Napakamot ito sa batok.
"Oo eh dahil isa ito sa napakahalagang okasyon ng aking buhay," anito sa nahihiyang boses. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Ipinalibot niya ang mga kamay sa batok ng binata. Bumaba ang tingin niya sa labi ng fiancee.
"Okay. They are requesting you to kiss me. Well, kiss me now," aniya habang may ngisi sa labi. Knabig siya ng fiancee palapit sa katawan nito at binigyan ng isang halik na punong-puno ng pagmamahal. Masigabong palakpakan ang kanilang narinig.

Sa buhay hindi mo kailangang madaliin ang mga bagay-bagay. Darating din ang ang mga hinahangad mo sa tamang oras at pagkakataon basta marunong kang maghintay.

Book Comment (154)

  • avatar
    BanuelosReane

    Excited

    22/04

      0
  • avatar
    يوسف العلي

    للبيع

    02/03

      0
  • avatar
    Lionel Andres Niemes

    it's good 👍👍

    31/05/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters