Sunny's POV "Auntie!! Aalis na po ako ah! Nasaan na po yung listahan nyo ng mga bibilhin ko po?" Sabi ko habang pababa ng hagdan at nag aayos ng laman ng aking bag. Dapat ko nang bilisan ang pag kilos ko para maaga ako matapos mamili at makauwi na agad, gusto ko pa kasing tulungan si auntie sa karinderya nya at sa tindahan na rin. "Ate Sunny, nasa kusina po si mama, may niluluto po ata." Rinig kong bungad saakin ni Juancho na nasa sala at mukhang nag lalaro nanaman ng kung anong mobile games. "Ah, sige sige salamat! Good morning na rin sayo Juancho!" Masaya ko namang sabi sa kanya. "Huwag papasobra sa pag lalaro ng mobile games ah!" Paalala ko pa sa kanya bago tumungo sa kusina. "Opo ate!" Rinig ko pang tugon nya. "Auntie! Mukhang masarap po ata yang niluluto nyo ah?" Usisa ko pa kay auntie na kasalukuyang nag luluto ng kung ano sa kusina. "Ay naku sinabi mo pa!" Sabi naman ni auntie. "Turon po yan noh?" Usisa ko pa. "Ay ang galing mo talaga Sunny! Oo turon toh! Oh as usual bigyan mo sina kuya guard ah! Pang meryenda lang man nila." Sabi ni auntie at nag simula nang mag balot ng mga naluto nya nang turon. "Sige po auntie, makakaasa po kayong makakarating po ito sa kanila." Buong ngiti ko pang sabi. "Oh sya sige, kunin mo muna yung listahan na ginawa ko, nandun yun sa lamesa nakaipit sa cellphone ko, nandun na rin yung pera pang grocery." Sabi pa ni auntie at tinuro ang lamesa sa hapag kainan gamit ang kanyang nguso. "Ah sige sige po auntie." Sabi ko naman at pumunta sa lamesang tinuturo nya at kinuha na ang listahan at perang sinasabi nya. Hmmm... medyo marami rami rin ang pinapabili ni auntie, I wonder kung makakaya kong bitbitin ang lahat ng ito. Kaya yan Sunny! Ikaw pa ba! Ikaw na nga si Super Sunny! Ikaw pa si Mighty Sunny! Kaya mo yan! Inilagay ko na sa bulsa ng aking bag ang listahan at pera, baka kasi mamaya makalimutan ko pa eh ito ang pinakaimportanteng bagay kapag namimili. "Oh Sunny, eto na ilagay mo na lang sa bag mo, kasaya naman ata ito." Sabi ni auntie at iniabot saakin ang isang plastic na nag lalaman ng mga nabalot nyang turon. "Sige po auntie ako na po ang bahala rito. Makakarating po ito sa kanila promise." Masaya kong sabi at kinuha ang inaabot ni auntie at inilagay ito sa loob ng bag ko. "Sige po auntie, mauna na po ako ah!" Paalam ko naman kay auntie at inilagay na rin sa aking bag ang listahang ginawa nya at nag simula nang mag lakad papalabas ng bahay. "Oh sige, mag ingat ka ah!" Sabi naman saakin ni auntie. "Sige po auntie bye! Juancho ah! Yung sinasabi ko sayo!" Masaya kong sabi bago lumabas ng bahay. "Opo ate Sunny!" Sabi naman ni Juancho kaya nginitian ko na lang sila. "Bye bye po auntie!" Sabi ko at kumaway kay auntie bago tuluyang lumabas ng gate. "Sige ingat ka!" Tugon naman saakin ni auntie at ngumiti rin pabalik. Masaya akong nag lalakad palabas ng aming tinitirhang subdivision. "Oh Sunny goodmorning! Saan ang punta natin?!" Bati saakin n gaming kapitbahay. "Mamimili lang po! Good morning din po pala!" Nakangiti kong sabi at patalon talon at masayang nag lalakad papalayo ngunit nakalingon pa rin ako sa kanya. "Ahh ganun ba, mag iingat ka hija, marami pa namang masasamang loob ngayon!" Paalala nito saakin. "Sige po aling Tes! Salamat po! Have a good day po!" Masaya kong paalam dito at kumaway. Matapos ng aming maiksing pag uusap ay masaya kong tinahak ang daan papalabas ng aming subdivision. Hindi naman ganun kalayuan ang bahay nina auntie sa labas ng subdivision kaya agad akong nakarating sa may hi-way na labas nga ng aming subdivision. Masaya akong nag hintay ng dadaan na jeep para makasakay at makapunta na sa aking pupuntahan. Mainit man ay hindi ko ito inalintana, hindi pa naman kasi ganun katanghaling tapat, kaya sigurado akong hindi pa masama ang araw sa balat. Tsaka isa pa, maganda ngang masinag sinagan ng kahit konting araw lang paminsan minsan eh. Maya maya pa ay may humintong jeep sa tapat ko kaya sumakay na ako rito. Pagkasakay ko sa jeep ay lumarga na ito kaya naman nag umpisa na akong kumuha ng pera mula sa aking wallet para maging pambayad ko. "Bayad po!" Masaya kong sabi at inabot ang bente pesos kong pera sa aking katabi na syang mag aabot sa driver dahil mas malapit sya driver. "Huwag na Sunny!" Sabi ni kuya driver at sumenyas saakin na 'wag na akong mag bayad. Isinoli naman saakin ng aking katabi ang perang ipambabayad ko sana. Taka kong tiningnan ang driver sa pamamagitad ng side mirror ng jeep, at bandang huli ko na napagtanto na kakilala pala namin ang jeepny driver na kasalukuyang nag mamaneho ng jeep na sinasakyan ko. "Ay kuya Tonton ikaw po pala 'yan!" Bati ko sa kanya. "Oo Sunny! Saan punta natin?" Tanong nya saakin. "Sa grocery store lang po dyan sa kanto." Sabi ko naman, "Ah ganun ba. Mamimili ka noh?" "Opo eh. Salamat nga po pala sa libreng sakay!" Pasasalamat ko pa kay kuya Tonton. "Wala yun!" Sabi naman niya. Hindi naman ganun kalayuan ang grocery store na pinamimilhan ko kapag inuutusan ako ni auntie, kaya agad akong nakarating dito. Hininto ni kuya Tonton ang jeep nya sa tapat ng grocery store na pupuntahan ko kahit hindi pa ako nag sasabi ng 'para po'. Napaka matandain pa rin talaga ni kuya Tonton, hindi sya basta basta nakakalimot. "Salamat po ulit kuya! Eto po pala!" Sabi ko at iniabot sa kanya ang turon na luto ni auntie. "Naku maraming salamat Sunny! Kay bait mo nga naman talaga!" Pasasalamat pa nya saakin. "Walang anuman po kuya Tonton! Sige po bye bye na po!" Paalam ko bago tuluyang bumaba sa jeep. Pagkababa ko sa jeep ay nag lakad na ako patungo sa entrance ng grocery store kung saan nakasalubong ko si kuya guard na frenny namin. "Sunny! Kamusta ka na? Inutusan ka nanaman ba ng auntie mo?" Masayang bati saakin ni kuya guard. "Opo kuya! Ay teka eto po pala, pinapabigay ni auntie, nag luto po kasi sya kanina ng turon eh. Eto po pang meryenda nyo mamaya, bigyan nyo na rin po ang iba. Sharing is caring kuya!" Masayang sambit ko at iniabot kay kuya guard ang isang plastic ng turon na ipinapabigay ni auntie. "Naku maraming salamat Sunny! Ibabahagi ko talaga 'to sa iba! Napaka bait nyo talaga!" Sabi naman ni kuya guard habang sinisilip ang laman ng plastic na ibinigay ko sa kanya. Hindi naman siguro magagalit si kuya guard kung binawasan ko yun ng isa kasi binigay ko kanina kay kuya Tonton hehe. Sharing is caring naman eh. "Tsk, you're blocking the way Ms. Pervert!" Rinig kong inis na sabi ng isang lalaking may pamilyar na boses mula sa aking likuran. "Ah sorry po!" Nakayuko kong sabi at dahan dahang lumingon sa aking likod upang makita ko kung sino ba yung lalaking naharangan ko ng daan. Hindi ko naman sinasadyang harangan yung daan eh! Namimigay lang naman ako huhu. Pero kahit na ganun mag sosorry pa rin ako kasi nakaabala ako. Pero teka! Tinawag nya ba akong Ms. Pervert?! "H-Handsome Stranger?!" Hindi ko makapaniwalang sabi matapos kong makita ang itsura ng lalaking nag sasabing hinarangan ko raw ang daan at tinawag akong Ms. Pervert. "Tsk!" Inis nitong sabi at dinaanan na lang ako at dirediretsong pumasok sa loob ng grocery store na parang wala lang nangyari. Well wala naman talagang nangyaring gulo, pero tinawag nanamn nya kasi akong Pervert! Hindi nga kasi ako Pervert! "Hoy! Hoy! Hoy! Wag ka dirediretso pumasok sa loob! Hindi pa kita na iinspection! Bumalik ka rito!" Sita sa kanya ni kuya guard pero parang wala lang syang naririnig dahil dirediretso lamang sya sa pag lalakad nya sa loob ng grocery store. "A-Ah kuya, hayaan nyo na lang po sya." Sabi ko naman kay kuya guard. "Ay naku Sunny, mukhang delikado yung lalaking yun. Wala na ngang modo kung ano-ano pa ang pinag sasabi sayo kanina." Sabi naman ni kuya guard. "K-Kuya, kilala ko po yung lalaking yun, mabait naman po yun, sadyang nag kaganun lang po talaga sya kasi problemado po sya kuya." Pag papalusot ko pa. Mukha naman kasi talagang mabait si handsome stranger, nag mumukha nga lang syang masungit dahil sa aura ng mukha nya, hindi kasi sya ngumingiti at walang buhay ang kanyang mga mata. "Ah ganun ba, eh bakit mo sya tinawag na stranger kanina?" Usisa pa ni kuya guard saakin. "Ahh, kuya tawag ko lang po sa kanya yun, kumbaga asaran naming dalawa." Muli ay pag papalusot ko pa. "Kaya naman pala, ano ba pangalan nung lalaking yun?" Tanong pa saakin ni kuya guard. Hala! Hindi ko rin alam ang pangalan nya! Dapat pala tinanong ko kay Luie kagabi eh! Hinahanap ko rin kasi kagabi kung isa ba sa natag dun sa post na nakita ko si handsome stranger. Eh kaso hindi sya nakatag eh, hindi ko alam kung hindi lang ba sya natag ni Luie o kung wala lang din ba talaga syang social media account. "Sunny?" Tawag pa saakin ni kuya guard. Hala ka Sunny! "Secret kuya!! Sasabihin ko sayo next time hehe. Sige po una na ako para makauwi ako agad!" Sabi ko pa kay kuya guard at pasimpleng humakbang papalayo. "Sige Sunny sa susunod na lang ulit!" Paalam pa ni kuya guard. Hay salamat naman at nakaligtas ako! Makapag grocery na nga lang para makauwi na ako! Masaya akong lumukso lukso at kumuha ng isang shopping cart, at matapos nun ay kinuha ko na ang listahan na ginawa ni auntie at nag simula nang mag ikot ikot upang mamili. Sa totoo lang ang dami dami talaga ng mga nasa listahan, puro mabibigat pa. Isang boteng mantika, dalawang fresh milk na nasa malalaking lalagyan, at marami pang iba. Oh diba mantika at gatas pa lang mabigat na. Hindi ko talaga alam kung kakayanin kong maiuwi ang lahat, pero syempre kailangan kong maging positibo sa buhay para magawan ko ng paraan ang mga bagay bagay. Mag tri-tricycle na lang siguro ako pauwi para maiuwi ko ang lahat ng ito! Tama! Yun na lang ang gagawin ko! Nakuha ko na ang iba sa listahan kaya pupunta naman ako sa mga fresh milk para makakuha at makabili nun. Mabilis lang talaga ako mamili kaya nga gustong gusto akong utusan ni auntie na mamili eh hehe. "Eh? Handsome stranger?" Taka kong sabi habang nakatingin sa lalaking namimili sa mga fresh milk na nasa stall. Dahan dahan naman itong napalingon saakin habang hawak hawak ang isang tetra pack ng fresh milk. "Tsk, are you my stalker?" Inis nitong sagot saakin. "Hoy! Ako stalker mo? Asa ka naman! Ako kaya nauna sa grocery store na ito!" Depensa ko pa, Pero... Hindi nga ba ako stalker? Eh parang kagabi lang hinahanap ko ang mga social media accounts nya. Chineck ko na ang mga friends ng mga nakatag dun sa picture na kasama sya. Hindi ba pang sta-stalk yun? Ah basta! Hindi ako stalker! Wala akong ginagawang masama! Gusto ko lang naman sya at mahanap para makita ko sya at matulungan sa problema nya! "Tsk!" Inis nitong sabi at nag lakad na papalayo. Hindi ko alam pero kusang nag lakad ang mga paa ko upang sundan sya, pero kumuha muna ako ng pinapabili ni auntie na fresh milk hehe. Hindi ko alam kung bakit ko ba sya sinusundan, siguro kasi feeling ko ito na ang last na pag kikita namin kung hindi ko sya susundan at tatanungin ang pangalan nya o kahit lang man number nya para mag kita ulit kami. "Tsk! Ano ba Ms. Pervert! Stop following me!" Inis nitong bulyaw saakin dahilan upang mapatigil ako sa pag sunod sa kanya. Ramdam ko ang kahihiyan sa buong katawan ko dahil nakikita at nararamdaman kong nasa amin na ang attensyon ng mga tao. Kalma Sunny! Wala ka namang ginagawang masama! Hindi ka naman pervert katulad ng sinasabi nya! "Hey hey hey, stop callingme like that! Hindi naman ako pervert! Wala naman akong ginagawang masama sayo! Tsaka isa pa sinong nag sabing sinusundan kita? I'm also going on this way!" Mahinahon ko namang sabi. Okay sige nag sisinungaling ako sa sinabi kong hindi ko sya sinusundan kasi sinusundan ko naman talaga sya. Pero kasi naman! Hindi kasi ako pervert! Baka kung anong isipin ng mga tao rito! "Tsk! I hate you Ms. Pervert." And with that, he left me dumbfounded. =END OF CHAPTER 5=
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
IsipJohn Vincent
mobile legends skin diase 5000
07/09/2024
0
Aaqil Azees
👹👹👹🥓🍖🍔🍑🍑🍑🤚🏾👁👄👁💍🐵🐵🐵🍑🍑🍑🙍🏼♀️🤳🏼💔👳🏼♀️🏥🌃💯💯💯🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳💀👔👖👞🚙🚑🚨🚨🚨⚰️😭😭😇😇🕵🏿♂️🐾🐾🐾🐾🦍 make it a story pls
mobile legends skin diase 5000
07/09/2024
0👹👹👹🥓🍖🍔🍑🍑🍑🤚🏾👁👄👁💍🐵🐵🐵🍑🍑🍑🙍🏼♀️🤳🏼💔👳🏼♀️🏥🌃💯💯💯🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳💀👔👖👞🚙🚑🚨🚨🚨⚰️😭😭😇😇🕵🏿♂️🐾🐾🐾🐾🦍 make it a story pls
01/06/2022
0😭💗
27/03/2022
0Tingnan Lahat