logo text

Chapter 8: You Again

Sunny's POV
"Ate Sunny matagal ka pa po ba dyan? Hindi ka pa po ba tapos mag bihis?" Rinig kong sigaw ni Juancho habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Patapos na ako mag ayos! Teka lang!" Sabi ko pa habang nag pupunas ng tuwalya sa aking mukha.
Nakapag hilamos naman na ako, wala naman na sigurong makakahalata pa na umiyak ako kanina.
Kinuha ko na ang aking bag at sinukbit na ito sa aking balikat at binuksan na ang aking pinto.
"Ang tagal mo naman ate Sunny, ano bang ginawa mo? Nag paganda ka ba? Huy sino pinopormahan mo ate Sunny?" Pilyong sabi saakin ni Juancho at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Hoy ikaw Juancho ah! Kung ano-ano nanaman ang pinag sasabi at iniisip mo ryan ah! Ikaw bata ka ah kung ano-ano talaga ang nalalaman mong kalokohan!" Depensa ko pa.
Hay naku talaga si Juacho, napaka maissue, konting ano ko lang react agad ng kung ano-ano.
"Ate Sunny naman eh! Ayos lang naman kung may pinopormahan ka, wala namang masama dun ate! Gusto ko na nga na mag ka-boyfriend ka eh hehe." Sabi nya na tila ay kinikilig kilig pa.
"Naku naku Juancho tigil tigilan mo ako sa mga ganyan ganyan mo ah! Gusto mo lang naman ako mag ka-boyfriend dahil gusto mong may makalaro ka nanaman sa mga video games mo na yan!"
"Eh ate Sunny naman eh! Hindi naman sa ganun! Gusto kitang mag ka-boyfriend dahil gusto kong nakikita kang na eenjoy enjoy lang man, hindi yung workaholic ka tulad ngayon. Tsaka tama ka, aaminin ko, para na rin may makalaro ako sa video games hehe."
Workahlic? Ako? Eh sa kailangan ko lang naman talaga kumita ng pera para matulungan ang mga magulang ko at para na rin mabili ang mga pangagailangan ko.
"Eh kailangan ko kasi mag trabaho Juancho! Para naman matulungan ko sina mama at papa." Sabi ko naman.
"Para matulungan sila? Eh ikaw ba ate Sunny? Tinutulungan ka ba nila? May scholarship namna sina ate at kuya mo, tapos parehas pang nag tratrabaho ang mga magulang mo sa abroad. Tingin mo ate Sunny kailangan mo pang kumayod kalabaw para lang masustentuhan lang ang sarili mo kung talaga mang sinusustentuhan ka nila ng maayos." Seryosong sabi saakin ni Juancho na tila ba pinapangaralan ako.
Tama sya... Halos wala namang ibang gastusin sa pag aaral nina ate at kuya dahil may scholarship sila sa ibang bansa, kailangan lang nila ng mga pang araw araw na pangangailangan at pera para sa mga projects nila o ano, pero sa pag kakaalam ko ay may natatanggap din silang allowance bukod sa scholarship nila.
May point si Juancho... Pero hindi rin naman kasi ganun kadali ang buhay sa ibang bansa, alam kong napapagod din sina mama at papa sa pag kayod sa ibang bansa para lang mapaaral kaming limang mag kakapatid.
Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang kadalasang kinakapos sa ibinibigay nila saaking sustento.
Kada buwan kasi limang libo lang ang natatanggap kong pera, at kailangan kong pagkasyahin yun sa loob ng isang buwan, at minsan nga ay ako pa ang nag papadala ng pera kayna mama at papa para may maipantulong man lang ako sa kanila.
Kadalasang nauubos ang pera ko sa mga projects sa school at sa iba ko pang pangangailangan.
Ayoko namang umasa kayna auntie, na maski mga damit at iba pang gamit ko ay sila pa ang bibili saakin. Pinapatira na nga nila ako rito na libre ang lahat, pagkain, tubig, kuryente, wifi, pinapatira pa nila ako rito.
Sa totoo lang ang naguguluhan na nga rin ako minsan sa buhay ko, pero lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na ayos lang ito, malalagpasan din namin ito, giginhawa rin ang buhay namin, mag kakaroon din kami ng sarili naming bahay at mag sasama sama na ulit kami rito sa Pilipinas.
"Ate Sunny?" Tawag saakin ni Juancho dahilan upang mabalik ako sa reyalidad.
"Oh? Tara na nga! Baka kung saan pa mapunta ang usapang ito!" Sabi ko pa at inaya na syang pumunta sa karinderya.
"Iniiwasan mo lang ata ang mga usaping ganun ate Sunny eh!" Reklamo pa ni Juancho habang bumababa kami ng hagdan
Kailangan ko talagang iwasang pag usapan ang mga bagay na magulo pa rin para saakin.
"Hindi kaya! Kung ano-ano lang kasi ang tinatanong mo saakin!" Pag sisinungaling ko pa.
"Sus ate! Simpleng mga tanong lang kaya yun!" Sabi nya pa nang makababa kami sa hagdan.
"Personal questions yun Juancho." Pag tatama ko pa sa kanya habang kinukuha ang susi ng bahay na nakasabit sa may baba ng hagdan.
"Eh? Bawal ka man lang ba mag open up saakin ate Sunny? Pinsan mo naman ako, at ang turing ko nga sayo ay kapatid ko na rin eh!" Sabi naman nya dahilan upang mapatigil ako.
"Juancho, masyadong magulo ang ikot ng mundo, ayoko namang mag buhos ng kung ano-ano sayo dahil baka maguluhan ka lang sa mga bagay na sasabihin ko sayo. Pero salamat pa rin kasi nalaman ko ngayon na may isang tao pala akong pwedeng malapitan." Malumanay ko pang sabi at ginulo ang kaniyang buhok.
"Oo naman ate! Ako na muna ngayon si kuya Ce--- Ops joke lang ate." Biro pa ni Juancho at nag peace sign pa saakin.
"Ikaw talaga! Simula kanina pag uwi ko sya na ang bukambibig mo!" Reklamo ko pa.
"Syempre ate, araw araw ko syang ipapaalala sayo para hindi mo sya makalimutan." Sabi pa ni Juancho na tila ba proud na proud sa kanyang ginagawa.
"Wag mo na syang ipaalala saakin Juancho!" Walang gana kong sagot habang nag lalakad kami papalabas ng bahay.
"Bakit naman ate? Ayaw mo na ba sya maalala pa?" Seryosong tanong naman saakin ni Juancho.
"Hay Juancho, gusto ko naman syang maalala, kaso nga lang tuwing naaalala ko sya, nasasaktan ako." Nanghihina kong sagot habang nilolock ang pinto ng bahay.
"Then feel the pain ate. Malay mo kapag dinama mo ng dinama ang sakit na nararamdaman mo tuwing naaalala mo sya mawala na lang bigla diba?"
"Sinubukan ko naman. Pero wala eh, ganun pa rin talaga, mag dadalawang taon na ang nakalipas pero parang pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat." Sabi ko naman habang nilolock ang gate.
Nakaabot na kami sa labas ng bahay ganito pa rin usapan, hay naku na lang talaga sayo Juancho.
"Tsaka kung ipapaaalala mo sya saakin araw araw, edi hindi rin ako makakamove on." Katuwiran ko pa at humarap sa kanya.
"Oo nga noh ate Sunny. Basta! Hindi ko rin sya makalimutan ate! Para kasi saakin sya ang the best! Sayang nga hindi sya magiging parte ng pamilya natin, sayang hindi kayo pwedeng mag katuluyang dalawa." Malungkot pang sabi ni Juancho.
"Oo nga eh... Sayang talaga. Sobrang sayang. Kung kapiling ko pa sana sya, edi sana masaya pa kami ngayon, masaya pa sana kaming nag mamahalan at dumidiskarte sa buhay ng sabay." Malungkot ko ring sabi at tumingin sa kawalan.
Kung sana nandito ka pa kasama sana kita ngayon at magkahawak tayo ng kamay na mag lalakad ng mag kasama.
"Hindi nyo naman kailangan dumiskarte sa buhay para mag hanap buhay ate! Mayaman naman kasi yun!" Biro pa ni Juancho kaya nanlaki ang aking mga mata.
"Hoy Juancho! Masipag akong tao! Gusto kong kumita ng pera sa legal at malinis na paraan. Tsaka hindi kaya ako gold digger!" Depensa ko pa.
"Hindi rin naman habang buhay ang kayamanan Juancho, kaya kailangan mo pa ring magsumikap sa buhay kahit na mayaman ka na." Pangaral ko pa sa kanya.
"Oo na oo na ate Sunny." Sabi nya pa at itinaas ang dalawa nyang kamay na tila ba sumusuko na.
"Alam mo Juancho tara na nga! Baka hinihintay na nila tayo!" Aya ko sa kanya at tumango naman sya bilang pagsangayon.
Hindi naman ganun kalayo ang karinderya nina auntie at walking distance lang talaga sya mula sa bahay.
May isang lugar kasi sa subdivision na ito kung saan nandun ang parang tiange tiange, tapos may mga kainan din at isa na dun ang karindirya nina auntie. Basta may isang lugar talaga rito sa subdivision namin na pinupunta puntahan talaga ng mga tao, kahit nga hindi talaga rito pumupunta eh, lalo na kapag may night market.
Hindi naman kasi ganun ka strikto ang subdivision na ito, hindi rin ito tulad ng ibang mga yayamanin na subdivision dahil simple lamang ito. Pero kahit na simple lang ito ay masaya naman tumira sa lugar na ito. Marami ka kasi talagang magiging kaibigan dito, friendly kasi ang mga nakatira.
"Oh Sunny! Nandyan na pala kayo!" Bati saamin ni auntie nang makarating kami sa karinderya.
"Hello po auntie!" Bati ko naman kay auntie kasabay ng pag mano ko sa kanya.
"Ay Juancho! Tulungan mo na ang kapatid mo sa tindahan!" Utos ni auntie kay Juancho.
"Sige po ma." Sagot naman ni Juancho at nag tungo sa tindahan na katabi lamang ng karinderya.
"Auntie tulungan ko na po kayo." Sabi ko kay auntie at pumasok na sa isang maliit na kwarto ng karinderya.
Nilapag ko na ang aking bag sa lamesa at kinuha ang isang apron na nakasabit at isinuot ito.
Matapos nun at ipinusod ko na ang aking buhok at nilagyan ito ng hairnet.
Akma na sana akong lalabas ng kwarto ngunit narinig kong tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito at binuksan.
Luie (09*********)
Sunny, may problema eh, pag kikitain ko sana kayo nung lalaking gusto mong makita at makausap sa personal, kaso nga lang hindi ko alam kung saan sya pumunta eh.
Ah si Luie lang pala.
Sunny (09*********)
Wala yun Luie, ayos lang, may next time pa naman, tsaka tutulungan ko pa kasi si auntie sa karinderya ngayon.
Hay Luie kung alam mo lang, nag kita na kami nyan kanina at tinulungan ko rin sya, kaso mukhang nainis ata sya sa pag tulong na ginawa ko.
Sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng tao na hindi masaya kapag tinutulungan sila, hindi ko alam kung hindi ba talaga sya natuwa sa ginawa kong pag tulong sa kanya kanina o ungrateful lang talaga ang lalaking yun.
Ay no no Sunny, wag tayong mang judge basta basta okay? Malay mo may bad day lang talaga yung tao na yun.
Pero hmm... Kung mag kikita man ulit kami ni handsome stranger, itatanong ko na talaga ang pangalan nya, gustong gusto ko na talaga malaman ang pangalan nya, wala lang gusto ko lang bakit ba?
Luie (09*********)
Ah ganun ba, sige pupunta ako dyan, parang nag cra-crave kasi ako sa mga pagkain dyan.
Sunny (09*********)
Sige ba! Ingat! Sige tulungan ko na muna si auntie.
"Sunny!! Tapos ka na ba mag ayos dyan?!" Rinig kong sigaw ni auntie.
"Ah opo auntie tapos na po!" Sabi ko naman at dali daling isinoli ang aking cellphone sa aking bag at lumabas na sa kwarto.
Wow! Dumami na ang mga tao ngayon sa karinderya, kaya naman pala tinatawag na ako ni auntie, need nya na kasi talaga ng back up.
"Auntie ako na pong bahala sa mga oorder." Sabi ko naman kay auntie at pumunta na sa may kahera upang kumuha ng mga order ng mga costumer namin at upang maging kahera na rin.
"Sige sige Sunny, ibigay mo na lang saakin ang listahan ng mga order nila. Ang dami talagang tao ngayon, may kung ano kasi doon sa kabilang street kaya ayun dito nag si-puntahan ang mga tao na galing dun." Sabi ni auntie at pumasok na sa kusina samantalang ako naman ay napatango na lamang sa sinabi nya.
Grabe, ang dami talagang tao, sobrang busy ngayon, ang dami pala talagang pumunta sa kung ano mang meron dun sa kabilang street.
Sa bawat order na kinukuha ko ay binibilisan ko ang aking pag susulat pati na rin ang pag co-compute at ang pag lalagay ko ng listahan sa may butas sa likod ko, nasa likod ko lang kasi ang kusina at nandun ngayon si auntie, at sa may butas ko lang inaabot ang mga listahan ng order nila.
Matagal din ang inabot bago ko natapos na kunin ang order ng mga taong umoorder, ang haba haba kasi talaga ng pila kanina.
Kahit na sabihin man ng iba na karinderya lang ito, well excuse me, pinipilahan kaya kami, masarap kasi ang mga luto ni auntie, oo si auntie ang nag luluto ng lahat ng putahe rito.
Naupo na ako sa isang upuan habang nag hihintay ng mga dadating at oorder, nakakapagod din kaya kumuha ng order noh, lalo na yung pag susulat ng napaka bilis at pag pipindot sa calculator ng mabilis, masakit kaya sa mga daliri.
Maya maya pa habang nag hihintay ako ng mga dadating na costumers ay may naaninag akong isang pamilyar na mukha... SI HANDSOME STRANGER!!
Tumingin tingin pa ako sa aking paligid at pilit na hinahanap si Luie, baka kasi sya ang nag dala kay handsome stranger, pero teka, sabi naman nya saakin kanina hindi nya makita kung nasaan si handsome stranger.
So, kung hindi sya ang nag dala kay handsome stranger dito eh sino naman? Eh sa itsura naman ni handsome stranger mukha syang hindi kakain sa karinderya kasi nga mukha syang rich kid.
Sinundan ko na lamang ng tingin si handsome stranger at tiningnan ko kung saan sya pupunta, pero sa totoo lang talaga hinihintay ko syang lumapit dito para mag order, tatanungin ko na kasi ang pangalan nya kapag lumapit sya saakin hehe.
Maya maya pa ay nakita ko syang umupo kasama ang grupo ng mga lalaking umorder saakin kanina, sa pag kakaalam ko, sila yung mga lalaking umorder ng napakarami kanina.
"Uy nandito ka na pala! Umorder na kami para sayo! Kumain ka na oh! Alam naming paborito mo ito!" Masayang sabi ng isang lalaking kasama sa grupo at iniabot kay handsome stranger ang isang plato ng beefsteak na may isang tasang kanin.
Favorite pala ni handsome stranger ang beefsteak? Now I know.
Pinanood ko syang sumubo at saktong pag subo nya ng pagkain nya ay lumingon sya sa direksyon ko, at dahil sa ginawa nyang iyon ay nag tagpo ang aming mga mata.
"You again?!" Pasigaw nyang sabi kahit na may laman ang kanyang bibig.
Ano ba naman itong si handsome stranger! Parang gulat na gulat pa syang makita ako eh ilang beses naman na kami nag kikitang dalawa, tsaka nakakahiya yung pag sigaw nya bigla kasi napunta saaming dalawa ang attensyon ng mga tao, kahit nga mga kasama nya ay nakatingin na rin saaming dalawa.
"Yes, this is me, tsaka don't talk when your mouth is full." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"Tsk!" Inis nyang sabi at agad na nilunok ang kanyang kinakain, kumuha rin sya ng isang basong tubig at dirediretso itong nilunok.
"Dahan dahan lang baka sinukin ka nyan." Paalala ko sa kanya.
"I don't want to eat at this filthy place! Hindi rin naman masarap ang pagkain dito! Nakakasuka!" Inis nyang sigaw na ikinagulat ng lahat, maski nga ako ay nagulat.
Matapos nyang sabihin yun ay nag walk out sya na parang inis na inis sa buhay nya. Pinigilan man sya ng kanyang mga kasamahan ay hindi pa rin sya nag paawat.
"F-Filthy place?! Hi-Hindi masarap ang pagkain?!" Hindi makapaniwalang sabi ni auntie na nasa gilid ko lang pala.
Patay! Ayaw na ayaw pa naman ni auntie na nasasabihan syang hindi masarap mag luto, eh sa masarap naman talaga sya mag luto eh.
"Anong nangyari rito Sunny?! Tsaka nag kita na kayo nung lalaking gusto mong makita at makausap?!" Nag aalala at hinihingal na sabi ni Luie habang papalapit saamin.
"Oo Luie, ilang beses na kaming nag kita." Wala sa sarili kong sabi.
"Hala tita ano pong nangyari?! Bakit po kayo nag kakaganyan?!" Nag aalalang sabi ni Luie habang nag aalalang nakatingin kay auntie na halos atakihin na sa puso dahil sa narinig nya.
Sumusobra na talaga sya!
Inis akong nag lakad paalis sa aking pwesto nang bigla akong pigilan ni Luie.
"Saan ka pupunta Sunny?" Tanong nya saakin.
"Kailangan ko na syang kausapin Luie." Seryoso kong sabi habang seryosong tinitingnan ang mga mata ni Luie.
Oras na talaga para mag usap tayo, Mr. Grumpy!
=END OF CHAPTER 8=

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    IsipJohn Vincent

    mobile legends skin diase 5000

    07/09/2024

      0
  • avatar
    Aaqil Azees

    👹👹👹🥓🍖🍔🍑🍑🍑🤚🏾👁👄👁💍🐵🐵🐵🍑🍑🍑🙍🏼‍♀️🤳🏼💔👳🏼‍♀️🏥🌃💯💯💯🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳🇮🇳💀👔👖👞🚙🚑🚨🚨🚨⚰️😭😭😇😇🕵🏿‍♂️🐾🐾🐾🐾🦍 make it a story pls

    01/06/2022

      0
  • avatar
    MyouiCaithleen

    😭💗

    27/03/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata