Homepage/Different Worlds 2/
Chapter 24
Chapter 24
Third Person's POV.
Habol-habol ang hininga ay pinasok pa rin ni Dave ang abandunadong building... Habang tumatakbo ay napapalanghap ang binata ng malalim na hininga at mabilis na nilibot ang buong building ng makarinig ng isang pag-iyak.
Agad na hinanap ng binata ang silid kung saan nanggagaling ang iyak na 'yon, at ng mahanap 'yon ay nakita niya ang naka-upong babae na nakatalikod sa kaniya na pawang umiiyak. Ang pustura nito ay sobrang pamilyar sa kaniya, dahilan para biglaan niyang maalala ang pag-iyak ni Jannelle sa silid ng kaniyang mga magulang dahil sa pagka-miss ng dalaga sa mga pamilya nito noong mga panahong bago niya pa lamang nakilala ang dalaga.
"J-Janel-lle..." Na-uutal na usal ng binata.
"Dave..." Tila malambing na turan ng dalaga dahilan para mapalapit si Dave rito at mapahawak sa balikat nito.
Unti-unting humarap ang babae at nakita ng binata ang mukha ng ka-isa-isang babae matagal na niyang gustong makita at marinig ang pagbigkas nito sa kaniyang pangalan. Napa-upo ang binata at agad na napayakap sa dalaga ngunit sa pagyakap niya rito ay naka-amoy siya ng tila isang dugo ng soro. Agad siyang kumawala sa pagkakayap at itinutok sa leeg ng dalaga ang kaniyang dala-dalang espada.
"Mahal na mahal kita D-Dave..." Malambing na usal ng dalaga habang tumutulo ang mga luha sa mga mata nito.
Dahil sa sinabi ng babae sa kaniya ay tila nakaramdam siya ng panlalambot sa kaniyang puso at hiniling na siya ngang talaga ang babaeng minahal at hinintay ng binata sa matagal na panahon ngunit hindi... Hindi ito si Jannelle... Hindi ito ang totoong Jannelle kung hindi ito ay soro na nagpapanggap lamang bilang si Jannelle.
Agad na itinusok ni Dave ang espadang hawak sa leeg nito at biglang maramdaman ang isang patalim na nakabaon sa kaniyang tagiliran... Hindi niya inasahan ang mabilis ring pagkilos ng sorong kinuhang maging si Jannelle. Mabuti na lamang at hindi iyon masiyadong masakit para sa kaniya at ipinagpatuloy pa rin ang paghahanap kay Jane.
Habang si Jane naman ay nasa isang kuwarto, naka-upo at parehong nakatali ang kamay sa isang bakal, pati ang mga paa ay nakatali rin habang nakatabon naman ng panyo ang kaniyang bunganga dahilan para mahirapan siyang makatakas.
Nagpupumiglas si Jane at pinipilit na makawala sa pagkakatali, at habang ginagawa 'yon ay may naririnig siyang sigawan na para bang may labanang nagaganap.
Dahil sa mahigpit na pagkakatali alam niyang hindi na niya iyon matatanggal pa kaya ang pagtanggal sa nakataling panyo sa kaniyang bibig puwersahan niyang tinanggal ang panyong nasa kaniyang bibig, sapamamagitan ng pagtulak niya nito gamit ang kaniyang dila. Pasasalamat na lamang niya ng hindi iyon masiyadong nakatali ngunit ilang oras rin ang lumipas bago niya matagumpay na natanggal ang panyong iyon at nakaramdam muli ng pag-asa.
"Tulo—," hindi niya naituloy ang sasabihin ng may biglang tumakip na kamay sa kaniyang bibig.
"Huwag kang gagawa ng ingay," bulong ng isang pamilyar na boses sa dalaga.
Sa pagkakataong 'yon nakaramdam siya ng kaligtasan, ng biglang sumakit ang kaniyang ulo at makaramdam ng pagkahilo...
Sa pagkawala ng malay ng dalaga may mga bagay siyang nakikita at naririnig na para bang parte iyon ng kaniyang memorya.
"Bakit ang daya?"
"Ang alin?"
"Ang dami kong kahinaan,"
Pagkatapos ng katagang 'yon, naramdaman na lamang ng dalaga na nakahiga siya sa tabi ng puno habang nakikita ang likuran ng isang lalaki na para bang pinagpapapaslang ang kung sino mang lumapit at tangkaing saktan siya.
Ang paligid na nakikita niya sa bawat sulok nito ay halos nababahiran ng dugo ng biglang lumingon ang lalaking pumoprotekta sa kaniya. Nakita niya si Dave na halos duguan ang kamay na halos mabahiran na rin ang kaniyanv mukha, dahil sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na pinapaslang nito.
"Are you sure that you'll stay with me?"
"Sinabi ko na 'di ba? Kung tadhana ang didikta... Kung darating ang isang araw na malalayo ako sa 'yo... Pangakong parating ikaw ang laman ng puso ko..."
Unti-unting pag-aalala ni Jane sa nakaraan, ngunit hindi siya sigurado kung ano ang mararamdaman. Sa tingin ng dalaga, bumalik na ang kaniyang alaala sa nakaraan ngunit hindi siya sigurado kung gano'n pa rin ang pagmamahal na maibibigay niya sa lalaking minahal niya ng totoo sa nakaraan, dahil sa iba na siya ngayon...
"Sinabi ko sa babaeng mahal ko na p-protektahan ko siya..." Usal nito at napabuga ng malalim na hininga habang p-pinoprotehan pa rin ang dalaga.
"Bakit ko nga ba sinasabi 'to sa 'yo?" Dugtong nito na parang sinasabi na hindi naman ito ang babaeng minahal niya.
Ramdam rito ang panghihina at ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ng binata hanggang sa mapaluhod ito dahil sa pagod at walang tigil na paglusob ng mga soro.
Habang nakayuko at nakaluhod ay paparating si Braille kay Dave dala-dala rin ang espada nito.
"Please tumayo ka... May papalapit na sayo, please!" Sigaw ng dalaga na para bang pinipiga ang kaniyang pusong nakikitang nahihirapan ang lalaking alam niyang minahal niya noon.
Walang narinig na sagot ang dalaga dahilan para patakbo siyang pumunta sa harapan nito sabay titig sa mga mata nito at kuha sa espadang hawak-hawak ng binata. Nang matagumpay nitong nakuha ang espada ay agad siyang tumayo at inihanda ang sarili sa papasugod na kalaban...
"Palagi mo akong inililigtas mahal ko, sa tingin ko ito na ang panahon para maipagtanggol man lang kita... " Bulong ng dalaga na ikinabuhay ng kaluluwa ng binata.
Mahigpit na hinawakan ng dalaga ang espada at iwinasiwas iyon ng kaunti, kasabay no'n ang mabilis na pagtayo ng binata at agad na kinuha ang espadang hawak ni Jane na ikinabigla ng dalaga.
"Narinig ko ang ibinulong mo mahal ko... Naaalala mo na ba talaga ako? Talaga bang ikaw 'yan?" Seryosong tanong ng binata na pawang nabuhayan ng loob, ngunit wala siyang nakuhang tugon mula sa dalaga.
"Ako ang palagi mong inililigtas mahal ko... I'm sorry kung hindi kita nailigtas no'ng mga panahong nasa kapahamakan ka, I'm sorry kung huli ako no'ng mga panahong dapat ililigtas kita, I'm sorry kung hindi kita nailigtas kagaya ng pagligtas mo sa 'kin sa kalungkutan, kasakiman at galit..." Litanya ng binata.
"Pero hindi na ako si Jannelle, Dave..." Hindi mapigilang usal ng dalaga.
"Pangalan lang ang nabago sa 'yo mahal ko, ikaw pa rin ang babaeng minahal ko ng matagal na panahon, at ikaw pa rin ang mamahalin ko kahit mawala ako rito sa mundong kinabibilangan nating dalawa..." usal ni Dave sa dalaga habang nakangiting napaharap sa dalaga.
Habang nakatitig sa isa't isa ay biglang sumulpot si Braille sa likuran ni Jane dahilan para mabilis na hinila ni Dave ang kamay ng dalaga at mahapit ang beywang nito.
Napatingin si Jane sa binata habang nakasandal sa dibdib ng binatang hapit-hapit ang kaniyang beywang. Si Dave ay itinutok kay Braille ang kaniyang espada at tingnan ito ng masama.
"Your really are a crazy of that fucking love!" Sarkastikong usal ng lalaki.
"That you will never experience...." Sarkastikong dugtong ni Dave sa sinabi ni Braille na ngayo'y mahigpit na hawak-hawak ang kamay ng dalaga.
Dahil sa halo-halong masamang emosiyon ni Braille ay agad niyang sinugod si Dave at dahil sa bilis na pagkilos ni Braille ay halos hindi na makita ni Dave ang mga pagalaw nito at ng makita si Randyle sa isang tabi na may tinatapos na kalaban ay na-isipan niyang ipaubaya iyon kay Randyle, ngunit bago pa man niya iyon magawa ay bigla siyang mahigpit na hinawakan ni Jane.
"Keep her safe," may awtoridad na usal ni Dave kay Randyle ng makita itong papalapit sa kanilang puwesto.
"P-pero—,"
"I'm going to be alive, I'll just kill this stupid fox first so that he'll going to be vanished forever," nakangiti nitong turan dahilan para hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (48)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
the story is great so un pero medjo na touch ako nung last d ko expect na tadhana dn mag hihiwalay sa kanila but yeah we need to accept every situations in our life
28d
0diamond gosto ko
22/03/2025
0nice
25/11/2024
0Tingnan Lahat