Homepage/Different Worlds 2/
Chpater 28
Chapter 28
Jane's Pov.
Nasa tabi lang ako ni Dave ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko, pagkuha at pagtingin ko rito ay nakita ko ang numero at pangalan ni Nics kaya agad ko iyong sinagot ng bigla akong makaramdam ng kaba.
"H-hello, Jane?" Pawang nuutal nitong sabi sa linya.
"Bakit ka na-uutal? Na sa'n ka ngayon? May nangyari ba?" Sunod-sunod kong tanong.
"S-si tita... Patay na siya Jane... May hindi kilalang tao raw ang pumasok dito sa hospital at pinuntahan si tita, puno siya ng saksak... Si t-tito... Nasa operating room siya dahil marami raw ang dugong nawala sa kaniya at marami ring sugat—."
"Saang hospital 'yan?"
"I t-text ko sa 'yo..."
Para akong nanghina ng sobra, bakit ba 'to nangyayari? Bakit...
Agad akong lumabas ng kuwarto na kinalalagyan ni Dave ng hindi nagpapaalam, hindi ko na naisipan pang magpaalam...
Pagkalabas ay agad akong pumara ng taxi at agad na sumakay sa loob.
"Sa'n po kayo miss?" Tanong ng manong sa 'kin.
"Sa hospital po, pakibilisan po," utos ko rito.
Ilang minuto pa ng makarating ako sa hospital at sa bawat takbo na ginagawa ko ang siyang unti-unti namang pagkahulog ng mga luha kong kanina pa gustong bumagsak.
Pagkarating kung nasaan si Nics ay agad kong tinanong kung na saan ang mga magulang ko pero bigla siyang napahagulgol dahilan para kabahan ako ng todo-todo.
"W-wala na sila... H-hindi raw nila nakayanan..." Humihikbing turan ni Nics sa akin.
"A-akala ko ba nasa operating room si papa? Hindi ako naniniwala sa 'yo... Nics, huwag ka namang magbiro oh! Alam kong hindi nila ako iiwan eh..." Umiiyak kong turan habang napapahawak sa balikat ni Nics.
"Nics..."
Hinaplis-haplos niya ang likodko para pakalmahim pero hindi ko magawang kumalma... Bakit sila pa? Wala namang kasalanan ang mga magulang ko...
Ang pagbuhos ng luha ko ang siyang pagkawalan ko rin ng lakas, para bang gusto ko nalang umiyak...
"Kayo po ba ang kamag-anak ng dalawang pasiyente?" Biglang sulpot ng doktor.
Tumungi lamang ako, ng bigla itong sumenyas na sundan namin siya.
Ilang sandali lang ay narating namin ang ligar kung saan makikita ang mga nakikita ng cctv nitong hospital.
"Ito ang mga taong pumunta sa kuwartong kinalalagyan ng mama mo at kung saan nagbabantay ang papa mo..." Malungkot nitong usal.
"Kitang-kita naman ninyo na napakamisteryo ng hitsura nila 'di ba? Vakit niyo hinayaang makapasok at mapatay ng mga 'yon ang mga magulang ko!" Alma ko.
"Pati kami ay hindi alam ang nangyari ija... Para bang sumusunod kami sa kanila kung makikita mo sa video... May nakaaway ka ba dahilan para magkaganito?"
Hindi lamang ako sumagot at tumingin lamang sa videong kuha ng cctv sa kuwarto ng mama ko. Nakita ko ro'n ang tatlong nakamaskarang lalaki na sa tingin ko ay may kinalaman sa mga soro... Sa videong nakikita ko, hibdi ko naoigilan ang pag-iyak ng makita ko ang papa kong pikit na lumalaban at nagmamakaawang huwag saktan si mama, pilit niyang pinoprotektahan si mama kahit marami na siyang tama at kahit duguan na rin si mama... Ng makita kong tumulo ang luha ni mama at papa ang siyang nagpadurog sa puso ko, hawak-hawak ni papa ang kamay ni mana ng isangga niya ang sarili niya kay mama para hindi uto masugatan o masaktan pa na kahit alam niyang wala ng malay si mama...
"Bakit wala kayong nagawa para protektahan man lang sila!" Sigaw ko.
"We're sorry miss..." Usal ng doktor at naramdaman ko na lamang ang paglabas nito at kami na lamang ni Nics ang na-iwan.
Napaluhod na lamang ako at napatakip ng mukha at doon humagulgol... Sa paghagulgil ko ay may bigla akong naramdamang yakap, yakap na kakaiba. Pagtingin ko rito ay nakita ko si Dave na hanggang paa ang sugat at panigurado akong dahil 'yon sa ilaw...
"Bakit nila dinamay ang mga magulang ko Dave..." Humahagulgol kong turan rito.
Ang mga kamay niya ang pumupunas sa mga luhang tumutulo mula sa akin mukha...
Kasalanan ko 'to! Kung binantayan ko lang sana sila... Kung nasa tabi lang sana nila ako...
"Don't blame yourself," ma-awtoridad nitong turan.
"Dapat ko naman kasi talagang sisihin ang sarili ko! Ng dahil sa akin nangyayari ang mga bagay na 'to..."
"Ako ang dahilan nito... Ang tatlong uri ang may kasalanan ng lahat ng 'to, kaya bigyan mo sana ako ng oras at panahon para tapusin ang lahat ng 'to mahal ko..." Seryoso nitong turan.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagugumilahanang tanong ko.
"Huwag mo ng isipin ang kalagayan ko, asikasuhin mo na lang ang paglulubong sa mga bangkay ng magulang mo," may lungkot sa mga mata niya sa pagkasabi niyon dahilan para mapatayo ako at mapahawak sa kamay niya ng mahigpit.
"Huwag ka rin sanang mawala sa 'kin, please stay..." Di ko alam kung bakit ko nasabi ang katagang binigkas ko, ramdam ko kasing may binabalak si Dave.
"I will," nakangiting turan nito sa akin.
Ilang sandali lang ay nakita namin si Toper na nakasuot ng makapal at sobrang luwag na Jacket habang naka-eyeglasses.
"Hindi makakabuti sa 'yo ang umalis basta-basta bro Dave... Alam mo bang napakadelikado ng ginawa mo?" Pawang nag-aalala nitong turan.
"Shut up," tugon lamang ni Dave.
"Tsk!" Singhal lamang ni Toper.
"Everything will be alright Jane, gagawa kami ng paraan para bigyan ng hustisya ang mga magulang mo, laban lang!" Pagpapalakas ni Toper sa loob ko.
"Dito na muna ako sa tabi ni Jane," paalam ni Dave kay Toper na parang gusto ng pauuwiin si Dave.
"Hindi, sumunod ka na muna kay Toper... Makakasama sa 'yo kung sasamahan mo pa ako, nandito naman si Nics para tulungan ako... Pupuntahan—," pagsasalitang hindi ko natapos ng bigla niya akong sunggaban ng halik.
"I'll stay no matter what happened to me, kailangan mo ako ngayon kaya rito lang ako sa tabi ko," usal nito.
"Pero—."
"May dala namang gamit para sa akin si Toper, it could help... Huwag mo na kong alalahanin kaya kong tiisin lahat, madamayan at maoagaan ko lang ang nararamdaman mo mahal ko," sinserong turan nito.
Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon, pero gindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo na't galing lang siya sa labanan at hindi pa siya masiyadong magaling, at sa sinabi niya alam kong kakayanin niya...
Pagkatapos nito, pagbabayarin ko ang mga sorong 'yon dahil sa ginawa nila sa buhay ko... Sa paggawang misirable sa buhay ko... Sa pagpatay nila sa mga magulang ko... Gaganti ako sa lahat ng 'yon!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (48)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
the story is great so un pero medjo na touch ako nung last d ko expect na tadhana dn mag hihiwalay sa kanila but yeah we need to accept every situations in our life
28d
0diamond gosto ko
22/03/2025
0nice
25/11/2024
0Tingnan Lahat