KABANATA 32 Pangisi-ngisi ako habang pasimpleng tumatakas paalis dahil abala sulang dalawa sa pagtatalo tungkol sa kung anong bagay na hindi malinaw sa pandinig ko dahil malayo sa entrance ang shoes section. Mukhang hindi naman nila napansin ang pagtalilis ko kaya sa book store ako pumunta para tumingin ng nobela. It's been weeks since I got here at naisip ko na total nag mall naman kaming tatlo nina Nicholas at Aevy, bibili na rin ako ng aklat para may mapagkaabalahan naman kahit paano bukod sa cellphone at pagtulog. Maganda ang mood ko habang papunta sa romance section kaya may mga ulong bumaling sa gawi ko. Inalis ko ang ngiti at pinalitan iyon ng pagtaas ng kilay kaya isa-isa silang nagbaba ng tingin. Nakailang ikot na ako pero wala akong napili hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isang international book na palagi kong naririnig kay Kath, dati ay hindi ko yun pinapansin pero iba ngayon dahil nagustuhan ko ang front cover noon. Aminin man natin o hindi, we sometimes unconsciously judge the book by its cover and it's normal for it is what we saw first. Besides first impressions can change just like how the world is changing constantly. Lumakad ako papalapit doon at ng hawak ko na ang libro ay may nag salita sa likod ko. "Excuse me miss, I saw it first. That book is mine" aniya sa maarteng tono. I flashed a sarcastic smile before giving her a head to toe look. "Is this yours? Poor kid, because news flash you can't call something your own if it is displayed inside a store" I said with so much confidence and a mocking face. She gave me a head to toe look also but I don't have much time to deal with her. Bawal pumatol sa bata baka makasuhan ako ng child abuse eh mukha pa namang fifteen o sixteen lang. Besides, I don't talk to annoying people. "I said, ibigay mo yan sakin! Akin yan!" pabulyaw nyang saad at humarang pa talaga sa daraanan ko ng nakahalukipkip na para bang nakakatakot ang itsura nya. Tss may gatas pa to sa labi. "Walang pangalan mo, walang sayo" kalmadong saad ko habang patuloy na nagpipigil na ihampas sa kanya ang librong pinagpuputok ng butsi nya. Nakakapagsisi tuloy na wala dito si Aevy para palayasin ang batang itp. Istorbo sya sa pamimili ko. "Argh! Bitch wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha!" I smirked at her remark. "At wala pa rin akong ginusto na ipinamigay ko" Pupwede ko namang ibigay sa kanya yun dahil mukhang gustong-gusto nya at pumili ng iba pero ayoko. Bakit ko ibibigay yubg magandang libro sa isang nakakairitang tao. "Isusumbong kita sa lolo ko! Apo ako ng mayor sa karatig na bayan at magsisisi ka!" patuloy nyang pa-hysterical na sigaw dahilan para magtinginan sa amin ang ibang mga namimili. Imbis na paapekto ay nginitian ko lang sya ng malapad dahilan para mas mangamatis ang mukha nya sa inis. That's it kiddo. Your annoyance will be my happiness. "Alam mo para kang lamok hindi dahil nakakairita at masakit sa tenga kundi ikaw mismo. Siguro, nagpractice lang sayo ang parents mo." Mukhang nagulat sya dahil hindi ako natinag sa lolo nyang mayor dahil kahit anak pa sya ng pangulo wala akong pakealam. This is Veronica you are talking to kaya hindi pupwede ang aarte-arte sa landas ko. "Better luck next time bata, last copy na eh. Next time bago magtaray magpatangkad muna ah." I flashed a grin right in front of her ugly face and walked out after flipping my hair like a runway model. Papalapit na ako sa counter ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na ginang bitbit ang trilogy book para pumila sa counter. "Tita Constancia!" I called her happily then come near her. Lumingon sya at agad na ngumiti sa akin. Her almond shaped eyes were both twinkled as her gaze set on me. She waved slightly and gave me a warm embrace as soon as I came near her. "Veronica! Antagal mong hindi nagagawi sa bahay ah! Kapag tinatanong ko si Cullen hindi sumasagot" Ilang beses ko na syang nakita pero nakakaasmaze pa rin ang mukha nya. She's an older version of Vena indeed. Cullen get his prominent nose and long thick eyeglasses from her. "Naku tita nakakahiya pong magpunta kapag hindi si Cullen ang kasama tsaka naging abala po kami sa school works" I said sweetly. Sino ba ang kakayaning magtaray sa harap nya at sasaluduhan ko ng bongga. Nanay to ng future husband ko aarte pa ba ko? Who am I kidding? Gusto yata ako ng nanay kulang na lang yung anak. "Ganon ba? Edi bumawi ka na lang sakin. Nag grocery ako sa bahay ka na lang mag dinner" We both giggled out of excitement at hindi nya na kailangan ng sagot ko dahil isinabay nya ang binili ko sa mga nobelang binayaran nya. She said its 'libre' so the dinner in their house is the payment. Naupo muna kami sa isang cafe at parehong umorder lamang ng juice habang naghihintay sa sundo nya. "May sasakyan ka bang dala? Nagpapasundo ako kay Cullen, sumabay ka na sakin" Umiling ako dahil wala akong buttler na kasama. Ipinagkatiwala nya ako kay Nicholas kaninang umaga kaya hinayaan akong lumabas mag isa. "On the way na yun, kanina pa may ipinabibigay lang ako kay Vena" Naalala ko ang pagpunta ko sa bahay nila at kahit minsan hindi ko naabutan doon si Vena. "Ah wala po si Vena sa inyo?" "May condo sya malapit sa school, malayo kase ang bahay sa university kaya nung first uear palagi syang late, syempre damay din si Cullen kase sumasabay sya. Ewan ko ba sa batang yun best friend ang kama sa umaga tapos sa gabi ang hilig namang mag party" Tumango-tango ako, satisfied sa narinig. "Mabuti naman tita at hindi po naisipan ni Cullen na mag condo din" "I doubt it iha, kase ayaw nya akong iwanan mag isa. He's such a sweetie isn't he?" I smiled, a genuine one as I heard her stories about her children. Kitang-kita ang closeness at pagmamahalan sa pamilya nila, habang ako kahit saan mapunta hindi binibiyayaan ng kumpletong pamilya. Well I have Aevy, Manang, Nicoso, Nicholas and Kath they're my family. "Ma sorry natagalan, pinahatid pa kase ni Vena si Gen sa gym" ani Cullen an biglang sumulpot mula sa likod ko. Bahagya syang nakatalikod sa akin kaya kita ko ang bahagyang pagkinang ng naglandas na pawis sa gilid ng leeg nya. He's just wearing adamn t-shirt and sweaty but it doesn't change the fact that he looks dominating and handsome. The things I heard alerted my senses. So, before here he's with Gen. Gusto kong sumimangot pero nanatili lang sa akin ang tingin ni tita Constancia na tila nagmamasid sa magiging reaksyon ko. My smile vanished but I maintained a straight face. "Okay lang, nalibang naman kami ni Veronica" Sukat sa sinabi ng ina ay para syang de-susing makina na biglang pumihit paharap sa akin. "What are you doing here?" kunot noo nyang baling sa akin na tila ngayon lang napansin ang presensya ko sa harap ng ina. I rolled my eyes couldn't hide my annoyance anymore. "This is a public place so what do you expect? Mall to, ano natulog ako dito?" sarcasm invaded my mind. "I mean, with mama" he clarified. "Ano bang problema mo? Kasama ko si tita Constancia kase nagkita kami sa bookstore, kung ayaw mong nandito ako pwes bahala ka sa buhay mo" I said with arrogance to let him know that his presence doesn't please me. Kunit noo nya akong tiningnan na para bang isa akong mahirap na palaisipan kaya mas lalo akong nairita sa pagmumukha nya. "What the hell are you talking about?" mariin nyang tanong saka ako pinukol ng nagtatakang tingin. "What the hell are you talking about nyenye" I mickmicked him and rolled my eyes once more "Sana dun ka na lang kay Gen! Inunan mo pa ang paglandi kesa sa mama mo" "Fuck! What are you talking about? Hinatid ko lang si Gen tapos pumunta na ko dito—" "Whatever!" inis kong putol sa kanya dahil hindi naman ako maniniwala sa kahit anong sasabihin nya. I wrote this book. I know what's going on. Tss.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (38)
Rayzel Dical
bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰
11/08/2022
0
kyutie_naya
The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚
bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰
11/08/2022
0The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚
31/12/2021
0masterpiece
16/07/2025
0Tingnan Lahat