Kabanata 44

KABANATA 44
Ipinarada nya ang sasakyan sa isang bakanteng lote na mukhang inabanduna na.
"Asan tayo?" curious kong tanong nang pagbuksan nya ako ng kotse.
Napadpad kami ni Cullen sa isang makipot na street kung saan ang kasya lang ay ang mga bike dahil may mga tent na nagkalat sa paligid.
"Tiange ang tawag dito, you can buy stuffs in affordable price. At maraming kainan sa parteng ito"
True enough to Cullen's words, para akong abatang manghang nakatingin sa mga presyong nandoon. Ang range ng mga iyon ay mula five pesos hanggang ilang thousand depende yata sa laki at quality. Para tuliy ang ignorante ko kahit laking Maynila ako. Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar dahil madalas wala akong oras. Kung hindi sa convinience store ay sa mall ako namimili. Takot kase ako sa mga ganitong lugar, maraming naglipanang masasamang loob. Isa pa, nung nag aaral pa ako wala akong ibang binili kundi mga gamit na talagang kailangang-kailangan ko lang.
"Hulaan ko, first time mo din?" tanong nya at inakbayan ako na para bang mawawala ako kung hindi nya gagawin.
Tumango ako habang abala sa pagtingin ng mga kitchen utensils na hindi ko rin naman binili sa huli. We have tons of utensils in our mansion.
Tawang-tawa lang ako habang ipinipili si Cullen ng masasagwang damit pambabae. Pinipilit kong syang itapat yun sa katawan nya at wala naman syang magawa kundi sumunod sa utos ko kahit nagrereklamo.
"Ayoko na! Kinakawawa mo na ako" parang batang palatak niya at ibinalik sa rack ang pulang wig na huling pinasukat ko sa kanya.
It's hilarious for a man as big as him to wear that long curly fake hair. He looks like a freaking gay with a manly feature. No wonder kahit ang ibang nakakita ay napapangisi sa itsura nya.
Ang matandang tinderang nasa toldang iyon ay parang aliw na aliw sa aming dalawa kaya kahut maingay ay hindi kami sinasaway. Kanina pa kami nandito pero wala naman kaming binibili, at kahit minsan hindi ko sya kinakitaan ng iritasyon sa amin.
Humalakhak ako ng yumakap si Cullen sa bewang ko at isiniksik agad ang ulo sa leeg ko tila nahihiya.
Ang halakhak na dapat sanay papakawalan ko ay naipon yata lahat sa lalamunan ko dahil nagsisimula nang mangmatis ang mukha ko.
"Ang bango mo" mahina nyang komento tila walang pakealam kung nasa pampublikong lugar kaming dalawa.
Mas namula pa ang mukha ko kaya ng akmang iaangat nya ang ulo ay pumunta ako sa likod nya at tumalon doon dahilan para bahagya syang tumawa na parang hindi alintana ang bigat ko.
"My baby wants a piggy back ride" aniya na kahit hindi ko kita ay alam kong nakangisi na.
"Go horsy! Serve your master well!"
Pinalo-palo ko pa ang balikat nya dahil nakasupirta naman ang dalawang braso nya sa pang upo ko para hindi ako malaglag.
"Sayonara manang! I love you! Salamat sa pagpapahiram ng paninda mo po!" sigaw ko dahil hindi ako makalingon kay manang.
Sinagot nya naman iyon ng matunog na tawa kaya natawa na lang din ako.
Hindi pala lahat ng tao ay napapasaya ng pera. Nakausap ko sta ng kaunti kanina at ayon sa kanya, mag isa lang sya sa buhay kaya pinili nyang tumira at magtinda sa tolda. Palibhasa palipat-lipat sila ng lugar, aniya'y katuwaan nyang makakilala ng iba't-ibang uri ng tao sa araw-araw. Kaya kahit na mahirapa ng larangang pinasok, pinagpatuloy nya.
Ngayong narealize ko ang lalim ng bawat kataga sa kwento nya parang gusto ko na lang na maiyak. I don't know why I always have this soft spots for elderlies specially to women.
"Ang tahimik mo naman. May nagugustuhan ka ba?" puna ni Cullen habang buhat pa rin ako sa likod nya.
May mga nakakasalubong kaming tila napapantastikuhan sa aming dalawa. Parang ang liit ko tuloy sa likod nya dahil parang normal lang syang naglalakad-lakad.
Square pants at hanging blouse naman ang suot ko kaya komportable akong nakasakay sa likod nya. Also, I'm wearing a secured sports bra.
"I'm sure hindi mabibili ng pera mo kung anong gusto ko" nakangisi kong sagot.
"Sige, subukan mo. Ano bang gusto mo? Strawberry farm?"
"Ikaw"
Sa nanlalaking mata ay nakagat ko ng mariin ang labi dahil pareho akming nagulas sa biglaang pagdulas ng dila ko. Sya ay napatigil sa paglalakad at bahagyang lumuwag ang mga brasong nakasuporta sa akin kaya tumalon ako pababa sa likod nya.
"Kidding!" kunwaring masayang bawi ko kahit kumakalabog na naman pati yata ang kaluluwa ko.
Nginisian ko sya dagil nanatili lang syang nakatitig ng mariin sa akin saka kinaladkad palayo sa mga tolda. Matagal bago namin narating ang dulo, nagpatianod lamang siya sa akin.
Maraming mga tindahan ang nandoon matapos ang pinakahuling tolda pero naagaw ng isang makulay na mural ang atensyon ko.
"Cullen"
"Hmm?"
"Picturan mo ko dito!" deklara ko.
Walang imik naman syang tumalima sa akin at ginamit ang cellphone nya para kuhanan ako ng picture. Nakailang pose ako nang hindi sya nagrereklamo.
"Picture tayo. Halika dito!" tawag ko sa kanya saktong dumaan ang isang binatilyo na oinaghawak ko ng phone nya.
Hinila ko ang kamay nya papalapit sa akin. Kusa naman syang pumulupot sa akin at tamad na tumingin sa camera.
"Bibilang po ako ng tatlo" anang binatilyo.
"Cullen, ngiti ka ah" paalala ko habang inaayos ang angulo sa camera.
"One"
"Two"
"Three"
Nangkatinginan kami at parehong nawala ang ngisi dahil tumakbo ang binatilyo.
Shutang ina! Snatcher pala! Hinayupak!
I guiltily pouted at him.
"Hindi natin hahabulin? Tinangay nya ang phone mo"
Imbis na negatibo ay yumakap lang sya sa akin at ipinahinga ang baba sa ulo ko. Dahil flat ang sneakers na suot, mas maliit ako sa kanya talaga.
"Alam ko. Pero hayaan mo na, at least cellphone ang tinangay, kanina pa yun tingin ng tingin sayo eh" aniya na parang balewala lang ang nangyari habang ako ay talagang nakokonsensya.
Malay ko ba kung may importanteng laman pala iyon tapos ako pa ang nagbigay sa lalaki. Kung nag selfie na lang sana kami, edi hindi na snatch.
"They can snatch anything from me, but not you" he murmured.
I'm sure I heard it wrong. Baka may sira ang tenga ko. Jusmiyo mahabagin. Nababaliw na ba ako nito?

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Rayzel Dical

    bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰

    11/08/2022

      0
  • avatar
    kyutie_naya

    The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚

    31/12/2021

      0
  • avatar
    MorpeKate Nicole

    masterpiece

    16/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata