CHAPTER FORTY-FOUR

Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan.
Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay itim na usok ang bigla na lang lumabas mula sa katawan ni Bianca kasabay ng pagkaputol ng k'wentas na suot nito. Mabilis iyong kinuha ni Jean at sa isang iglap ay naibigay na nito iyon kay Zoe na hindi nila napansing naroon na rin pala sa tabi nila. Everything happened so fast and it was just so hard for all of them to admit that they trusted a traitor.
"Bianca!" Sigaw ni Daecon at umakmang hahakbang patungo sa katawan ng asawa niya na nakalutang Pa rin kagaya ni Zoe. Ang kaibahan lang sa pagkakataong iyon ay tanging putting liwanag na lang ang bumabalot kay Bianca samantalang kay Zoe ay napalitan ng itim na usok ang bumabalot sa katawan nito.
"Daecon, no!" Sigaw ni Christine na kaagad na ikinumpas ang isang kamay para pigilan ang pinuno ng Frostwood.
"You can't just touch her right now. Ni wala tayong idea kung ano ba ang nangyayari sa katawan ng pamangkin ko."
Galit na binalingan ni Daecon ang High Priestess ng Night Shade. Nagpalit din ng kulay ang mga mata nito.
"And why not?!" Galit na singhal ni Daecon habang pilit na kumakawala sa mahikang pumupigil sa kanya na makalapit sa asawa niya. "Paano natin malalaman kung hindi ko susubukan? And what did you just say? Wala kang idea? Eh, 'di ba nga parte ka sa lahat nang nangyayaring ito so I think it's reasonable enough if I assume that you know something about the shit that's happening to my wife's body right now, damn it!" Nagpupuyos sa galit na sigaw niya sa babae na sandali namang bumakas sa mukha ang kirot.
"It's an ancient dark spell, Sinfield, kaya hindi ako ganoon ka-familiar pero if you really want her to be safe and come back to you alive, listen to my words. Walang mangyayari kung pati tayo ay magkakagulo dito. Hindi pa tapos ang problema natin sa dalawa ninyong kaibigan." Malamig ang boses na turan ni Christine bago itinuon ang pansin kay Jean na unti-unti namang bumabalik sa anyong-tao.
"C'mon, guys, let's all focus na lang muna sa mas importanteng bagay. Let us not waste our time and energy in nonsense arguments, okay..." Malumay ang tinig na ani naman ni Asher habang ang mga mata ay nakatuon kay Jean na walang pakialam sa sarili nitong kahubadan.
Ikinumpas nito ang isang kamay at sa isang iglap lang ay binalot na ng puting tela ang hubad nitong katawan.
"Why?" Wala sa loob na tanong ni Asher sa babaeng sa maikling panahon ay natutunan na niyang mahalin. Ang babaeng handa niyang ipalaban kahit sa sariling kapatid. Ang babaeng nagturo sa kanya ng daan patungo sa liwanag na matagal niyang inaasam. Ang babaeng pinapangarap niyang makasama pagkatapos nang lahat nang ito. Ang babaeng gusto niyang maging ina ng kanyang mga anak. Pero mangyayari pa kaya ang lahat nang iyon?
Dumako ang mga mata ni Jean sa gawi ni Asher na kaagad namang natigilan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ibang-iba na ito sa Jean na nakilala niya. Ang dating kislap ng mga mata nito na paborito niyang pagmasdan ay napalitan ng poot. Kitang-kita niya sa klase ng mga tingin nito na kung ano man ang binabalak nitong gawin ay walang makakapigil dito. Damn it pero talaga bang palabas lang nito ang lahat?
'Tanga ka ba, Asher? Hindi pa ba halata?'
Ipinilig niya ang kanyang ulo. No, hindi siya makakapayag. He had to do something...
"You are not qualified to ask me, Mr. Ellis." Naka-ismid na turan ni Jean bago ibinaling ang pansin sa gawi ni Christine at ngumiti nang matamis. "So, Miss Ellis, you enjoyed playing with the elites of Claws And Arrows and you didn't expect to be played by me too, right? Okay, sasabihin ko na before I move the last piece on my chess board..." Aniya sa babaeng kaagad na umitim ang mga mata at akmang aatake sa kanya pero kaagad itong pinigilan ni Caelan.
"Save your strength, Christine. We need it later..." naka-igting ang panga na ani ni Caelan habang hawak sa braso ang High Priestess ng Night Shade na kaagad namang huminga nang malalim habang pinipilit ang sarili na huminahon.
"I'll kill you, bitch!" Gigil na sigaw ni Christine.
Oh, god but this is the moment that she needed Priam the most. She needs him to calm her down.
Umismid si Jean bago sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok. "Can you?" Tila nang-iinis na untag pa niya kay Christine na mas lalo namang namula ang mukha sa galit. "Anyway, balik tayo sa k'wento ko but let me remind you first that just one wrong move from any of you, Bianca will surely be a dead meat," aniyang inisa-isa pang tiningnan ang mga kaharap.
"Demunyo ka talaga!"
"Coming from you, Christine? Oh, c'mon..." Tumatawang sabi ni Jean. "Pero nagbago na ang isip ko. Hindi na pala ako magki-k'wento. You are all not worthy of my precious time. Kung hindi lang kayo parte ng mga plano ko, hindi ko papangaraping makasama or makaharap kahit ang isa man lang sa inyo. You're all good-for-nothing, useless creatures.
"How could you, Jean? We trusted you... I trusted you!" Madilim ang anyong turan ni Caelan sa babaeng ilang taon din niyang nakasama, hindi lang bilang isa sa thirteen elites ng CAU kundi maging bilang isang magaling na hunter.
Tumingin si Jean kay Caelan pero kaagad din siyang nagbaba ng paningin nang makita ang nanunumbat nitong mga mata. Pinili niyang ibaling ang atensiyon kay Daecon at hindi na sinagot si Caelan.
"So, this is goodbye to all of us, Daecon. And thank you everyone, for taking your part in my game."

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Zephanie Bullecer

    Ang galing

    03/11

      0
  • avatar
    Michael Lopez Alindayu Jr.

    pls sub to zioles

    03/01/2025

      1
  • avatar
    AmadioAlod angel

    nice

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo