Homepage/The Murder Sealed/
Chapter 33 ; The Big Threat
KIARA'S P.O.V
"Baket ka huminto ?" Nagugulumihanang tanong ni Denver habang nasa front seat sya at katabi naman nya si Markus na sya namang nagmamaneho ng hatchback car kaya napakunot na lang ang noo ko at napabalikwas ako sa aking kinauupuan. Mag aalas otso na pala ng gabi at tanging mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa kalsadang pinapasadahan namin, wala na rin katao tao sa lugar na to at sigurado akong nakauwi na rin sila sakani-kanilang mga tahanan.
"Nyeta !! Wrong timing naman. Nasiraan yata tayo !!" Iritadong giit ni Markus habang nakangiwi sya. Napasinghal na lang ako at napabuntong hininga sa hangin dahil kung kailan pa kami nagmamadali, ngayon pa tumirik ang makina ng sasakyan ni Markus. Lechugasss !! Binalewala ko na rin ang mga litanyang matatanggap ko later kila Auntie Nicole kapag nalaman nilang ginabi na naman ako sa pag uwi dahil ang tanging nasa isip ko lang ay yung mga gustong sabihin sakin ni Grandma ngayon.
"Ano ba yan ?!! Halos wala nang sasakyang dumadaan dito, ngayon pa tayo nasiraan kung kailan tayo --- Bwiset!!" Denver said with irritation and I still couldn't read what was on his mind, because the intense expression was still on his face kaya marahas nyang ginulo at napasabunot sya sa buhok nya. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang mga tinuturan nya ngayon dahil bakas na bakas pa rin sa mukha nya ang pagkabalisa, kung kaya naman dali dali kaming bumabang apat sa hatchback car ni Markus.
Sumalubong naman samin ang malamig na hangin pagkababa naming apat sa sasakyan, kaya muling naningkit ang aking mga mata at napayakap na lang ako sa bag ko habang nagpapalingap lingap ako sa lugar na to kung saan tumirik ang hatchback car. Tanging mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag namin pati ang mga ilaw na nagmumula sa bintana ng mga bahay na natatanaw ko mula dito sa kinaroroonan ko. Napaka tahimik at tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko dito. Napaka weird na rin ng CordialWood Town kaya hindi ko maiwasang matakot kapag sumasapit na ang gabi.
"Kalma lang, Boss Denver, siguro may mga pyesa naman si Markus sa likod ng kotse nya. Maaayos din to, makakarating din tayo dun." Pagsasaad naman ni Spermcy habang may nakakalokong ngiti sa mukha nya kaya naibaling ko ang atensyon ko kay Denver at nagulat na lang ako nang binigyan nya kami ng mabalasik at mapaklang tingin. Dali dali naman nagsumiksik sa likuran ko si Spermcy na para bang isang bata kaya hindi ko na naiwasang matawa sakanya. Lechugasss !!
"Oo nga Denver. Makakarating din naman tayo sa church. Maaayos ko rin to saglit. Magpalipas muna kayo ng oras dun." Dali daling itinuro ni Markus ang isang abandonadong gusali. Denver just crossed his arms, he just sighed and averted his eyes from us before he started walking towards the abandoned building that I can see from here, kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sakanya kahit naguguluhan pa rin ako sa mga inaasal nya ngayon.
"Nakakapanibago naman si Boss Denver. Nakakatakot ang presensya nya ngayon." Pabulong na sambit ni Spermcy habang nagtatago pa rin sya sa likuran ko kaya napakagat na lang ako sa labi ko at napa iling iling habang naglalakad pa rin kami papunta sa harapan ng isang abandonadong gusali. Hindi ko maikakailang nawiwirduhan din ako sa mga pinapakita nya ngayon samin dahil hindi ko maintindihan kung baket interasado syang makausap si Grandma ? At base sa kinikilos nya ay parang mas interesado pa sya kaysa sakin. Lechugasss !!
I just calmed myself down and closed my eyes for a moment. I ignored Spermcy while he was still behind me and following me. I could feel the intense pressure in his presence because today he saw Denver so seriously. I just gasped in the air because I didn't expect that he also had this side. Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ko na lang ulit ang paglalakad patungo sa harapan ng isang abandonadong gusali. Dali dali ko naman natanaw si Denver na nauna na pala samin habang nakasandal sya sa pader na tila ba'y nilulumot kaya hindi na ko nag dalawang isip dumiresto sa kinaroroonan nya.
Walang kaemo emosyon ang mukha ni Denver at nakatulala lang sya sa kawalan na mistulang napakalalim ng iniisip nya. Nakatuon lang rin ang mga paningin nya sa buwan na nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan nito kaya marahan akong tumabi sakanya at napasandal na lang rin ako sa pader habang nakayakap pa rin ako sa bag ko. Hindi ko sya maintindihan dahil napakalamig talaga ng presensya nya ngayon kaya napakunot na lang ang noo ko habang naka side view sya sakin at tinititigan ko sya.
"Kiara, May sinabi ba sayo dati ang mga kaibigan mo ?" Basag ni Denver sa nakakabinging katahimikan habang nakatulala pa rin sya sa kawalan kaya kunot-noong napatingin ako sakanya habang nasa kaliwa ko naman si Spermcy at nakuha din ni Denver ang atensyon nito kahit pareho kaming naninibago sa presensya nya ngayon.
"What ?!!" Bulalas ko naman habang nakangiwi. Napayuko na lang ng bahagya si Denver habang nakasandal pa rin sya sa pader ng abandonadong gusali na to at dali dali nyang isinilid ang mga kamay nya sa magkabilang bulsa ng black pantaloon nya.
"Wala. Malaking banta talaga to sa mga mamamayan ng CordialWood Town, kapag hindi nila napigilan ang mga salarin." Makabuluhang sambit ni Denver na ikinakunot naman ng noo ko. But he also had a point in what he said because our town has changed a lot since crime spread and the number of cases increased in the town where I grew up. Sa tuwing pumapatak ang alas syete ng gabi at kapag nakahiga na ko sa kwarto ko ay hindi ko maiwasang isipin ang mga kahindik hindik na krimen dahil natatakot akong baka pagka gising ko ng umaga may mga bangkay na namang nakakalat sa bawat sulok ng bayan namin. Damn it !!
"Kinakailangan na pala sila mahuli." Giit naman ni Spermcy at bahagyang napatingin si Denver sa direksyon nito. Mabuti naman, walang sapak ngayon ang lalakeng to dahil nakukuha nyang makipagtulungan samin kaya napabuntong hininga na lang ako at dali dali kong pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan habang namamayani ang nakakabinging katahimikan sa lugar na to.
"Yun nga lang, walang nakakaalam kung saan nagtatago ang mga salarin." Seryosong sambit ni Denver kaya napangiwi na lang ako at naibaling ko ang atensyon ko sakanilang dalawa. Napayakap na lang ako ng mahigpit sa bag ko nang biglang umihip muli ang malamig na hangin na nakapagpatindig lalo sa mga balahibo ko sa braso. Lechugasss !!!
"Ako, alam ko na kung saan sila nagtatago." Nakangiting wika naman ni Spermcy na ikinagulat namin. Pakiusap naman, wag ngayon --- kaya napatingin na lang ako sakanya habang namimilog ang mga mata ko na tila ba'y nagugulumihanan at nagtatanong. "Sa mga bar, sa mga disco o di kaya sa mga hotel. Basta sa mga pinagtatrabuhan ng mga prostitute, mahilig ang mga pusakal na kriminal sa mga lugar na yon !!" Bakas na bakas sa boses nya ang pagkagalak kaya napasapo na lang ako sa ulo ko nang bigla na naman humirit si Spermcy at umiral na naman ang kamanyakan nito. Akala ko ba naman may naisip na sya kung papano mahuhuli ang mga salarin ? Lechugass !! Walang araw talagang hindi pupwedeng sumakit ang magkabilang sentido ko kapag kasama ko sya. Asar !!
"Sige. Mauna kana, ikaw na lang." Sambit naman ni Denver gamit ang malumanay nyang boses kaya hindi ko na naiwasang matawa sa reaction ni Spermcy dahil mukhang sabik na sabik sya makapunta sa mga lugar na tinutukoy nya pero dali dali naman tumutol si Denver sa panukala ni Spermcy, kung kaya naman napanguso na lang sya na para bang isang bata at bumalik sya agad sa pagkakasandal nya sa pader habang naka cross arm sya.
Muli akong napabuntong hininga at napatingin ulit ako sa mga bituin sa kalangitan. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan, wala talagang permanente sa mundo. Everything has a changing. Pakiramdam ko na ang bayang kinalakihan ko ay unti unti nang nagbabago at binabalutan na to ng kadiliman dahil sa mga sunod sunod na kasong kumakalat dito sa CordialWood Town.
At kung may kinalaman talaga si Grandma dito ay kinakailangan na namin makapunta sa church dahil nagbabaka sakali ako na may makuha kong impormasyon sa mga gusto nyang sabihin sakin. Hindi ko rin kase makalimutan yung panahon na na-stroke si Grandma dito sa Pinas habang may kausap sya sa telepono kaya dinala sya nila Auntie Nicole sa Germani para magpa-gamot. Grade 8 pa lang ako noon pero hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan ko kung sino ang nakausap nya nung time na yun sa kabilang linya.
"Ano pa ginagawa nyo dyan ?!! Tara na !!" Bulyaw sa amin ni Markus sa di kalayuan habang nakatayo sya sa likuran ng hatchback car kaya naman napabalikwas ako sa kinaroroonan namin at tila nanumbalik ako sa reyalidad.
"Tara na !!" Anyaya naman ni Denver at kagaya kanina ay wala pa rin kaemo emosyon ang mukha nito kaya wala na kaming nagawa ni Spermcy kundi sumunod sakanya patungo sa direksyon ni Markus. I want to know what is really going on in our town. I can’t explain the intense anxiety I feel right now. I just closed my eyes and irritable shook my head.
****
8:30pm
Habang nakasakay kami sa hatchback car ni Markus ay nakadungaw naman ako sa sliding window. Wala na talagang katao tao dito at tanging mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa kalsadang pinapasadahan namin. I can also see from here the lights of some houses coming from their windows. Hindi ko maintindihan dahil nagmimistulang lockdown ang CordialWood Town sa tuwing sumasapit ang gabi. -- Hindi na yon nakakapagtaka dahil lalong dumadami ang mga murder cases sa bayan namin at kagaya ng sinabi ni Denver kanina ay malaking banta to sa mga mamamayan ng CordialWood Town. Shitt !!
A bad dream entered to my mind again while I was sleeping earlier in our school clinic. Hindi ko to maipaliwanag pero parang may pinapahiwatig sakin ang panaginip na yun. Tila paulit ulit pa rin kumikintal sakin ang mga kaganapan sa loob ng isang karima-rimarim na bangungot na napanaginipan ko kanina kaya naman napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga sa hangin because of the questions it seems like a puzzle that bothers me.
Gulong gulo man ang mental health ko ngayon, nakapukaw pa rin sa atensyon ko si Spermcy na nakatulog na pala sa tabi ko, kaya dali dali akong natawa sa itsura nya ngayon habang nakahimlay na sya dito sa back seat at nakanganga. Tila ba napawi ang pagkabalisa ko nang makita ko sya ngayon sa tabi ko dahil pwedeng pwede nang pasukan ng kahit anong insekto ang bibig nya. Lechugasss !! Hindi ko talaga lubos maisip na mayroon din syang ganitong behavior kahit natutulog.
I looked at his cellphone in his left hand while the white earphones were still plugged into both of his ears. I quickly took his cellphone and he didn't wake up. It's my chance to find out what he always watches on his iPhone. Mabuti na't walang password ang cellphone nya kaya madali ko itong nabuksan --- at napangiwi na lang ako nang biglang bumungad sa aking mga mata ang mga karumal dumal na videos pati ang mga babaeng nakahubad. Lechugasss !! Ngayon ko lang napagtantong isa pala tong site ng pornhub kaya dali dali ko naman tong binitawan at ibinalik ko sakanya.
"Kiara. Ano ba nangyari sa Grandma mo nung time na nandito pa sya sa bayan natin ? Baket napunta sya sa Germani ?" Mahinahong pagtatanong ni Denver sakin kaya napatingin na lang ako sa front mirror ng sasakyan na to. Dali dali ko naman nakita ang mga mata niya na nakatingin na pala sa direksyon ko. Wala pa rin kaemo emosyon ang mukha nya kagaya kanina at tila ba'y binabalutan pa rin ng yelo ang presensya nya. Napakalamig !!
"Auntie Nicole took her to Germani. She had a stroke at that time. Grade 8 pa lang ako nun nang ma-stroke si Grandma habang may kausap sya sa telepono." Tugon ko naman gamit ang malumanay kong boses habang nakadungaw na ko ngayon sa sliding window. Hindi ko talaga makakalimutan ang panahon na yun dahil ni wala man lang akong nagawa noong nakita ko syang nanigas at nag collapse sa compound namin dati.
"Ganun ba ? Siguro naman nakarecover na sya ngayon kaya nakabalik na sya dito." Wika ulit ni Denver, at nakuha naman ni Markus ang atensyon ko habang nakatingin lang sya ng diretso sa kalsadang pinapasadahan nya. Hindi ko talaga inaasahang makakasama ko sya ngayon para lang makausap ko si Grandma makalipas ang ilang taon dahil noong unang beses ko sya na-encounter, pakiramdam ko ay may masamang balak sya sakin pero nagkamali ako sa pagkakakilala ko sakanya noon kaya napasandal na lang ako sa sliding window at bahagyang napahikab.
Lechugasss !! Bigla na lang akong may nakitang mga tao sa tapat ng isang naka saradong karinderya kaya napakunot na lang ang noo ko at naniningkit ang aking mga mata habang unti unti ko silang inaaninag. Akala ko ba naman ay wala ng mga taong naglalakad lakad sa mga oras na to pero hindi ko inaakalang may makikita pa pala kong mga kabataan na nakatambay sa tabi ng kalsada. Damn it !!
Napabalikwas na lang ako at tila namilog ang aking mga mata nang makita ko sila Doctor Darren at Ate Kiana habang hindi sila mapalagay sa kinaroroonan nila kaya dali dali naman ako napayuko at nagtago dito sa hatchback car dahil baka makita pa ko ni Ate at maudlot pa ang pagkikita namin ngayon ni Grandma. Fuck shitt !! Ano ba ginagawa nila dun ?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super pirdi ku
01/02
0it's so good
15/06/2025
0keep doing that
02/09/2024
0Tingnan Lahat