Homepage/The Murder Sealed/
Chapter 35 : Painful Truth
KIARA'S P.O.V
Hindi ko alam kung baket bigla na lang ako nagising at naalimpungatan, kaya otomatiko akong napaupo sa pulang kama kung saan ako nakatulog kagabi. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kabilang kwarto naman sila Denver, Spermcy at Markus samantalang si Grandma ay mahimbing na natutulog pa rin sa tabi ko. Napalingon na lang ako sa wall clock na nakasabit sa tabi ng pintuan at ngayon ko lang napagtantong mag-aalas singko pa lang pala ng umaga.
Pinatuloy muna kami ngayon ni Grandma sa apartment nya dahil masyadong malakas ang ulan kagabi at masyado na rin delikado sa labas nung mga oras na yon. Napatayo na lang ako sa kama at dali dali akong bumaba dito pero muling nakakuha sa atensyon ko si Grandma habang mahimbing pa rin syang natutulog. Pinagmasdan ko muna ang mukha nya kaya nakaramdam na lang ako ng masidhing kalungkutan dahil hindi ko pa rin talaga maintindihan kung baket bakas na bakas pa rin sa mukha nya ang pagkabalisa.
Napasinghal na lang ako, dahil hanggang ngayon ay damang dama ko pa rin ang paghihinagpis, hindi ko kase inaakala ang mga sinabi sakin ni Grandma kagabi kaya naman hindi ko maiwasang malugmok sa kinatatayuan ko ngayon. -- Naisipan ko muna lumabas sa kwarto na to para makalanghap ako ng sariwang hangin kaya marahan kong binuksan ang pintuan para hindi ko maabala ang mahimbing na pagkakatulog ni Grandma.
Nag-uumapaw pa rin ang magkakahalong emosyon sa damdamin ko. I still can't believe it because I can't imagine that my dad is still alive, but Auntie Nicole said that my father committed suicide when he was depressed after my mother's death. Ano ba talaga ang nangyari nung isinilang ako ? At batay sa mga impormasyon na nakalap ko ay nagkaroon daw ng matinding trahedya sa Cordial Hospital. --- Labing anim na taon na ang nakakalipas kung kailan ako pinanganak sa mundong ginagalawan ko ngayon. Lechugass !!!
Marahas akong napasabunot sa buhok ko na nakabuhaghag pa rin at dali dali akong humiga sa mahabang sofa dito sa sala. Inilagay ko naman ang aking magkabilang kamay sa likuran ng ulo ko habang nakatulala lang ako sa kisame. --- Nangingibabaw dito ang nakakabinging katahimikan kaya natagpuan ko ang peace of mind para naman makapag isip isip ako ng maayos.
Huminga ko ng malalim habang nakatulala pa rin ako sa kawalan. Napakabigat pa rin sa dibdib at tila hindi ako makahinga ng maayos. What Grandma said last night still bothers me. It was as if I was slapped by the truth and I felt the reality. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang seldang nilalamon ng kadiliman at hindi ko alam kung papano ako makakalaya dito ?
Sadyang hindi mo talaga madidiktahan ang panahon, hindi mo rin alam kung sino sino ang mga taong mapagkakatiwalaan mo, minsan kung sino pa yung mga kaalyansa mo at madalas mong nakakayakap, sila pa yung may mga dala dalang patalim para maitarak sa likuran mo. Kaasar !! Gusto ko na talagang makausap sila Auntie Nicole at Ate Kiana para maliwanagan na talaga ko dahil pagod na pagod na talaga ang emosyon at mentalidad ko habang kinakain na ko ng sarili kong sistema. Lechugass !!
I just stopped and the polaroid pictures caught my attention. I just looked at a table where I saw a lot of photos. I didn't notice it before but I suddenly felt curious about it. Napaupo na lang ako sa kinahihigaan ko habang nakatingin pa rin ako sa mga litrato na nakapaskil sa isang maliit na lamesa. Dali dali akong napatayo at hindi na ko nag-dalawang isip dumiretso sa kinaroonan nito dulot ng matinding kuryosidad.
Bumungad naman sa mga mata ko ang litrato ng isang babae habang may karga karga syang sanggol sa bawat larawan na nakikita ko dito. Ngayon ko lang rin napagtantong iba't ibang mga bata ang kasama nya sa bawat polaroid pictures kaya napakunot na lang ang noo ko na mistulang nagugulumihanan dahil para bang pamilyar sakin ang babae na to at nakita ko na rin sya dito sa bayan namin, pero baket hindi ko sya matandaan at maalala man lang ? Damn it !!
"Apo, baket napaka aga mo naman nagising ?" Napa-igtad na lang ako nang marinig ko ang boses ni Grandma kaya napalingon na lang ako sa direksyon nito habang nakasakay sya sa wheelchair. -- Kinukusot kusot pa nito ang mga mata nya at tila naalimpungatan rin sya sa pagkakatulog nya kanina ngunit ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga polaroid pictures habang nagugulumihanan pa rin ako.
"Grandma. Who is the girl in the polaroid pictures?" Kunot-noo kong tanong sakanya kaya dali dali syang dumiretso sa kinatatayuan ko habang pinapaandar nya mag isa ang wheelchair nya kung saan sya nakaupo. Bahagya syang napangisi kahit inaantok pa sya kaya muling napakunot ang noo ko because there were traces of sadness on her face.
"Si Kristel Felgori yan. Balita ko, namatay na sya. Nakakalungkot, malaki pa man ang naitulong nya noon sa Cordial Hospital." Paliwanag nya nang makalapit sya sakin at dali dali syang napatingin sa mga polaroid pictures. Hindi ko alam kung baket punong puno ng kalungkutan ang boses ni Grandma kaya napabuntong hininga na lang ako sa hangin habang tinititigan ko ang mga larawan na nakapaskil sa maliit na lamesa.
"Pero .. sino sino naman po yung mga kasama nyang babies sa mga litrato na to ? Grandma ?" Pagtatanong ko ulit dahil hindi pa rin ako mapalagay sa kinatatayuan ko ngayon. Pakiramdam ko may mga nakakubling misteryo sa mga polaroid pictures na to lalo na't isang malaking palaisipan pa rin sakin ang pagkasawi ni Ma'am Kristel, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng mga salarin kung baket nila pinaslang ang isang respetadong doctor dito sa CordialWood Town. Damn it !!!
"Sila ba ? --- sila yung mga kinupkop ni Kristel nung panahong nagkaron ng matinding trahedya sa Cordial Hospital pero hindi nag tagal naibalik nya rin ang mga sanggol na yan sa mga totoo nilang magulang pagkatapos ng isang karumal dumal na pangyayari noon." Pagsasaad ni Grandma kaya napabalikwas na lang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko lubos maisip ang kadakilaan na ginawa ni Ma'am Kristel nung time na yon. Napakabait naman nya at naibalik pa nya ng maayos ang mga sanggol na to sa mga totoo nilang pamilya kaya wala kong magawa kundi mapangiti na lang habang pinagmamasdan ko pa rin ang mga litrato na to. "At saka apo ... hindi mo lang alam pero isa ka sa mga kinupkop at inalagaan ni Kristel nung mga panahon na yon." Tila nawala ang nakakurbang ngiti sa mukha ko at halos mapako ako sa aking kinatatayuan dahil sa huling paglalahad ni Grandma patungkol sa matinding trahedya na naganap sa Cordial Hospital. Labing anim na taon na ang nakakalipas.
Pano nangyari yon ? Pano naman ako napabilang sa mga sanggol na inalagaan ni Ma'am Kristel ? dahil sa pagkakaalam ko ay lumaki ako sa puder ni Auntie Nicole pagkasilang ko kaya hindi ko maintindihan ang mga pinapahiwatig sakin ni Grandma ngayon. Ano ba talaga ibig nyang sabihin ? Nag-uumpisa na naman manginig ang mga kalamnan ko sa katawan at muli akong napaupo sa mahabang sofa kaya napansin ko namang napatingin sakin si Grandma habang nilalamon ako ng kawalan.
"Impossible. Diba sabi nyo po kagabi ? Nakabalik na si Papa dito sa Pilipinas." Wika ko naman habang hindi pa rin ako makapaniwala kaya dali daling lumapit sakin si Grandma habang namumutawi sa mukha nito ang paghihinagpis. Naguguluhan man ako pero napatingin na lang ako sa kanya na tila ba'y nagtatanong dahil gusto ko na rin talagang malaman ang buong katotohanan sa likod ng mga kalunos lunos na pangyayari sa bayan namin.
"Kiara. Hindi mo pa nga alam. Halos mag lilimang buwan na mula nung nakabalik sya sa bayan natin kasama nya yung anak nya. Sa pagkakatanda ko, namatay rin yung napangasawa nya sa Japan kaya naisipan nyang bumalik dito sa Pilipinas." Pagpapaliwanag naman ni Grandma habang inaalala pa nya ang nakaraan nung panahong nagpapagamot pa sya sa ibang bansa pero ang nakakapagtaka lang baket hindi man lang nagpakita sakin si Papa nung umuwi sya dito sa CordialWood Town ?
"Kung ganon, may isa pa pala kong kapatid ?" I asked her a confused question because I thought that my father had committed suicide by the time I was born pero hindi ko inaakalang nasa Japan lang pala sya at inabandon nya kami ni Ate Kiana. Sa tinagal tagal ng pangungulila ko sa aking mga magulang ay para ba kong iginapos sa isang lugar na punong puno ng kasinungalingan. Lechugass !!
"Tama apo, simula nung namatay ang Mama mo sa panganganak nya sayo, hindi na sya nagpakita samin. Hindi ko lang maintindihan kung baket pinalabas pa nyang nagpakamatay sya bago sya nangibang bansa ?" Napabuntong hininga na lang si Grandma na tila ba'y nabunutan ng tinik sa lalamunan, hindi ko na rin namalayang unti unti nang umaagos ang mga luha ko sa mata kaya dali dali ko naman itong pinunasan gamit ang uniporme ko.
Ang buong akala ko ay nagpakamatay na si Papa nung panahon na yon kaya hindi ko maiwasang maluha at humagulgol dahil hindi ko maintindihan kung baket nagawa nya to samin at iniwanan nya ang dalawa nyang anak dito sa Pilipinas. Papano nya nagawa yon ? --- Nakaramdam na lang ako ng pagkamuhi sakanya dahil ilang taon rin akong nangulila sa pagmamahal ng mga magulang kaya naikuyom ko na lang ang mga kamao ko dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Alam ba to nila Ate Kiana?" Nagugulumihanan kong giit habang patuloy pa rin akong humihikbi. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Grandma kung kaya naman ibinaling ko na lang muli ang atensyon ko sa kawalan. Napalingon na lang ako sa bintana at ngayon ko lang rin napagtantong nag-uumpisa nang sumikat ang araw at tumila na ang malakas na ulan kagabi.
"I don't know but just be careful and don't separate from your friends. My Grand Daughter." Pagpapaalala sakin ni Grandma kaya napangiti na lang ako ng bahagya para mapagtakpan ko ang masidhing kalungkutan. Dali dali ko naman naramdaman ang presensya ng mga kasamahan ko kung kaya't napalingon na lang ako sa kinaroroonan nila habang nakatayo sila sa tapat ng isang kwarto.
Kinukusot kusot pa ni Spermcy ang mga mata nya habang nakasandal naman sa wall si Markus samantalang napansin ko namang napangiti sakin si Denver nang mapalingon ako sakanya kaya napatayo na lang ako sa kinauupuan ko at muli kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Naguguluhan man ako pero hindi na ko nag-dalawang isip dumiretso kung saan sila nakatayo.
"Lola. Kami na po bahala sa apo nyo, wag na po kayong mag-alala." Mahinahong sambit ni Denver kaya naibaling ko muli ang atensyon ko kay Grandma at napangiti na lang sya samin. I still feel hatred for my Dad and I don’t understand how he was able to abandoned his daughters in CordialWood Town. Gusto ko makita si Papa ngayon para makausap ko sya ng maayos at makapagpaliwanag sya sakin pero hindi ko naman alam kung ano ba talaga yung itsura ng Papa ko dahil simula nung nagkaron ako ng pag iisip ay hindi ko man lang sya nakilala o kahit nasilayan man lang. Lechugass !!!!!
THIRD PERSON'S P.O.V
Naisipan muna ng mga magkakaibigan na magsimba bago sila dumiretso sa kanilang sasakyan. Malapit lang naman ang simbahan sa apartment ng Grandma ni Kiara kaya hindi na sila nag-dalawang isip dumiretso dito para makapagdasal na rin sila sa mga possible pang mangyari sa CordialWood Town. -- Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa kawalan ang dalaga dahil damang dama pa rin nya ang pagkapoot nya sa mundong ginagalawan nito.
Pagkatapos nyang marinig ang mga inilahad ng Grandma nya ay nakaramdam na lang sya ng iba't ibang klaseng emosyon kaya patuloy pa rin nangingilid ang mga luha nya sa mata dahil hindi pa rin sya makapaniwala sa mga napagtanto nya kanina kaya naman napasinghal na lang ito na may kahalong kalungkutan habang nasa tabi naman nya si Denver.
Hindi na nya inaalintana ang mga taong nasa paligid nito kahit parami na ng parami ang mga taong nag lilisawan sa kinaroroonan nila samantalang yung iba ay mga nagdadasal naman kung saan sila naka-upo. -- Sadyang malaki talaga ang pinagbago ng mapayapang lungsod simula nung lumaganap dito ang iba't ibang klase ng krimen kaya hindi na nakakapagtaka kung baket binabalutan na rin ng matinding pangamba ang mga naninirahan sa CordialWood Town.
"Ahmmmm .. Denver. Narinig mo ba yung mga pinag usapan namin ni Grandma kanina ?" Pabulong na wika ni Kiara habang namumugto pa ang mga mata nito kaya dali daling napalingon sakanya ang mga kasamahan niya. Bahagya pang napahikab si Spermcy, bakas na bakas pa rin sa mukha nya na nabitin siya sa pagkakatulog pero napakunot-noo na lang siya nang mapatingin sya sa dalaga.
"Oo naman. Hindi kami binge, kaya nga nandito kami para matulungan ka namin sa paghahanap sa Papa mo." Nakangiting tugon ni Denver habang patuloy pa rin silang naglalakad sa loob ng simbahan na tila ba'y naghahanap sila na pupwedeng maupuan kaya napangiti na lang si Kiara ng pilit kahit durog na durog pa rin ang kalooban nito.
Dali dali naman nilang natanaw ang mga bakanteng upuan sa di kalayuan kaya hindi na sila nag atubiling dumiretso dito para makaupo na sila agad. Napatingin na lang si Kiara sa isang poon na natanaw nya sa altar kaya napayuko na lang sya dito bago sila umupo sa mga monoblock chairs.
Mataimtim syang nagdadasal habang nasa tabi naman nya si Spermcy. Nakisama na rin ito at napayuko kahit ngayon lang sya ulit nakapasok sa simbahan. --- Nangingibabaw sa kinaroroonan nila ang nakakabinging katahimikan at hindi na nila pinapansin ang mga taong nagpapalakad lakad dito dahil ang tanging nasa isip lang ni Denver ay matagpuan na nila ang Papa ni Kiara kaya naman humihingi sila ngayon ng gabay at lakas sa maykapal para hindi sila mapahamak.
Nag uumpisa na naman mangilid ang mga luha ng dalaga at pinipigilan nya ang mga luhang nagbabadya nang pumatak kaya dali dali nya itong pinunasan gamit ang kamay nya habang patuloy pa rin syang nagdadasal dito dahil punong puno na rin sya ng determinasyon para mahanap at makausap nya ng maayos ang Papa nya sa lalong madaling panahon.
"Tol teka lang samahan mo muna ko, magsi CR lang ako." Anyaya naman ni Denver sa binatang si Spermcy kaya dali dali silang napatayo sa mga kinauupuan nila habang nakayuko at mataimtim pa rin na nagdadasal si Kiara.
"Tara. Bibili lang ako ng makakain sa labas, hindi pa tayo nakakapag almusal ehh." Napatayo na lang rin si Markus sa kinauupuan nito kaya naiwang mag-isa si Kiara sa kinaroroonan nila. -- Walang ibang ginawa ang dalaga kundi humingi ng tulong sa Panginoon dahil patuloy pa rin syang nilalamon ng matinding kalungkutan at unti unti na rin syang nakakaranas ng depression.
****
Makalipas naman ang ilang sandali ay nakalabas na rin ang binatang si Denver sa cubicle habang inaantay naman sya ni Spermcy at nakasandal ito sa pader. Bakas na bakas pa rin sa mukha nya na wala pa syang gana gumawa ng mga kalokohan dahil maya't maya pa syang napapapikit at pasimpleng humihikab kaya napatingin na lang si Denver sakanya habang may malapad na ngiti sa mukha nito.
Dali dali naman umalis sa pagkakasandal si Spermcy at tinanguan nya si Denver na mistulang inaaya na nya ang binata na bumalik sa lugar kung saan sila nakaupo kanina kaya hindi na sila nag atubiling dumiretso palabas sa pintuan habang nakapamulsa naman ang binatang si Denver
"Boss, may idea ka na ba kung saan matatagpuan si Mr. Kaiden ?" Walang kabuhay buhay na tanong ni Spermcy nang makalabas sila sa CR ng mga lalake kaya naman napasinghal na lang si Denver na tila ba'y nag-iisip sa mga possible pang mangyari.
"Hindi ko pa alam pero may kutob na ko kung sino ang Papa ni Kiara." Seryosong tugon ni Denver kaya napa-igtad na lang si Spermcy at napalingon na lang sya sa direksyon ng binata. Nangingibabaw sakanila ang matinding tensyon at tila nahimasmasan si Spermcy dahil sa panukala ni Denver.
"Sino naman ?" Kunot-noong tanong ni Spermcy habang patuloy pa rin silang naglalakad sa pasilyo ng simbahan kung kaya't napatingin na lang sa altar si Denver at pilit syang ngumiti kahit labag ito sa kalooban nya.
"Wala pa kong sapat na ebidensya eh, mahirap mag salita, pero alam mo tol napakahirap pala magpanggap na masaya sa harapan ng taong mahal mo habang nakikita mo syang umiiyak. Oo nagpapanggap lang ako na masaya sa harapan ni Kiara pero ang totoo, triple na yung nararamdaman kong sakit sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan." Pagsasaad naman ni Denver na may kahalong kalungkutan at napabuntong hininga na lang ito na tila ba'y nabunutan ng tinik sa lalamunan kaya hindi na lang umimik si Spermcy habang patuloy pa rin silang naglalakad.
Napamahal na si Denver kay Kiara sa loob ng maiksing panahon kaya hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nya dahil naiipit ang dalaga sa isang komplikadong sitwasyon. Ayaw nyang dumagdag sa mga problema ni Kiara kaya mas pinili na lang nyang manahimik kaysa umamin sya dito. --- Dali dali naman nilang natanaw si Markus habang tumatakbo ito sa kinaroonan nila, napakunot na lang ang noo ni Denver na mistulang nagugulumihanan dahil nag-uumapaw ang presensya ni Markus sa pagkabalisa lalo na't nagmamadali ito makapunta sa kinaroroonan ng dalawa.
"Oh ano problema tol ?" Sambit naman ni Spermcy nang makarating si Markus sa harapan nila habang humahangos ito at nagsisimula na rin tumagaktak ang mga pawis nya sa katawan kaya nakaramdam na lang ng matinding kaba si Denver habang namimilog ang mga mata nito.
"Mga tol, pagkabalik ko sa pwesto natin bigla na lang nawala si Kiara dun. Hinalughog ko na rin ang bawat sulok ng simbahan pero hindi ko pa rin sya makita." Napabalikwas na lang ang dalawa dahil sa panukala ni Markus at ngayon lang napagtanto ni Denver na naiwan si Kiara mag-isa kung saan sila kanina nakaupo kaya bigla na lang rumehistro sa katawan ni Markus ang matinding pangamba.
"A-ano ?" Nagugulumihanan man ay hindi na sila nag-dalawang isip tumakbo pabalik kung saan nila iniwanan mag-isa ang dalaga.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super pirdi ku
01/02
0it's so good
15/06/2025
0keep doing that
02/09/2024
0Tingnan Lahat