Chapter 31

Lumipas ang isang araw ko na nasa loob lamang ako ng bahay. Lolo was asking me if Eli's okay and I answered him na okay siya.
Hanggang sa aking pagtulog, ang laman ng isip ko ay ang mga sinabi ni Eli sa akin.
I still remember his eyes while he's talking to me kanina. It's full of sincerity and longing for... I don't know.
Sa loob-loob ko gusto kong maniwala sa kanya pero hindi totoo iyon. There's no reincarnation. Oo, may nakapag-patunay na pero... nagsasabi ba sila ng totoo? I don't know.
Sa sarili ko... kahit alam ko sa sarili kong may kutob ako at may nararamdaman akong kakaiba, hindi iyon dahilan o rason para isipin kong may kakaiba ngang nangyayari sa akin... sa amin ni Eli.
Nang magising ako kinaumagahan, si lolo lang ang nasa sala. Siguro ay tulog pa si tita dahil sa pagod. I'll just bring her breakfast later.
Nanaginip nanaman ako kagabi ngunit... iba 'yon. Kumpara sa dati kong napapanaginipan... mismong ako ang nakita ko sa panaginip ko at... at si Eli. Naroon din si Eli.
~~~
Isang parang... nasa parang ako. Kay ganda dito at maaliwalas ang kapaligiran. Masarap langhapin ang sariwang hangin. Ang ganda-ganda dito!
Kanina pa ako lakad ng lakad ngunit parang walang hangganan ang dinadaanan ko. Habang tumatagal, natatakot ako. Wala man lang tao akong nakikita dito. At si tita... kanina ko pa tinatawag ang pangalan niya, kahit si lolo ngunit wala, hindi sila sumasagot.
Napatingin ako sa suot ko at nagulat ako nang makita kong iba ang suot ko. Ang pagkaka-tanda ko ay nakapang-tulog ako pero... bakit naka-baro't saya ako???
Sa pagkaka-tanda ko ay natulog ako?
Habang patagal ng patagal at palayo ng palayo ang paglalakad ko, unti-unti akong nakakakita ng mga... tao. Ibang-iba ang mga taong nakikita ko lalong-lalo na ang... suot nila. Pareho sa suot ko ngayon. May mga naka-bihis pang pang-magsasaka. May mga buhat silang mga sako na wari ko ay naglalaman ng mga palay na inani nila.
May nakasalubong akong isang babaeng matanda. "Excuse me po, lola. Ah... can you tell me po kung nasaan ako?" magalang kong tanong.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Ikaw ba ay nagmula sa marangyang pamilya? O ikaw ay galing sa ibang bansa?" naguguluhan niyang tanong.
Ako naman ay naguluhan din.
Umiling ako. "No po. Dito po ako sa Philippines ipinanganak at lumaki," inosente kong sagot.
Tinagilid niya ang kanyang muka na parang ina-analyze ang muka ko. "Ano ang iyong ngalan? Pamilyar ang muka mo sa akin," tanong niya.
Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa matanda. "I'm Stella po. Ah..." Iginala ko ang paningin ko sa kapaligiran, it looks like I'm here pa din sa probinsya ni lolo. Baka naligaw lamang ako. "Marinduque pa din po ito, 'di ba? Do you know Arlando Suarez? He's my lolo po, hindi ko po kasi alam kung paano uuwi," I said to the old woman but it looks like she can't understand me.
She narrowed her eyes on me. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo, iha. Isa pa, kilala ko lahat ng mga tao dito sa bayan namin sapagkat maliit lamang naman ito. Mukang hindi ka taga-dito."
Bumuntong-hininga ako. Bakit ba ako nakasuot din ng ganito. "Kilala po ba ninyo si Eli? Eli Baje?" I feel his surname is kilala dito, right? Feel ko lang.
Napaisip ang matanda. "Baje?" Agad akong tumango. Mukang kilala nga niya!
Nag-iba ang muka ko nang dahan-dahang umiling ang matanda. "Sino iyon? Muka talagang naliligaw ka, hayaan mo at tutulungan kita. Sa ngayon, pumunta muna tayo sa aking bahay dahil mukang malayo pa ang narating mo," saad niya.
Nagda-dalawang isip ako. Baka... baka masamang tao ito? Baka kung saan niya ako dalhin?
Umiling ako. "Ayos lang po, maglalakad-lakad na lang po ako diyan, baka sakaling mapadpad ako sa bahay ng lolo ko," sagot ko.
Ngumiti siya sa akin. "Hindi ako masamang tao, iha."
Sa huli ay sumama din ako sa matanda. Nauuhaw na din kasi ako. Hindi naman masama, 'di ba?
Inalalayan ko ang matanda dahil iika-ika ito sa paglalakad. Tanging tungkod lamang ang suporta niya. Dapat ay may wheel chair siya.
"Wala po ba kayong kasama sa bahay?" marahan kong tanong.
"May isa akong apo na kasa-kasama ko. Ang mga magulang kasi niya ay nagtrabaho sa kabilang probinsya kaya't dito siya tumira sa akin," sagot nito.
Tumango-tango ako. Bakit hindi nito samahan ang lola niya kung ganoon? Masyadong matanda na ito para pabayaan maglakad mag
"Malapit na tayo, iha," saad sa akin ng matanda.
Tumango ako sa kanya at ngumiti habang inaalalayan ko siya. "Ano nga po pala ang name ninyo?" tanong ko sa kanya.
Tumigil siya paglalakad at humarap sa akin. Nangu-ngunot ang noo niya sa akin at tinagilid ang muka niya na parang ina-analyze ang muka ko. "Ano ang iyong tinuran? Hindi ko maintindihan ang iyong lenggwahe, iha. Maaari ka bang magsalita ng tagalog upang aking maintindihan?" saad niya.
Pilit kong ina-analyze sa sarili ko ang nangyayari ngayon sa paligid ko at sa akin. Unang-una, bakit ako nakasuot ng baro't-saya, maging ang mga tao dito? Pangalawa, bakit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko? At panghuli... totoo ba ito o isang... panaginip?
"Iha..." Natauhan ako nang tawagin ako ni lola.
Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Ang ibig ko pong sabihin, ano ang iyong pangalan?" magalang kong tanong sa kanya.
Tumango-tango ito. Tila naiintindihan na niya ang tanong ko. "Estella ang aking ngalan, iha," sagot niya.
Nanlaki ang mata ko. "Talaga po? Magka-pangalan po pala tayo!" masigla kong tugon sa kanya.
Ngumiti siya sa akin."Kay ganda mong bata. May nobyo ka na ba, iha? Wari ko ay bagay sa iyo ang aking apo," nakangiti niyang sabi sa akin.
Biro akong tumawa sa kanya. "Naku lola, mukang hindi papasa sa akin ang iyong apo. Sa palagay ko ay hindi siya responsable. Tingnan naman po ninyo, pinapabayaan kayo na mag-lakad mag-isa?" saad ko kay lola.
Tumawa ng mahina ang matanda. "Makikita mo kung gaano ka-bait ang aking apo. Nandito na tayo." Tumigil si lola sa paglalakad. Isang bahay kubo at mukang masarap matulog sa ganitong tirahan.
Tumingin sa akin ang lola. "Pasok ka," yaya niya sa akin. Muli ko siyang inalalayan papasok sa bahay.
"Apo!" tawag ni lola. Muka naman yatang wala tao dito eh. Ang tahimik.
Napatigil ako sa paglakad nang makita kong may lumabas sa isang kwarto.
"E-Eli?" gulat kong tawag.
OMG! So nandito pa din ako? Hindi ako nawawala?
Tumingin ako kay Eli at nakapang-magsasaka din siya ng suot. Anong trip ng lalaking 'to?
Kumunot ang noo ni Eli sa akin. "A-ako?" naguguluhan niyang tanong.
Tumango ako ng mabilis. Lumapit ako sa kanya. Alam kong may tampuhan pa kami ngayon niya pero I need his help.
Hinawakan ko ang braso niya. "Where are we?" tanong ko sa kanya.
Unti-unti niyang tinanggal ang pagkaka-hawak ko sa braso niya. Muka nga siyang nagulat sa ginawa ko. Ah! Dahil baka na-surprise siya na okay na ulit kami. Kanina lang kasi ay pinag-sungitan ko siya. Paano ba naman kasi kung ano-anong pinagsasabi nitong lalaking 'to!
"Ah... binibini? Ano ang iyong sinasabi? Hindi ko maintindihan." Tumingin siya sa lola. "Lola, sino po siya?" nagtatakang tanong ni Eli.
Doon kumunot ang noo ko. Anong sino ako? "Eli? I know na galit ako sa'yo pero okay na tayo, I swear. I know na ikaw din naman may kasalanan dahil you kissed me, right? Sino naman ajg hindi magagalit doon? But now, okay na tayo so don't fool me. Kilala mo ako, Eli," mahabang paliwanag ko sa kanya.
Ang muka pa din niya ay mukang naguguluhan. Lumayo siya ng konti sa akin. "Binibini... paumahin ngunit hindi talaga kita kilala. Isa pa ay masyado kang malapit sa akin, baka ako ay mapagkamalan na ikaw ay aking binabastos." Napapansin ko din na kapag nagsasalita siya ay nakatingin siya sa baba. Ni isang segundo ay hindi niya man lang tiningnan ang mata ko. Ganoon na ba siya hiyang-hiya sa akin? Napatawad ko na nga siya, 'di ba?
Hindi ako nakinig sa sinabi niya. "What's your problem ba? I assure you na we're okay na. I already forgave you, I promise!" I assured him.
"Iha..." tawag sa akin ni lola. Lumapit siya sa amin.
Itinagilid niya ang kanyang muka habang tinitingnan ako. "Hindi namin maintindihan ang iyong tinuturan at isa pa, hindi Eli ang ngalan ng aking apo. Lucas... Lucas ang kanyang pangalan," saad ni lola.
Doon parang tumigil ang mundo ko.
L-Lucas?...
Unti-unti kong naa-analyze ang mga nangyayari.
Ako na naka-baro't saya. Ang mga nakapaligid sa akin ay puro makaluma ang mga kasuotan... si Eli na... hindi ako kilala.
Umiling-iling ako. I really don't know what's happening. "W-wait! Totoo ba 'to?" tanong ko sa sarili ko.
Unti-unti akong tumingin sa gawi ni Eli pero hindi daw ito siya. Pinaka-titigan ko ang muka niya. Kuhang-kuha niya ang features ni Eli, maging ang tindig nito at ang boses kaya imposibleng... hindi siya ito.
"S-sino ka kung ganoon?" nauutal kong tanong.
Ngumiti siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Sa ngiti niya ay gayang-gaya kay Eli. "Ako nga pala si Lucas, binibini," pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Lucas... pilit kong inaalala kung saan ko napakinggan ang pangalan na iyon.
"Ngayon na kayo ay nagkakilala na. Halika iha, gusto mo muna na uminom?" singit ni lola.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Oh Lucas, kuhanan mo ng tubig na maiinom ang bisita," utos niya sa lalaki.
Kahit na naguguluhan pa din ako at pilit na iniintindi ang nangyayari sa akin ngayon, nagawa ko pa ding umakto ng maayos.
Umupo ako sa may upuan nila. Gawa ito sa kahoy at mukang matibay.
"Iha, ayusin mo ang iyong upo. Ang binibini ay hindi ganyan ang upo, umayos ka ng naayon," saway ni lola.
Napalunok ako dahil sa kaba. Mukang nagalit siya sa akin. "Sorry po," nahihiya kong saad.
Maya-maya lang ay dumating si Eli este si Lucas.
Tumingin ako sa kanya nang ilapag niya ang baso sa tapat ko pero hindi lan lang niya ako tiningnan man lang ulit.
Napa-irap na lamang ako at ininom ang tubig.
"Lola, maaari ba akong pumunta kay na Hiraya?" biglang tanong nito.
Napa-ubo ako kaya't na-iluwa ko ang tubig na iniinom ko. Shet Stella! Nakakahiya ka!
Hiraya?
Lucas?
"Mayroon pa tayong bisita, Lucas," sagot ni lola.
Napa-kagat ako sa labi ko dahil napa-tingin si Eli-Lucas sa akin.
"Sino po ba siya, lola? Malungkot po ngayon si Hiraya kaya't pupuntahan ko po siya," sagot nito.
Aba! Grabe 'tong lalaking 'to! Sino daw ako?!
"Mahal na mahal mo si Hiraya talaga, apo. Napaka-swerte niya dahil inibig siya ng isang lalaking katulad mo." Nakangiti ang lola habang sinasabi niya ito sa kanyang apo.
Hindi ko maintindihan ngunit kay bilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang pinapa-hiwatig nito.
Tumingin ako kay Eli... Lucas pala. Ang kanyang mga mata na paborito kong pagmasdan... ganoon na ganoon kay Eli.
Imposibleng hindi ito si Eli.
Ngunit... sino si Hiraya?
"Aalis na po ako, lola." Nagulat ako nang tumingin siya bigla sa akin. "Alalahanin mo siya... ako," makahulugan niyang sabi sa akin.
Doon parang unti-unting nanlabo ang paningin ko unti-unting nag-liwanag ng sobra kaya't napa-pikit ako.
   
                               ~~~
"Stella!" rinig kong tawag sa akin. Unti-unti akong nag-mulat ng mata at nakita ko si tita.
Agad akong napa-bangon at tiningnan ko ang suot ko. Naka-pantulog na ako! So ibig sabihin, panaginip nanaman iyon?
Ngunit... ang panaginip na iyon ay kakaiba at mukan totoo. Isa pa, naroon si Eli.
"Kakain na sa baba. Nandiyan din si Eli. Mukang magka-galit kayo?" tanong ni tita.
Umiling ako sa kanya. "No tita. We're good na. Maliligo lang po ako and them bababa na," saad ko kay tita.
Tumango siya and she kiss my forehead. "Okay." Matapos no'n ay lumabas na siya mg kwarto.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba dahil sa gutom. Grabe! Gutom na gutom ako.
Pagkadating ko sa dining area ay naroon silang tatlo at mukang ako na lang ang hinihintay.
Pumunta ako kay lolo at humalik sa pisngi matapos no'n ay umupo ako sa may harapan niya.
Tahimik lang kaming kumain. Minsan ay nararamdaman ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin kaya't nao-awkward akong kumain. Pilyo talaga 'tong lalaking ito.
Sila lolo at tita lang ang nag-uusap hanggang sa matapos ang kainan.
Matapos kong ligpitin ang mga pinag-kainan ay nagpa-hangin ako sa may veranda. Iniisip ko pa din hamggang ngayon ang panaginip na iyon.
"Alalahanin mo siya... ako."
Iyon ang tumatak sa isip ko. Anong ibig niyang sabihin?
Biglang pumasok naman sa isip ko ang mga sinabi din sa akin ni Eli nang pumunta ako sa bahay nila.
"I'll wait until you remember everything."
Ano ang mga iyon?
"Stella." Napa-baling ako sa aking likod nang may tumawag sa akin.
Si Eli.
Tumayo din siya malapit sa tabi ko at tumingin sa kalayuan.
"Eli..." tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "Yes?" malambing niyang sagot.
"You were in my dream," saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Komento sa Aklat (182)

  • avatar
    Jlian Ray Lingatong

    goods

    10/04/2025

      0
  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    16/03/2024

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    09/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata