Epilogue

Ilang araw ang lumipas at libing na ngayon ni Fred. We were so heartbroken today and can't accept how fast the day was. Sobrang bilis ng panahon. Noon lang, nagtatawanan, nag-aawayan, nagkukulitan... ngunit ngayon, kay hirap tanggapin na wala na ang isa naming kaibigan.
Umuwi lahat ng kaibigan namin para makipag-libing.
Dinadamayan namin si Ella ngayon. Siya ang pinaka-nasasaktan kaya't kailangan na kailangan niya kami.
"Hush. We know na masaya na siya doon, Ella," saad ni Acel.
"We know it is hard to accept but all we can do is to be happy for him dahil na siya nahihirapan. Alam kong mahirap pero dapat kayanin mo, Ella," saad naman ni Claire.
Tumango ako. I'm thankful na talagang umuwi sila para dito. Naging kaibigan din naman nila si Fred noong naging kami. And they were also hurt when they knew it.
"Hug?" saad ni Carl.
I smiled and hugged all of them.
I missed them also so much. The bond we had when we were still in college. Grabe, I always need them talaga in my life. We always need each other's arms.
Nag-iiyakan na ang lahat nang ilalagay na ang kabaong ni Fred. I held tita's hand when she's about to passed out.
I caressed her back to comfort her.
Isa-isa kaming naglagay ng bulaklak sa coffin ni Fred.
"Thank you for everything. I know you're in peace right now. You made me happy and I am so thankful on you. Hinding-hindi kita makakalimutan, Fred. God knows how much I loved you as my friend. Please guide your mom, she needs your hugs and kisses. Iparamdam mo sa kanya na palagi ka lang nasa kanyang tabi at hinding-hindi mo siya pababayaan kahit wala ka na sa amin. I will miss you," bulong ko bago ko itapon ang bulaklak.
I was about to hug tita because she's really crying but someone grabbed my hand at itinulak ako bigla.
Biglang sumigaw ang mga taong nakakita. Napaupo ako sa lupa dahil sa lakas ng impact ng pagkakatulak sa akin.
"The heck?" sigaw ni tita.
Agad lumapit sa akin si Eli upang alalayan akong tumayo.
"Are you okay?" bulong niya. Tumango naman ako sa kanya.
Lumapit din ang mga kaibigan ko sa akin.
Naglakad si Ella bigla papunta sa direksyon ni Cindy.
Cindy was the one who pushed me.
"What the f*ck are you doing, huh? Baliw na baliw ka na ba?" seryosong saad ni Ella.
Galit na galit ito dahil kita sa mata nito.
Cindy laughed sarcastically. "You should ask yourself that freakin' question. What the f*ck are you doing? Talagang kinakalaban mo na ako, huh? Akala ko ba ay ayos na tayo? Nagmakaawa ka pa nga sa akin na huwag patayin ang mga magulang mo."
Kumunot ang noo ko. The heck? Don't she realize na maraming taong nakakapakinig ngayon sa kanya?
"Who the heck is that?" tanong ni Carl sa akin.
Hahakbang sana ako papunta kay na Ella ngunit pinigilan ako ni Eli.
At dahil ako ito, pumunta pa din ako.
"Ella, it's okay," saad ko kay Ella.
Her jaw clenched while looking at Cindy. "Hindi ka ba napapagod, Cindy? Para ka lang baliw sa totoo lang. Pati ba naman dito? Wala naman akong ginagawa sa iyo. Pwede bang i-lugar mo ang pagiging baliw mo?" seryoso kong saad sa kanya.
Masama ang tingin niya sa akin.
Maya-maya ay biglang puma-gitna sa amin si tita.
"Pwede bang huwag kayong mag-away dito? Kung gusto ninyong magpatayan ay huwag dito sa libing ng anak ko! Please! Please respect us!" sigaw ni tita.
"Go!" sigaw ni Cindy sa akin.
Umawang ang labi ko nang bigla niya akong sigawan.
"Ang kapal naman ng muka mo--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang sampalin ako ni tita.
Hinawakan ko ang pisngi ko, halos hindi ko maramdaman ang sakit dahil sa bigla nito.
Agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at si Eli.
"Tita?" gulat kong tanong.
I looked at her. Through her eyes, I can see how she's in pain. Gamit ang mga mata niya, ipinaparating niya sa akin na she felt sorry and what she did. Na napilitan lamang siya.
"Umalis ka na," mahinang saad ni tita.
Unti-unting tumulo ang luha ko.
Ngunit dahan-dahan din akong tumango sa kanya.
Siguro upang hindi siya mapahamak ay ginawa niya iyon sa akin. Naiintindihan ko.
I walked away after that. Sumunod din sa akin ang mga kaibigan ko at si Eli maliban kay Ella. Nagtago lamang kami sa isang malaking puno upang masilayan pa din namin si Fred kahit malayo.
Natapos ang lahat at unti-unting nawala ang mga tao.
Nang sigurado naming wala na talagang bantay or kahit ano, pumunta kaming muli doon.
They said goodbye at Fred.
"Stella, let's go?" saad ni Acel.
I looked at them. "Una na kayo, susunod ako," mahina kong tugon.
"Are you sure?" saad ni Claire.
Ngumiti ako at tumango sa kanila. "Yes."
"Eli, ikaw na muna ang bahala kay Stella, okay? Pupunta kami mamaya sa bahay ninyo," saad naman ni Carl.
After that, umalis na ang tatlo. Kaming dalawa na lang ni Eli ang natira. We were both quiet for a while.
"He's really a good person. Ang dami-dami naming memories together with Ella. Ang dami-dami niyang itinuro sa akin. Basta siya... siya lahat," saad ko.
Eli sighed beside me. "How come you didn't end up together," mahina niyang saad.
Doon ako tumingin sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ngunit hindi siya nag-abalang tumingin pabalik sa akin.
Seryoso lamang siya. "What are you saying? I mean... I don't get it why are you saying that right now," natatawa kong saad sa kanya na may halong sakit.
Then, he looked directly at my eyes. "You deserve Fred, Stella."
Doon unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.
My jaw clenched and looked away at him. "Paano mo nasasabi ngayon 'yan? Wala na si Fred, Eli. Oo, minahal ko siya pero bakit parang may pinapahawatig ka ngayon sa akin? B-bakit parang ayaw mo na s-sa akin?" nauutal kong tanong sa kanya.
He smiled brightly at me as if he's not hurting me right now. "Paano kung sabihin kong... hindi na kita mahal? P-paano kung... kung sumuko na ako sa iyo?" mahina niyang saad.
Kumunot ang noo ko. "Then why are you here beside me? Bakit mo ba sinasabi lahat ng ito ngayon? Dahil ba nagbigay sa akin si Cindy ng ilang araw upang patayin niya ako? Ano? Wala akong pakialam, Eli. Bakit mo sinasabi ito sa akin ngayon? Huwag mong sabihing..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa kanya.
Lalapit sana siya sa akin ngunit umatras ako. Unti-unting tumulo muli ang mga luha sa mata ko. "A-anong gagawin mo, ha? Eli, may plano tayo. Marami sila oo, pero..."
Humakbang siya ng malaki papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ko na muling hahayaan na isakripisyo mo ang iyong buhay ng dahil sa akin. Hindi ko na muling hahayaan ang sarili kong iparamdam sa iyo na mahal kita sapagkat sa huli... ikaw lamang ang mapapahamak. So please... please leave here today. I book you a ticket and nakahanda na ang lahat. All you can do is to leave here as soon as possible. Ako na ang bahala sa lahat, Stella."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sa tingin mo susundin kita? Hinding-hindi ako papayag, Elijah. So please, huwag kang mag-desisyon na ikaw lamang. Kung sino ang dapat umalis dito hindi ako, ikaw dapat, Eli. Kaya ko ang sarili ko. Kung ayaw mo na sa akin... you can go back on your life when you didn't meet me yet. I am thankful for all your help. At kung... kung nandito ka lang sa tabi ko dahil... dahil naaalala mo lang si Hiraya sa akin o dahil ako si Hiraya.... huwag na. Gusto kong kalimutan na ang lahat ng iyon. Ayaw kong maalala na ang buhay ko noon kung totoo man talaga ito."
His eyes looks tired. "Hindi... hindi ako nag-stay sa'yo dahil si Hiraya ka lang. Minahal kita dahil si Stella ka. Pero ako? Hindi mo naman ako minahal, hindi ba? Stella, ayos lamang sa akin na hindi mo ako minahal dahil sanay na ako. Noon... noon pa man, hindi mo ako magawang mahalin sapagkat alam kong may iba kang iniibig. Mahal mo pa din si Fred at ayos lamang sa akin iyon. Ngunit sana... sana sa oras na tapos mo na siyang mahalin... makahanap ka sana ng isa pang taong handa kang mahalin kahit sa pinaka-mahirap mong buhay. Alam kong makakahanap ka din ng ganoon, Stella."
Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo? Mahal mo ako, hindi ba? Bakit hindi sarili mo ang sabihin mo sa akin? Bakit? Hindi mo ba ako kayang hintayin?" natatawa kong saad.
Ngumiti siya ng bahagya. "Kung iyan ang iniisip mo, oo. Oo, hindi na kita kayang hintayin pa, Stella. May mga bagay na kailangan nating tanggapin. Baka talagang pinagtagpo lang tayo at hindi itinadhana, Stella," mahina nitong tugon.
I looked away. "Kung ganoon, tapusin na natin ito ngayon. Huwag ka na lalapit muli sa akin. Tanggalin na natin lahat ng koneksyon na mayroon tayong dalawa," seryoso kong saad.
"Stella, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin--"
Itinaas ko ang kamay ko upang patigilin siya. "Tama na. Aalis na ako. Excuse me," mahina kong saad.
Humakbang ako at nilampasan na siya.
Pilit pa din niya akong tinatawag ngunit pilit kong sinasabi sa sarili ko na huwag tumingin sa kanya.
Alam kong sa oras na humarap ako sa kanya, susuko ako sa kanya. Pipilitin ko siya na huwag akong pakawalan... na huwag niya akong iwan.
"Stella!" Parang biglang tumigil ang mundo ko nang biglang may maramdaman ako sa aking braso.
Putok ng baril ang napakinggan ko at tumama ito sa may braso ko.
Daplis lang ito ngunit sobrang sakit.
Unti-unti kong hinawakan ang braso na natamaan. Tiningnan ko ang kamay ko at puro dugo ito.
Then suddenly, Eli was in front of me. Sobra ang pag-aalala niya sa akin dahil kitang-kita ko ito sa kanyang mga mata.
"Eli..." nanghihina kong tawag sa kanya.
"What the fuck!" sigaw niya at tumingin sa paligid.
"Eli..." mahina ko muling tawag.
Nagulat ako nang biglang hatakin ako ni Eli at yakapin ako.
Hindi ko naintindihan saglit kung bakit ngunit... kaya pala niya ginawa iyon ay upang protektahan ako sa mga bala na tatama sana sa akin.
Eli and I was just looking at each other as he catch those bullets. Sa sobrang dami no'n ay hindi ko mapakinggan pa ang tunog ng baril.
"Eli!" umiiyak na saad ko.
But then, he just smiled at me like he's not hurting.
"Eli!" sigaw kong muli.
Napaluhod si Eli sa lupa kaya napaluhod din ako.
Ngunit unti-unti din siyang bumagsak sa lupa.
Hindi ako agad makagalaw habang nakatingin ako sa kalagayan ni Eli. Halos buong katawan niya ay may dugo.
Nanginginig ako habang hinahawakan at tinitingnan ang buong katawan ni Eli na puro dugo.
"Eli!" sigaw ko habang yakap-yakap siya.
Gumalaw ang kanyang daliri. "Eli!" nag-pa-panic kong tawag sa kanya.
"M-mahal k-kita..." nanghihina niyang saad.
Umiling ako nang umiling. "Hush. Please, don't talk. Tatawag ako ng ambulansya--"
I was about to stand up when someone grabbed my hair.
"At bakit mo pa siya ililigtas, ha? Hindi naman talaga kasama ang lalaking iyan ngunit ang sabi sa akin ni daddy ay may alam pala ang lalaking iyan. Kaya... sorry sa kanya. Hmm... sorry, ah? Wala din kayong happy ending gaya namin ni Fred." She laughed.
Labis na ang sakit ng braso ko. "F*ck you!" Dinuraan ko siya.
Agad siyang napalayo sa akin. Diring-diri siya sa ginawa ko sa kanya.
Ngunit agad din siyang lumapit sa akin. Hinigit niya ang brasong may tama ng bala kaya napa-sigaw ako sa sakit.
"B-bitiwan mo a-ako," nanghihina kong saad.
She laughed. "Oh? Bakit ngayon naman ay ganiyan ka na? Ang angas mo kanina, hindi ba?" tumatawang saad niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "P-please... kahit pakawalan mo na lang si Eli. I-iligtas mo siya..." mahina kong pakiusap sa kanya. Tumingin ako kay Eli at parang hindi na ito gumagalaw.
She laughed sarcastically. "Ngayon naman ay nakikiusap ka sa akin? Ano ang next, ha?"
Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang kalagayan ni Eli. He badly needs first aid right now.
Pinisil muli ni Cindy and sugat sa braso ko kaya napa-sigaw muli ako.
Tawa lamang siya nang tawa habang ginagawa ito sa akin. Ang daming dugong lumalabas na dito.
She was about to talk again when we heard gun shot from afar.
Agad nag-panic si Cindy at tinawag ang mga tauhan niya.
Kahit nanghihina ay nakatingin pa din ako kay Eli. Kailangang huwag akong matulog upang tingnan ang kalagayan ni Eli hanggang sa maging ligtas siya.
"Eli..." mahina kong tawag dito.
"May mga pulis, ma'am!" nag-pa-panic na saad ng isa sa mga tauhan niya.
"What the! Hindi kayo nagbabantay!"
Tumingin siya saglit sa akin at tinutukan ako ng baril sa noo. "You should be thankful," saad nito sabay takbo sa kung saan.
Napaluhod ako nang mawala silang lahat. Doon pa lamang dumating ang mga pulis. May dala din itong ambulansya.
Agad silang lumapit sa akin ngunit ang itinuro ko ay si Eli.
"I'm okay," nanghihina kong saad sa kanila.
Agad silang lumapit kay Eli at tiningnan ang kalagayan nito.
Agad nilang isinakay ito sa stretcher.
Inalalayan naman ako ng ibang pulis. Sinabi ko sa kanilang doon ako sasakay kung nasaan si Eli.
Habang umaandar ang sasakyan ay nakatingin lamang ako kay Eli na ginagamot na ng mga nurse na kasama namin.
"Miss, kailangan ka din na magamot," saad sa akin ng isang nurse.
Umiling ako. "I'm okay," saad ko kahit ang daming dugo na nawala sa akin.
Pilit na ni-re-revive si Eli ngayon.
"What are you doing? Anong nangyayari? Please tell me po. What is happening?" sunod-sunod kong tanong.
"He's critical right now! He lost blood too much," nag-pa-panic na sagot nila sa akin.
Habang may mga sinasabi sila, unti-unting lumalabo ang mga mata ko.
"Miss?" rinig ko pang tawag sa akin ng isang nurse.
Humawak ako sa aking ulo dahil nalulula na ako.
Then suddenly, my vision gradually darkened and I did not know what happened next.
                     ~~~
"Hiraya, maraming salamat sapagkat dumating ka. Ang akala ko ay nagbago na ang iyong desisyon. Pangako ko na po-protektahan kita sa lahat. Mamahalin kita ng buo kong puso," saad ni Easton.
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Halika na bago pa may makakita sa atin," mahina kong sabi.
Ngumiti siya at tumango. "Oo naman, halika na."
Nakaka-ilang hakbang pa lamang kami nang biglang may marinig kaming putok ng baril mula sa hindi kalayuan.
Agad kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
Si Lucas...
Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang putok ng baril na iyon.
"Umalis na tayo, Hiraya," seryosong saad sa akin ni Easton.
Umiling ako. "Si Lucas... doon ko siya iniwan, Easton. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya," kinakabahan kong saad.
Hinawakan ni Easton ang aking kamay upang umalis na kami.
Ngunit binawi ko agad ito.
Tumingin ako sa kanya at umiling. "Paumanhin ngunit... iba ang aking kutob," saad ko sabay takbo papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang putok ng baril.
Hinawakan ko ang aking saya dahil ilang beses na akong nadapa dahil doon.
"Hiraya!" tawag ni Easton.
Iyon pala ay nakasunod siya sa akin at tumatakbo din.
"Mapapahamak ka, hayaan na lang natin siya doon," sigaw niya.
Hindi ako nakinig sa kanya at pilit na binilisang tumakbo.
"Magsasalita ka o hindi!" rinig kong sigaw mula doon.
Tumigil ako nang makita ko na kung sino ito.
Ang... ang ama ni Easton ang may hawak ng baril.
Tumingin ako sa kung sino ang tinututukan ng baril nito.
Nagulat ako nang makitang si Lucas iyon. Tumingin ako sa kanyang buong katawan at wala namang dugo ito. Wala siyang tama ng baril.
Matalim na nakatingin si Lucas sa ama ni Easton. "Wala akong sasabihin sa iyo. Kahit patayin mo man ako dito ngayon, hinding-hindi ako magsasalita. Kaya sila umalis sapagkat dahil sa iyo. Mabait at mapagmahal si Hiraya, walang problema sa kanya kaya't bakit ayaw mo sa kanya para kay Easton?" saad ni Lucas.
Tumawa ang matanda. "Mahirap lamang siya. Iyon ang problema! Kaya ngayon, ito na ang huli mong pagkakataon. Tatanungin muli kita--"
"Hindi ako magsasalita!" sigaw ni Lucas.
Lumayo ng konti ang matanda at itinutok ang baril sa ulo ni Lucas.
Nanlaki ang mata ko.
"Paalam," tuamtawang ani ng matanda.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa harap ni Lucas upang huwag siyang tablan ng bala ng baril.
"Hiraya," tawag ni Lucas habang magka-harap kaming dalawa.
Unti-unti kong naramdaman ang bala ng baril sa aking katawan.
"Lucas..." mahina kong tawag sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya habang sinasalo ang mga balang pinuputok.
"Ama!" rinig kong tawag ni Easton sa kanyang ama.
"M-mahal kita," nanghihina kong saad.
"Ama, tama na!" sigaw ni Easton.
Hinawakan ako ni Lucas at siya naman ang nasa harapan ko na ngayon.
Nag-aagawan si Easton at ang ama nito.
Pumutok ang baril sa direksyon naming dalawa ni Lucas.
Iniiwas ako ni Lucas sa bala at sa kanya naman tumama ito.
Ngunit nagulat ako nang sa dibdib ito tumama.
Pareho kaming humandusay sa lupa. Nakatingin kaming dalawa habang nanghihina.
Pilit naming inaabot ang aming kamay.
Ngunit dahil sa dami ng balang tumama sa akin, bigla na lamang akong nawalan ng malay.
At iyon na ang katapusan ng aking buhay.
~~~
He told me that he will never leave me again. He told me that he will make me fall in love on him.
Ngunit nasaan na siya ngayon... iniwan na niya ako.
I am here at the church right now. I thought I can walk at aisle someday with the man I love the most.
Si Eli... si Eli ang gusto kong makitang naghihintay sa dulo at wala ng iba pa.
Ngunit hindi na... hindi na mangyayari iyon.
After that incident, her mom was so mad at me. Ni hindi ko nga nasilayan siya after that. Dinala niya ang katawan ni Eli sa US.
I don't even know what really happened after that dahil ilang araw akong walang malay.
Si Cindy naman ay nakulong at ang dad din niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko noon.
Ngunit isang araw... nabalitaan ko na lamang na wala na siya. Na iniwan na din niya ako.
Ang tagal na din the last time I went here at the church.
He told me that we will come here together because he said he always go to church.
Ang sabi niya ay sasama niya akong libutin ang buong Pilipinas at bisitahin ang iba't-ibang simbahan.
Ngunit... bakit ako na lamang ang bumibisita ngayon? Bakit wala siya? Bakit hinayaan niyang mag-isa lang ako dito?
Tumingin ako dulo ng simbahan. Walang tao ngayon dito.
Ngunit habang naglalakad ako papalapit doon, may naaaninaw akong isang tao.
Nakatingin ito sa akin.
Habang papalapit ako, nagiging pamilyar ang muka nito sa akin.
Unti-unting luminaw ang kanyang muka.
Napatigil ako sa paglalakad nang humakbang ito bigla.
Nabitawan ko din ang hawak kong bag.
"E-eli..." naiiyak kong tawag.
Nakangiti ito sa akin.
Humakbang ito papalapit sa akin. Nananaginip ba ako? Ilang taon na ang lumipas at hindi pwedeng totoong nangyayari ito ngayon.
"Nananaginip ba ako?" bulong ko sa sarili.
Nang makalapit ito sa akin ay bigla niya akong niyakap. "I'm sorry for making you wait. I will not leave you again. I love you so much."
THE END.

Komento sa Aklat (182)

  • avatar
    Jlian Ray Lingatong

    goods

    10/04/2025

      0
  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    16/03/2024

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    09/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo