logo text

CHAPTER FORTY-NINE

"Kuya Edmon 'wag ka nang mandamay pa ng ibang tao!" sigaw nanaman ni Annie.
Hindi ko maintindihan kung bakit pilit pa niyang kinakausap ang lalaking ito na nababaliw na dahil lang sa pagkaganid sa yaman at kapangyarihan.
"Edmon alam mo bang lalo mo lang dinadagdagan ang mga kasalanan mo." sabi naman ni Dhino.
"Bakit kung susuko ba ako ngayon! Mapapawalang sala ba ako!?" Nanlalaki ang mga matang sagot nito kay Dhino.
"Dhino ang mabuti pa ay lumayo kayo! Baka kayo ang maputukan ng baril niya!" tawag ko kay Dhino na gusto pang lapitan at sundan si Edmon. Ako naman ay mabilis na lumapit kay Annie. Hinatak ko siya upang hindi siya mapahamak.
"Kuya!" sigaw pang muli ni Annie.
At sa pag-aalala kong mataamaan siya ng bala ng baril ay agad ko s'yang niyakap. Lahat kami ay nabigla sa malakas na putok ng baril na narinig namin. Kami ni Annie ay napadapa. Nasa ilalim ko siya at pinilit kong ikubli sa aking katawan upang ma protektahan ko lang siya. Samantalang ang mga dodyguards ko naman ang pumoprotekta sa akin.
Nagkakagulo na ang lahat nang tao sa buong building. At ang ibapang mga empleyado at mga tao roon ay kanya-kanyang tago at takbuhan. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Naroon lang kami ni Annie sa gitna ng hallway kung saan nakita ko naman si Edmon na tumatakbpong patakas.
Mabuti na lang at narinig ko ang tunog ng sirena ng mga pulis na pinatawagan ko sa isa sa mga tauhan ko. Mabuti na lang at na plano ko ang lahat na sandaling may kaguluhan ay agad na dapat may tumawag ng mga pulis.
Nakita ko ang mga pulis at mga tauhan kong humabol sa kanya. Sana'y mahuli nila si Edmon!
"Tulungan niyo ako parang awa niyo na!" narinig kong sigaw ng bababeng kanina ay hawak-hawak ni Edmon.
Agad kong sinenyasan ang mga tauhan ko na tulungan ang babaeng empleyado na nabaril ni Edmon. Samantalang nakita ko si Annie na wala nang malay.
"Tito! Okay lang po ba kayo!?" sigaw naman ni Carol mula sa di kalayuaan. Kasama pala ito ni Annie na dumating dito sa building.
"Bakit pa kasi kayo nagpunta rito!? Diba sabi ko 'wag mo siya hayaang makarating dito!" sigaw ko kay Carol, ayaw ko naman siyang sisihin pero halos naghihisterikal na rin ako ng mga oras na ito.
"Dave," tawag din naman ni Dhino. Kasunod nito sina Shiemen at ang Mama nila.
"Sir, nakahanda napo ang kotse sa labas!" malakas na sabi ni Alvin sa akin. Binuhat ko na kaagad si Annie na noo'y nawalan na nang malay.
"All of you! Guide them! Ako na bahala kina Sir," sabi naman ni Alvin sa iba pa niyang mga kasamahang bodyguard na nag-alalay naman sa pamilya ni Annie.
Samantalang ako ay mabilis na tumakbo para mababa ko na agad si Annie. Sa parking lot kami nagtungo at tamang-tama naman na sinalubong agad ako ng kotse ko sakay si Charels. Isa sa mga special forces ko.
"Mabuti at nandito ka!" sabi ko na humahanagos na isinakay si Annie ng maayos bago ako sumakay ng kotse.
"Lets go back to the Hospital..." humahangos pa rin ako habang napasandal na sa sandalan ng upuan ng kotse.
Hinawakan na ko ang kamay ni Annie at pinulsuhan ko ito. Nakahinga naman ako nang maayos ng madama ko pa rin ang pulso nito, kahit walang malay.
Hindi ko na inintindi ang naiwang share holders meeting. Dahil alam ko naman na si Atty. Enriquez na lang ang bahala sa lahat. Habang nasa byahe pa kamai ay nag-ring naman ang cellphone ko.
"Hello! Raymon?" sabi ko ng mapindot ko na ang cellphone ko.
"Hello! Dave! Alaam mo ba kung nasaan si Annie!?" tanong nito na tila nag-aalala.
"Yes! She's here at my side. Why!?" Hinawakan kong muli ang mga palad nito.
" Ah, mabuti naman kasi, sabi ng doktor na tumingin sa kanya ay hindi siya pwedeng mapagod ng husto, buntis siya. Kailangan niya nang pahinga. Bumalik kayo dito para matingnan naman siya ng O.B" sabi ni Raymon sa kabilang linya.
"Okay malapit na kami riyan sa hospital." sagot ko lang sa kanya.
Agad akong napatingin kay Annie pagkababa ko sa cellphone ko. Sa sobrang pag-aalala ko kanina ay halos para na'kong mamatay. But this girl turn in to became a woman. Hindi na siya yung dating Annie, six years ago. Yung batang Annie na walang muwang at inosente sa mga bagay-bagay.
Hindi ko man maamin pero may takot sa puso ko na baka dumating yung time na marealize niya na hindi pala ako ang mahal niya. Sana naman ay hindi iyon mangyari. Lalo pa't magkakaanak na kami. Mahal na mahal ko si Annie, sana huwag dumating yong time na hindi ko na siya ma protektahan.
Paano na lang kanina kung wala ako? Sino na lang ang magtatangol sa'yo? Please Annie matuto ka naman sanang mag-ingat. Minsan kasi lumalabas ang katapangan mo at hindi mo na naiisip ang sarili mo.
Kaya naman lalo ko pang dapat na mahuli na si Edmon. Dahil alam kong si Edmon lang ang taong magtatangkang manakit kay Annie. Kaya dapat ko na siyang ipahuli sa batas at mapagbayaran na niya ang mga kasamaan niya. At kapag nakulong siya sisiguraduhin ko na doon na siya babawian ng buhay!
Ilang sandal pa ay nasa Santivaniez Hospital na kami at agad ko nang binuhat si Annie para dalin uli sa silid na pinatulugan ko sa kanya. Isa yong pribadong silid na pwede naming pag-stay-yan ni Annie. Halos pagtinginan kami ng mga tao sa lahat ng pasilyong dinaanan naming. Buhat-buhat ko si Annie na para kaming ikakasal samantalang wala pa siyang malay.
Sinalubong naman kaagad kami ni Raymon. Ang Head doctor ng buong Hospital.
"Pards! Anong nangyari sa kanya?" tanong nito sa akin.
"Please call the ob gyne," ,mahina kong sabi kay Raymond.
"Okay, sige papupuntahin ko kaagad sa room niyo." sabi ni Raymond na hindi na sumunod sa paglalakd ko.
Hindi ko na rin siya nilingon dahil sa nagmamadali akong mailagay si Annie sa kanyang kama.
Pagpasok ko doon ay naroon ang ilang nurse na nag-aayos ng bed ni Annie. Agad ko siyang hiniga sa kanyang kama. Agad din namang dumating ang doktor na tumingin sa kanya kahapon, kasunod din nito ang ob gyne na titingin kay Annie.
Pinaalis muna nila ako sa loob ng room kaya naman naupo muna ako sa bench na naroon sa labas mismo ng silid ni Annie. Siya namang dating ng buong pamilya.
"Dave!"
Narinig kong tawag ni Mama Anna. Nakita kong kasunod niya ang ibapang kapamilya na nagmamadali ring makalapit sa akin. Agad naman akong napatayo para salubungin sila.
"Kamusta si Annie? Okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong ng Mama ni Annie.
Huminga na muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong nito, "Okay naman po siya."
"Pero bakit siya nawalan ng malay Tito?" tanong bi Carol na may pag-aalala. Hinawakan ko muna ang balikat niya at tinapik ito. Para malaman niya na hindi ko siya sinisisi.
"She's okay, don't worry. Kaya lang ay hinimatay siya dala ng pagkahilo dahil siguro sa kalagayan niya," sabi ko sa mga ito. Pinagtakhan naman nila ang mga sinabi ko.
"Bakit? Ano bang kalagayan ni Annie?" tanong ni Gng. Anna.
Siya namang labas ng mga doktor na sumuri kay Annie mula sa kanyang silid. Lumapit kaagad ang mga ito sa amin.
"Congratulation Mr. Santivaniez!" sabi ng mga ito na lumapit sa akin.
"B-bakit ho Doktora? K-kamusta ho ba si Annie?"
Ang lahat ay naka abang naman sa sasabihin ng doktora sa amin patungkol sa tunay na kalgayan ni Annie.
"She's three weeks pregnant, pero dapat niyong malamang maselan ang pinagbubuntis niya," saad ng manggagamot.
"Doc. Ano pong bawal sa kanya?" tanong naman ni Dhino.
"Well, ibayong pag-iingat ang kailangan ninyong gawin. Bawal siyang ma-stress at mapwersa. Gagawin naman naming ang lahat para mapakapit ang bata sa tyan niya." sagot ng doktor.
"Doc. Okay na ba siya ngayon? Kailan naman siya pwedeng umuwi?" ako naman ang nagtanong.
" Sa tingin ko ay mga ilang araw pa, titingnan ko muna ang mga test result niya tapos sasabihoin ko na lang sa'yo." sagot nito sa akin.
Napakasaya ko na malaman na magkakaroon na kami ng anak. At nais kong alagaan lang siya sa maselan niyang pagdadalang tao. Kaya naman dinarasal kong walang mangyaring masama. Dinarasal kong mahuli sana nila si Edmon!   

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    Marnelli Dejino

    sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author

    25/08/2022

      0
  • avatar
    LV Villarino

    Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer

    27/07/2022

      0
  • avatar
    ElieYang

    Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.

    08/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata