CHAPTER NINETY

Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakingagan ang pasasalamat ng prisedente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang badong. Ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay napakaligaya ko na siya ang makasama sa buhay.
"Ngayon naman po ay tawagin natin ang taong ating paparangalan sa gabing ito, Mr. Santivaniez, our new hero!" napakasayang sambit ng announcer ng mga oras na iyon. At masayan namang lumapit si Dave, nakipagkamay sa mga panauhing pandangal na naroon at masayang nagbibigay ng gantimpala. May certificate at mga sobreng inabot sa kanya. Tapos ay binigay ang mikropono sa kanya para magsalita siya.
"Am...maraming salamat sa lahat ng narito, well talagang nagpapasalamat ako dahil isa ako sa mga naging dahilan upang mailigtas ang bansa o buong mundo, pero nais kong malaman ng lahat kung sino talaga ang mga tunay na bayani." At habang nagsasalita ay ipinapakita sa malaking screen na nasa likod niya ang mga larawan. Sa napakalaking screen ay isa-isang nagpa-flash ang mga larawan ng mga taong na-involve sa kaso. Una na si Shiela, Marvin, Churles, at buong broadcasting team niya, I.T group niya na walang sawang nagta trabaho para malo-cate lamang ang mga kinaroroonan ng mga kalaban. Pati mga taong nabihag.
"Sila po! Sila ang tunay na bayani ng ating bayan, alam ko pong maging kayo ay magagawa niyo ring maging bayani na hindi na kailngang may magbuwis ng buhay." At ang lahat ay napatayo at nagpalakpakan, hindi lang para kay Dave kundi para sa lahat ng naging bayani ng kwentong ito.
One month later:
Pagkatapos ng mga naganap na parangal para sa lahat ng taong nasangkot sa kasong iyon ay pinamahagi ni Dave ang salaping ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng pagtatayo ng Orphanage rito sa bansa. Ipinangalan niya iyon kay Marvin at Shiela. Ito ay tinawag na "MS ORPHANAGE" Kung saan ito ay pinamahalaan ng ama ni Shiela at mga kapatid. Liba doon ay kumuha pa sila ng ibang makakatulong. Ito ay bilang pasasamat kay Shiela. Natuwa naman ang ama at kapatid ni Shiela. Dahil alam ni Dave na maraming tulad ni Marvin na nangangailangan din ng kalinga ng mga magulang. Magulang na kaya silang mahalin at tanggapin.
Pagkatapos ng mga to bagay na ginawa ni Dave ay ang kasal namane namin ang hinanda namin. Sa aming tahanan ay isa-isa ko na ring hinahanda ang mga to damit na susuutin naming magpapamilya. Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Dave.
"Sweetie," bulong sa akin ng asawa kong hindi ko namalayang naka angkla na pala ang mga kamay sa aking bewang. Masuyo nitong hinagkan ang leeg ko, kaya naman nadama ko ang mainit nitong hininga.
"Sweetheart, ano ba naman iyan, diba nag promise tayo na sa honeymoon na natin uli gagawin iyan?" Napapangiti kong sabi sa kanya. At hinarap ko ang nanunuyo kong asawa.
"Sweetie naman, ginaya mo naman ang mga kaibigan mo, okay lang tayo kasi mag-asawa na tayo," nakasimangot na naman nitong sabi. Nakita ko ang mga labi nito na humaba.
"Ano...? Ibig mong sabihin sisira ka sa promise mo sa kanila, kina kuya?" natatawa siyang pinisil ang matangos na ilong ng kanyang asawa. Mas lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin kahit na nga labing-apat na taong gulang na ito ngayon. Kaya naman hindi na rin niya pinigilan ange sarili na pagbigyan ang kahilingan nito. At nang mga oras na iyon ay muli nilang pinagsaluhan ang masasayang oras nila dahil bukas ay muli silang susumpa sa harap ng kanilang pag-iibigan sa harap ng altar.
KINABUKASAN:
Alas-dos ng hapon ay naroon na kami sa Manila Cathedral sa intramuros. Dahil doon napili ng lahat na ganapin ang aming triple wedding. Si kuya Shiemen ay nakita kong dumating na rin kasama si Mama, gwapong-gwapo ito sa suot na puting amerikana. Si kuya Salmon naman ay naka dirty white barong na pawang gawa ng mga kilalang designer. Ang tanging hinihintay ko naman ay ang asawa ko na tila nagpahuli pa sa araw ng aming kasal. Habang nasa bukana kami ng simbahan ay ako ang pinaghintay ng asawa kong lalaki. Kami ng mga kapatid ko ay nasa unahan na. Si kuya Shiemen, si kuya Salmon at ako ang naka abang sa bride nila at groom ko.
Sabi nila ay ganon ang set up dahil natatakot si Dave na baka hindi na naman ako dumating. At tutal naman daw ay siya rin ang maghahatid kay Carol bilang pamang kin niya. Ngunit si Carol ay inihatid ni Leo na best man nila sa kasal. Napakaganda nito sa gown niya na kulay dirty white din kapares ng kanyang mapapang-asawa. Sumunod naman na lumakad patungo sa altar ay si Joan kasama ng kanyang ama na si Tito Arnold. Napakaganda rin niya sa suot naman niyang white gown. Samantalang ako ay naka pink gown na gawa rin ng mga kilalang designer. Dahil sa iyon ikalawang beses ko nang pagpapakasal kay Dave. Halos lahat ng mga bisita ay mga taong malalapit sa amin, at mga business partner nila sa kanilang negosyo. Imimbita ko rin ang mga kasamahan ko noon sa center at public hospital sa benguet noon. Sumunod na munang magsi rampa ang mga brides maid, kasama ng mga best man, mga abay, flower girl, ring bearer at ang iba pang mga bisita. Nagtataka naman ako kung bakit wala pa siya. Ang aking asawa. At ilang sandali lang ay nakita na namin itong lumalakad kasama ng aming anak na si Daniel at si Aven. Akay-akay siya ng kanyang mga anak. At hawak niya ang punpon ng mga puting rosas sa mga kamay niya. Nakatitig sa mga mata ko habang naglalakad palapit sa akin.
Ako naman ay napaluhang nakatingin din sa kanila. Naluluha dahil sa sobrang saya ko na nakikita ko ang mga mahal ko ngayon. Nang makalapit sila ay masaya niyang inabot sa akin ang bulaklak  at ibinuka ang kanyang braso upang makakapit ako at sabay na kaming lumakad patungo sa harap ng altar.
                ***** 
Makalipas ang ilan pang sandali ay natapos ang seremonya ng aming kasal at sa garden ng Santivaniez hotel kaming lahat humantong kasama ng bisita na dumalo sa aming kasal.
Kaming tatlo at nasa unahan na upang ihagis ang aming mga hawak na bulaklak. At ang mga single na babae ay naka-abang sa aming paghahagis ng bulaklak.
"Okay ready! One! Two! Three! Go!" Bilang ng lahat ng naroon hanggang sa ihagis na namin ang aming mga bulaklak.
Si Mica ang nasalo ng bulaklak ni Joan. Si Joy naman ang kay Carol. Samantalang ang bulaklak na inahagis ko ay nasalo ng isang serbidorang hindi ko kilala ang pangalan.
"Uy! Angie... Ang swerte mo, ikaw ang nakasalo ng bulaklak ni Ma'am Annie." narinig kong sabi ng isang kasamahan nito.
Nawa ay matulad siya sa akin na nakatagpo ng lalaking mamahalin at lubos na nagmahal din sa akin.
At lahat nga kami ay masayang nilapitan ng aming mga asawa. At masayan kaming binuhat ng mga ito. Na para bang nagmamadali na makaalis sa aming reception.
"Oh Sweetie...bakit magmamadali rin tayo?"
"Ha! Siyempre honeymoon din natin eh..." sagot ni Dave.
"Ah...mukhang naisahan tayo ni Dave," sabat nina to kuya Shiemen at Kuya Salmon.
At nagtawanan na lang kaming lahat.
Lahat kami ay sumakay na sankanya-kanya naming sasakayan at kumaway sa lahat ng bisita tanda ng aming pag-alis.
"Papa, Mama ang tagal niyo naman po..." tawag pa sa amin ng aming anak na si Daniel, maging si Aven ay nasa sasakyan na rin namin at naka masid sa amin.
Sumakay kami sa sasakyan at umalis.
              Wakas....

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    Marnelli Dejino

    sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author

    25/08/2022

      0
  • avatar
    LV Villarino

    Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer

    27/07/2022

      0
  • avatar
    ElieYang

    Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.

    08/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo