Homepage/Midnight Hunters/
Chapter 22
Hunter's POV
Bago umalis ay binalutan ko ang ulo nila ng tela, sinigurado ko din na matatakpan ang buhok at kalahati ng mukha nila. Hindi naman sila kilala ng mga tao, pero kung sakali mang ibalita ang pagka-wala nila ay hindi sila makikilala agad.
Naglagay din ako ng tela sa ulo, mabuti nalang talaga at may tela dito sa warehouse. Bago umalis ay sinuot ko muna ang binigay ni Hacker na bracelet, nang masiguradong maayos na ang lahat ay lumabas na kami. Naging alerto ako sa bawat pagtapak namin, hawak-hawak ko si Morgi at Willy, nasa harap ko naman si Yin na nangunguna nanaman sa paglalakad. Mabuti nadin na nasa unahan sya para mabantayan ko din sya.
“Saan tayo hahanap ng bus?” tanong ni Yin.
Hindi ko kabisado ang siyudad, pero may natandaan akong lugar kung saan may sakayan ng bus. Mabuti nalang naka-ikot kami ni Biker.
“Unang dating ko palang dito sa North Herlanion. Wala akong alam sa mga lugar dito pero may natandaan ako, medyo malapit ang lugar kung saan nakakasakay ng bus sa pinag hintuan natin. Pupunta tayo doon,” sabi ko.
“Mabuti natandaan mopa,” sabi Yin.
“Mabuti nga. Pero kung hindi naman natin alam, pwede tayo mag hanap gamit ang online map.” ang online map na sinasabi ko ay ang mapa sa bawat kalye na nakalagay.
Ito ay meron lang sa North Herlanion, wala kasi akong nakita sa North Town non.
Isa yung malaking screen na pwede ka mag-search ng lugar na hindi mo alam. Kawangis nya ang isang tablet na ang kaibahan lang ay ang laki at sukat.
“Ngayon nalang din namin ulit nakita ang siyudad nato,” sabat ni Willy.
Napalingon naman agad si Yin sakanya. Ngayon nalang ulit?
“Teka! Ilang buwan pala kayo nasa kamay ng Scientist na yon?” tanong ko.
“We're been a guinea pig for 3 years, ngayong buwan lang tuluyang natapos ang eksperimento samin,” sagot ni Yin.
Napatakip ako ng bibig ko. Ganon katagal? Nag halo-halo na ang nararamdaman ko. Galit, lungkot, awa, pighati at madami pang iba. Hindi ko talaga maisip na ganon ang pinagdaanan nila at ganon pa katagal.
“Don't be like that, we are fine now.” paninigurado ni Yin dahil sa reaksyon ko. Napailing-iling ako at bumuntong hininga.
“Ngayon sisiguraduhin ko na babalikan ko yung Mayor o Scientist na yon, kahit sino pa sya. Hindi ko papalampasin ang ginawa nya sainyo.” madiin kong sabi.
Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi nila.
“I know revenge is bad, but I'm happy to hear that.” sabi ni Morgi. Nakatingin lang sya sa daan at hindi lumingon sakin.
“Minsan ang hustisya na kailangan natin, ay nasa kamay pala natin mismo manggagaling.” napatingala ako sa bilog na buwan.
“Nang maging isa ako sa grupo ng Midnight Hunters, may importante akong natutunan, yun ay gawin mo ang ikabubuti sa iba at sa sarili mo kahit nasa mali itong pamamaraan.” mahina akong natawa.
“Bakit koba sinasabi ito sainyo? mga bata pa kayo.” sabi ko.
“We're not ordinary kids anymore,” sinipa ni Yin ang isang maliit na kahoy sa daan. Lumipad ito sa malayong distansya, lumingon ulit sya sakin.
“Habang naguusap pala kayo kanina, sinabi sakin nina Morgi ang pangakong sinasabi mo.” ngumiti sakin si Yin.
“Pangarap ko dati maging Mayor at pangarap ko padin yun hanggang ngayon.” hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.
Napalingon din ako kela Morgi para masigurado ang narinig ko, at tumango silang dalawa bilang pag tugon sa nag tatanong kong mga mata. Maliit akong ngumiti, hindi naman masama maging mayor kaya walang dahilan para sakin na kuwestyunin sya.
Ako nga ay pangarap lang magkaroon ng magandang buhay para samin ni Nanay at Jane, pero ngayon nang mawala sila parang nawalan nadin ako ng pangarap.
“I remember when we we're kids– I mean like I was seven years old and Morgi and Willy are a lot younger, we used to look at the palace. Being a mayor gets to live in that huge place and us just living in the streets wants to experience living in a place like that.” napayuko sya.
“That's my dream,” bulong nya.
“What is dream again?” tanong ni Morgi.
Kumislap ang Lacrima sa dibdib nya. Napatiim bagang ako, nilalamon nanaman ang katawan nya ng bagay nayan. Gusto kong alisin yan pero hindi ko alam kung paano.
“Hindi napo maaalis sa katawan namin ang Lacrima.” sabat ni Willy sakin nang makita nyang nakatingin ako sa Lacrima ni Morgi, parang nabasa nya ang iniisip ko.
Wala na talaga, kailangan ko nalang tanggapin na hindi na sila normal na mga bata ngayon.
“Dream?” sabat ni Yin at napalingon samin mula sa likod nya.
“Dream is the first thing people abandon when they get to understand how the world works.” simpleng sabi ni Yin.
Hindi ko magawang rumebat kasi sa totoo lang… may punto sya.
“Some don't even have dreams.” dagdag nya pa.
“Kaya maging proud kayo, dahil meron kayong pangarap at mas magiging proud pa kayo sa sarili nyo pag natupad nyo yon.” sabi ko habang malawak na nakangiti.
Natuwa sila kahit hindi masyadong halata, hindi umaabot sa mga mata ang ngiti nila. Ilang minuto kami naglakad, nag usap-usap lang din kami para malibang kahit papaano.
Kada lakad ay dumadami ang mga taong nakakasalubong namin, dinikit kopa sina Yin sa tabi ko. Baka mahablot sila sakin ng hindi ko namamalayan. Tahimik sina Yin habang hinahanap ko ang sakayan ng bus, pilit ko lang tinitignan kung aling lugar ang pamilyar saakin.
Nang makakita ako ng sign na may larawan ng isang bus ay halos mapatalon ako sa tuwa. Agad ako lumapit doon, papasok na sana kami nang pinigilan ako nang kundoktor. Nilahad nya sakin ang kamay nya na parang may hinihingi.
“Ticket please.” sabi nya.
Muntik nako mapatampal sa noo ko.
“Ah wala kaming ticket.” sabi ko sakanya. May tinuro sya sakin, lumingon naman ako at nakita ko ang isang maliit na medyo may edad na babae na nagtitinda ng ticket.
“Doon kayo bumili Miss.” sabi nya.
Agad na kaming umalis sa harap nya dahil may mga nakapila pa sa likod. Napangiwi ako sa isang tabi.
“Nako! bibili pa pala ng ticket.” sabi ko.
“Wala akong dalang pera, bakit nakalimutan ko ang bagay na yun?!” napahilamos ako sa mukha ko.
Hindi din naman kasi ako nakakasakay sa bus, walang gaanong bus sa North Town. Kadalasan pagpupunta ako sa isang lugar ay nag lalakad lang ako, swerte nalang kung nakakakita ako sa pagtutulong sa mga kapitbahay namin para magkapera para makasakay ng bus o taxi.
“Tara na at bumili, matatagalan tayo pag tumayo lang dito. Look, there are a lot of people buying tickets in line.” sabat ni Yin sabay turo sa bilihan ng ticket.
“Nakalimutan kong wala akong dalang pera, ni-walang bulsa ang dress ko para paglagyan nyon.” ngiwi kong sabi at kinapa ang tagiliran ko kung may bulsa ba pero wala talaga.
Sumilay ang maliit na ngiti ni Yin at mukang natatawa naman ang dalawang kapatid nya dahil sa pagka-aligaga ko.
“Relax Hunter, we have it covered.” may kinuha si Yin sa bulsa nya at pati na ang dalawang kapatid nya.
Nakakita ako nang makakapal na pera. Nanlaki naman ang mga mata ko, may mga card pa sila kung saan pwede pagtaguan ng pera. Agad kong ipinatago yun sakanila at baka may makakita.
“Grabe naman pala ang binayad sainyo.” mahina kong sabi, halos mahimatay sa halagang hawak nila.
“20 billion lang naman.” sabi ni Willy.
Napa kurap-kurap ako at napahilot sa sintido ko.
“Nilalang mo pa ang 20 billion ah,” nakangiwi kong bulong.
“So ate Hunter, let's go.” hinawakan ako ni Morgi sa kamay para hilain papunta sa bilihan.
Gusto pang ibigay ni Morgi sakin ang makapal na perang hawak nya, na sinasabi nyang pwede daw ay saakin nalang yon. Umiling ako at sinauli ang perang binigay nya.
“Kumuha lang kayo ng saktong pera sating apat para makabili ng ticket, itago nyo ang iba. Wag mo na ibigay yan sakin, pag nakalabas kayo, magagamit nyo yan para makapag bagong buhay,” ngiti kong sabi.
Marahan kong ginulo ang buhok ni Morgi, ginawa naman nila ang sinabi ko at nilahad sakin ang saktong halaga para sa ticket.
“Ako na ang pipila, hintayin nyo ako ha?” sabi ko at tumango naman sila.
Lumakad na ako at nakipila. Ang haba na ng pili. Ang bilis naman kahit gabi, pansin ko lang din ay napaka busy sa North Herlanion, kahit gantong oras ay may mga tao pading nag tratrabaho. Hindi ko alam kung masipag ba sila o malaki ang pangangailangan.
Pinanood ko ang mga bumili mula sa pwesto ko, ang layo pa nang parte ko, mabuti nalang at mabilis umusad ang pila. Pagkabayad ay binibigay agad ng babae ang ticket. Inayos ko na muna ang tela sa ulo ko at maiging tinago ang kalahati ng mukha ko. Tumingin ako sa gawi nina Yin, nasa gilid lang sila at nanonood. Pasimple akong kumaway, napailing naman si Yin sa ginawa ko habang kumaway pabalik si Morgi at Willy.
Pausad ng pausad ang pila hanggang sa ako na ang bibili. Nang magsasalita na sana ako kung ilan ang bibilihin ko ay tumayo bigla ang babae.
“Naubusan ang supply ko ng tickets, kukuha lang ako sa kabilang bilihan. Pakihintay ako saglit,” binaba nya na agad ang metal roll up at lumabas sa tindahan.
Naiwan ang isang kamay kong balak na sanang mag abot ng bayad. Napabuga ako ng hangin, binaba ko ang kamay ko at napasandal sa tindahan. Ganon din ang naging reaksyon ng nakasunod sakin, dismayado.
Nilapitan naman ako agad nina Yin.
“What happened?” tanong ni Yin.
“Naubusan ng ticket, kailangan mag hintay.” napahalukipkip naman si Yin.
“That will take too much time, do you really want to wait?” tanong ni Yin at tinaasan ako ng kilay.
Napaayos ako nang tayo.
“Tama, sundan nalang natin ang babae at bumili na agad ng ticket.” hinawakan ko sina Morgi at tumakbo sa dinaanan ng babae.
“Alam ko dito sya dumaan, pupunta ata sya sa isa pang bilihan ng ticket sa kabila,” sabi ko.
Tumigil kami at kita namin ang babae sa may tabi nang isa pang tindahan. Pero hindi sya kumukuha ng stocks ng ticket kundi may tinatawagan.
Napakunot ang noo ko, napagisipan kong lumapit, sinenyasan ko sina Yin na wag maingay.
“May nakita po akong babaeng may kasamang tatlong bata, hindi ko kita ang mukha nila pero sigurado ako. Nararamdaman ko,” nanlaki ang mata ko.
Naging seryoso bigla ang mukha ko at tumalim ang tingin sa likudan ng babae.
“Bilisan nyo po, itetext ko nalang po ang lugar. Opo… opo Executor Ophelia, sige-sige po.” binaba nya na ang tawag. Huminga muna sya ng malalim bago tumalikod.
Nang makaharap sya sakin walang pagaalinlangan kong ginilitan sya sa leeg. Bukas na bukas ang mga mata nya at kitang-kita ang gulat sa mukha nya bago sya bumagsak sa lupa.
Walang emosyon ko syang tinignan at kumuha nang apat na ticket sa kamay nya.
Hindi ko alam na eto pala ang dahilan kung bakit umalis ang babae. Nahagip ng tingin ko ang Lacrima nya na ginawa nyang hikaw, marahas ko yung hinila sa tenga nya at sinira bago umalis dala ang ticket sa kamay ko.
Iniwan ko ang walang buhay nyang katawan, walang masyadong tao at nasa pinaka gilid lang sya. Hindi sya agad makikita, pero wala na akong pakealam kung makita man sya agad.
Galit ako at halos malukot ko ang hawak kong ticket. Muntik na kami, mabuti at sinundan namin ang babae nayun.
“I knew I smelled something fishy,” sabi ni Yin nang makabalik ako sa tabi nila.
“Alam mo?” tanong ko at medyo kumalma na. Tumango sya bilang sagot sa tanong ko.
“Morgi said there are still bus tickets inside, it's strange why she said she run out.” kibit-balikat nyan sabi.
Ngumiti ako, lumakad na kami pabalik. Pinunasan ko ang dagger na ginamit ko at sinilid ulit sa may lalagyan ng hita ko. Pasimple na kaming pumilang apat para makasakay na.
WEE-oww WEE-oww
Nakarinig kami bigla ng nakakabinging tunog ng sirena, umalingawngaw ito sa buong siyudad. Lahat kami napatakip sa tenga namin.
At bigla nang nag litawan ang mga imahe sa screen sa bawat building at TV ng North Herlanion.
BREAKING NEWS
We have finally caught the Hacker! The most dangerous criminal is now in the hands of the authorities. He's been put in a place for isolation, away from other criminals.
[The Hacker's Image.]
Recently, Justice court has made its decision. He has been sentenced to death.
Tomorrow night 8pm, it's the granular public execution for the Hacker. They will be live at the Public Herlanion Park with cameras near to film the special event for our Government and dear Executors. Be sure to watch as how he will suffer to death in an electric chair. The Hacker will be receiving 7000 voltages of electricity.
More information...
Nag hiyawan ang mga tao na parang may narinig na napaka gandang balita. Nakita ko ang imahe ni Hacker na naka piring, may busal sa bibig at may suot na kakaibang puting damit na nag didikit sa mga braso at binti nya para hindi sya makagalaw. Hindi pa sila nakontento at tinalian pa sya ng kadena.
Nabingi ako sa hinayawan ng mga tao at na blangko ang isipan dahil sa balita.
Totoo bato?
Si Hacker nahuli?
Paanong nangyare yon?
“Sya ang Hacker,” mahinang sabi ni Morgi.
“Tanda ko ang hubog ng katawan nya, buhok nya at hugis ng mukha, alam ko yon dahil natatandaan ko ang pisikal na anyo ng tao.” dagdag nya pa.
Napahaplos ako sa bracelet na nasa pulso ko. Hinawakan ko ang balikat nila at bumaba para pantayan sila.
“Kailangan kong bumalik.” nanlulumong sabi ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (663)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ganda ng story
10/11
0call of Duty
06/12/2024
0god
03/12/2024
0Tingnan Lahat