36

Nakita ko si Syrien na maraming dalang bagahe, sa dami ng dala niya ay aakalain kong dito na siya titira sa resort ni Dave.
Kumaway siya at pumunta sa gawi namin, hirap na hirap siya sa pagdala ng gamit niya kaya sinalubong na lang namin siya.
"What the fuck bro, magtatanan ba kayo?" Natawa ako sa sinabi ni Dave, ngumisi sa kaniya si Syrien at pumalakpak na parang ewan.
"Good idea, bro!" Nagngingising sabi ni Syrien, napailing ako sa biruan nila.
Nagkaroon muna kami ng attendance check bago namin nilagay ang gamit sa cottage, kumain muna kami, namahinga muna kami ng iilang minuto at nagsimulang idiscuss ng teachers ang activities namin.
Mabuti nalang at nagdala ako ng maraming extrang damit dahil may activities kami na gagawin sa dagat. Nakaalalay sa akin si Dave sa daan, medyo natatalisod ako dahil pumapasok ang buhangin sa tsinelas ko.
Nakita ko si AC na abala sa pakikipag-usap kay Syrien, they look both happy. Kahit halatang inaasar siya ni Syrien ay kalaunan ay tumatawa siya.
"Mayroong bonfire mamaya." Dave inform me, pinagpag niya ang kamay ko dahil may kaunting buhangin ro'n.
"Hmm... Walang activities?" Kuryoso kong tanong, base sa napapanood ko sa mga teleserye ay may ginagawa silang activities, katulad na lamang confession or saying flowery things about someone, minsan ay nagluluto ng marshmallow.
"I have no idea, pero kung wala naman... Pwede bang magstay muna tayo ro'n?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya, napakamot siya ng kaniyang batok.
"Bakit naman?"
"I just want to cuddle..." Nahihiya niyang sabi, bakas sa mukha niya ang pagpula ng pisngi. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Okay..." Pagpayag ko sa gusto niya.
Ang una naming nilaro ay calamansi game, dahil kaunti ang estudyante ng STEM students ay naging kakampi namin ang iilang HUMSS students, kasama si Dave ro'n kaya ang laki ng ngisi niya sa harap ko.
"Ipapasa mo ang calamansi using spoon, pero dapat nakagat mo ang dulo ng kutsara at ipapasa mo sa kakampi after makaikot sa nakatayong kakampi na'tin ro'n." Turo niya sa kaklase kong parang ewan na hinihintay magsimula ang laro.
"Alam ko Dave, naglaro na ako nito kapag may parlor game ang family reunion." I explained, halos ata ng tao naglaro na nito eh. Hindi niya na kailangan ipaliwanag sa akin ang mechanics ng laro
"Hmm... I'm just reminding. Baka sa labi mo ipasa imbis sa kutsara." Umirap ako sa sinabi niya. Wala talagang pinipiling lugar ang kaharutan niya! Pati sa camping ay dinala niya!
Nagsimula ang laro at grabe ang halakhakan ng mga kalahok. Halos mangalay ang panga ko kakagat noong kutsara, stainless kasi anng ginamit at hindi iyong plastic kaya mabigat.
"Shet ang sakit sa panga, ang layo pa!" Reklamo ni Dave. Hinilot ko ang panga ko para kahit papaano ay maghilom ang ngalay.
"Napakacompetitive mo naman, Benencio. Baka nakakalimutan mo na HUMSS student ka at hindi STEM." Sabi ng kaklase niyang lalaki na kalaban namin sa laro.
"Lol, manahimik ka diyan. Itatakwil ko na kayo." Biro niya sa kaklase.
Kami ang nanalo sa calamansi Gamez pagkatapos no'n ay hindi na ako sumali pa sa susunod na game dahil sa pagod. Si Dave naman ay nakikisali sa mga laro habang ako ay nanonood lang.
Dumating ang gabi at ang teachers ay gumawa ng bonfire, lahat kami ay nakapabilog ng matapos iyon. Nasa gitna namin ang bonfire habang pinapanood ang pagliyab no'n.
"Okay, good evening everyone. I know some of you all don't want this game. But since you attended here. Don't be such a KJ, okay?" Sir Alvaro said, he's currently holding a glass that has a candle inside.
"Ngayon, you guys will confess to someone or kapag wala naman kayong napupusuan. You can thank him or her or maybe if you did something wrong at that person... You can apologise..." Tumikhim siya. "Pero hindi kayo magn-name drop." He made us all sighed. "But you will give him or her this candle."
Naunang magconfess ang mga kaklase ko, they're all look at my place which made me confused.
"I'm sorry for not being a good classmate to you... for saying bad things to you... for dissiminating false rumors about you... I hope someday, you forgive me about the things i've done to you..." Catarina said while holding a candle, nakita kong nanginginig ang kamay niya at nabigla ako ng ibinigay niya sa akin ang kandila.
My classmates apologise about the wrongs that they've done to me. Pakiramdam ko ang maayos na pakikitungo nila sa akin ngayon ay nabunutan ako ng tinik. In the past several years, i experienced bullying, now that they make friends at me, i felt happy.
Today is our application for entrance exam in manila. Sa campervan kami ni Dave sasakay papuntang manila, kasama namin si Sirius at Ac, pati na rin si Tyra. We feel excited and nervous at the same time. Ito ang unang beses kong pupuntang manila, naiisip ko palang ang nagtataasang gusali ro'n ay bigla akong nanliit sa estado ng buhay ko.
Mayroong higaan ang campervan, ang sabi ni Dave ay pwede raw kaming humiga ro'n kung inaantok. It also has a comfort room where we can pee, may kitchen rin at two sets of dining table kung saan naman kami kakain.
I felt Dave hands held mine. Nakaupo kaming dalawa sa isang dining table. Nanlalamig na iyong kamay ko dahil sa sobrang kaba, kahit hindi pa naman ako mag-exam. Dahil sa paghawak ni Dave kamay ko ay kahit papaano ay uminit iyon.
"Ano kayang itsura ng Ateneo, UST at UP 'no? Feeling ko kapag nakapasa ako ro'n sa mga universities na iyon, eh ako na ang pinakamatalino!" AC exhilarated.
Malapit na matapos ang first sem namin ngayong grade 12, hindi balak ni Dave umuwi ng washington ngayong nalalapit na disyembre dahil sa paparating na entrance exam. Nagbabalak siyang magkasama kami ngayong christmas.
"I'm sure, AC will ace the exam. Valedictorian eh?" Tyra complimented, namula ang pisngi ni AC sa sinabi nito.
Alex is with us, ang kaso ay wala siya sa wisyo para makipag-usap sa amin. Kapag tinatanong ko naman kung anong gusto niya pero hindi siya sumasagot, o minsan naman ay umiiling lang siya.
"Kung saan ka mag-aaral ay ro'n na rin ako mag-aaral." Dave whispered. Umiirap ako.
Pagkatapos naming magcamping ay inasikaaso na namin ang oras namin para sa application ng entrance exam, lumiban muna kami ng klase para ipasa sa lahat ng university sa manila ang requirements. Wala namang problema sa grado namin at requirements ko, kaya wala akong naging problema ngayon.
"Pwede naman tayo magkita kung hindi tayo magkaparehas ng school, Dave...." Napanguso siya sa sinabi ko. Halata sa mukha niyang hindi siya sang-ayon sa desisyon ko.
Ayaw ko na mag-aaral siya sa hindi niya gustong school. Baka ay hindi siya ganahan pumasok, medyo nakakaenganyo pa naman mag-aral kapag nakapag-aral sa dream school.
Una muna naming pinuntahan na university ay ateneo, hindi naging matagal ang pagpasa ng application naming lahat. Namangha ako sa lugar dahil sobrang lawak, marami ako nakikitang international students na napapatingin sa may gawi namin kaya nakaramdam rin ako ng hiya.
"Gutom na ako, saan ba tayo kakain?" Tanong ni Syrien ng makalabas kami ng Ateneo. Kunot-noo kaming lahat na napatingin sa kaniya. Nagtataka dahil kakakain lang namin kanina ngunit gutom ka na.
"What the heck, Caldivar! Kakain lang na'ting lahat sa campervan, gutom ka agad. Ano bang alaga mo diyans a tiyan mo, sawa?" Puna ni Dave, Syrien make a face at him.
Nawala ang atensyon ko sa bangyan nila ng marinig kong may tumawag sa cellphone ko, ang numero ni mama ang lumitaw kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Joy! Joy!" Natatarantang sabi ni mama sa linya, agad akong nakaramdam ng pangamba.

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Xyrus Jhiro P. Pascual

    need diamond 250

    01/07/2024

      0
  • avatar
    Noname

    Hi authornim! Kamusta na kayo? Sana po masundan ang update inaabangan po namin kayo..

    02/05/2024

      0
  • avatar
    Joe Espayos Pura

    good

    21/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo