Homepage/THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFE/
PROTECTIVE HUSBAND
TYRONE’S POV
FUCK! Where’s Belle? Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone n’ya pero
out of coverage.
Calling Jimmy…
“Did you see her?” tanong ko kay Jimmy nang sagutin n’ya ang tawag
ko.
“Not yet, Sir—” Pinatay ko agad ang tawag nang marinig ko ang sagot
n’ya.
Shit! Sabi ni Jimmy kanina pupunta siya sa mall tapos after sa mall
nag-text siya kay Jimmy na pupunta muna siya sa bahay ng officemate
n’ya para maki-party. Pero bakit hindi siya tumawag sa akin o nag-text
man lang?
Ako ang asawa n’ya, ‘di ba? Dapat ako ang unang nakaaalam kung
nasaan siya! Hindi ‘yong malalaman ko lang sa butler namin kung saan
siya nagpupupunta!
This is the first time na hindi siya nagpaalam sa akin! Damn! At
grabeng party ‘to, ah. Mag-aala-una na ng madaling araw. Ni isang tawag o
text galing sa kaniya, wala! Psshh!
Narinig kong may humintong sasakyan sa labas. Agad kong tiningnan
kung sino ‘yon mula rito sa veranda ng kwarto namin ni Belle. May isang
lalaking bumaba. Kasunod no’n ay binuksan n’ya ang passengers seat.
Nakita ko ang asawa ko kaya agad akong lumabas at pinagbuksan sila ng
gate.
“Who the hell are you?” agad kong tanong sa lalaki. Medyo nagulat pa
siya.
“Ikaw ba ang asawa ni Belle?” tanong n’ya.
“Isn’t it obvious?” sabi ko.
I saw him smirk. Tumabi siya at nakita ko ang asawa ko sa
passengers seat na natutulog. Lumapit ako at nagulat ako nang
malanghap kong amoy alak ang asawa ko.
“What did you do to her?” baling ko sa lalaki.
“Wala akong ginagawang masama sa asawa mo. Baka ikaw meron,”
nakangising sagot n’ya sa akin.
“What?” kunot- noong tanong ko.
“Ipasok mo na siya sa loob para hindi siya mahamugan.”
Psshh. Whatever. ‘Yon naman talaga ang gagawin ko.
Binuhat ko na si Belle at pumasok na kami sa loob. Pero bago kami
tuluyang makapasok ay tinawag akong muli ng lalaking naghatid kay
Belle.
“Wait, Mr. Fournier.”
Napalingon ako.
“You should take care of your wife before its too late.” Pagkasabi n’ya
no’n ay umalis na siya.
Ano raw? May sapak yata ang isang ‘yon, eh.
BELLE’S POV
NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Nasaan
ako? Inilibot ko ang paningin ko. Nasa bahay ako! Paano ako nakauwi?
“So, you’re awake.”
Tumingin ako sa nagsalita, si Damuho. Nakaupo siya sa swivel chair
at nakatingin sa akin nang seryoso.
“Saan ka nanggaling kagabi?” tanong n’ya.
Napaisip ako. Saan ba ako nanggaling kagabi? Ang natatandaan ko
lang ay nagpaalam ako kay Jimmy na pupunta ng mall at sa isang party ng
officemate ko pero hindi naman totoo tapos… Tapos… Bar? Josh? Bakit
may imaginations ako tungkol sa bar at kay Josh?
Wala akong masyadong maalala.
“I’m asking you. Saan ka nanggaling kagabi?” tanong ulit ni Damuho
sa seryosong tinig. Nakakatakot tuloy siya.
“Sa party ng officemate ko,” pagsisinungaling ko.
“Kailan ka pa natutong magsinungaling?”
Hala! Paano n’ya nalaman? Nagulat ako pero agad kong itinago.
“Totoo ‘yon.”
“Minamaliit mo ba talaga ang kakayahan ko, Arabella? Sa tingin mo
ba’y wala akong mata ro’n sa office n’yo? Alam kong hindi ka nanggaling
sa party dahil wala namang party na nangyari. Kaya magsabi ka sa akin ng
totoo!” sigaw n’ya.
Aba, may gana pa talaga siyang manigaw? Eh, kung sumbatan ko kaya
siya sa mga pinaggagagawa n’ya?
Naalala ko ‘yong nakita ko kahapon. Bigla tuloy kumulo ‘yong dugo
ko at naikuyom ko ang aking kamao.
“So, sinasabi mong pinasusubaybayan mo ako kahit nasa opisina
ako? Gano’n ba?” asik ko sa kaniya.
“That’s not my point—”
“Eh, para kasing gano’n ang pagkakasabi mo, eh,” putol ko sa
sasabihin n’ya.
“That’s not the topic. I was asking if saan ka nanggaling kagabi.”
“Sa bar at kasama ko si Josh! Kontento ka na?” sarcastic kong sagot.
“Damn it, Belle! Siya ba ‘yong naghatid sa ‘yo kagabi? Nakipaginuman
ka sa lalaki na hindi mo kilala?”
“FYI, Josh is a good man. He’s my officemate at mabait siyang tao.
Kaya huwag kung ano-ano ang iniisip mo sa kaniya.”
“At bakit ka nakipag-inuman? Kailan ka pa natutong uminom? Sa
tingin mo ba’y magandang pakinggan ang makipag-inuman ang isang
babaeng may asawa sa ibang lalaki? Did that cross your mind? Hindi ka
rin tumawag o nag-text sa akin kung saan ka pupunta! Ako ang asawa mo,
Belle! Dapat ako ang unang nakaaalam kung ano’ng ginagawa mo o saan
ka pupunta! My God! Mababaliw ako sa pag-aalala sa ‘yo! Madaling araw
na pero tawag pa rin ako nang tawag sa ‘yo pero hindi kita ma-contact!
‘Yon pala’y may kasama kang iba! For Pete’s sake! Are you cheating on
me?!”
Ano raw? Cheating? Ako?
Biglang nag-init ang ulo ko. Ako pa talaga ang pinagbintangan n’yang
nagchi-cheat, ah.
“Wow, ha! Ano bang tingin mo sa akin? Isang makating babae? Na
matapos magpakasal sa ‘yo ay maghahanap ako ng ibang lalaking puwede
kong landiin? Damn, Knight! Alam mong hindi ako gano’ng klase ng tao!
Cheating is not my thing!” hinihingal kong sigaw. Saka ko siya tiningnan
nang masama. “Baka ikaw ang nagchi-cheat?”
“So binabaliktad mo ako? Ako na ngayon ang nagchi-cheat? God,
Belle! I love you! That I could even kill a person for you! Tapos sasabihin
mong I’m cheating? Ikaw nga ‘tong may kasamang ibang lalaki kagabi. Sa
tingin mo, ano kayang dahilan para makipag-inuman ka sa isang lalaki sa
bar na kayo lang dalawa?”
“Reason? You’re asking for a reason? It’s you, Knight! YOU are the
reason kung bakit ako nakipag-inuman kagabi! Gusto kong magpakalunod
sa alak para hindi ko maisip ang problema ko sa ‘yo! Bwisit ka!”
“Me? And why me? Wala naman akong ginagawang masama, ah!”
“Aba! Nagmamaang-maangan ka pa, ah! Hindi mo ba talaga alam? O
umaarte ka lang na walang alam dahil nahuli na kita? Letche!”
“What? And fuck! Will you stop cussing? Hindi kita maintindihan!
Damn it, Belle! Bakit ako na ngayon ang nasisisi?”
“Stop cussing ka riyan! Ikaw nga ‘tong nagmumura! And of course,
I’m not surprise! D’yan ka naman talaga magaling, eh! You always deny
everything! Kahit na nahuli ko na kayo ng babae mo!”
“Babae? Who? Me? Nambababae? Wala akong ibang babae, Belle! At
hinding-hindi ko gagawin ‘yon because I love you!”
“Sige! Deny pa! Bwisit! Bahala ka nga sa buhay mo!” Pagkasabi ko
no’n ay lumabas ako ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.
Narinig kong tinawag ako ni Tyrone pero hindi ko na siya pinansin.
Lumabas ako ng bahay at naglakad palabas ng subdivision. Pumara ako ng
taxi at sumakay. Doon muna ako sa bahay ni Serenity. Ayokong makasama
si Tyrone.
SERENITY’S POV
“BASTA, Sere, dito muna ako. Ayoko munang umuwi sa bahay, please?
Please, girlfriend?” pagmamakaawa ni Arabella.
Ikinuwento n’ya lahat ng nangyari sa bahay nila kanina. ‘Yong pagaaway
at pagsasagutan nila ni Tyrone. Kaya nandito siya ngayon sa bahay
ko. Dito raw muna siya.
“Hay! Ano pa nga bang magagawa ko?”
“Thank you, Sere. Thank you talaga.”
“Hindi ka ba papasok sa trabaho mo ngayon?”
Umiling siya. “Bukas na ako papasok. Gusto ko munang magpahinga
ngayon. Sobrang sakit pa kasi ng ulo ko, eh.”
Bumuntong-hininga ako. “Fine. Let’s go to your room.”
TYRONE’S POV
DAMN IT! What makes her think na nambababae ako? Hindi ko ‘yon
magagawa sa kaniya! Siya lang naman ang mahal ko at alam n’ya ‘yon!
Palakad-lakad ako rito sa kwarto namin habang iniisip ko ang
dahilan ng pagtatalo namin ni Belle. Other woman? Tss! Damn it!
Biglang nag-vibrate ang phone ko, tumatawag si Serenity.
“Hoy, loko ka! Nandito ang asawa mo sa bahay ko, umiiyak dahil sa
‘yo.”
Napabuntong-hininga ako. “Let me talk to her.”
“Natutulog siya. May hangover pa yata. Sino ba kasi ‘yang pinagaawayan
n’yo? Hay naku! Puwede ba, Tyrone, do something to solve this,
pati ako nabubulabog sa drama n’yo, eh!” inis na turan ni Sere.
“Sere, kilala mo naman ako, ‘di ba? Alam mo namang hindi ko
magagawang magtaksil kay Belle.”
“Eh, bakit sinabi n’yang may babaeng tumatawag sa ‘yo? Tapos
kahapon nakita ka n’yang may kasamang babaeng lumabas sa isang
Chinese restaurant?”
“What?”
“What-what ka riyan. Gumawa ka na agad ng paraan para magkaayos
na kayo. Sige na, ibababa ko na ‘tong telepono. May gagawin pa ako. Bye!”
Pagkatapos naming mag-usap ni Sere ay napaisip ako. Babae?
Chinese restaurant? Wait, si Tanya? Nakita n’ya kami ni Tanya?
Napangiti ako bigla. Parang nawala lahat ng inis at galit ko. Si Tanya
lang naman pala ang pinagseselosan ng asawa ko, eh.
Tanya is not my other woman. Hindi ko ‘yon magagawa kay Belle.
Hindi ko lang muna puwedeng ipakilala si Tanya ngayon sa kaniya
because I have plans and surprises for her. Tch!
BELLE’S POV
“HOY, babae! Why are you absent yesterday? Hindi mo ba alam na
sandamakmak ang trabahong iniwan mo? Ano ng gagawin mo riyan?
Tambak na ang trabaho mo ngayon. Matatapos mo kaya lahat ‘yan
ngayon?”
Lecheng babae ‘to! Kararating ko pa lang ganiyan na agad ang
ibubungad n’ya sa akin. Bigwasan ko siya riyan, eh.
Wala ako sa mood ngayon. At ang lokong damuho, hindi man lang
talaga ako sinuyo mula nang umalis ako ng bahay. Dagdagan pa ni
Zoraidinosaur na kung makasigaw ay wagas!
Hindi ko nga siya pinansin. Tingnan natin kung sino’ng mapapagod
sa kasasalita riyan.
“Hoy, babae! Naririnig mo ba ako?”
Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang ang mga folder na nasa table
ko. Inisin ko kaya ‘to?
Kumuha ako ng MP3 player at headset, inilagay ko ‘yon sa tenga ko at
nagpatugtog. Siguro ako, kahit na hindi ako tumingin, ‘yong ilong ni
Zoraidinosaur ay umuusok na sa galit. Well, paki ko ba sa kaniya? Hindi
siya ang nagpapasuweldo sa akin dito kaya ba’t ako matatakot sa kaniya?
Psshh!
ooOoo
“GUYS, nakita n’yo ba ‘yong bagong shareholder ng company? Grabe! Ang
guwapo at ang tangkad! Ang ganda pa ng pangangatawan. Crush ko na
nga siya, eh!” sabi ni Mizzy habang kumikislap ang mga mata.
Lunch break namin ngayon at magkakasama ulit kaming kumakain.
“Talaga? Sayang hindi ko siya nakita! Sabi pa naman ng iba mukha
siyang artista. Pang-model daw ang dating,” sabi naman ni Liza.
“Ay, naku! totoo ‘yon, girl. Sayang hindi mo talaga siya nakita,” sabi ni
Mizzy.
Panay ang subo ko sa pagkain ko at nakikinig lang ako sa pinaguusapan
ng dalawang ‘to hanggang sa maisipan kong magtanong.
“Naitanong n’yo ba kung ano’ng pangalan?”
“‘Yon nga, eh. Walang nakaaalam, parang ‘yong mga may matataas
lang na posisyon ang nakaaalam,” nanghihinayang na sabi ni Liza.
“At saka meron pa, si Miss Zoraida. Grabe kung makadikit do’n sa
bago nating shareholder. Halatang nagpapa-cute! Eh, hindi naman siya
cute. Grabe talaga ang babae ‘yon! Kung sino-sino ang pinapatulan
makakuha lang ng yaman at kapangyarihan.”
Nag-excuse ako sa kanila sandali at nagtungo sa banyo.
Pagkatapos kong mag-banyo ay napadaan ako sa isang conference
room. Glass wall ito kaya nakikita ko ang loob. Laking gulat ko nang
makita ko kung sino ang nasa loob. Si Tyrone! Kasama n’ya ang mga
personnel ng pinapasukan kong kompanya at si Miss Zoraidinosaur.
Imposible! Siya ba ang tinutukoy nilang bagong shareholder? Kung
gano’n ay empleyado pala ako ng sarili kong asawa?
Tumalikod na ako bago pa man n’ya ako makita. Bumalik ako sa table
namin.
“Oh, Belle, ba’t ang tagal mo?” tanong ni Liza.
Hindi ko siya sinagot at binalingan ko si Mizzy.
“Sabihin mo, Mizzy, ang bago ba nating shareholder ay isang lalaking
chinito, medyo maputi, at matangkad?”
“Oo. Nakasuot siya ng itim na suit kanina. Bakit? Nakita mo ba siya?”
sagot ni Mizzy.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano bang plano ni Tyrone? Bakit
nakipag-negotiate siya rito sa kompanyang pinapasukan ko? Seriously?
Anong klaseng laro ba ‘tong gusto n’ya?
“Belle, okay ka lang?” tanong ni Liza nang mapansing hindi na ako
nagsalita.
“Ah, oo naman,” tipid kong sagot.
“Lagi kang natutulala, eh.”
“May iniisip lang ako.”
“Nag-usap na ba kayo ng asawa mo?” tanong naman ni Mizzy.
“Not yet. Pero mag-uusap kami.” Saka ako ngumiti.
“Tama ‘yan. Mag-usap na kayo para magkaayos na kayo. Para hindi
ka na rin nahihirapan,” payo ni Liza sa akin.
“Thank you sa concern, guys.”
ooOoo
MULA SA table ko’y kitang-kita ko ang pagme-make up ni Zoraidinosaur
sa kaniyang sarili. Sino ba ang pinagagandahan n’ya sa gitna ng trabaho?
Wala na siyang ginawa kundi magpaganda. Tapos kapag naaalanganin
siya sa oras ay ipinapasa n’ya sa akin ang trabaho n’ya. Walang hiya
talaga.
May pumasok sa office namin, isa pang dinosaur na puno ng kolorete
ang mukha. Ka-vibes siya ni Zoraidinosaur. Psshh, hula ko
magkukuwentuhan na naman ‘tong dalawang ‘to.
“Girl, kumusta ang meet up n’yo ni Mr. Fournier?” rinig kong sabi ng
dumating, si Miranda. Nagpantig ang tenga ko. Si Tyrone ba ang tinutukoy
n’ya?
“And oh, wait. Fournier din siya, ‘di ba? Are they related to each
other?” dagdag pa n’ya. Alam kong ako ang tinutukoy n’ya.
“Yes, she is. But I think, they’re not related to each other. So, I don’t
have to worry. Baka nagkataon lang na they have the same surnames,”
rinig kong sagot ni Zoraida.
Ha! Tingin mo lang ‘yon!
“Ah, I see. So kumusta nga kayo?” tanong ulit ni Miranda.
“I think he likes me. Because the way he looks at me, parang full of
needs and wants. Naakit ko agad siya sa alindog ko,” malanding sabi ni
Zoraidinosaur.
Wait, kung si Tyrone ang pinag-uusapan nila, malabong magkagusto
ang asawa ko sa kaniya, ‘no! Psshh!
“So, ano ng next step?” kinikilig na tanong ni Miranda.
“Niyaya ko siya sa isang dinner mamaya at pumayag naman siya.”
“Oh, talaga? Congrats, girl! Ikaw na talaga!”
Narinig ko na parang nag-apir pa sila.
“Syempre naman. Tataas na naman ang posisyon ko nito. At
makabibingwit pa ako ng isang ubod ng yaman at napakasarap na lalaki.”
Ha! Goodluck na lang sa ‘yo, slut!
Tumayo ako nang padabog na ikinagulat na nilang dalawa. Paki ko
ba? Saka ako nagtungo sa labas ng office. Hindi ko kaya ang pinaguusapan
nila. Knowing na pumayag makipag-dinner ang asawa ko sa
isang kagaya ni Zoraida? Hindi ko talaga kaya! Ibang babae noong isang
araw tapos mamaya, iba na naman.
‘Yong totoo? Ano na ba talagang nangyayari sa asawa ko? Nakakainis!
TYRONE’S POV
PINAUNLAKAN ko ang invitation ni Zoraida na isang dinner mamaya. I’ve
heard the report mula sa mga mata ko sa loob ng office nila. She’s not
treating my wife well that’s why I have plans for her. Because I’ll get rid of
those people na nananakit sa asawa ko.
ooOoo
“SO, MR. Fournier, what are the things you like?” tanong ni Zoraida.
“Well, I like traveling, hocking, extreme adventures, snow boarding,
but most of all… making money,” nakangising sagot ko.
Napangiti siya nang malapad. “Oh, well wow! Hindi halata na mahilig
ka sa gano’ng bagay. Ang akala ko kasi puro business lang ang iniisip mo.
So, what is your secret to your success?”
Natawa ako. “What is this? A date or an interview?”
“Hindi ko kasi alam kung ano’ng itatanong ko. I’m in front of one of
the most powerful men in the whole Asia, kaya medyo naiilang ako.”
“Well… competent, honest, hardworking, and loyal people, Miss
Zoraida. If you have the right people by your side, then you will succeed.
The key is not just the boss, but the most important pieces are the
employees because, without them, the company wouldn’t work. One
person cannot do all the jobs. But of course, a great and smart leader is
needed to reach the top. And you don’t have to be uncomfortable with me,
tao lang din naman ako. Hindi ako nangangain, nangangagat lang,” I said seductively.
I smirked nang makita ko kung paano kiligin ‘tong si Zoraida. Psshh!
I’m just doing this for my wife. Ang totoo, gusto kong iuntog ‘tong babaeng
‘to dahil sa pagpapahirap n’ya sa asawa ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (180)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
29/04
0nice story 🥰🥰🥰
13/09/2025
0subrang ganda talaga as in
04/01/2025
0Tingnan Lahat